Share

CHAPTER 2

Penulis: ms__selenophile
last update Terakhir Diperbarui: 2023-09-20 14:41:30

ALIYA'S POV

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o magagalit dahil sa lalaking iyon. Malay ko bang sa kaniya 'yon. Tsk!

Kinuha ko na ang dalawang malalaking bag at aalis na sa lugar nang may dalawang lalaking papalapit sa akin. Lumingon-lingon pa ako kung sa akin ba sila papalapit at napagtanto kong sa akin nga dahil sa akin sila nakatingin. Ni hindi ko nga sila kilala kaya nakapagtataka lang na papalapit sila.

Akma na akong tatakbo nang hawakan nila ang magkabilang braso ko. Hindi na nga ako nakapalag pa dahil mabigat ang mga dala kong bag.

"Teka lang naman mga kuya, hindi ko kayo kilala kaya bakit niyo ako kinukuha?" mahinahon lang ang pagkakasabi ko habang pilit na iwinawaksi ang aking mga braso sa kanilang mga makakapal na kamay. "Teka lang, ano ba? Sisigaw ako, isa, dalawa, tatlo, aba ayaw niyo talaga akong bitawan ah."

Nagpupumiglas na ako pero wala silang pakialam. Ipinasok na nga nila ako sa loob ng itim na van. Akala ko pa naman ay puting van ang nangunguha, hindi nasabi sa balita na pati itim na van nangunguha na rin. Sana ay nalaman ko kaagad at nang maalerto ako. Paalis na ang van nang magsalita ako.

"Mga kuya, pakikuha naman po ng dalawang bag na naiwan sa labas. Mga gamit ko po iyon, wala na po akong susuotin kung maiiwan ang mga 'yon," pakiusap ko sa kanila.

Napabuntonghininga pa ang isa sa kanila bago lumabas. Pagbalik niya sa van ay bitbit na niya ang dalawang bag at inilagay sa likod na bahagi ng sasakyan.

"Salamat, kuya ah," wika ko habang nakangiti.

Wait lang? Kinuha ako ng mga hindi ko kilalang mga lalaki tapos nakangiti pa ako? Dapat sumisigaw ako sa mga puntong ito. Isa, dalawa, tatlo.

"Ahhhhhhh! Tulong! Tulungan niyo ako! Tulong! Tulungan niyo ako sa mga lalaking ito. Hindi ko po sila kilala! Tulong!" sigaw ko pero napatigil ako nang sigawan ako ng drayber.

"Tumigil ka!" bulalas niya.

"Tara na," saad ng lalaking kumuha ng bag ko. Dahil sa sinabi nito ay umandar na nga ang sasakyan.

"Saglit lang, saan niyo ba ako dadalhin ah? Atsaka, kahit na kunin niyo ako eh wala kayong makukuha sa akin. Mahirap pa ako sa daga, ni wala na nga akong mga magulang. Kung kidnap for ransom ito ay pasensiya na, walang makapagbibigay sa inyo ng pera," paliwanag ko sa kanila nagbabaka-sakaling palabasin na nila ako pero tahimik lang silang tatlo. "Totoo ang mga sinabi ko. Wala kayong mapapala sa akin dahil mahirap lang talaga ako. Mali kayo ng kinuha mga kuya," natatawang wika ko at pumalakpak pa.

"Daldal mo pala, ano?" naiinis na tanong ng lalaking katabi ko. Hindi siya 'yong kumuha ng mga bag ko at hindi rin siya ang drayber.

"Minsan, oo, minsan, hindi. Depende sa kung sino ang kasama ko," kaswal na sagot ko sa kaniya.

"Eh ito, kaya mo pa bang mag-ingay sa oras na itutok ko ito sa iyo?" Itinaas niya ang isang bagay na nagpamulat nang husto sa aking mga mata.

"T-Teka lang, k-kuya, tatahimik na p-po ako," nanginginig na wika ko.

Ngayon lang ako nakakita sa malapitan ng isang baril. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam.

