LOGINMAHIRAP PILITIN NA mahalin ka ng isang taong ayaw sa’yo. Napatunayan iyon ni Everly. Sa katauhan ni Roscoe De Andrade; ang lalaking pinili niyang mahalin dahil ang buong akala niya ay masusuklian siya. Natigil sa pagbaha ng libo-libong isipin ang isipan ni Everly nang mag-ring ang cellphone ni Roscoe. Napatayo pa ito na agad naglaho ang galit sa kanyang mukha na para bang makikita ng tumatawag ang reaksyon niya. Sinundan siya ng tingin ni Everly. Sa katahimikan ng kanilang sala ay malinaw na narinig ng babae ang mahinang boses ni Lizzy na siyang tumatawag sa asawa. Namula na ang mata niya sa selos ngunit hindi iyon magawang makita ni Roscoe na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang banda ni Everly matapos na damputin ang hinubad na coat. Hindi inalis ni Everly ang mga mata sa mukha ng lalaki.
“Papunta na ako diyan, huwag ka ng matakot.”
Bumilis ang hinga ni Everly. Nais ng mag-protesta. Nag-uusap pa sila at kailangan niya rin ang asawa. Pinatay ni Roscoe ang tawag. Isinilid ang cellphone sa bulsa, walang lingon sa likod na tinalikuran siya.
“R-Roscoe…”
Sinubukan ni Everly na kunin ang atensyon nito. Tumayo siya sa kabila ng pagkaginaw. Ayaw niyang maiwang mag-isa kaya nais niyang pigilan sana ito kahit saglit o kahit kunan siya nito ng tuyong damit sa kanilang silid bago umalis. Ngunit sa halip na makiusap ng kailangan niya iba ang lumabas sa bibig niya.
“Takot din ako sa tubig…gaya ni Lizzy…”
Parang binging ahas na tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Roscoe. Hindi mawala sa isipan ng lalaki si Lizzy. Malaki ang utang na loob niya sa babae at nangako siyang tatanawin niya iyon hanggang sa kamatayan. Siya ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng takot sa tubig ang babae kaya marapat lang na gantihan niya at maging responsable siya sa kanya. Noong na-kidnap siya ay walang pakundangan na tumalon ito sa dagat upang isalba lang siya kaya nagkaroon ito nang malalang trauma. At ang sinasabi ng asawa niyang si Everly na takot ito sa tubig ay napaka-imposible. Hindi ito takot sa tubig. Purong ka-dramahan lang iyon sa palagay niya para kaawaan niya. May diving certificate pa nga si Everly kaya kalokohan iyon!
“Hindi mo ba ako narinig?”
Pinanood siya ni Everly na hawakan ang handle ng pinto upang buksan iyon. Hindi na niya napigilan na bumaha ang luha habang iniisip na kailanman ay hindi siya nito nagawang piliin at pagbigyan man lang. Naglakas loob na siyang itanong ang laman ng kanyang isipan sa kabila ng pagdanak ng mga luha.
“Sa loob ng mga taon na iyon, ni minsan ba wala kang naramdaman sa akin na katiting na pag-ibig?”
Nakakaawa na ang mukha ni Everly na lalo pang humikbi. Umaasa na baka naman may kaunti lang. Sa narinig ay napalingon si Roscoe, talagang ang lakas pa ng loob ng asawang tanungin siya ng ganito?
“Are you worthy enough to talk about love with me?” puno ng insultong tanong ni Roscoe na wala man lang mababanaag na concern sa mga mata nang lumingon siya, “Please lang, Everly. Don’t self-pity in front of me. I feel sick with all your never-ending drama. Alam mong hindi rin naman epektibo iyan sa akin!” dagdag pa nitong puno ng muli ng galit ang mga mata na lahat ng salita ay parang talim ng kutsilyo, at walang pakundangang sumusugat at bumabaon sa balat ni Everly.
Sa kabila ng alam ni Everly na may iba siyang minamahal, nagsumikap pa rin itong pakasalan siya. Ganun ba ang matatawag na pagmamahal?
Mahigpit na napakapit na si Everly sa laylayan ng basang suot niyang damit hanggang sa mangitim na ang kanyang mga daliri sa sobrang higpit ng hawak. Hindi niya maiwasang isipin ang itinanong noon sa kanya ng matalik niyang kaibigan na si Sheena.
“Everly, ikaw ang panganay na anak ng pamilya Golloso, bakit kailangan mong kumapit pa rin kay Roscoe? Eh wala namang pakialam sa'yo ang lalaking iyon. huwag mong sabihing magpapakatanga ka sa kanya?”
Hindi na rin alam ni Everly kung ano ang sagot. Masyado siyang nabulag. Marahil ay dahil noong binu-bully siya sa edad na labing pito, at ito ang naging protector niya kaya inakala niyang mahal siya nito.
