Nais ko sanang gabayan si Vicento na alamin ang tungkol sa estatwa sa isang hindi direktang paraan.Pero ang pakiramdam na makita ang may-ari ng katawang mayroon ako ngayon at ang kawalan ng kontrol sa aking emosyon ay nakakapanindig-balahibo. Para akong hinihigop pabalik sa kadiliman at wala akong magawa.Marami pa akong kailangang gawin at marami pa akong gustong malaman pero parang hindi ko na hawak ang sarili kong kapalaran. Hindi ako ang may kontrol sa mundong ito at napakaliit lamang ng magagawa ko.Sa huling pagkakataon ay sinubukan kong ipaalam kay Vicento ang katotohanan.Mabilis akong hinawakan ni Vicento sa magkabilang braso. Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang kaba at pag-aalala sa kanyang malamig na mukha. "Ria, sabihin mo nang malinaw. Anong n-nangyayari? Paano mo nasabi ang mga iyon?"Binuka ko ang aking bibig upang magsalita pero sa mismong sandali na naghiwalay ang aking kaluluwa at katawan ay parang pati ang hangin sa paligid ay nawala.Wala na akong oras upang mag
Simula nang mabuhay muli ako sa isang buhay na katawan ay hindi na ako malaya gaya noong isa pa akong ligaw na kaluluwa.Hindi ko na maitago ang sari-saring pakiramdam sa puso ko. Sa isang iglap ay bumaha ang lahat ng damdamin sa kaloob-looban ko— tulad ng isang kabayong malaya sa malawak na kapatagan, tulad ng tubig sa ilog na rumaragasa tuwing tag-ulan, tulad ng hanging walang makakapigil.Napakatinding emosyon at hindi ko na iyon makontrol.Humina ang tunog ng hangin sa paligid ko at halos hindi ko na naririnig ang sinasabi ni Nica na kararating lang din.Tulad ng isang parola sa gitna ng kadiliman, ako naman ay isang munting bangka na inaanod sa malawak na karagatan. Hinila ako nito. Hindi ko namalayan ay unti-unti akong lumapit.Nang makarating ako sa tapat ng estatwa ay napansin kong natatakpan ito ng mga dahon. Dumagsa ang mga luha ko at bumagsak ang isang dahon sa ilalim ng aking mga paa. Tinignan ko lang iyon.Sa mga sandaling ito ay iniisip na marahil nila na wala akong paki
Itinago ko ang kaba sa puso ko at lumapit kay Vicento saka pilit na pinalambing ang boses ko. "Vicento."Nang mapadaan ako sa tabi ni Denver ay hindi ko maiwasang mapansin ang bahagyang kirot sa kanyang mga mata.Alam kong kahit papaano, naaalala pa rin niya ako bilang si Ria De Leon. Ang pagkamatay ko ay naging isang multo sa kanyang isipan— isang bangungit na bumabagabag sa kanya. At ngayon na bigla siyang nagkaroon ng isang 'tita' na kamukhang-kamukha ng namayapa niyang asawa. Siguradong hindi siya komportable at sa kada tingin niya sa akin ay bumabalik sa kanya ang mga alaala ng isang Ria De Leon.Tumingin sa akin si Vicento at halatang nagtataka kung ano na namang kalokohan ang ginagawa ko.Ngumiti ako at marahang nagsalita. "Pwede ba tayong pumunta sa bahay nina Denver at Ria mamaya?"Hindi siya sumagot kaagad. Sa halip ay mas lalo pa niya akong sinukat ng tingin. At doon ko ginamit ang paraang alam kong masusurpresa ang lahat."Gusto ko nang magkaroon ng bahay kasama ka. Iyong
Minsan malinaw ang tingin ni Denver, minsan naman ay naguguluhan. Halata sa kanya ang pagod— hindi lang sa katawan kung hindi pati sa isipan. Matagal na niya akong hinahanap at dahil doon ay litong-lito siya ngayon. Minsan, nakikita niya akong si Ria Canlas. Minsan naman, si Ria De Leon.Sa kalituhan niya ay parang wala siya sa sariling sumagot, "Sige."Ngumiti ako nang matamis. "Salamat! Ah, Denver, bakit hindi ko nakikita ang asawa mo? Si Miss Ria."Pagkarinig ng pangalan ng Ria ay unti-unting luminaw ang mga mata ni Denver na para bang saka niya pa lang napagtanto ang lahat. Hindi siya sumagot. Alam kong hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat."Tita, may pinagdadaanan lang si ate ngayon. Medyo gabi na rin, tara na sa hapunan." Mahigpit akong hinawakan ni Nica sa braso na para bang gustong ipakita na malapit kami sa isa't isa.Kaya naman ay dahan-dahan kong binawi ang kamay ko at tahimik na naglakad papunta kay Vicento. "Halika na, Vicento."Sa harap ng iba ay malambing k
Nakatitig si Nica sa akin. Halatang natigilan at kitang nanginginig ang kanyang mga balikat. Kung ikukumpara sa iba ay siya ang pinakasanay magtago ng emosyon. Pero ngayon ay siya rin ang pinakaapektado.Paano ba namang hindi?Habang ang iba ay nag-iisip pa kung totoo ngang patay na ako, siya mismo ay alam ng patay na ako. Nasa tabi siya noong itinapon ang katawan ko at siya mismo ang kumuha ng litrato bilang patunay. Kaya ngayong nakikita niya akong nakatayo sa harap niya at nakasuot pa ng isang matingkad na pulang coat... Sa paningin niya, hindi ba at parang bumangon ako mula sa hukay?Kung tutuusin ay masuwerte pa siya at hindi siya napasigaw sa takot.Pero kung siya ay natatakot, mas matindi ang nararamdaman ko. Ang galit na matagal kong kinimkim ay parang isang bulkan na handang sumabog anumang oras. Mahigit isang buwan kong nasaksihan ang lahat gamit ang matang hindi nila nakikita. At sa lahat ng taong bumago ng buhay ko, si Nica ang nagdala ng pinakamatinding sakit sa akin.Noo
Walang pag-aalinlangang ipinakita ng matanda don ang kanyang pagkainis kay Nica. "Anong pamangkin? Hindi siya bahagi ng pamilya Victorillo. Kaya hindi mo na kailangang intindihin ang isang iyon."Nagkibit-balikat ako at magpapaliwanag pa sana pero bago pa ako muling makapagsalita ay naramdaman kong may malamig na titig na bumagsak sa akin. Nang lumingon ako ay si Vicento iyon. Nagsalita siya sa malamig na tono. "Dapat mong palitan ang tawag mo sa kanya. Tawagin mo siyang 'Papa'."Napalunok ako. Napakabilis niyang makaramdam ng kahit pinakamaliit na pagbabago. Wala namang iba pang nakapansin pero siya— siya lang ang nakahalata.Kahit ako mismo ay hindi pa sanay. Kaya hindi madaling baguhin iyon sa isang iglap. Pero mabilis akong natauhan. Muntik ko nang mailagay ang sarili ko sa alanganin.Pilit kong pinakalma ang sarili at ngumiti kay Vicento. "Ah, pasensya na. Nakasanayan ko lang. Kasi halos magkasing-edad lang sila ng lolo ko.""It’s fine," sagot ng matandang don. Mukhang hindi nama