Hindi na nga ako nagsalita pa pagkatapos noon. Sobrang natakot talaga ako.

Ilang oras din ang biniyahe namin bago narating ang isang lumang warehouse. Napakalaki nito at kinakalawang na ang paligid.

Sobrang higpit ng pagkakahawak nila sa mga braso ko. Akala naman nila tatakas ako eh baka hindi pa nga ako nakakalimang hakbang eh humandusay na ako sa sahig.

"Don Felix, andito na ang babae," wika ng lalaking drayber sa lalaking nakatalikod na may suot na amerikana.

Ilang saglit lang nang lumingon na ito. May katandaan na pala ito na hindi masyadong halata habang nakatalikod ito.

Talikod ka na lang ulit, sir.

Bigla akong kinabahan dahil sa nakaharap nitong awra. Para bang sa ilang segundo lang ay puwede niya akong bawian ng buhay. Pamilyar ang kaniyang mukha, oo, siya 'yon, siya iyong--ito pala ang unang beses na nakita ko siya. Ang mangmang ko talaga, inisip ko pa kung saan ko siya nakita eh dito pala ang una.

Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin. Kung bakit pinakuha niya ako sa mga ulupong niya.

Nanlaki ang aking mga mata nang maisip kung anong klaseng mga tao sila.

"Sindikato po ba kayo?" mahinang tanong ko sa matandang kinakaharap ko ngayon.

Konting katahimikan ang namayani sa buong paligid bago ko marinig ang malakas na tawa ng matanda, at pagkatapos ay sinundan ng malalakas na tawa mula sa mga ulupong niya. Hindi ko alam kung bakit sila nagtatawanan kaya pilit na tumawa rin ako.

"Nakakatawa ka pala, binibini," sabi ng matanda sa akin habang tumatawa pa rin pero ngayon ay mahina na.

"Ako po? Naku! Balak ko nga po sanang mag-apply bilang stand-up comedian. Baka bilang comedian po talaga ang itinadhana sa akin kaya ako laging natatanggal sa trabaho," saad ko.

"Naku! Naku! Naku! Hindi ko alam na mahilig si Velasquez sa mga ganitong klaseng babae," wika nito sabay talikod sa amin.

Velasquez? Ganitong klaseng babae? Ano ang ibig sabihin ng matandang ito?

"Sino po si Velasquez?" mahinahong tanong ko rito. Ngayon ay nakaupo na ito.

"Hindi mo kilala si Velasquez?" tanong niya sa akin.

Tatanungin ko ba kung kilala ko? Ang matandang ito naman oh nakakatawa rin.

"Hindi po, sir," sagot ko.

Tumawa na naman ulit ito.

"You're funny, I like you."

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng matanda. Gusto niya ako? Aba! Alam kong mahirap lang ako, pero hindi ako papatol sa lalaking ito. Baka mamaya may asawa't anak pala siya, eh 'di naging kabit pa ako. Baka masampal ako ng aking ina dahil doon. Ay, wala na pala akong ina.

Magsasalita pa sana ako nang hilahin ako ng dalawang lalaking nakahawak sa akin. Pati itong dalawa, ni hindi dahan-dahanin ang paghila sa akin. Balak pa atang tanggalin ang mga braso ko.

Ipinaupo nila ako sa isang kahoy na silya at tinalian ng pagkahigpit-higpit. Gusto ko sanang sabihing hindi naman ako tatakas kaya hindi na nila kailangang higpitan pero natatakot ako dahil baka bigla na lang nila akong tutukan. Mahirap na. Gusto ko pa magkaasawa at magkaanak.

Umalis na sila pagkatapos akong talian pero may isang dumating na lalaki, bago lang siya sa aking paningin. Lumapit siya sa akin at nilagyan ng tape ang aking bibig. Aba! Sa itsura pa lang ng lugar na ito, makakahingi ba ako ng tulong gayong wala namang mga kabahayan sa paligid? Inirapan ko pa ang lalaki nang umalis ito. Irap na lang, hindi ako makapagsalita eh.

