/ Romance / Rekindled Romance After Divorce / Chapter 4.1: Crossing the line

공유

Chapter 4.1: Crossing the line

last update 최신 업데이트: 2025-03-01 01:52:52

NAPATITIG NA ANG mga mata ni Everly sa lalaking patuloy ba kumakaladkad sa kanya palabas. Nang muli pang mapagsino ito ay hindi niya na maiwasang makaramdam pa ng kaunting pagkatulala. Ganun na ganun ang eksena noong isalba siya nito sa mga bully niya. Kinaladkad din siya ng lalaki at mahigpit na hinawakan ang kamay niya upang tumakas mula sa pagtugis ng mga taong malupit sa kanya. Kung mas masama ang pakikitungo ni Roscoe sa kanya noong mga panahong iyon at hindi iyo naging mabuti, baka hindi niya ito sobrang minahal ng ganito kalalim. Hindi niya ipinagpilitan ang sarili na pakasalan siya kahit na ang ibig sabihin noon ay ang maging suwail at makipag-away sa kanyang pamilya.

Bakit siya ngayon nandito? Hindi ba at dapat ay nasa hospital ito? At ano na namang ginagawa niya? Ipinapahiya niya lang muli ang sarili niya!

Nagseselos ba ang dati niyang asawa dahil nakikita niyang intimate siya sa ibang lalaki?

Imposible naman iyon.

Natawa na si Everly sa kaisipan niyang iyon. Binitawan
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 64.2: Laki ng Inggit

    KULANG NA LANG ay lumuwa ang mga mata ni Lizzy nang makita niyang maputla ang mukha ni Everly na parang naaagnas, iyong tipong nangingitim na iyon. Basa ang buhok nito at hindi lang ang damit. Mukha siyang nakakatakot. Bumangon ba si Everly sa tubig? Paano siya nakatakas? Minumulto na ba siya nito dahil alam nitong siya ang nagpatumba sa kanya? Imposble rin iyon! Wala ng patay ang bumabalik para lang konsensyahin ang may gawa noon sa kanya at takutin.“Lizzy, give me back my life. Alam kong ikaw ang may kagagawan nito kung bakit ako namatay. Bakit mo ako kailangang ipadukot at ipatumba? Hindi ka na naawa. Makikipag-divorce naman ako, hindi mo kailangang gawin sa akin ang bagay na ito. Alam mong marami pa akong pangarap hindi ba? Paano na iyon ngayon, Lizzy? Paano na?” ini-unat pa ni Everly ang kanyang kamay, tila inaabot niya si Lizzy na sa mga sandaling iyon ay bakas na sa mukha ang labis na takot sa kanya.“H-Hindi, hindi ako ‘yun Everly…” nanginginig ang boses na sambit ni Lizzy na

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 64.1: Paniwalang-paniwala

    NAGULANTANG NA DOON ang lalaki. Hindi ba dapat tumakas na ito ngayon pa lang? Bakit kailangan nitong palabasin na natuloy ang kidnapping kung hindi naman? Hibang na ba ito? “Pero kung sasabihin namin iyon, hihingan niya kami ng proof—” “Then bigyan natin siya ng proof. Hindi niyo naman siguro ako tatarantaduhin lalo na ngayon na alam niyo na kung ano ang kakayahan kong gawin sa buhay niyong lahat. Di ba na-picture niyo naman ako kanina? Hindi pa ba enough na proof iyon para maniwala siya?” “Kailangan pa rin natin pumunta ng beach.” turan ng lalaki na medyo nagpakutob ng kakaiba kay Everly, ano siya hibang? “Gaya ng unang plano. Kailangan natin magtungo dito.” Plano ba nitong gulangan siya? The seaside was their destination, they must have an ambush. Paano niya malalaman na nagsasabi sila ng totoo? Malamang ay marami silang kasamahan.“No, hindi ako sasama sa inyo sa beach. Kayo ang humanap ng paraan kung paano gagawin ang hiling ko. Pwede kayong gumawa ng ibang scenario na agad na

