NAGPALITAN NG MAKAHULUGANG mga tingin ang magkaibigan habang parang estatwa na nakatayo pa rin doon. Unang umubo si Desmond upang klaruhin ang boses niya habang kaharap ang mga matatanda. “Pasensya na po mga Tito, sumama si Daddy sa laot sa kanyang mga tauhang nangingisda at hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon kung kaya naman ako po muna ang pumalit sa kanya.” inumang ni Desmond ang dalawang bote ng wine na kanyang dala na nasa loob ng paper bags, “Sana po ay ma-enjoy ninyo itong lahat.” patuloy ni Desmond na ngumiti pa ng malapad kahit pa ang awkward na dito.“You’re welcome mga hijo, sige na maupo na kayo.” mosyon pa ni Arturo sa dalawang bakanteng upuan.Sabay na humakbang si Roscoe at Desmond palapit sa mga upuan kung saan ay malapit kay Everly. Bumakas agad ang problema sa mukha nila kung sino ang mauupo sa tabi ng babae. Kumindat si Desmond kay Roscoe na tila inuutusang maupo na sa tabi ng dati nitong asawa. Upang huwag ng humaba iyon ay pinili na lang ni Roscoe na maupo sa
BAYOLENTENG NATAWA ANG lalaki sa halagang sinabi ni Everly. Bakit ba? Iyon ang sa tingin niya ay presyo niya. Tinatanong siya nito ngayong sinagot ay tatawa ito na para bang imposible ang halagang sinabi niya?“Anong tingin mo sa katawan mo, ginto?” “Hindi lang ginto. Lagpas pa sa ginto.”Galaiting hinawakan na siya ng lalaki sa braso. Napapiksi na sa ginaw nito si Everly. Hindi niya inaasahan na hahablutin ng lasing na lalaki ang braso. Nanliit na ang mga mata niya. Naisip na ang arogante ng asta ng lalaking ang pangit ng hitsura.“Nagpapatawa ka ba, ha?”“Hindi. Hindi ka nga natawa di ba? Bitawan mo ako kung hindi mo naman pala kaya ang hinihingi kong halaga!” subok ni Everly na hilahin na ang braso niya.Sa halip na lumuwag ay humigpit pa lalo ang hawak nito sa kanyang braso na ikinapikon na ni Everly. “Excuse me? Bitawan mo nga ako! Sino ka ba sa akala mo na pwede akong hawakan ha?!”Pilit inapuhap ni Everly kung pamilyar sa mukha niya ang lalaki, ngunit hindi. Hindi niya ito ma
UMAALINGAWNGAW NA ANG galaiting tinig ni Roscoe na para bang papatay ito anumang oras. Laking pasalamat na lang ni Everly na walang gaanong tao dito dahil kung hindi, isang malaking eskandalo iyon na kakaharapin nilang dalawa.“Ano? Kilala mo na ba kung sino ako?!”Kinusot-kusot ni Samuel ang kanyang mga mata na nagsimula ng mangatal ang katawan nang makilala ang may-ari ng boses ng lalaking kaharap niya. Tila nahimasmasan siya at nagising sa espiritu ng alak ang kanyang bawat himaymay.“Mr. D-De Andrade?”Binalingan niya ng tingin si Everly na nasa likod pa rin ni Roscoe. Noon niya napagtanto kung sino ang babaeng iyon, si Everly Golloso; ang asawa ni Roscoe De Andrade na matayog na parang kawayan na nakatayo sa kanyang harapan!“Ayos ka lang ba?” lingon na ni Roscoe kay Everly na gulantang pa rin ang buong katauhan sa pagsaklolo ng dating asawa, hindi niya inaasahang bigla itong susulpot. Kaya naman niya ang kanyang sarili kahit na hindi ito makialam. Nagkataon lang na bigla itong
