ホーム / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 6 - Walang Naniniwala (Part1)

共有

Chapter 6 - Walang Naniniwala (Part1)

作者: Alshin07
last update 最終更新日: 2025-02-12 01:44:29

Kaagad na binitiwan ni Denver ang hawak na baso na may lamang juice. Nilapitan niya ako at masamang tiningnan na parang mortal na kaaway. Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan niya na ako. "Manahimik ka na lang! Alam mo, Ria, bakit hindi ko napansin noon pa na napakakitid niyang utak mo? Step-sister ko si Nica at kapatid mo siya. Dahil lang sa kwintas ay nagkakaganyan ka? Bakit hindi mo na lang siya pagbigyan?"

Napahigpit ang hawak ko sa kwintas na inabot sa akin kanina ni Monica. Pakiramdam ko ay tumagos sa balat ko ang pendant ng kwintas dahil nakakaramdam na ako ng kirot at hapdi. Hindi ako makapaniwalang nanggaling ang mga salitang iyon mismo sa bibig ni Denver.

Ang kaninang mga paliwanag na dapat sana ay sasabihin ko ay nanatili na lang sa mga labi ko at hindi ko na maibuka pa ang bibig ko. Nakatitig lang ako kay Denver. Matagal ko na siyang kilala pero sa mga oras na iyon ay para siyan ibang tao at nakakaramdam na ako ng pagkatakot sa kanya.

Simula niyon ay lagi nang hadlang sa relasyon namin si Monica.

May pagkakataon na bibigyan ko ng regalo si Denver at sa susunod na araw ay bibigyan din siya ni Monica ng regalo na katulad ng sa akin. Higit sa lahat pati sa pananamit niya ay nagbago na rin siya. Mahilig siya sa mga dark colors, pero ngayon ay matitingkad na kulay na ang sinusuot niya.

Noong nakaraang taon ay umalis ng bansa si Denver para tingnan ang isa niyang proyekto. Nagkaroon ng lindol sa kinaroroonan ni Denver at nagka-landslide pa.

Nang malaman ko ang nangyari ay nag-book kaagad ako ng ticket. Pero hindi ko alam na tinago ni Monica ang passport at visa ko. Nang mga sandaling iyon ay hindi ako makasakay ng eroplano kahit may koneksyon naman kami. Nang araw ding iyon ay lumipad si Monica papunta sa lugar kung na saan si Denver.

Dahil sa lakas ng lindol ay maraming tower ang naapektuhan at halos walang maayos na komunikasyon sa lugar kung nasaan si Denver. Kaya wala akong balita sa kanya. Sa sobrang pag-aalala ay kahit ilegal na gawain ay pinasok ko ng mga panahong iyon. Dahil na rin sa koneksyon ng pamilya namin ay nakapuslit ako sa isang barko. Iyon nga lang ay pitong araw ang mangyayaring paglalayag sa karagatan. Wala na akong pakialam noon sa kung gaanon kadelikado ang gagawin ko. Ang mahalaga lang sa akin ng mga sandaling iyon ay ang makita si Denver at malaman kung ano na ang kalagayan niya.

Sinalo ko yata ang lahat ng kamalasan noon dahil nagkaroon pa ng tsunami. Kaya nawasak ang sinasakyan kong barko at nalunod pa ako. Mabuti na lang at may isang mabait na tao ang nagligtas sa akin. Kung hindi ay tuluyan na akong lalamunin ng dagat noon.

Ilang araw din iyon bago ako nakabalik sa amin. Ang saya ko pa nang makauwi ako noon dahil nga sa ligtas ako buhay akong nakauwi. Pero ganoon na lang ang gulat ko na halos lahat ng tao ay ang sama ng tingin sa akin— na para bang isa akong kriminal na hinatulan ng kamatayan.

Galit na galit akong kinompronta nina Mama at Papa.

"Nalagay sa alanganin ang buhay ni Denver at ito ka, masayang-masaya! Ni hindi ka man lang nag-alala! Tapos nag-sea tour ka pa! May puso ka pa ba? Ha!" sigaw ni Mama sa akin na halos ikinalukso ng puso ko.