Hindi ko alam kung dito na ang katapusan ko pero sana naman ay hindi pa. Andami ko pang pangarap na gustong matupad. Gusto ko pang pumunta sa mga bansang gusto kong pasyalan. Gusto ko pang ikasal sa taong mahal ko at magkaroon ng isang dosenang anak. Dami 'di ba? Pero syempre, bago ang lahat ng iyan eh sana magkaroon muna ako ng stable na trabaho, 'yong hindi ako tatanggalin nang walang dahilan.

Sana may mangyaring fairytale, tipong may darating na knight in shining armor para ipagtanggol ako. Makikipaglaban sa mga taong ito tapos magkakatitigan kami at bibilis ang tibok ng aming mga puso. Pero syempre fairytale 'yon, malayo sa totoong buhay kaya hindi na ako magtataka kung hinding-hindi iyon mangyayari.

Napabuntonghininga ako at nakakaramdam na rin ng gutom. Ilang oras na rin mula nang dalhin at itali ako ng mga lalaking iyon dito. Sana naman ay bigyan nila ako ng pagkain kahit konti lang, pantawid-gutom kumbaga.

Nakaramdam ako ng saya nang may papalapit sa akin at may dalang pagkain at tubig. Gusto kong lakihan ang aking ngiti pero hindi ko pala magawa, may nakadikit na tape pa rin kasi sa bibig ko.

"Kumain ka na," inilapag nito ang pagkain at tubig sa baba at tinanggal ang tape sa aking bibig at ikinalas ang tali.

"Kanina ko pa kayo inaantay na bigyan ako ng pagkain, pero ngayon lang kayo nagbigay. Pero huwag kang mag-alala, hindi na ako galit dahil dinalhan mo na ako," nakangiting wika ko.

Seryosong tiningnan muna ako ng lalaki bago ako talikuran.

Kumain na nga ako dahil sa gutom na gutom na talaga ako. Subo ng kanin tapos iinom ng tubig. Ilang minuto lang nang matapos na akong kumain. Bumalik ang lalaki at itinali ako ulit. Excited ah. Dinikitan na niya ulit ng tape ang bibig ko atsaka umalis na bitbit ang pinagkainan ko.

Sobrang tahimik ng paligid pero nawala iyon nang malalaking hakbang ang papalapit sa akin. Base sa aking nakikita mula sa hindi kalayuan ay papalapit nga ito sa akin, isa sa kanila ay ang matandang lalaki. Tinanggal ng isa sa kanila ang tape sa bibig ko.

"Sa tingin ko ay ikaw ang susi para pumunta rito si Velasquez," sabi sa akin ng matandang lalaki.

'Yan na naman tayo sa Velasquez na 'yan. Sinabi ko na sa matandang ito na hindi ko kilala ang Velasquez na pinagsasabi niya. Tigas naman ng ulo.

"Sinabi ko na sa inyo na hindi ko kilala ang Velasquez na 'yan. Nasaan ba kasi ito at nang makita ko?"

Sa pagkakaalam ko, wala akong naging amo na Velasquez kaya nalilito na ako kung sino 'yan.

Kita ko ang pagsenyas ng matanda sa lalaking nasa tabi nito. Ano ang ibig sabihin ng senyas na iyon? Kumilos na ang lalaki at pumwesto sa harapan ko. Itinapat nito sa 'kin ang cellphone na hawak at ilang sandali lang ay umalis na siya sa harapan ko. Ipinakita niya sa matanda ang cellphone at may sinenyas na naman ang matanda sa kaniya.

Teka! Kung itinapat niya ang cellphone niya sa akin, ibig sabihin...

"Teka lang!" sigaw ko na ikinabigla nila. "Bago mo ako kunan ng litrato, sana nagsabi ka na kukunan mo ako at nang makapag-pose ako," mahinahong wika ko.

