Share

Rekindled Romance After Divorce
Rekindled Romance After Divorce
Author: Purple Moonlight

Chapter 1.1: Bintang

last update Last Updated: 2025-02-28 12:11:22

“Hindi ka pa rin ba aamin na kasalanan mo ang mga nangyari doon kanina, Everly?!” 

Parang kulog na umalingawngaw ang sigaw ni Roscoe na kulang na lang ay mapatiran ng mga ugat sa kanyang leeg dala ng matindi niyang galit sa bawat sulok ng sala ng kanilang villa.

“Huling-huli ka na. Itatanggi mo pa rin?“ kulang ang salitang dismayado para ilarawan ang galit ng lalaki sa kanyang asawa na may kasama ng pagkapahiya, “Marami ang nakakita sa’yo na halos lahat ng bisita. Hindi lang iisang tao! Kaya hindi kita magawang mahalin eh! Lalo pa ngayon, huwag kang umasa na makukuha mo pa ang atensyon at pagmamahal ko na inaasam mo nang dahil dito!”

Napuno pa ng pagkadismaya ang mga mata ni Roscoe nang idugtong iyon. Parang nais na manakit nito ngunit hindi niya lang kaya na pagbuhatan ng kamay ang asawang si Everly.

“Ubos na ubos na ang pasensya ko sa’yo. Magpakatotoo ka. Aminin mo ang kasalanan mo, at baka sakali pang magbago ang isip ko. Kung hindi mo gagawin iyon, mabuti pang mag-divorce na lang tayo. Narinig mo, Everly?!” walang filter na hamon nito sa asawang matamang nakatingin na sa mukha niya.

Nangatal na ang labi ni Everly. Ilang segundong napatulala. Bakas sa kanyang mga mata ang takot. Idagdag pa doon na ilang beses napamura si Roscoe na tumatagos sa kanyang buong pagkatao. Iba ang galit nito ngayon kumpara sa nakaraan nilang mga pagtatalo at bangayan.

“H-Hindi ko nga siya itinulak. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo? Siya ang kusang tumalon sa pool at hinila niya ako. Bakit ang hirap ‘yung paniwalaan? Dahil ba mas mahalaga siya kumpara sa akin?” mahinang sagot ni Everly na hindi mababakas ang panghahapdi ng sulok ng mga mata kahit na iyak na iyak na siya.

Nanginginig ang kanyang buong katawan. Nahulog din siya sa pool at ang lamig na dulot noon ay patuloy na nanunuot sa basa niyang suot na saplot. Hindi pa rin nawawala ang takot ng pagkahulog niya sa pool.

“Tigilan mo nga ako niyang kaartehan mo! May pangangatal ka pang nalalaman? Hindi uubra sa akin iyan. Matagal mo ng kaibigan si Lizzy at alam mo noon pa na takot siya sa tubig. Tapos sasabihin mong tumalon? Bakit niya gagawin iyon sa harap ng maraming tao? Ang sabihin mo ay itinulak mo siya!”

Napuno pa ng pagbabanta ang mga mata ni Roscoe na basang-basa na ni Everly kapag hindi siya tumigil kakatanggi. Tila ba sinasabi ng bawat pilantik ng mga mata nito na oras na may nangyaring masama kay Lizzy ay mananagot siya at siya ang may kasalanan. Hindi lang iyon, sobrang sarado na ang isipan ng lalaki.

Nabasag ang puso ni Everly sa mga bintang na iyon ng asawa. Naramdaman na niya ang pagbaba ng mainit na mga luha ngunit agad niyang pinalis gamit ang nanginginig at malamig na palad. Dinig na dinig niya ang muli pang pagkabasag ng kanyang puso na maaaring invisible sa mata ni Roscoe. Ngunit kakaiba ang sandaling iyon. Durog na durog siya at batid niyang may kailangan siyang gawin para matapos na ito. Hindi niya lubos maisip na ang lalaking inaatake siya ngayon dahil sa isang sinungaling na babae ay asawa niya. Asawa na minahal niya nang buo sa loob ng maraming taon. Bagay na naging bulag siya dahil pagkaraan ng isang taon ng kanilang relasyon ay pinakasalan niya dahil nga mahal niya. Masalimuot ang naging pagsasama nila ng tatlong taon. Kabaligtaran iyon sa araw na malaman niyang magpapakasal sila.

