Share

Chapter 9

Pinanood ni Rosie si Claude habang paalis ang kotse nito sa harap ng kanyang apartment. Nang masigurong ito'y nakaalis na, doon pa lang siya pumasok sa loob.

Sa kanyang pagpasok, nadatnan niya si Nicklaus na umiinom ng whiskey. Nilapag muna ni Rosie ang kanyang bag sa ibabaw ng mesa saka lumapit kay Nicklaus. Paglapit nito, napansin niya ang isang pahilom pa lang na sugat sa kamay nito.

"Anong nangyari sa kamay mo?" takang tanong ni Rosie habang nakatuon ang tingin nito sa kamay ng lalaki.

Binaba saglit ni Nicklaus ang hawak niyang baso't tinignan ang mismo nitong kamay. "Nakalaban ko ang Crimson clan kanina. Nakuha ko na at nahanap si Vignor pero sumulpot sila," dismayadong sagot nito.

Sumeryoso ang mukha ni Rosie. "Saan mo sila nakita?"

"Sa kakahuyan," sagot ni Nicklaus bago tuluyang ibaba ang baso sa kalapit niyang mesa. "Halatang tinutulungan nila ito, pero si Claude... mukhang binabantayan nila siya at sinusundan."

Nawala na lang

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status