Napatigil sila pero hindi ako pinansin. Napakaseryoso ng mga mukha nila. Ibinalik na ulit ng isa sa mga lalaki ang tape sa aking bibig kaya hindi ako nakapagsalita ulit.

Kainis naman oh! Hindi pa ako nakapag-pose.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 58

    THIRD PERSON'S POV"Kailan ang balik mo?" tanong ni Aliya kay Jacobe. Aalis kasi ang binata dahil may importanteng lakad ito kasama ang pamilya.Lumapit ang binata at hinaplos nang marahan ang buhok niya. "Hindi pa ako umaalis eh nami-miss mo na ako agad," pagbibiro nito."Mami-miss talaga kita." Ngumuso pa siya.Nanlaki ang mga mata ni Jacobe dahil hindi niya inaasahan ang sagot ng dalaga. Nababaliw na naman sa bilis ang tibok ng kaniyang puso."Ilang araw lang, Liya. Babalik din ako kaagad. Huwag kang magpapasaway rito ah. Huwag matigas ang ulo habang wala ako," paalala niya."Bilisan mo ang pagbalik, dahil wala pa naman akong ibang kakampi rito kapag inaaway ako ni Gavin."Bahagyang natawa ang binata. "Isumbong mo kay Nanay Elsie. Kakampi mo rin 'yon.""Sige na, umalis ka na. Kapag nagtagal ka pa, baka humagulgol na ako rito."Lumapit ito sa kaniya at siya'y niyakap. "Mag-iingat ka rito dahil babalik ako kaagad."NAKAUPO si Aliya sa ilalim ng punong mayabong habang nagsusulat sa ka

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 57

    THIRD PERSON'S POVMaagang nagising si Aliya. Nang tingnan niya ang sarili sa salamin ay namamaga ang kaniyang mga mata."Epekto ng sobrang iyak kagabi," sambit niya sa sarili.Inayos na niya ang sarili at lumabas na ng silid.Dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng gatas nang makasalubong niya rito si Gavin. Nagkatitigan sila ng ilang segundo pero agad din iyong pinutol ng binata. Talagang malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya.Hindi niya na lang ito pinansin. Kumuha na lang siya ng tasa, gatas at asukal.Pagkatapos magtimpla ay umupo siya sa isang stool at dahan-dahang uminom. Silang dalawa lang ng binata ang nasa kusina. Umiinom ito ng kape habang nakasandal sa countertop.Ilang pulgada lang ang layo nila pero parang hindi nila kilala ang isa't-isa.Napanguso si Aliya nang makaramdam ng gutom. Wala pa sina Nanay Elsie kaya tiyak na wala pang lutong pagkain sa kusina. Dahil dito, ang ginawa niya ay iniwan ang iniinom na gatas at naghanap ng puwedeng kainin sa kusina.Binu

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 56

    THIRD PERSON'S POVKanina pa palibot-libot sa buong silid niya si Aliya. Gusto na niyang makumpirma ang mga nangyayari sa katawan niya. Pero ano ang magagawa niya? Hindi siya puwedeng lumabas at pumunta sa ospital.Umupo siya sa sofa at may hinanap na pangalan sa kaniyang contacts. Ito lang ang tanging makakatulong sa kaniya ngayon."Hello, Liya. Napatawag ka?" tanong nito sa kaniya.Napakagat siya ng kaniyang kuko at nag-iipon ng lakas ng loob kung paano sasabihin ito sa binata."J-Jacobe, nasaan ka?" tanong niya rito."Nasa hardin, bakit?""M-May request lang sana ako sa 'yo. May ipag-uutos ako sa 'yo kung hindi ka naman busy.""Okay! What is it?""Ano kasi. . .uhmm. . .puwede bang dito na lang tayo sa silid mag-usap? Importante lang, Jacobe.""Sige. Papunta na ako diyan."Pinatay na niya ang tawag at ilang minuto rin nang makarinig ng katok.Binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang binata. . .pinapasok niya ito."Siguradong hindi ka busy ah?" paninigurado niya."Siguradong-sigur