Panandalian lang din ang naging saya ni Everly, nalaman niya kasi na mariin ang pagtutol ng ina ni Roscoe sa relasyon nila noon ni Lizzy. Napasubo lang pala siya, hindi na magawang mapaatras pa ni Everly kahit na alam niya sa kanyang sarili na ginagamit lang siya ni Roscoe. Ang totoo ay may relasyon pa rin pala sila ni Lizzy, nagtatago lang ito sa likod niya bilang asawa. At dahil martir siya, hinayaan niya na lang na mangyari.

“Roscoe…” may pakiusap ang tinig ni Everly na halos hindi lumabas sa nanunuyo niyang lalamunan. 

Patunay ang event na iyon na mas lamang pa rin ang pagmamahal nito kay Lizzy kumpara sa kanya. O tamang tanungin niya na mahal nga ba siya o minahal nga ba siya ng lalaki kahit na karampot? Nahulog ang babae sa pool na hindi niya alam kung bakit, pero nangyari iyon nang malapit siya kaya siya nito nahila. Halos ang lahat ng naroon ay concern sa kanya upang matulungan siyang makaahon, samantalang siya na nahulog din naman ay walang sinuman ang may pakialam. Iisang tao lang. Muntik na rin siyang mamatay, mabuti at nakakapit siya sa may hagdang bakal ng pool, kung saan siya bumagsak saka pa siya natulungan nang hindi napapansin ng lahat. Pinanlisikan lang siya ng mga mata ni Roscoe nang lingunin, ni katiting na pakialam ay wala sa mukhang mababasa. Balot pa rin ng poot ang pares ng mga mata nito.

‘Naalala niya na takot sa tubig si Lizzy, pero akong asawa niya hindi niya naisip na takot din naman ako.’

Ang pangyayaring iyon ang naging wake up call kay Everly. Napahilamos siya ng mukha upang tanggalin ang ilang butil pa ng tubig at upang mahimasmasan na rin sa kahibangan niya. Bakit ba siya nagtiya-tiyaga kung pwede naman niyang tapusin ang lahat ng paghihirap niya kahit na mahirap iyon sa umpisa?

Galing sila ng banquet party kung saan ay kapwa na invited at dahil sa insidente kinailangan na nilang maagang umuwi. Hindi na rin naman nakaka-enjoy iyon na mukhang nasira pa ng dahil sa nangyari. May towel na rin na nakabalot sa kaniyang katawan na bigay ng staff ng pinangyarihan. Sa tapat ng sofa na inuupuan ay naroon ang hindi maipinta pa rin ang mukhang si Roscoe. Masama pa rin ang tingin sa kanya na animo ay papatay ito. Hindi mapigilan ni Everly na tahimik na mapapalatak nang maisip ang tungkol sa kasal nila. Kasal na pinangarap niya pero pinapasakitan naman siya. Kasal na kapalit ng desisyon niya.

Tama ang Daddy niya, isang kabaliwan iyong ginawa niya at sinisingil na siya ngayon! 

Nagawa niya pang suwayin ang mga magulang para lang magpakasal kay Roscoe. Tinalikuran niya ang sariling angkan para lang sa isang lalaking wala naman palang kwenta. Hindi lang iyon, nagkasakit pa ang Daddy niya at na-hospital dahil sa pagpupumilit niya ng gusto niya at hindi man lang siya nakaramdam ng katiting na konsensya dahil ipinilit pa rin niya ang gusto niya. Ngayon, masasabi niyang tama ang ama; ang pamilya niya na palaging nasa huli ang pagsisisi at sinasampal na siya ngayon ng pagsisisi niyang iyon.

“Hindi ka niya mahal. Bakit ipagpipilitan mo ang sarili mo sa kanya? Masasaktan ka lang, Everly. Maniwala ka sa Daddy. Hindi ka niya magagawang mahalin, kailanman hangga't may ibang babaeng laman ang puso niya. Bakit hindi ka na lang pumili ng ibang lalaki? Ang dami naman diyan. Mas maganda kung mahal ka niya, hindi iyong ikaw lang ang nagmamahal sa kanya. Masasaktan ka lang, hindi ka magiging maligaya.”

