Home / Romance / Rekindled Romance After Divorce / Chapter 54.2: Asawa pa Rin

Share

Chapter 54.2: Asawa pa Rin

last update Last Updated: 2025-05-26 03:05:38

TUMANGO LANG SA kanya si Lucy, ilang minuto pang naburo ang mukha kay Everly. Noon pa man, magaan na ang loob niya kay Everly na halos ang turing na rin niya dito ay anak. Kaso, noong makaaway ito ni Lizzy, sumama ang loob niya sa babae kagaya ng nararamdaman ni Lizzy kung kaya naman nagalit na rin siya at nagbago na ang pakikitungo dito. Marahil ay dahil naaalala niya sa kanya ang tunay niyang anak na si Emerald. Kung hindi lang ito nawala, paniguradong ito ang ipipilit niyang ipakasal sa isang Roscoe De Andrade. Kaso, hanggang sa mga sandaling iyon ay ‘di pa ito nahanap.

“Mabuti naman kung ganun.”

Hindi na nakatiis pa doon si Sheena. Napupuno na siya sa kasamaan ng ugali ng ina ni Lizzy.

“Alam niyo po, Mrs. Rivera, gaano man kabagay si Roscoe at ang anak niyong si Lizzy, hindi pa rin noon mababago ang katotohanang side chick siya hangga’t may bisa pa ang kasal ni Everly sa kanyang asawa. Sana ay alam niyo po iyon.”

Matalim ang mga matang hinarap na ni Lucy si Sheena. Hindi naman i
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 56.3: Bulok na Alibi

    NAPUNO PA NG pagtatakang napanganga na si Everly na makailang beses binasa ang message ni Roscoe. Baka kasi namamalikmata lang siya sa kanyang nabasang message nito. Blinock pa rin niya ang number na ito at bumalik na sa private room ng restaurant na walang pakialam dito. “Ano bang problema ng lalaking iyon? Hindi na lang magpaka-busy sa babae niya?!”Kulang na lang ay ibato ni Roscoe ang cellphone nang hindi na niya matawagan ang asawa at malamang naka-block na siya. Ilang beses pang sinulyapan ni Roscoe ang loob ng restaurant habang nakasandal sa gilid ng kanyang sasakyan. Gusto ng katawan niyang sumugod na doon at gulpihin na ang lalaking kasama ng asawa, ngunit pinairal niya ang kanyang isipan na huwag iyong gawin dahil tiyak na makakagawa siya ng malaking gulo. Sa bandang huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang lumulan muli sa loob ng sasakyan niya. Aalis na lang siya. Uuwi na lang siya. “Ano ba kasing ginagawa ko dito? Nagmumukha na akong tangang aso na humahabol sa kanya!”

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 56.2: Maling Akusasyon

    ABALA SA KANYANG binabasang medical record si Everly habang kausap niya sa kabilang linya ang kaibigang si Sheena. Tumawag ito upang mangumusta at mayroong itanong din sa kanya.“Alam mo ang tungkol sa Elite Party, di ba?” “Hmm, bakit mo naman natanong?” “Na-experience ko ng pumunta doon, last year. At ang masasabi ko ay sobrang dumi niya.”Mahinang natawa si Everly. Alam niya iyon. Kung sa iba ang labas ay upang magkaroon ng ibang kaibigan at lumawak ang kanilang sakop, mali iyon. Ang party na iyon ay walang kinalaman dito. “Iyong may-ari ng brands na isa sa mga sponsor ko, gusto niya akong isama ngayong taon. Nagdadalawang-isip nga ako kung tatanggapin ko eh. Sa totoo ay tinatamad akong pumunta.”“Pupunta ako ngayong taon.” anunsyo ni Everly na ikinabuhay ng mga mata ni Sheena. “Oh my God, Everly! Tama ba ang narinig ko? A-attend ka?” Kailanman ay hindi sumasali si Everly sa mga ganung event. Nalimitahan pa iyon lalo na noong magpakasal siya kay Roscoe. At hindi niya mapigilang

