Share

CHAPTER 19

DEAN GAVIN'S POV

Nang makaramdam ng gutom ay pinahinto ko na muna sila sa pagmamaneho dahil kakain na muna kami. Bumaba na ako, si Aliya at ang mga tauhan ko.

Pumasok na kami sa kainan at nagsipuwesto na. Talagang nagpa-reserve na ako kahapon pa lang dahil alam kong mahaba-haba talaga ang biyahe namin. Kailangang may mga laman ang sikmura ng mga kasama ko, lalo na si Aliya. Hindi pa naman ito namamansin kapag gutom.

Nagbigay na kami ng aming mga order at ilang minuto lang nang dumating na ang mga ito. Nasa mahabang mesa kami at sabay-sabay na kumain. Kita ko pa ang matamis at malawak na ngiti ni Aliya habang nakatingin sa aming lahat.

"You look so happy, love," bulong ko sa kaniya. Inilapit ko pa ang sarili ko sa kaniya. Tapos na kaming kumain pareho.

"Syempre naman. Ilang buwan din akong hindi nakapasiyal kaya tuwang-tuwa talaga ako," malawak ang ngiting saad niya.

"I love it when you're smiling," bulong ko ulit sabay haplos ng kamay niya.

Kita ko ang pagpula ng kaniyang mukha kaya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status