"N-Nagkakamali kayo, M-Mama..." depensa ko sa sarili. "Tinago ni Monica ang passport ko kaya hindi ako makasakay ng eroplano. At hindi po ako nag-sea tour, Mama. Sumakay talaga ako ng barko para puntahan si Denver."

"Bakit nagsisinungaling ka na naman, Ate Ria? Nag-sea tour ka talaga para magsaya," saad ni Monica sa mababang tono at pinaamo niya pa ang kanyang mukha. "Nasa drawer mo ang passport mo. At bakit ko naman itatago ang passport mo?"

Nang mga sandaling iyon ay hindi ko na alam kung paano pa ipagtatanggol ang sarili ko. Idagdag pang kagagaling ko lang din sa isang agaw-buhay na sitwasyon, pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Alam kong kahit ano pa ang gawin kong pagpapaliwanag ay wala rin namang maniniwala sa akin.

Nilingon ko si Denver na kanina pa blangkong nakatingin sa akin. Kaagad ko siyang nilapitan at hinawakan sa mga kamay niya. "Makinig ka naman sa akin, oh... Kaagad akong nagpa-book ng ticket nang marinig ko ang balita. Pero tinago ni Monica ang passport ko! Muntik pa nga akong—"

Marahas na inalis ni Denver ang kamay kong nakahawak sa kamay niya— na para bang nandidiri siya sa akin. "Hindi ko hiniling sa iyo na puntahan mo ako, pero sana hindi ka na nagsinungaling pa! Alam mo bang buong tapang na hinarap ni Monica ang takot niya at tumulong sa paghukay? Kung hindi pumunta si Nica, malamang ay nilamon na ako ng lupa!"

Ang mga kamag-anak namin na naroroon ay kaagad na dinaluhan si Monica. Habang kung ano-anong masasakit na mga salita ang binato nila sa akin. Wala raw akong puso. Isa raw akong malupit na tao. Isa raw akong ahas na nagpapanggap na tupa.

Hindi ko sukat akalain na mararanasan ko kung gaano kasakit ang mga salita kaysa sa pisikal na sakit. Walang pasa o dugo pero unti-unti namang lulunurin sa kalungkutan at poot ang puso mo— na gugustuhin mo na lang ang mamatay.

Si Monica ang tinuring na prinsesa at siya lagi ang napupuri. Samantalang ako naman ang tagasalo sa lahat ng marurumi at mapanakit na mga salita.

Nagkaroon na rin ng distansya ang relasyon namin ni Denver. Napagod na ako at kinalimutan na lang ang pangako namin sa isa't isa. Kinompronta ko siya.

"DJ... huwag na nating ituloy ang kasal."

Nakita ko sa mga mata ni Denver ang pagkagulat. Hindi niya yata inaasahan iyon. Dahil alam niyang mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang iwan. Kaya normal lang na magulat siya sa narinig mula sa akin.

"N-Nagbibiro ka ba?" pilit siyang ngumiti at seryoso akong tiningnan.

"Ginawa ko na ang lahat para sa relasyong ito," malumanay at kalmado kong sabi. "Ayaw kong umabot sa puntong kahit ang pagkakaibigan natin ay mawala rin. Itigil na natin ito habang hindi pa tayo ganoong kagalit sa isa't isa."

Napansin niya yatang seryoso ako at hindi nagbibiro kaya bigla na lang siyang nataranta. "Ria, naman. Alam mo namang mahal na mahal kita."

"Kahit kailan ay hindi ako nagduda sa pagmamahal mo sa akin," kalmado ko pa ring sagot. "Pero natatakot na ako ngayon, na baka hindi na ganoon katibay ang pagmamahal mo sa akin."

Dahil may isa ng Monica Shane De Leon sa pagitan ng relasyon natin. Alam kong nakuha niya ang kung ano mang pinupunto ko.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Kung tungkol ito kay Monica, kapatid lang ang turing ko sa kanya, Ria. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay, alam mo iyan."

Simula ng araw na iyon ay siya mismo ang lumayo kay Monica. Nag-effort siyang kuhanin muli ang loob ko at bumawi sa lahat ng mga masasakit niyang sinabi sa akin. Higit sa lahat ay siya rin ang nanguna sa paghahanda para sa kasal namin.

