Share

CHAPTER 16

DEAN GAVIN'S POV

Bumalik ako sa aking silid para panoorin ang video. Malawak ang ngiti ko sa simula pa lang ng video hanggang sa matapos ito. Ngayon alam ko na kung bakit nakabusangot siya kanina.

Ilang beses ko ring inulit-ulit ang video dahil sa natutuwa ako. I just find her cute kaya tuwang-tuwa ako.

I turned off my cellphone at lumabas ng aking silid. Pinuntahan ko ang kuwarto niya at kumatok.

"Liya," tawag ko sa kaniya pero wala akong nakuhang sagot. "Liya," I called her again.

"Busy ako," rinig kong wika niya sa loob.

"I want to show you something," I told her.

Wala akong nakuhang sagot pero ilang sandali lang nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya.

"Ano 'yon?" tanong niya sa akin.

"Come," sabi ko at hinawakan ang kaniyang pulsuhan.

Pumunta kami sa isa sa mga silid ng bahay. Isa ito sa mga silid na hindi ko na masyadong pinupuntahan dahil hindi ko naman kailangan. Pero ngayon ay papasok akong muli para kay Aliya. Gusto kong alisin ang lungkot niya.

"Nasaan tayo?" tanong niya sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status