SA NARINIG NA sinabi ng dating asawa ay parang mabubulunan ng sarili niyang laway si Roscoe. Sumasalamin sa dilemma ni Everly ngayon kung paano niya noon itrato ang dati niyang asawa. “Bigla kang naging ibang tao…” Yumukod pa si Everly, naging dahilan iyon upang mahulog ang ilang hibla ng kanyang buhok sa magkabila niyang pisngi. Nadepina pa noon ang collar bone niya na mas nagpalitaw ng ganda niya. Hindi nakaligtas iyon sa mga mata ni Roscoe na titig na titig pa rin sa mukha ni Everly. Biglang sumagi tuloy sa kanyang isipan noong nasa highschool pa lang sila. Palagi siya noong napapaaway dahil isa siyang basagulero. Kada magkakasugat siya at masasaktan, palaging nariyan si Everly upang gamutin ang kanyang mga galos at sugat kahit na ang iba ay sobrang lala.“Bakit palagi ka bang nakikipagsuntukan? Gusto mo ba na palaging masakit ang katawan? Alagaan mo naman ang sarili mo. Paulit-ulit na lang. Sa sunod talaga, hindi na kita gagamutin!” Sabi lang naman iyon ni Everly, dahil kada ma
BIGLANG NAGING MAPAKLA ang mukha ni Roscoe nang makita niyang paalis na si Everly sa harapan niya dahil tinalikuran na siya nito. Oarang may sariling buhay na biglang hinablot ni Roscoe ang isang braso ni Everly gamit ang isa niyang kamay kung kaya naman biglang napalingon ang dating asawa sa kanya na pilit ginawang blangko ang mukhang ipinapakita. Inaasahan na niyang mangyayari iyon kaya kalmado pa rin.“Mr. De Andrade, may kailangan ka pa ba?” hindi man lang nanginig ang boses dito ni Everly.Rumihistro ang sobrang frustration ni Roscoe sa mukha na hindi niya malaman kung saan galing at bakit siya naiinis na ayos ang ang reaction ng dating asawa. Gamit ang mahaba niyang mga braso ay hinila niya si Everly palapit pa sa kanya na kung hindi niya nayakap ay paniguradong humampas ang katawan sa gilid ng sasakyan. Nanlaki naman ang mga mata ni Everly na napahawak na sa dibdib ng dating asawa. Muli siya nitong ikinulong sa mga bisig habang nakatuon ang nandidilim na mga mata. Paulit-ulit n
PAGKAPASOK NG PINTUAN ni Everly ay nakita niya doon nakatayo si Desmond na parang mayroong hinahanap. Hula agad ni Everly na malamang ay ang kaibigan niyang si Roscoe ito. Hindi naman nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Desmond ang smudged nitong lipstick at ang namumulang mga mata. Doon pa lang alam niyang may ginawa dito ang kaibigang si Roscoe na hindi na lang niya gustong alamin. Gusto niya sanang abutan ito ng panyo pamunas man lang nito doon kaso nga lang ay baka mapahiya lang siya.“Kailangan mo ba ng tulong, Everly?” hindi nakatiis ay tanong na niya dahil baka may magagawa siya dito.Umiling ang babae nang hindi tumitingin dahil ayaw niyang makita ang sakit na nagtatago sa mga mata.“Nakita mo ba si Roscoe?”“Nasa parking lot.” sagot pa rin ni Everly nang hindi siya tinitingnan sa mata.Tumango si Desmond na nakaburo pa rin ang paningin sa nakayukong si Everly.“Excuse me, gagamit lang ako ng bathroom.” Sinundan siya ng tingin ni Desmond habang nakataas ang isa niyang kilay.
