Beranda / Romance / Rejected Wife of A Heartless CEO / Chapter 83 - Scene Of The Crime

Share

Chapter 83 - Scene Of The Crime

Penulis: Alshin07
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-21 11:05:44

Matagal na tinitigan ni Officer Ramirez ang estatwa bago siya nagsalita. "Bakit ang laki ng pagkakahawig nito kay Miss De Leon?"

Napatingin ako kay Denver at hinihintay ang sagot niya. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "Alam ng gumawa nito kung gaano kalalim ang relasyon namin ng asawa ko kaya ginamit niya ang mukha ng asawa ko bilang batayan sa estatwa."

Napatingin ako muli sa estatwa— ang sarili kong mukha. Akong-ako talaga ito.

Kumunot ang ni Officer Ramirez. "Ang kulay ng estatwa..."

Hindi naman konektado o wala siyang kaalaman sa sining pero halatang may bumabagabag sa kanya.

Kadalasan sa mga estatwa ay yari sa bato, plaster, o tanso. Sa mga templo naman ay karaniwang may halong tunay na ginto ang mga rebulto. Pero ang estatwa na ito ay may kakaibang kulay. Maputi pero may bahagyang kulay ng rosas na parang tunay na balat. Kahit ako ay hindi ko pa ito nakikita noon.

"May mali ba sa statue, officer?"

Mabilis akong lumapit at hindi na rin mapakali. Kung may sikreto ang estat
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Angela Dela cruz
update pa po...naawa ako ke Denver...sana Sila pa rin
goodnovel comment avatar
Virnie De Vera
thank you for your update miss a.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 85 - Nahulog Na Naman

    Matalim ang tingin ni Nica nang magsalita. "Hindi mo pinahalagahan ang kapatid ko noong nandiyan pa siya. Tapos ngayong nagkaroon siya ng ‘aksidente’ ay gusto mo nang magpakamatay? Kanino mo ba ipinapakita iyang drama mo?"Napangisi ako sa narinig. Kung hindi ko lang matagal nang pinapanood ang palabas mula sa paningin ng isang patay baka naniwala pa akong mabuting tao itong si Nica.Pero hindi ako tanga. Napakahusay ng pag-arte ni Nica at halos perpekto. Wala ni isang bahid ng kasalanan sa mukha niya kahit na siya mismo ang dahilan ng kamatayan ko. At ngayon, imbes na akuin ang ginawa niya ay siya pa ang nagtatapon ng lahat ng sisi kay Denver.Ang naaalala lang ng lahat ay ang pag-abandona sa akin ni Denver sa mismong araw ng kasal namin. Walang nakakaalam na si Nica ang tumawag sa kanya noon. Na siya ang may pakana ng lahat. Hanggang ngayon ay kasing-itim pa rin ng gabi ang kanyang budhi.Sa isang tabi ay napangiti si Tito Danilo nang makita si Nica. "Nica, hija, ikaw ang pinakamala

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 84 - Malayo Pa Sa Katotohanan

    Halik ng malamig na hangin ang dumaan sa aking buhok at sa laylayan ng suot kong bestida. Tahimik na umaagos ang ilog na tila binubulong ang lihim na itinago nito nang matagal. Nakatayo ako nang walang sapin sa aking mga paa sa eksaktong lugar kung saan nakahandusay noon ang aking duguang katawan.Parehong lugar. Pero wala na akong maramdaman. Wala nang sakit. Wala nang ginaw.Sa harapan ko ay nakaluhod si Denver. Mapula ang kanyang mga mata. Bakas sa mukha niya ang matinding sakit at kalituhan. Para bang totoo ang pagmamahal niya sa akin.Nakakatawa, hindi ba?Ikaw ang nagsabi na hahanapin mo ang bangkay ko para mai-report sa pulis! Ikaw rin ang tumalikod sa akin. Sumama sa sarili kong kapatid sa mismong gabi ng kasal natin! Ikaw ang nagwalang-bahala sa akin at ikaw rin ang dahilan kung bakit ako namatay!Ano kaya ang iniisip niya ngayon? Sa anong klaseng pagpapanggap niya nasasabi ang mga salitang iyon? Iniisip ba niyang maniniwala ang iba na tunay ang paghihirap niya?Napangisi ako

