ALIYA'S POV
"Saan natin siya ibababa, sir?" tanong ng drayber sa katabi ko. Medyo nakalayo na rin kami sa bodega na 'yon. Ngayon ko lang din nalaman na amo pala nila itong lalaking katabi ko."Diretso tayo sa bahay," sagot nito."Huwag na," pagtutol ko. "Sa bahay ko na lang. Doon niyo na lang ako ihatid," dugtong ko kahit wala naman talaga akong matutuluyan ngayon.Tiningnan ako ng katabi ko at ng isa pang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Guwapo rin ang isang ito ah at mukhang mas mabait kesa sa katabi ko."Mukhang may bahay ka pa sa lagay mong 'yan?" wika niya. Natahimik ako dahil sa sinabi niya. "Tingnan mo nga ang sitwasiyon mo. Sabi mo kanina ay dala mo lahat ng mga gamit mo so, bakit dala-dala mo lahat ng mga gamit mo kung may bahay ka pa?" tanong niya sa akin.Gusto kong umiyak sa mga oras na 'to dahil sa sinabi niya. Oo, aaminin ko, wala na akong matutuluyan dahil pinalayas ako sa tinitirhan ko. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya pero huwag na lang. Mas magmumukha lang akong katawa-tawa at kaawa-awa sa mga paningin nila."Sige, kuya, diretso na lang tayo sa bahay niya," sabi ko kay kuyang drayber. Wala na akong magagawa pa kaya pumayag na lang ako kesa naman palaboy-laboy ako.Pagkatapos ng mga salitang iyon ay tumahimik ang buong sasakyan. Walang nagsalita sa amin at wala rin namang nagtatangka kaya kahit ako ay tumahimik na rin.Hindi ko sila mga kilala. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko rin silang lahat. Ngayon ay iniisip ko na lang na bahala na. Ang mahalaga sa akin ngayon ay may matuluyan dahil ayaw kong pagala-gala sa lansangan. Masyadong nakakatakot ang panahon ngayon para sa isang babaeng katulad ko.Gabi na rin nang marating namin ang isang malaki at magarang bahay. Sobrang lawak ng hardin nito na nasa harapan ng bahay. May water fountain pa sa gitna. Kahit gabi na ay sobrang liwanag ng paligid dahil kahit saang sulok sa paligid ay may mga ilaw. Hindi ko mapigilang mamangha dahil sa ganda.Bumaba na nga ako nang buksan ng guwapong lalaki ang pinto banda sa akin. Gusto kong malaman ang pangalan ng lalaking ito para naman may matawag ako sa kaniya.Nanlaki ang mga mata ko at literal na napanganga ako nang makapasok na kami sa loob. Sobrang lawak, maraming kagamitan at mukhang mga mamahalin pa. May malaking fish aquarium pa malapit sa malaking telebisyon. Ang enggrande pa ng hagdan. Para akong nasa isang palasyo."Feel at home, ma'am," nakangiting wika sa akin ng guwapong lalaking ito.Kailangan kong malaman na ngayon ang pangalan niya at nang hindi puro guwapo ang tawag ko sa kaniya."Oo nga pala, ano ang pangalan mo?" tanong ko sa kaniya. Mukhang nabigla pa ito nang magtanong ako kung ano ang pangalan niya."Jacobe po, ma'am. J-A-C-O-B with an E," sagot niya."Jacobe with an E? Talagang dinagdagan ng nagpangalan sa 'yo ah," natatawang saad ko. Ngumiti ito. "Ilang taon ka na, Jacobe with an E?" nakangiting tanong ko sa kaniya.Napahimas pa ito sa kaniyang batok at medyo namula. Nahihiya ata siya."I am twenty-eight years old, ma'am," sagot niya.Sandali lang. Nagmumukha akong may-ari ng bahay sa tuwing tinatawag niya ako na ma'am ah."Huwag kang ma'am nang ma'am sa akin. Hindi naman ako ang amo mo kaya Aliya na lang. Puwede ring Liya kung gusto mo," sambit ko."Sige po, ma--ay este Liya," saad niya.Magsasalita pa sana ako nang makarinig kami ng pamilyar na boses. Parehas namin itong nilingon ni Jacobe."Let her stay in one of our guests room, Jacobe," utos nito."Yes, sir," tugon ni Jacobe. "Dito tayo, Liya."Sumunod na nga ako kay Jacobe nang tawagin niya ang pangalan ko. Mukhang sa ikalawang palapag ng bahay ang magiging kuwarto ko dahil dumaan kami sa enggrandeng hagdan. Mukhang kaswal na rin sa amin ngayon