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 56.1: Bully

    SAKTONG DATING NI Roscoe sa silid ni Lizzy na malapad na ang ngiti ay nakatanggap si Roscoe ng message sa kaibigan niyang si Desmond. Akmang yayakapin na sana siya ni Lizzy noon nang maudlot nang dahil sa inis niya sa nabasa niya.Desmond: Roscoe, hulaan mo kung sino ang nakita ko ngayon. Hindi ka maniniwala. Nakita ko ang ex-wife mo!Damn it, Bro! Hindi ako maaaring magkamali. Asawa mo iyon. Este dati mong asawa pala. Pero bakit may iba siyang kasama? Iyon na ba ang ipinalit niya sa’yo? Naku, marapat ka ng kabahan, Bro. Gwapo ang lalaki at mukhang mayaman din naman. Muli pang nawala sa timpla ang damdamin ni Roscoe. Sunod-sunod pa ang naging mensahe ng kaibigan na naging dahilan upang sunod-sunod na rin siyang mapalunok ng laway. Humigpit na rin ang hawak niya sa kanyang cellphone.Desmond: Ang sweet nila, Bro. Daig na daig ka! Halatang ang dami niyang asukal sa buto. Tama lang ito, tutal naman ay pinalitan mo siya marapat lang na maghanap na rin siya ng pamalit sa’yo. Sa ganda ng

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 55.3: Nagliliyab na Damdamin

    WALANG IMIK NA tumalikod at umalis na ang nurse matapos nitong yumuko sa kanya at ipaabot ang mensahe ni Roscoe na pinapasabi. Ayaw niya ng madamay pa sa pagtatanong ni Lizzy na hindi naman niya alam kung paano iyon sasagutin.“Lizzy, baka naman busy lang talaga siya.” si Lorenzo na nakita ang napipintong pag-iyak ng kapatid. “Babawi naman sa’yo iyon kung mayroon siyang pagkakataon. Businessman si Roscoe at may mga unexpected meetings nang biglaan.” “Kahit na Kuya, sana man lang ay nagpakita siya sa akin bago siya umalis!” iyak na ni Lizzy na ikinabuntong-hininga na lang ni Lorenzo na hindi na alam kung paanong alo pa ang gagawin niya sa kanyang kapatid na halatang nag-iinarte lang.“Kung ganyan ka mag-demand ng oras at panahon sa kanya, hindi ako magtataka na isang araw ay masakal siya sa’yo. Hayaan mo siya. Narito naman ako. May kasama ka. Isa pa, pupunta rin ang iba mo pang mga kapatid mamaya. Hmm?” Hindi na nagsalita si Lizzy na masama pa rin ang timpla ng mga sandaling iyon. Na

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 55.2: Duda

    NAIWAN ANG MGA mata ni Roscoe sa suite na pinasukan ng kanyang asawa. Sa mga sandaling iyon ay gusto niyang sugurin doon si Everly at kaladkarin palabas. Bumabaha pa rin kasi ang katanungan sa kanyang mga mata kung sino ang katagpo nito. Nagpabigat pa iyon sa kanyang dibdib at nag-iwan ng matinding curiosity. Dahil sa pagka-interes doon ay hindi niya namalayan na bumukas na pala ang suite na nasa kanyang harapan. Kung hindi pa nagsalita ang taong nagbukas noon, hindi pa nito makukuha ang kanyang atensyon. Ilang segundo na itong nakatitig at nagtataka sa kanya.“Mr. De Andrade?” “Ah, sorry…” hingi niya ng paumanhin na binigyan na ng matingkad na mga ngiti ang kaharap.Bago tuluyang pumasok sa suite si Roscoe na kanyang pakay ay muli niyang sinulyapan ang suite kung nasaan ang asawa. Kung hindi lang importante ang kanyang lakad, malamang ay inuna niya ang asawang sitahin at hingan ng paliwanag.‘Tsk, siya pa talaga ang may ganang tanungin ako kung ano ang trabaho ko dito? Siya naman an

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 55.1: Thirty Million

    NAPATAYO NA DOON si Roscoe na hindi na nagustuhan ang kanyang sinabi. Totoong galit na siya kay Everly ngayon. “Tinatakot mo ba ako? Ikaw na nga ang nagkasala sa akin tapos ako pa ngayon ang tinatakot mo?” hindi makapaniwala ang mga mata ni Roscoe habang nakatingin sa kanyang asawa, umaahon na naman ang galit sa ibabaw ng dibdib niya.Umayos na ng tayo si Everly na tiningnan na din ng seryoso ang mukha ni Roscoe.“Hindi kita tinatakot, Roscoe. Nagpapaliwanag lang naman ako.” May inilapag si Roscoe na papel kung saan nakalagay kung magkano ang kanyang kailangang bayaran. “I hope mabayaran mo siya agad dahil kung hindi ay paniguradong magkikita tayo sa court.” Dumukwang palapit doon si Everly at binuklat na ang papel upang tingnan kung magkano ang babayaran niya. Kulang na lang ay lumuwa ang kanyang mga mata nang makita ang halagang nakalagay doon. Kung tutuusin ay barya lang iyon sa kanya pero nungkang bibigyan niya ito ng ganung halaga. Thirty million? Sinisingil siya nito ng thir

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status