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 83 - Scene Of The Crime

    Matagal na tinitigan ni Officer Ramirez ang estatwa bago siya nagsalita. "Bakit ang laki ng pagkakahawig nito kay Miss De Leon?"Napatingin ako kay Denver at hinihintay ang sagot niya. Napabuntong-hininga siya bago nagsalita. "Alam ng gumawa nito kung gaano kalalim ang relasyon namin ng asawa ko kaya ginamit niya ang mukha ng asawa ko bilang batayan sa estatwa."Napatingin ako muli sa estatwa— ang sarili kong mukha. Akong-ako talaga ito.Kumunot ang ni Officer Ramirez. "Ang kulay ng estatwa..."Hindi naman konektado o wala siyang kaalaman sa sining pero halatang may bumabagabag sa kanya.Kadalasan sa mga estatwa ay yari sa bato, plaster, o tanso. Sa mga templo naman ay karaniwang may halong tunay na ginto ang mga rebulto. Pero ang estatwa na ito ay may kakaibang kulay. Maputi pero may bahagyang kulay ng rosas na parang tunay na balat. Kahit ako ay hindi ko pa ito nakikita noon."May mali ba sa statue, officer?"Mabilis akong lumapit at hindi na rin mapakali. Kung may sikreto ang estat

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 82 - Pinatay?

    Hindi ako makapaniwala sa narinig na balita.Hindi. Hindi totoo ang narinig ko!Sa puso at isipan ko ay si Julia pa rin ang masigla at masayahing batang nakilala ko noon. Di ba at sinabi ng doktor na kahit hindi maganda ang lagay niya, hindi naman delikado ang buhay niya?Paano siya namatay?Nanghina ang buong katawan ko. Bumagsak ako sa sahig at nanginginig ang buo kong katawan.Alam ko kung paano ang mamatay. Noong nasaksak ako ay wala akong naramdamang sakit sa umpisa. Para akong nanigas at hindi makagalaw. Nang tingnan ko ang sarili ko ay nakita kong umaagos ang dugo mula sa baywang ko. Dinudumihan niyon ang suot kong wedding dress. Ang patalim na puno pa ng dugo ko ay naglalaro sa liwanag, kumikislap sa harapan ko.Saglit akong natigilan ng mga oras na iyon. Pagkatapos, saka ko pa lang naramdaman ang hapdi kasunod ang matinding takot.Takot sa kamatayan. Takot sa hindi ko alam na mangyayari. Hindi ko na naisip kung sino ang sumaksak sa akin. Ang tanging nasa isip ko noon ay ang t

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 81 - Naglaho Ang Katiting Na Pag-asa

    Nagulat ako. Nakikita ba ako ni Vicento?Kung ganoon man ay nagbabakasali akong sana nga! Pero bago pa ako makapagsalita ay narinig ko ang boses ni Denver mula sa labas ng simbahan."Nasaan ka?"Nagmamadali siyang pumasok at hinahanap ako na parang isang ligaw na kaluluwang hindi alam ang direksyon. Ang malamig na hangin na dala niya ay nagpatay sa mga ilaw na dati ay hindi namamatay sa bulwagan.Sumama ang ihip ng hangin sa malakas na pagbagsak ng ulan. Nilingon ko si Vicento at nakita kong pinahid niya ang kanyang mga mata. Isang aninong puno ng lungkot at pagkadismaya ang lumitaw sa kanyang mukha."Bakit ka nandito?" tanong ni Denver kay Vicento, mababa ang tinig at tila puno ng pangungulila.Nagtataka ako. Bakit nga ba siya nandito? Sino ang hinihintay niya? Hindi ko namalayan na biglang nawala si Denver na hindi man lang hinintay ang sagot ni Vicento.Bigla na lang nagkaroon ng kaguluhan sa labas. Sinundan ko ang ingay at nakita ko si Denver na mahigpit na hinahawakan si Father R

  • Rejected Wife of A Heartless CEO   Chapter 80 - Nagbabalik!

    Bilang isang kaluluwa ay inakala kong hindi ko magagawang makalapit sa isang banal na lugar. Inakala kong itataboy ako ng liwanag kagaya ng napapanood sa mga palabas sa telebisyon.Pero hindi pala totoo ang mga iyon. Walang pumigil sa akin.Naglakad ako nang nakayapak sa hagdan at ang aking mahaba at manipis na damit ay tinatangay ng malamig na hangin. Pero hindi ko maramdaman ang ginaw.Nang makita ko si Denver na nakaluhod sa puting karpet papunta sa lumang tempong nasa tuktok ay hindi ko napigilan ang sarili kong lumuhod din.Hindi ko alam kung may Diyos nga ba talagang nakikinig sa ating mga dasal. Hindi ko alam kung may himala sa mundong ito. Pero ngayon ay hindi na para sa iba ang panalangin ko.Ito ang unang pagkakataon na ipagdarasal ko ang sarili ko.Hinawakan ko ang laylayan ng aking suot at yumuko. Sa kabila ng lahat, ako ay taimtim at buong pusong nagdasal.Samantalang si Denver ay nanatili sa kanyang posisyon. Ang kanyang buhok at pilikmata ay may maninipis na guhit ng pu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status