Akala ko ay iyon na ang pag-uumpisa naming muli ni Denver. Akala ko ay magiging masaya na kami. Akala lang pala ang lahat.

Dahil bigla na namang nagbago ang lahat tatlong buwan na ang nakalilipas...

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (4)
goodnovel comment avatar
Cynthia Galvez Bangga
Tagalog version po ito ng EVEN AFTER HER DEATH ". Si Chloe and Luke. Ang sister niya is is ANA.
goodnovel comment avatar
Enen Tinod
hindi naman totoo ang kwentung eto walang patay na bubuhay pang muli sa mundo doon ka na mabubihay sa kabilang buhay na walang hanggan
goodnovel comment avatar
Nhing Nhing
hahhaha sa dami ng pahirap at pasakit ng na naranasan nya ayon mamatay din pala sya...grabe super kawawa naman sya...so si monica ata ung bida dito
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 100 - Ang Estatwa

    Nais ko sanang gabayan si Vicento na alamin ang tungkol sa estatwa sa isang hindi direktang paraan.Pero ang pakiramdam na makita ang may-ari ng katawang mayroon ako ngayon at ang kawalan ng kontrol sa aking emosyon ay nakakapanindig-balahibo. Para akong hinihigop pabalik sa kadiliman at wala akong magawa.Marami pa akong kailangang gawin at marami pa akong gustong malaman pero parang hindi ko na hawak ang sarili kong kapalaran. Hindi ako ang may kontrol sa mundong ito at napakaliit lamang ng magagawa ko.Sa huling pagkakataon ay sinubukan kong ipaalam kay Vicento ang katotohanan.Mabilis akong hinawakan ni Vicento sa magkabilang braso. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kaba at pag-aalala sa kanyang malamig na mukha. "Ria, sabihin mo nang malinaw. Anong n-nangyayari? Paano mo nasabi ang mga iyon?"Binuka ko ang aking bibig upang magsalita pero sa mismong sandali na naghiwalay ang aking kaluluwa at katawan ay parang pati ang hangin sa paligid ay nawala.Wala na akong oras upang mag

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 99 - Dito Na Ba Magtatapos?

    Simula nang mabuhay muli ako sa isang buhay na katawan ay hindi na ako malaya gaya noong isa pa akong ligaw na kaluluwa.Hindi ko na maitago ang sari-saring pakiramdam sa puso ko. Sa isang iglap ay bumaha ang lahat ng damdamin sa kaloob-looban ko— tulad ng isang kabayong malaya sa malawak na kapatagan, tulad ng tubig sa ilog na rumaragasa tuwing tag-ulan, tulad ng hanging walang makakapigil.Napakatinding emosyon at hindi ko na iyon makontrol.Humina ang tunog ng hangin sa paligid ko at halos hindi ko na naririnig ang sinasabi ni Nica na kararating lang din.Tulad ng isang parola sa gitna ng kadiliman, ako naman ay isang munting bangka na inaanod sa malawak na karagatan. Hinila ako nito. Hindi ko namalayan ay unti-unti akong lumapit.Nang makarating ako sa tapat ng estatwa ay napansin kong natatakpan ito ng mga dahon. Dumagsa ang mga luha ko at bumagsak ang isang dahon sa ilalim ng aking mga paa. Tinignan ko lang iyon.Sa mga sandaling ito ay iniisip na marahil nila na wala akong paki

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 98 - Mapanuksong Ria

    Itinago ko ang kaba sa puso ko at lumapit kay Vicento saka pilit na pinalambing ang boses ko. "Vicento."Nang mapadaan ako sa tabi ni Denver ay hindi ko maiwasang mapansin ang bahagyang kirot sa kanyang mga mata.Alam kong kahit papaano, naaalala pa rin niya ako bilang si Ria De Leon. Ang pagkamatay ko ay naging isang multo sa kanyang isipan— isang bangungit na bumabagabag sa kanya. At ngayon na bigla siyang nagkaroon ng isang 'tita' na kamukhang-kamukha ng namayapa niyang asawa. Siguradong hindi siya komportable at sa kada tingin niya sa akin ay bumabalik sa kanya ang mga alaala ng isang Ria De Leon.Tumingin sa akin si Vicento at halatang nagtataka kung ano na namang kalokohan ang ginagawa ko.Ngumiti ako at marahang nagsalita. "Pwede ba tayong pumunta sa bahay nina Denver at Ria mamaya?"Hindi siya sumagot kaagad. Sa halip ay mas lalo pa niya akong sinukat ng tingin. At doon ko ginamit ang paraang alam kong masusurpresa ang lahat."Gusto ko nang magkaroon ng bahay kasama ka. Iyong