PINANDILIMAN PA NG paningin ni Roscoe ang lalaki nang makita niyang nakatingin ito sa kanya. Hindi inaalis ang mga mata na kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang secretary. Nang sumagot na si Alexis ay lumabas siyang muli ng parking lot para doon ituloy itong kausapin dahil tahimk doon kumpara sa loob.“Alexis, may ipapagawa ako sa’yo. Bilhin mo ang lahat ng shares ng Castro Group sa kahit magkanong halaga at siguraduhin mong—”“Sir, sandali po bago ko sundin ang utos mo ay may sasabihin ako sa inyo.” pag[utol nito na ikinakiling na ng ulo ni Roscoe dahil hindi iyon ugali ng secretary niya; ang putulin siya. “May mas malaking problema po tayong kailangang harapin. Sa tingin ko po ay magiging problema mo ito kaya—”“Ano iyon? Bakit? May nangyari ba habang wala ako?”“Nanggaling dito si Miss Lizzy at tinatanong ang schedule mo ngayong buong araw.” “Tapos?”“Napilitan akong sabihin kung nasaan ka ngayon. Malamang papunta na iyon diyan dahil kailangan ka raw niyang makausap. Pinigila
NILAGPASAN LANG SILA ni Everly na parang walang anumang narinig at dumiretso sa kanyang sasakyan. Tahimik na sinundan ng dalawa ng tingin ang babae. Pinatunog niya ang sasakyan at sinubukan niyang sumakay na dito. Para sa kanya ay walang silbi ang apology ni Lizzy. Blangkong papel na hindi man lang niya kakitaan ng emosyon ng pagsisisi. Saka ano? Dati sila magkaibigan kaya kailangan na kalimutan na lang? Kung si Roscoe ay kaya nitong paikutin sa mga kamay niya, siya ay hindi. Nungkang kausapin niya pa ito. Alam naman niya na basta na lang niyang sinabi iyon dahil naroon si Roscoe at nakikinig o masabing nag-sorry na siya sa kasalanan niya. Hindi niya na dapat pang kinakausap ang mga ganitong klase ng tao.“Everly…” mahinang tawag na din sa kanya ni Roscoe upang kausapin siya.Akmang lalapit pa sana sa sasakyan niya si Roscoe nang hawakan na siya ni Lizzy sa kamay para pigilan. Mapang-asar ang ngiti na nilingon na sila ni Everly nang makita niya iyon sa gilid ng kanyang mga mata. As if
KAILANMAN, BUONG BUHAY niya ay hindi nawalan ng sasabihin at katwiran si Roscoe kapag kinakausap. Nang mga sandali pa lang iyon nangyari at dahil kay Everly. Ilang minutong pinag-aralan niya ang mukha ni Everly na napagtanto niyang maganda sa malapit.“Bakit? Naging mabuti ba ako sa’yo, Everly?”Ginawa lang niya ang gagawin ng isang estranghero sa isang taong nangangailangan ng tulong. Paano nga ba siya naging mabuting asawa kay Everly Golloso?“Ito. Hindi ba ito kabutihan?”Dinilaan pa ni Roscoe ang labi upang basain ng laway. Muli na namang natameme sa katanungan ni Everly.Gaano ba kapangit ng trato niya sa asawa dati at pati itong ginawa niyang pagtulong ay big deal sa kanya?Nakaramdam pa ng kakaiba si Everly sa pananahimik ni Roscoe. Iba talaga ang nararamdaman niya sa mga kinikilos nito. Nagpakaba pa iyon sa kanyang puso lalo na nang muli siyang alalayan at igiya ni Roscoe. Sa siko na lang naman siya nito hinawakan ngayon. “Hindi ito kabutihan at pagmamahal, Everly na kahit na
MALALAKI ANG MGA hakbang na nilagpasan niya si Roscoe upang mabilis na din na makalayo sa asawa. Tahimik namang sumunod si Roscoe habang nasa likod niya ang dalawang kamay. May kakaibang ngiti sa kanyang labi na hindi niya magawang ipaliwanag kung bakit ganun na lang siya kasaya nang makitang hiyang-hiya at namumula ang mukha ng asawa niya.‘What’s wrong with you now, Roscoe? Maligaya ka?’Ang mga lumabas kanina na doctor ay naabutan nilang nasa harap lang ng kinaroroonan nilang silid. Yumukod ang mga ito upang magbigay na ng galang. Napayuko rin nang bahagya si Everly bilang tugon. Ang OA lang talaga ni Roscoe na kinakailangan pa siyang dalhin sa hospital kung pwede naman niyang gamutin na lang ang kanyang sarili sa bahay nila. Marami pa tuloy silang naabala na ‘di naman dapat.“Mrs. De Andrade, narito po ang mga gamot na kailangan niyong i-apply sa mga sugat.” bigay ng doctor ng ointment lang naman, “Hindi man gaanong malalim ang mga sugat kaso nga lang ay ang dami nila. Para na rin
