Share

Revenge of the Century
Revenge of the Century
Author: Joyang

Chapter 1

Author: Joyang
last update Huling Na-update: 2021-11-09 20:34:31

"Congratulations sa bagong kasal!" masayang sigaw ng isang babaeng matanda sa dalawang tao na dumating sa kanilang mesa. Magarbo ang reception at maraming dumalo sa pinakahihintay na kasal ng dalawang magkasintahan.

Sa buong paligid, mapapansin na tanging mga mayayaman na tao lang ang pumupuno rito dahil sa mga mamahalin nilang suot isama na rin ang elegante nilang mga kilos. Maraming nag-uusap na mga business man sa gilid, habang ang mga kababaihan naman ay nagpapasikatan sa mga mamahalin nilang kasuotan at alahas.

"Mom… masaya po ako dahil ngayon ganap ko nang masasabi na isa na akong Montreal. I am glad that you accept me without any hesitation towards your family," masayang sabi ni Kourtney, ang bagong asawa ni Claude na kanyang groom sa ngayon.

Ngumiti si Mrs. Camilla sa naging sagot ng babae, ang ina ni Claude na nanggaling sa mayamang pamilya mula sa ibang bansa. Napangasawa niya ang ama ng lalaki sa pamamagitan ng arrange marriage na siya mismo ang may gawa kahit na una pa lang ay tutol na ang kanyang magulang noon pa man.

Kinuha nito ang kamay ni Kourtney. "Since the day I saw you with my son, I know exactly that you are the perfect woman for him. Which is why I am so happy that you are officially part of our family."

Mas lumapad ang ngiti ng babae sa kanyang narinig habang ang asawa naman niya ay hindi maalis ang kamay nitong nakapulupot sa kanyang bewang. Suot ng babae ang puting silk gown na umaabot sa sahig at may kaunting slit sa gilid na hindi gaano kataasan na hapit sa kanyang katawan.

Magsasalita pa sana si Claude nang bigla na lang mamatay ang ilaw sa paligid at tanging sa mismong stage ang naiwang nakabukas. Nagtaka ang iba sa nangyari na naging sanhi upang umugong ang ingay sa paligid.

"What is going on?" takang tanong ni Mrs. Camilla sa kanyang anak. Napakibit-balikat ito dahil maski siya'y hindi alam ang nangyayari. Inalis muna nito ang pagkakahawak sa asawa at aalis na sana upang magtanong nang may isang babae ang lumabas mula sa mga kurtina sa gilid ng stage.

Elegante ang kanyang bawat galaw na ginagawa habang papunta sa gitnang bahagi ng stage. Suot nito ang itim na dress na hapit sa kanyang katawan at may kaunting diyamante sa bandang bewang. Backless din ito kaya mas lalong nagpadagdag ng kaseksihan sa babae ang kanyang kasuotan na may pulang-pulang labi na bumabagay sa mala-gatas niyang kutis.

Sa pagtama ng spotlight sa kanya, para siyang kuminang kasama ng simple nitong suot na mga diyamante na kumumpleto sa suot nito na nagpaagaw sa atensyon ng lahat. Maraming namangha sa taglay nitong kagandahan lalo na't nakalugay ang hindi gaano kahabaan nitong kulot na buhok habang ang iba naman ay nagtataka sa kung sino ang babae.

Gulat ang naramdaman ng tatlo sa paglitaw ng babae na ngayo'y may ngisi na sa kanyang labi. Natuon pa ang tingin ng babae kay Claude na para bang na-semento sa kinatatayuan nito't hindi man lang maalis alis ang tingin dito. Napansin ito ng kanyang asawa na si Kourtney kaya naman lumapit siya sa kanya ngunit hindi ito naging sapat upang maalis ang tingin sa babae.

May nag-abot ng mic sa babae na nagpaalis ng tingin nito sa lalaki. "Good evening everyone, I would like to congratulate Mr. and Mrs. Montreal on their marriage which I hope… they will have a healthy relationship until the day of their death. And I'm really happy to see them like this because I didn't expect them to get married after two years."

Sa huling sinabi ng babae, maraming nagtaka sa kung ano ba ang ibig niyang sabihin lalo na't sa tono ng boses nito ay parang hindi siya masyadong natutuwa para sa kanila, kaya mas umugong ang ingay sa paligid. Ang ilang mga reporters na nasa gilid ay nagkaroon ng interes sa kanya na tahimik na nakikinig habang kumukuha ng litrato.

Sinenyasan ni Mrs. Camilla ang ilang tauhan nila sa gilid na agad lumapit sa kanya.

"Ano ba ang nangyayari?! Paalisin niyo siya sa stage," halos pabulong niyang utos.

Tumango naman ang mga tauhan nito na agad sumunod sa matanda, ngunit bago pa man sila makapunta sa taas ng stage, may pumigil na sa kanila na mismong tauhan din ng babae. Napansin niya ito kaya naman ngumiti siya at nagpatuloy sa kanyang sinasabi.