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 97 - Hindi Pa Oras

    Minsan malinaw ang tingin ni Denver, minsan naman ay naguguluhan. Halata sa kanya ang pagod— hindi lang sa katawan kung hindi pati sa isipan. Matagal na niya akong hinahanap at dahil doon ay litong-lito siya ngayon. Minsan, nakikita niya akong si Ria Canlas. Minsan naman, si Ria De Leon.Sa kalituhan niya ay parang wala siya sa sariling sumagot, "Sige."Ngumiti ako nang matamis. "Salamat! Ah, Denver, bakit hindi ko nakikita ang asawa mo? Si Miss Ria."Pagkarinig ng pangalan ng Ria ay unti-unting luminaw ang mga mata ni Denver na para bang saka niya pa lang napagtanto ang lahat. Hindi siya sumagot. Alam kong hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat."Tita, may pinagdadaanan lang si ate ngayon. Medyo gabi na rin, tara na sa hapunan." Mahigpit akong hinawakan ni Nica sa braso na para bang gustong ipakita na malapit kami sa isa't isa.Kaya naman ay dahan-dahan kong binawi ang kamay ko at tahimik na naglakad papunta kay Vicento. "Halika na, Vicento."Sa harap ng iba ay malambing k

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 96 - Kunwari Close

    Nakatitig si Nica sa akin. Halatang natigilan at kitang nanginginig ang kanyang mga balikat. Kung ikukumpara sa iba ay siya ang pinakasanay magtago ng emosyon. Pero ngayon ay siya rin ang pinakaapektado.Paano ba namang hindi?Habang ang iba ay nag-iisip pa kung totoo ngang patay na ako, siya mismo ay alam ng patay na ako. Nasa tabi siya noong itinapon ang katawan ko at siya mismo ang kumuha ng litrato bilang patunay. Kaya ngayong nakikita niya akong nakatayo sa harap niya at nakasuot pa ng isang matingkad na pulang coat... Sa paningin niya, hindi ba at parang bumangon ako mula sa hukay?Kung tutuusin ay masuwerte pa siya at hindi siya napasigaw sa takot.Pero kung siya ay natatakot, mas matindi ang nararamdaman ko. Ang galit na matagal kong kinimkim ay parang isang bulkan na handang sumabog anumang oras. Mahigit isang buwan kong nasaksihan ang lahat gamit ang matang hindi nila nakikita. At sa lahat ng taong bumago ng buhay ko, si Nica ang nagdala ng pinakamatinding sakit sa akin.Noo

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 95 - Hello Traydor!

    Walang pag-aalinlangang ipinakita ng matanda don ang kanyang pagkainis kay Nica. "Anong pamangkin? Hindi siya bahagi ng pamilya Victorillo. Kaya hindi mo na kailangang intindihin ang isang iyon."Nagkibit-balikat ako at magpapaliwanag pa sana pero bago pa ako muling makapagsalita ay naramdaman kong may malamig na titig na bumagsak sa akin. Nang lumingon ako ay si Vicento iyon. Nagsalita siya sa malamig na tono. "Dapat mong palitan ang tawag mo sa kanya. Tawagin mo siyang 'Papa'."Napalunok ako. Napakabilis niyang makaramdam ng kahit pinakamaliit na pagbabago. Wala namang iba pang nakapansin pero siya— siya lang ang nakahalata.Kahit ako mismo ay hindi pa sanay. Kaya hindi madaling baguhin iyon sa isang iglap. Pero mabilis akong natauhan. Muntik ko nang mailagay ang sarili ko sa alanganin.Pilit kong pinakalma ang sarili at ngumiti kay Vicento. "Ah, pasensya na. Nakasanayan ko lang. Kasi halos magkasing-edad lang sila ng lolo ko.""It’s fine," sagot ng matandang don. Mukhang hindi nama

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status