“Huwag kang matakot, Everly. Ipagtatanggol kita.” tandang-tanda niya pang litanya ni Roscoe noon.
At ngayon na-realize ni Everly na ang mga salitang iyon ay normal na lang na litanya para sa ibang babae.
Mariing ipinikit ni Everly ang kanyang mga mata, umagos pa ang mas dumaming baha ng kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Unti-unting namanhid ang kanyang puso, tipong hindi na nito alam ang sakit. Sa tatlong taong iyon, sobrang sakit lang ang mga naranasan niya, at lahat ng sakit na ito ay nagmula sa taong pinakamamahal niya; kay Roscoe. Si Roscoe na ang tingin sa kanya ay sobrang samang babae. Sa tagal ng kanilang pinagsamahan ni hindi niya makuha ang buong atensyon nito, ang hangad na pagmamahal. Sa halip na pahirapan ang isa't isa, mas mabuting tapusin na nila ang kasal sa lalong madaling panahon. Ayaw niyang ipagpatuloy ang kasuklam-suklam na patuloy na pagsasama nila na wala rin namang pupuntahang maganda. Marahas niyang pinalis ng isang palad ang mga luha. Pinakatitigan na niya ang pigura ng asawa gamit ang kanyang almond-shaped eyes at lakas loob na sinabi ang mga katagang nasa isipan niya na alam niyang magiging simula ng kanyang pagbangon kung sino man siya.
“Roscoe, mabuti nga sigurong mag-divorce na tayo.”
Napatulala naman si Roscoe ng ilang sandali sa kanyang narinig na hamon ng asawang si Everly. Naibaling na niya ang mukha sa asawa gamit ang mga matang nagulantang sa mga salitang biglang binitawan nito. Biglang parang may humila palabas sa kanyang puso saglit at nagawa noong masaktan siya, hindi pa rin makapaniwala na lumabas ang mga salitang iyon mismo sa bibig ni Everly na alam niyang mahal na mahal siya. Sa nakalipas na tatlong taon, palagi niyang ginagampanan ang papel ng isang mabuting asawa sa kanya at maingat na pinananatili ang kanilang relasyon kahit na ang dami niyang pasakit at pagkukulang. Gaano man ka-harsh ang mga sinasabi niya sa kanya, ni minsan hindi ni Everly binanggit ang hiwalayan.
Anong kalokohang drama na naman ito ng maybahay niya?
EVERLY FROWNED, INEXPLICABLY feeling that Roscoe's words were a bit sarcastic. Muli pang tiningnan ni Roscoe si Harvey. Hinagod niya ito mula ulo hanggang paa. Dito ibinaling ang kanyang iritasyon.“Mr. Maqueda likes other people's wives so much?”Si Harvey naman ang ngumisi. Natatawa kay Roscoe. Sa matinding pagseselos na ipinapakita nito sa kanya.“Sino ba ang asawa mo, Mr. De Andrade?” sagot ng lalaki bilang pang-asar pa sa kanya. Salitan lang naman silang tiningnan ni Everly. Natatawa rin dahil alam niyang iniis lang ni Harvey.“Are you playing dumb in front of me?” Pinanliitan na siya ng mga mata ni Roscoe. Hindi na siya natutuwa sa paraan ng pananalita ng lalaking ito.“Hindi ba at malapit na kayong maghiwalay? Nakahanda na kayong pumirma ng divorce agreement.” Harvey raised his eyebrows, puzzled.“It's just a piece of paper. Pwedeng punitin.”Napatingin na si Everly sa banda ni Roscoe. Anong pupunitin ang pinagsasabi nito?Malamig na napangiti si Harvey. Hindi na sumagot pa
SABAY NILANG MULING tiningnan ang bulto ng nakahigang babae na wala pa ‘ring malay-tao noon. Ilang beses inulit ni Everly ang sinabi ni Dorothy sa kanyang isipan. Wala na silang magagawa, dahil sa iyon na ang nakatadhana. Ang nakaguhit sa palad ng kanyang kapalaran. Nakatadhanang gumaling ang babae at gagawin nila ang lahat para dito ni Dorothy. Hindi mapigilan ni Everly na biglang isipin si Roscoe, ipinalagay na lang niya na nakatadhana rin marahil silang dalawa na mag-divorce. Each time it gets harder and harder, it seems like something is blocking them. Iyong mga pangyayari bang iyon sa kanila ay nakatadhana rin para maudlot ang divorce? Sa sandaling ito, lingid sa kanilang kaalaman na ginalaw-galaw ni Crizzle, ang kanyang mga daliri.“She is awake, Doctor Golloso!” bulalas ni Dorothy na hindi na mapigilan na biglang maging emosyonal at mapasigaw sa labis na ligaya sa kanyang nasaksihan. Humakbang palapit pa si Everly sa kama habang si Dorothy naman ay nagkukumahog na lumabas ng