Walang muwang na naisip ni Everly na ang pagpayag ni Roscoe na pakasalan siya ay ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya buong buhay niya. Umasa kasi siya na kanyang pagmamahal dito, kalaunan ay ang siyang tutunaw sa yelong nakabalot sa puso ng natitipuhang lalaki. Nanumpa siya sa kanyang ama na sigurado siya sa kasal na ito at hindi siya masasaktan at matatalo. Siya ang magwawagi sa bandang huli.

Kaya lang, mali nga siya…at tama ang kanyang ama. Sa pagkakataong ito aay alam niyang natalo siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 72.1: Friendly Gesture

    EVERLY FROWNED, INEXPLICABLY feeling that Roscoe's words were a bit sarcastic. Muli pang tiningnan ni Roscoe si Harvey. Hinagod niya ito mula ulo hanggang paa. Dito ibinaling ang kanyang iritasyon.“Mr. Maqueda likes other people's wives so much?”Si Harvey naman ang ngumisi. Natatawa kay Roscoe. Sa matinding pagseselos na ipinapakita nito sa kanya.“Sino ba ang asawa mo, Mr. De Andrade?” sagot ng lalaki bilang pang-asar pa sa kanya. Salitan lang naman silang tiningnan ni Everly. Natatawa rin dahil alam niyang iniis lang ni Harvey.“Are you playing dumb in front of me?” Pinanliitan na siya ng mga mata ni Roscoe. Hindi na siya natutuwa sa paraan ng pananalita ng lalaking ito.“Hindi ba at malapit na kayong maghiwalay? Nakahanda na kayong pumirma ng divorce agreement.” Harvey raised his eyebrows, puzzled.“It's just a piece of paper. Pwedeng punitin.”Napatingin na si Everly sa banda ni Roscoe. Anong pupunitin ang pinagsasabi nito?Malamig na napangiti si Harvey. Hindi na sumagot pa

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 71.3: Visitation

    SABAY NILANG MULING tiningnan ang bulto ng nakahigang babae na wala pa ‘ring malay-tao noon. Ilang beses inulit ni Everly ang sinabi ni Dorothy sa kanyang isipan. Wala na silang magagawa, dahil sa iyon na ang nakatadhana. Ang nakaguhit sa palad ng kanyang kapalaran. Nakatadhanang gumaling ang babae at gagawin nila ang lahat para dito ni Dorothy. Hindi mapigilan ni Everly na biglang isipin si Roscoe, ipinalagay na lang niya na nakatadhana rin marahil silang dalawa na mag-divorce. Each time it gets harder and harder, it seems like something is blocking them. Iyong mga pangyayari bang iyon sa kanila ay nakatadhana rin para maudlot ang divorce? Sa sandaling ito, lingid sa kanilang kaalaman na ginalaw-galaw ni Crizzle, ang kanyang mga daliri.“She is awake, Doctor Golloso!” bulalas ni Dorothy na hindi na mapigilan na biglang maging emosyonal at mapasigaw sa labis na ligaya sa kanyang nasaksihan. Humakbang palapit pa si Everly sa kama habang si Dorothy naman ay nagkukumahog na lumabas ng

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 71.2: Confinement

    BAGO TULUYANG MAKASAGOT sa tanong ng ina si Roscoe ay tumunog na ang kanyang cellphone na nasa bulsa. Si Alexis iyon nang tingnan niya. Wala siyang inaksayang panahon at dali-dali itong sinagot. “Alexis…”“Sir, pasensya na po sa istorbo pero nakatanggap ako ng tawag ngayon mula doon sa may-ari ng nagbibinta ng lupa malapit sa airport. Kailangan mong makipagkita sa kanila para sa ilang legal documents.”“Okay.” tipid na sagot ng lalaki sa kanyang kausap.Ibinaba ni Roscoe ang tawag at hinarap na ang ina. “Mom, kailangan kong umalis muna. I'll take care of my work first.” paalam niya na hindi na hinintay ang sagot ng ina, “Babalik ako mamaya pagkatapos.”Bago tuluyang makatalikod ang lalaki ay hinawakan ng ina ang isang kamay ni Roscoe upang matigilan.“Roscoe, ikaw na ang nakakuha ng piraso ng lupang pinag-aagawan niyo ng Maqueda Group near the airport? Totoo ba na ang sabi ng mga tao ay—” “Peke iyon, Mom. Fake news ang lumabas. Huwag kayong nagpapaniwala sa mga bagay na iyon lalo a