AWTOMATIKONG INIIWAS NA ni Everly ang kanyang mga mata sa mukha ni Roscoe. Itinuro na ng kanyang daliri ang likod. Mabilis namang nagtungo doon si Roscoe. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na bagama’t hindi naman nakatakip ay nakita niyang magiging sagabal iyon. Sa ibabaw ng kanyang tattoo ay may dalawang maliit na piraso ng bubog na nakabaon. Maputi at maselan ang balat ni Everly, at nang tumusok ang fragment sa kanyang balat, agad nang namula ang buong paligid noon. Hindi mapigilan ni Roscoe na itaas ang kanyang kamay. Bumagsak ang nanlalamig niyang mga daliri sa likod ni Everly na nang dumampi ay bahagyang nanginig. Naburo na ang mga mata doon ni Roscoe. Maingat niyang kinuha ang mga fragment, nilinis ang sugat at nilagyan ng hemostatic gauze. Nang tutulungan na sana niya si Everly na tingnan kung may mga fragment pa sa ibang bahagi ng katawan, hindi niya naiwasang tumagal ang mga mata sa tattoo ng babae. Hindi na niya napigilan ang palad na haplusin iyon. Magaspang ang bahagin
KAKARATING PA LANG sa Ginang ng balita kung kaya naman hindi pa niya nagagawang e-digest iyon at naunahan na ng panic. Gumalaw ang adams apple ni Roscoe na humigpit pa ang yakap sa katawan ni Everly na sa mga sandaling iyon ay namumungay na ang mga mata. Biglang malakas na kumalabog ang loob ng puso niya. Ang dugo mula sa pulso ni Everly na nasugatan ng matalim na bubog ay dumikit sa leeg ni Roscoe. Mainit iyon dahil sariwa at malagkit. Hindi rin iyon nakaligtas sa paningin ni Roscoe na hindi komportable ang pakiramdam. Napatitig na siya sa mukha ni Everly na puno ng halo-halong emosyon ang mga mata. Bumilis pa ang kanyang mga hakbang papalabas ng venue, karga pa rin ang katawan ni Everly. Wala rin siyang planong bitawan ang asawa.“R-Roscoe…” usal ni Everly kahit blurred ang tingin.Tumitig pa ang mga mata ni Everly sa mukha ni Roscoe. Hindi niya alam kung nakakakita siya ng mga bagay, ngunit nakita niya ang pag-aalala sa mga mata ni Roscoe sa unang pagkakataon habang karga siya. Sus
HINDI NA NAGAWA pang makapagtimpi ni Everly. Kailangan na niyang mailabas ang frustration niya. Akmang sasampalin niya na si Lizzy nang hindi inaasahan na bigla na lang madulas ang waiter malapit sa tower ng kaharap nitong alak. Nandilim na ang paningin ni Everly doon at nabalot ng takot ang buo niyang kalamnan. Hindi biro ang babagsak sa kanila kapag nagkataon na anumang oras ay matutumba na sa kanilang dalawa ni Lizzy; ang tower ng alak! Malakas na pumintig na doon ang puso ni Everly. Naalala na ang waiter na iyon ay ang huling kausap ni Lizzy kanina bago siya nito harapin. Ito ba ang napag-usapan nila? Ang ipahamak si Lizzy in disguise na iniligtas siya nito para malinis ang pangalan niya sa kahihiyang nangyari kanina? Ito ba? Gusto nitong palabasin na may busilak siyang puso? “Roscoe, kinakausap pa kita…” narinig ni Everly ang boses ni Desmond kung kaya malamang ay malapit lang sa kanilang kinaroroonan ni Lizzy ang magkaibigan. Mukhang tama nga ang hinuha niya! Plano pang palabas