BAGO TULUYANG MAKASAGOT sa tanong ng ina si Roscoe ay tumunog na ang kanyang cellphone na nasa bulsa. Si Alexis iyon nang tingnan niya. Wala siyang inaksayang panahon at dali-dali itong sinagot. “Alexis…”“Sir, pasensya na po sa istorbo pero nakatanggap ako ng tawag ngayon mula doon sa may-ari ng nagbibinta ng lupa malapit sa airport. Kailangan mong makipagkita sa kanila para sa ilang legal documents.”“Okay.” tipid na sagot ng lalaki sa kanyang kausap.Ibinaba ni Roscoe ang tawag at hinarap na ang ina. “Mom, kailangan kong umalis muna. I'll take care of my work first.” paalam niya na hindi na hinintay ang sagot ng ina, “Babalik ako mamaya pagkatapos.”Bago tuluyang makatalikod ang lalaki ay hinawakan ng ina ang isang kamay ni Roscoe upang matigilan.“Roscoe, ikaw na ang nakakuha ng piraso ng lupang pinag-aagawan niyo ng Maqueda Group near the airport? Totoo ba na ang sabi ng mga tao ay—” “Peke iyon, Mom. Fake news ang lumabas. Huwag kayong nagpapaniwala sa mga bagay na iyon lalo a
NAGAWAN NG PARAAN ni Everly na makahingi ng extra bed, blanket at pillow sa nag-round na nurse nang walang kahira-hirap dahil employee siya ng hospital. Wala rin kasi doong kagamit-gamit. Nagulat pa ang nurse nang makitang naroon ang kanyang asawa ngunit hindi naman na nagtanong sa kanya bilang respeto na rin. At dahil employee siya, walang hirap na nakakuha siya ng iba pang mga kailangan niya. Halos hatinggabi na nang tumigil ang malakas na buhos ng ulan. Naunang matulog si Everly. Nang makita ni Roscoe na himbing na siya ay saka pa lang din siya nakatulog nang maayos, ngunit saglit lang iyon dahil naalimpungatan siya nang maramdamang may tumabi sa kanya ay sumiksik pa talaga sa kanyang gilid. Nagulat siya nang makitang si Everly iyon na halatang hindi alam ang ginagawa habang natutulog. Hindi na niya napigilan ang lihim na mapangiti nang maliit dito.“Everly?” agaw niya ng pansin dahil baka gino-good time lang siya ng asawa. “Hey?” Nang maramdaman ang pagyakap nito sa kanyang kataw
PRENTENG NAUPO PA si Roscoe sa sofa kahit na hindi naman niya ito iniimbitahang gawin ang bagay na iyon. Ilang saglit siyang pinagmasdan ni Everly. Iniisip kung plano ba nitong magtagal? Hindi ba inutusan lang itong maghatid ng pagkain?“Salamat sa pagkain mong dala.” lapit na ni Everly sa paperbag at bahagyang sinilip ang loob upang tingnan ang laman. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Everly. Nasaan na ang may gawa nito sa’yo?” ulit ni Roscoe na ayaw siyang lubayan ng tingin, iyong tingin na parang lagpasan sa kanyang katawan. Payak na nginitian na siya ni Everly. “Saan ba napupunta ang mga masasamang tao, Roscoe? Malamang nasa police station na siya.” Tumayo si Roscoe at lumapit sa kanya. Ito na ang nag-unpacked ng pagkaing kanyang dinala. May slice fruits pa iyong kasaama na mixed ng apple, peras at pineapple. Abala ang mga mata ni Everly na tingnan ang asawa habang ginagawa niya iyon. Kakakita lang niya kanina dito ng umaga pero bakit parang na-miss niya ito agad sa loob n
SUMAPIT ANG TANGHALI at naroon pa rin ang ama at Lola ni Everly. Dumating pa ang kanyang Lolo na hagas na hagas sa kanya. Walang nagawa si Everly kung hindi ang iikot lang ang mga mata niya sa kanila upang ipakitang napipikon siya. Hindi niya kailangan ang mga ito doon. Ayos lang siya. Napakalayo sa bituka ng tama niya kaya ‘di kailangang mag-alala.“I’m fine, Dad. Stop hanging around me. Uwi na kayo nina Lolo at Lola.” “Mukhang hindi ka okay, Everly. Kailangan mo kami dito.” “Dad? Nasa hospital ako kaya paanong hindi ako magiging okay? Wala kayong dapat na ipag-alala, okay?” Sa bandang huli ay nagawang itaboy ni Everly ang ama at maging ang dalawang matanda na labis ang pag-aalala. Daig pa niya ang may malaking sugat na tinamo kung makapag-alala ang kanyang pamilya. Natahimik ang loob ng silid kung saan siya naroon nang mawala sila. Napangiwi si Everly na marahan ng hinaplos ang likod niya kung nasaan ang tattoo. Hindi lang iyon, sumabay pa ang pananakit ng mga galos niya sa braso