“Like I said… congratulations! And before I forget, I have a wedding present for you two, I hope you all liked it," sabi niya bago gumilid sa stage at mawala sa kanya ang spotlight.

Napunta ang tingin ng lahat sa malaking screen na nasa gitna ng stage kung saan may isang video nila Claude at Kourtney ang makikitang naghahalikan sa loob ng isang kwarto. Halata ring nakatago sa ilalim ang camera dahil sa anggulo nang pagkakakuha ng video sa dalawa na ikinataka ng mga bisita.

Hindi maipinta ang mukha ni Mrs. Camilla sa nakikita na halos patayin na niya sa tingin ang babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakilala. Ang dalawa naman’y hindi alam ang gagawin na matamang nanonood sa video na patuloy na nagpe-play sa malaking screen.

"Kailan mo balak alisin sa buhay mo si Rosie?" mapang-akit na tanong ni Kourtney sa loob ng video matapos ng kanilang halikan. Mula sa likuran, niyakap siya ni Claude saka hinalikan sa leeg nito.

"Malapit na… huwag ka masyadong mag-alala dahil kumukuha lang ako ng tiyempo. Tinutulungan naman ako ni mom para tuluyang mawala na ito, pagkatapos nun… papakasalan kita at ipapakilala sa lahat." Mahinang napatawa si Kourtney sa naging sagot nito at humarap kay Claude para yakapin.

Mayroon pa sanang sasabihin si Kourtney sa video ngunit naputol na ito bago pa man marinig ng mga tao sa paligid. Nagkaroon ng diskusyon sa mga bisita at halos lahat ng atensyon ay napunta sa dalawa na ngayo'y pinapalibutan na nang mga reporters. Maski si Mrs. Camilla ay napalibutan ng mga ito kaya napatakbo ang mga tauhan nila upang protektahan ang tatlo.

"Kayo po ba ang nabanggit sa video?" tanong ng isang reporter sa babae na nasa baba ng stage. Nakakuha 'yon ng atensyon sa iba kaya maski sila'y hinihintay ang magiging sagot nito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Revenge of the Century   Chapter 22.2

    Hinablot ni Rosie ang dulo ng lamesang nasa gilid niya kung saan nakalagay ang ilang vase. Ginamit niya itong pansangga kay Claude na patakbong lumapit sa kanya. Nang tumama ito sa lalaki, dumausdos siya sa ilalim ng mesa't malakas na sinipa ang lalaki sa likuran. Katulad kanina, tumalsik si Claude kasama ng mesa. Hindi agad naka-recover si Claude sa nangyari kaya naman dinampot ni Rosie ang frame kung saan nakatarak ang kutsilyo. Sa pagkakataong ito, pagkaalis niya ng patalim sa frame, tinapon niya ito sa direksyon ng lalaki. Tumusok ang dulo ng patalim sa likod ni Claude na nagpadaing sa kanya. Kitang kita pa ni Rosie ang pag-apoy ng kutsilyo sa likod nito kaya naman tumakbo ulit siya palapit sa lalaki't mas binaon pa ang patalim. Sinipa niya ang patalim sa likod ni Claude kaya naman mas bumaon pa ito sa kanya. Matapos non, agad siyang lumayo kung saan walang lingon niyang tinakbo ang daan patungo sa pinto. Nang hawakan ni Rosie ang door knob para sana buksan ito't makalabas, par

  • Revenge of the Century   Chapter 22

    NAPAKO ang dalaga sa kanyang kinatatayuan at pilit pa ring naguguluhan sa mga nangyayari. Ngunit kahit ganun, ramdam niya ang panganib lalo na sa mga binitawang salita ni Claude. Sa loob niya, alam niyang hindi nagloloko ang lalaki. Bago pa man makagawa ng sunod na hakbang si Claude, malakas siyang tinulak ni Rosie na naging dahilan ng paglayo nito. Kamuntikan pang tumama ang lalaki sa malaking mesa sa gitna, pero nagawa nitong pigilan ang impact na gawa ng pagtulak sa kanya ng dalaga. Mabilis na nilabas ni Rosie ang isang fixed blade na nakatago sa likod ng kanyang bewang, kasabay ng pagbagsak ng lalagyan nito sa sahig. Dahil na rin sa malaking coat na kanina pa suot ng babae, nagawa nitong itago ang kutsilyo na pinaghandaan ni Rosie. "What happened to you?" seryosong tanong ng dalaga't inayos ang pagkakahawak ng kutsilyo. Umayos ng tayo si Claude na mukhang hindi man lang nainis sa nangyari. Bagkus, nakaramdam siya ng excitement sa mga susunod pang mangyayari. Pinagpagan niya an