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 55

    THIRD PERSON'S POVPagkagising na pagkagising ni Aliya ay dumiretso kaagad siya sa banyo. Sa silid niya sa mansion siya natulog dahil hindi naman umuwi ang binata.Mabilis siyang humarap sa lababo at doon sumuka. Parang may kung ano sa sikmura niya na dahilan ng kaniyang pagsusuka.Malalalim ang kaniyang paghinga. Binuksan niya ang gripo at nagmumog. Pagkatapos ay pinatay na niya ito at tinitigan ang sarili sa salamin. Iba ang kutob niya rito kaya bigla siyang kinabahan.Inayos na muna niya ang sarili bago lumabas nang tuluyan sa silid."Good morning po, 'nay, Ate Trina at Ate Irma," masiglang bati niya sa mga ito. Nasa kusina ang mga ito at naghahanda ng pagkain."Magandang umaga, Liya," ani ni Trina."Good morning din, Liya," bati naman ni Irma."Magandang umaga rin, anak. Gutom ka na ba? May luto nang pagkain kaya puwede ka nang kumain kung gusto mo," sambit ni Nanay Elsie."Sasabay na po ako kanila Jacobe, 'nay. Magtitimpla na po muna ako ng kape."Kumuha na siya ng tasa at kinuha

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 54

    THIRD PERSON'S POVHalos ilang minuto rin ang itinagal ng iyak ng dalaga hanggang sa makatulog ito sa mga braso ng binata."Aliya?" tawag niya rito pero wala siyang nakuhang sagot. "Liya?" At wala pa ring sagot. Dito niya napagtanto na nakatulog na ito.Binuhat niya ang dalaga at binaybay ang daan papunta sa bahay nina Nanay Elsie.Tinawag niya ang matanda na ilang saglit lang ay binuksan ang pinto."Bakit, Jacobe?" tanong nito sa binata. "Harujusko! Ano'ng nangyari diyan!?""Nakatulog po sa mga braso ko, 'nay. Dito ko po muna siya patutulugin," sagot niya."B-Bakit naman?" Makahulugan itong tiningnan ng binata na agad naman nitong naintindihan. "Ang dalawang 'yan talaga. Parang lagi na lang nag-aaway ah. Kawawa tuloy itong Aliya ko.""Saan ko po siya ilalagay, 'nay?" tanong niya nang makapasok na sila sa silid ng matanda."Dito na sa kama." Inayos ito ng matanda bago inilapag ni Jacobe ang dalaga.Bahagya pang gumalaw ang dalaga nang mailapag na ito ng binata, pero kaagad din naman i

  • Reviving Our Scars   CHAPTER 53

    THIRD PERSON'S POVJust like Jacobe said, pinuntahan ulit nila ang hotel kinabukasan para tingnan ang CCTV. . .kasama sina Miko at Erol. Sa una ay hindi pumayag ang security management because of security protocols, pero sa huli ay pumayag din. Ang may-ari kasi ng hotel ay kaibigan ng ama ni Jacobe kaya tinawagan nito ang ama para pakiusapan ang kaibigan nito. Sa una ay ayaw pumayag ng ama na kalauna'y pumayag na rin. Kahit may alitan, ay anak niya pa rin ito, at ramdam niyang importante ang bagay na ito sa anak dahil kinausap siya nito para lang dito.Masinsinan nilang tinutukan ang CCTV footage. Sinabi nila ang oras ng pangyayari at ang lugar kung saan iyon nakita ng dalaga.Pinahinto ni Gavin ang video nang mapansin niya ang isang kahina-hinalang lalaki. Katulad na katulad iyon sa deskripsiyon ng dalaga rito."Puwede niyo bang sundan ang bawat lugar na dinaanan ng lalaking ito?" utos niya sa mga security personnel na agad naman nilang sinunod.'Paano siya nakalusot sa mga security

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status