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 63.3: Utak ng Pagdukot

    PANIGURADONG ILANG ARAW siyang minanmanan ng grupo at noong nakakuha sila ng pagkakataon na mag-isa na lang siya at lutang, saka sila kumilos. Naniniwala siya na ang grupo ay under ni Lizzy. Tatlong oras ang kanilang bubunuin upang makarating sa tabi ng dagat kung saan man siya nila planong lunurin. Iyong beach na iyon ay paniguradong ang family beach nina Lizzy na nasa bandang Camarines Sur. Sa loob ng tatlong oras na iyon, kailangan niyang makaisip ng paraan. Iginalaw niya ang kamay na nasa likod, biglang naging alerto ang katabi niyang lalaki na tiningnan siya ng masama at nag-check ng tali niya sa kanyang kamay. Palihim niyang pinindot ang relo na kanyang suot upang mag-send lang ng location niya kay Monel.‘What do you think of me? Gaya niyo na mga bobo?’ Mabagal ang naging takbo ng van paalis ng Legazpi. Ibinaling ni Everly ang kanyang mga mata sa labas ng bintana. Narinig niya ang munting halik ng mga kasama niya na tiwalang hindi niya magagawang makatakas dahil lang babae siy

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 63.2: Kidnapping

    NAPAKURAP NA LANG ng kanyang mga mata si Everly na naiwan na naman doong mag-isa. Sinundan niya iyon ng malalim na buntong-hininga. Bumalik sa kanyang isipan ang nangyari kanina sa hospital kung kaya naman bigla na naman siyang nawalan ng ganang kumain. Nagpasya siyang uubusin lang niya ang nasa plato niya at uuwi na rin. Gusto na niyang magpahinga. Isipin lang muli ang nangyari kanina na sagutan sa asawa ng pasyente at pagpunta nila ng police station ay napapagod na siya. Gusto na niyang ipahinga ang katawang lupa niya.“Sa sunod, makikinig na talaga ako kay Doctor Santibaniez.”Pagkalabas na pagkalabas ni Everly ng pintuan ng restaurant ay isang itim na van ang huminto sa kanyang harapan. Ang buong akala niya ay customer din sila doon, ngunit natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na nahawakan na ng lumabas ditong dalawang lalaki. Sa bilis ng mga pangyayari ay late ng nakapag-react ang kanyang katawan upang makahingi pa sana ng tulong. “Behave yourself, kung ayaw mong masaktan!”

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 63.1: Scratch

    HINDI NA MAITAGO ang gulat sa mukha ni Everly na sa halip na sermon ang sumalubong sa kanya, inuutusan lang siya nitong bumalik sa iniwan niyang trabaho? Seryoso ba ang head nila? Kung sa kanyang Lola niya iyon ginawa, paniguradong nasampal na siya upang magtanda siya. Tahimik na humakbang si Everly palapit sa table ni Dorothy. Baka nagkamali lang siya ng dinig.“Doctor Santibaniez, I’m sorry…”“It doesn’t matter. Lahat naman tayo ay pinagdadaanan ang ganitong stage ng buhay.”Nakikita pa rin ni Dorothy si Everly sa kanyang sarili noong bagong salta siya sa industriya kung kaya naman hindi niya masisisi kung gumamit man ito ng dahas upang may ipagtanggol lang. Sa una magiging ganito talaga ito, pero alam niyang sa pagdaan ng m

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 62.3: Violence

    GALAITING SINIPA ni Everly ang lalaki sa mukha nang walang anumang salita. She hooked the man’s neck, clamped it hard and forced him back to the pillar on the side. Everly raised his knee fiercely and slammed it directly into the man’s face. Paulit-ulit niya iyong ginawa. Gulantang na pinanood lang siya ni Roscoe na sunod-sunod ng napalunok ng sariling laway na para bang nanonood siya ng action movie ng live. Hindi makapaniwala na marunong itong makipaglaban? Itinapon ni Everly ang lalaki sa sahig with a fierce back throw. Bingi na siya sa sigawan ng mga taong pilit na siyang inaawat at natatakot na baka mapatay niya ang lalaking kanyang kalaban.“Hindi ba babae ang ina mo at ganyan ka trumato ng mga babae ha?!” Duguan na ang gilid ng labi ng lalaki na pumutok. Tulalang napatitig na ito sa kisame. Malamig ang tinging ipinukol sa kanya ni Everly. She lightly rubbed the corner of her mouth with her fingertips. Dinuro niya ang nakahiga pa ‘ring lalaki na iniinda ang sakit ng likod. Di m

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status