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 71.1: Ayaw Sa Divorce

    NAGAWAN NG PARAAN ni Everly na makahingi ng extra bed, blanket at pillow sa nag-round na nurse nang walang kahira-hirap dahil employee siya ng hospital. Wala rin kasi doong kagamit-gamit. Nagulat pa ang nurse nang makitang naroon ang kanyang asawa ngunit hindi naman na nagtanong sa kanya bilang respeto na rin. At dahil employee siya, walang hirap na nakakuha siya ng iba pang mga kailangan niya. Halos hatinggabi na nang tumigil ang malakas na buhos ng ulan. Naunang matulog si Everly. Nang makita ni Roscoe na himbing na siya ay saka pa lang din siya nakatulog nang maayos, ngunit saglit lang iyon dahil naalimpungatan siya nang maramdamang may tumabi sa kanya ay sumiksik pa talaga sa kanyang gilid. Nagulat siya nang makitang si Everly iyon na halatang hindi alam ang ginagawa habang natutulog. Hindi na niya napigilan ang lihim na mapangiti nang maliit dito.“Everly?” agaw niya ng pansin dahil baka gino-good time lang siya ng asawa. “Hey?” Nang maramdaman ang pagyakap nito sa kanyang kataw

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 70.3: Glutton

    PRENTENG NAUPO PA si Roscoe sa sofa kahit na hindi naman niya ito iniimbitahang gawin ang bagay na iyon. Ilang saglit siyang pinagmasdan ni Everly. Iniisip kung plano ba nitong magtagal? Hindi ba inutusan lang itong maghatid ng pagkain?“Salamat sa pagkain mong dala.” lapit na ni Everly sa paperbag at bahagyang sinilip ang loob upang tingnan ang laman. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Everly. Nasaan na ang may gawa nito sa’yo?” ulit ni Roscoe na ayaw siyang lubayan ng tingin, iyong tingin na parang lagpasan sa kanyang katawan. Payak na nginitian na siya ni Everly. “Saan ba napupunta ang mga masasamang tao, Roscoe? Malamang nasa police station na siya.” Tumayo si Roscoe at lumapit sa kanya. Ito na ang nag-unpacked ng pagkaing kanyang dinala. May slice fruits pa iyong kasaama na mixed ng apple, peras at pineapple. Abala ang mga mata ni Everly na tingnan ang asawa habang ginagawa niya iyon. Kakakita lang niya kanina dito ng umaga pero bakit parang na-miss niya ito agad sa loob n

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 70.2: Late Napanood

    SUMAPIT ANG TANGHALI at naroon pa rin ang ama at Lola ni Everly. Dumating pa ang kanyang Lolo na hagas na hagas sa kanya. Walang nagawa si Everly kung hindi ang iikot lang ang mga mata niya sa kanila upang ipakitang napipikon siya. Hindi niya kailangan ang mga ito doon. Ayos lang siya. Napakalayo sa bituka ng tama niya kaya ‘di kailangang mag-alala.“I’m fine, Dad. Stop hanging around me. Uwi na kayo nina Lolo at Lola.” “Mukhang hindi ka okay, Everly. Kailangan mo kami dito.” “Dad? Nasa hospital ako kaya paanong hindi ako magiging okay? Wala kayong dapat na ipag-alala, okay?” Sa bandang huli ay nagawang itaboy ni Everly ang ama at maging ang dalawang matanda na labis ang pag-aalala. Daig pa niya ang may malaking sugat na tinamo kung makapag-alala ang kanyang pamilya. Natahimik ang loob ng silid kung saan siya naroon nang mawala sila. Napangiwi si Everly na marahan ng hinaplos ang likod niya kung nasaan ang tattoo. Hindi lang iyon, sumabay pa ang pananakit ng mga galos niya sa braso

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status