  • Revenge of the Century   Chapter 21.2

    Sumingkit ang mata ni Rosie at nagtaka nang malamang may kausap si Claude. Hindi niya kasi maramdaman ang isa pang presensya sa loob kaya pilit niyang sinisilip ang nasa kabilang sofa. Ngunit dahil maliit lang ang siwang ng pinto, hindi niya magawa kaya tinuon niya lalo ang tingin sa lalaki. Isang ngisi ang sumilay kay Claude kasabay ng paglingon nito sa pinto. Naging mabilis naman ang paglayo rito ni Rosie kung saan nagtago ito sa kabilang kwarto. Tumakbo siya palapit sa malaking kurtina sa kwarto para magtago dahil sa mabilis nitong pagbukas. Nakiramdam din siya sa presensya ni Claude na nasa labas lamang at pinilit na hindi gumalaw. "Parang may narinig lang akong nagbukas dito." Rinig ni Rosie na nagpakunot ng kanyang noo. Sa paraan kasi ng pagkakasabi nito ni Claude, parang alam ng lalaki na nagtatago siya sa loob nito. Ilang segundo ang lumipas nang marinig niya ang pagsara ng pinto. Nanatili pa siya ng ilang minuto sa likod ng kurtina bago mapagdesisyunan na lumabas sa kanyan

  • Revenge of the Century   Chapter 21

    MALALIM na napaisip si Rosie nang dahil sa nangyari kanina sa opisina ni Claude. Hindi mawala sa isip niya ang kakaibang ngiti ng lalaki na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Alam niyang may mali, sadyang hindi lang siya sigurado kung ano. Nawala lang sa pag-iisip si Rosie sa katok ni Nicklaus sa bintana ng kotse nito. Kanina pa kasi ito nakauwi, sadyang nanatili lang siya sa loob ng kotse nito at nag-iisip. "May nangyari ba?" tanong ni Nicklaus pagkababa ni Rosie ng bintana ng kanyang kotse. Inalis ni Rosie ang kanyang seatbelt saka lumabas ng kotse nito. Ni-lock niya pa muna ito bago lapitan si Nicklaus na naghihintay ng sagot. "Wala. Ngayon ang alis mo?" Pag-iiba niya ng usapan. Sabay silang naglakad papasok sa apartment kung saan si Nicklaus na mismo ang nagbukas ng pinto. Pagod namang dumiretso si Rosie sa sofa, umupo ito't tumitig sa kisame. Habang si Nicklaus, nanatiling nakatayo sa gilid ni Rosie at siya ay pinagmamasdan."Anong oras ang flight mo?" muling tanong

  • Revenge of the Century   Chapter 20.2

    Maraming tumatakbo sa kanyang isipan, ngunit iisa lang ang naiisip niyang puno't dulo ng gulo sa gate. Hindi man siya sigurado, pero alam niyang malaki ang posibilidad na tama ang nasa isip nito. Nang makabalik sila sa mansyon, pinatawag si Rosie kasama ang lola niya upang kausapin ito. Wala namang naging angal ang dalaga't tahimik itong nakatayo sa harap ng mga council na mataman siyang pinagmamasdan. "Alam naming may alam ka, Rosie. Kaya sabihin mo... sino sa tingin mo ang may kagagawan ng lahat ng ito?" seryosong tanong ng isang council na babae. "Orpheus clan," deretsang sagot ng dalaga na hindi man lang kumurap. Nagkaroon ng matinding katahimikan sa paligid. Maski ang lola ni Rosie ay natahimik at animo'y malalim na napaisip. Mahabang buntong hininga pa ang kumawala sa bibig ng pinakamataas na council bago siya tumango, bilang pagsang-ayon sa dalaga. "Wala nino man ang maaaring makasira ng Hell's gate kundi sila lamang. Naisip na rin namin 'yan. Lalo na't malaki nga ang tiya

  • Revenge of the Century   Chapter 20

    UMANGAT ang tingin ng pinakamataas na council nang marinig ang kaguluhang nangyayari sa Hell's gate. Binaba pa nito ang hawak niyang wine glass saka tumayo mula sa kanyang kinauupuan kung saan nagpupulong ang buong council. "Tingnan niyo kung anong nangyayari roon. Hihingi ako ng tulong sa royal blood vampires. Masyadong malakas ang mga nakakulong, kakailanganin natin sila." Kisap matang nawala ang pinakamataas na bampira sa gitna kasabay ng pagtayo ng mga council. Seryosong umalis ang mga ito kasama ang ilang bampira upang tumungo sa Hell's gate. Karamihan sa kanila ay mga council na isa sa may mga kakayahan para pigilan ang mga bampirang patuloy na tumatakas. Agad silang dumiretso sa labas ng mansyon kung saan nakaparada ang ilan nilang kotse. Sa paglisan ng ilang bampira, dumiretso ang pinakamataas na bampira sa isang kwarto. Sakto dahil nandoon ang lola ni Rosie na nakaupo sa itim na mahaba at malambot na sofa. Abala ito sa pag-inom nang mapatingin siya sa council na dumating.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status