NAPAAWANG NA ANG bibig ni Roscoe nang maramdaman ang nakakakiliting init ng hininga ni Everly sa kanyang tainga. Bilang reaction doon ay marahas na itinulak niya na ang asawa na napasandal pa sa malamig na pader ang likod. Nang maalala ang sinabi ni Everly na gustong mangyari kay Lizzy, naging mas visible pa ang matinding galit sa mukha ni Roscoe na kitang-kita naman noon ni Everly. Ngumisi pa si Everly upang mas asarin ai Roscoe nang makita ang reaction nito na halatang apektado.“Baliw ka na!”“Walang masama sa pagiging hibang, Roscoe. Kagaya mo, hindi ba at baliw na baliw ka rin naman kay Lizzy?”Nang hindi sumagot si Roscoe ay tinalikuran na siya ni Everly. Hindi naman siya pinigilan ni Roscoe na parang sinampal sa huling sinabi ni Everly sa kanya. Napaayos ng tayo si Roscoe ng lumingon pa si Everly. “Pareho lang tayong baliw, sa ibang dahilan nga lang.” sambit pa ni Everly na may mapaklang tono na iyon. Pagkasabi nito ay umalis na ang babae. Naiwan si Roscoe na nakatayo. Pilit
SINUBUKAN NI EVERLY na ibuka ang bibig upang mag-explain, ngunit agad niyang tinikom. Ano pang gamit noon? Massayang lang ang laway niya sa lalaki. Hahayaan na lang niyang paniwalaan nito ang gusto.“Roscoe, ikaw ang hindi marunong lumugar! Bakit ganyan ang trato mo sa asawa mo sa harapan ng maraming tao?” muling buga ng apoy ng kanyang ina na napipikon na sa mga nangyayari, nangangati na ang kanyang palad na hilahin sa buhok si Lizzy para humiwalay ito sa kanyang anak. “Wala kang galang!”“Kahit na Mommy, hindi pa rin tama na paiyakin niyo si Lizzy at ipahiya sa harapan ng maraming tao dito!”“Wala na, hibang na hibang ka na talaga!” iling pa ng ina ni Roscoe na mas sumiklab ang galit kay Lizzy. Noong una ay ayaw naman talagang papuntahin ni Roscoe si Lizzy ngunit ito ang nagpumilit. Kung sasabihin niya iyon sa babae ngayon, mas iiyak pa ito. Sinabi niya rin kay Lizzy na baka di siya itrato ng maayos ng kanyang pamilya, ngunit nagmatigas ito na gagawin niya ang lahat magustuhan lama
SA MGA SANDALING iyon ay parang hindi na makahinga si Lizzy. Napahawak na siya sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya kaunti na lang at hihimatayin na siya sa labis na kahihiyang kinakaharap niya ngayon. Everyone in the venue shut their mouths, and it was so quiet that one could hear a pin drop. Everly looked at those people's gloomy faces with interest, the corners of her mouth raised and she smiled brightly. Natutuwa siya sa nakikitang reaction ng dati niyang kaibigan.“Lizzy, wala ka bang gustong sabihin?”Napalingon na ang marami kay Lizzy na para bang humihingi ng explanation kung bakit iyon nangyari.”I mean, wala kang sasabihin kay Lola?”Sa kaarawan ng matanda, binigyan niya ito ng regalo na fake. Marapat lang na humingi ito ng paumanhin. Kung hindi siya dumating, maloloko nito ang matanda. Hindi lang iyon, tiyak bida-bida na naman ang gaga na ang buong akala ay tunay lahat ng iyon.“Lola, pasensya na po. Hindi ko po alam na ang iba sa kanila ay fake. Naloko lang din po ako.” pa-v
SI APO SALUD ay sinaunang tao na kilala ng halos ng karamihang nakatira sa kanilang lugar. Marami itong kaalaman pagdating sa maraming bagay at mga halaman. Ang lahat ng tao doon ay naniniwala dito. Bago iyon sa pandinig ni Everly kung kaya naman nangunot na ang kanyang noo. Hindi makapaniwala na gagamit pa ng ibang tao si Lizzy at magpakampi dito. “Sinong Apo Salud?”Narinig na ni Everly ang pangalan nito kung kaya naman medyo pamilyar iyon sa kanya ngunit hindi naman niya lubusang kilala kung kaya tinanong na niya kung sino ba iyon? “That weird old woman?” “Weird woman? Ang kapal naman ng mukha niyang sabihin na weird woman si Apo Salud!” sambit ng isa sa mga bisitang naroon na para bang nasaktan ito.“Kaya nga, hindi na iginalang ang matanda!”Hindi pinansin ni Everly ang komentong iyon. Hinarap niya si Donya Kurita upang magmungkahi. “Lola, since sinasabi ni Lizzy na tampered ang ginamit naming pang-check, bakit hindi nga natin papuntahin dito si Apo Salud upang sabihin kung a