ni Jacobe ang pagtawag namin sa pangalan ng isa't-isa. Dala-dala niya rin ang dalawang bag ko.Namangha na naman ako nang pumasok ako sa kuwartong binuksan ni Jacobe."Ito ang magiging kuwarto mo," wika niya."Ang ganda," tanging sambit ko.Mas malaki pa ata ito kumpara sa bahay na tinirhan ko. Ang ganda at aliwalas ng paligid. May mga litrato ng mga bulaklak, at paruparo sa dingding nito. Malaki, malambot at malinis ang kama. May sariling banyo rin sa loob. May malambot at malaking sofa sa bandang paanan ng kama."Tawagin mo lang ako sakaling may gusto ka. Puwede ka ring magtawag ng isa sa mga kasama ko kung may gusto kang gawin," sabi ni Jacobe. "Atsaka isa pa, huwag na huwag kang basta-bastang pumasok sa kahit na anong kuwarto rito dahil ayaw na ayaw ni sir ang gano'n," paalala niya."Masusunod yan, Jacobe with an E," nakangiting wika ko."Sige, magpahinga ka na muna. Maiiwan na muna kita rito," sambit niya at tinungo na ang pintuan. "Enjoy," dagdag pa niya bago tuluyang isarado ang pinto.Napabuntonghininga ako kasabay ng pagbagsak ng aking katawan sa malambot na kama. Kisame pa lang talaga halatang sobrang yaman na ng may-ari. Dahil sa dami ng nangyari ngayong araw ay nakaramdam ako ng pagod at antok. Habang nakatitig sa kisame ay unti-unting bumababa ang mga talukap sa aking mga mata hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.PAGGISING ko ay umaga na. Nag-inat ako at napangiti."Akala ko ay panaginip lang," nakangiting wika ko nang makitang nandito pa rin ako sa magarang kuwarto na ito.Bumangon na ako atsaka bumaba ng kama. Pumasok muna ako sa banyo para magmumog at maghilamos. Nang matapos ay lumabas na ako ng kuwarto at bumaba."Liya, gising ka na pala," salubong sa akin ni Jacobe. "Magandang umaga," nakangiting bati niya."Magandang umaga rin, Jacobe," balik na bati ko."Gusto mo bang sumabay na sa amin sa pag-aalmusal?" tanong niya."Oo naman," nakangiting tugon ko. Sabay na nga kaming pumunta ng hapagkainan.May mga nakaupo na roon na mga kasamahan niya at sa tingin ko ay siya na lang ang hinihintay nila. Pareho na kaming pumwesto sa bakanteng upuan. Magkatabi pa kami. Ilang sandali lang nang may magsilapit sa amin na mga kasambahay na siyang nagdala ng mga pagkain. Inilapag nila ito isa-isa sa mahabang mesa. Bigla akong natakam dahil sa bango ng mga bagong lutong pagkain.Pagkatapos mailagay lahat ng mga pagkain ay nagsimula na silang kumain. Nakapagtataka lang dahil wala ang kanilang amo kaya nagtanong ako."Hindi ba sasabay sa atin ang amo niyong masungit?" tanong ko sa kanila.Nabigla ako nang may mabulunan. Ang iba naman ay napainom ng tubig. Ang iba ay pigil na tumatawa. May nasabi ba akong mali?"Hindi siya sumasabay sa kahit na sino. Minsan, kapag ayaw pa niyang kumain ay kami na ang mauuna. Kapag naman siya ang mauna ay hinihintay namin siyang matapos bago kami kumain," sagot sa akin ni Jacobe.Aba'y mukhang hindi lang siya masungit ah. Mukhang hindi rin marunong makisama. Pero syempre hindi ko dapat sabihin ang mga iyan dahil hindi ko pa siya lubusang kilala. Ayaw ko namang manghusga muna dahil hindi ko naman alam ang mga pinagdadaanan niya sa buhay.Hindi na nga ako nagsalita pa. Kumain na ako at nang matapos ay tumulong na ako sa pagliligpit ng aming pinagkainan. Ayaw pa nga sanang pumayag ni Jacobe na tumulong ako pero nagpumilit ako. Ayaw ko namang pakakainin lang ako rito. Gusto ko naman kahit papaano na may ambag dahil nakakahiya. Pasalamat na din ito sa pagtulong nila sa akin.Nang matapos ay lumabas ako ng bahay at naglibot-libot sa malawak na hardin. Namangha ako sa iba't-ibang klase ng bulaklak. Namangha rin ako dahil sa linis ng paligid.Gusto ko sanang mamitas ng mga puting rosas pero baka mapagalitan ako. Gusto ko pa naman sanang ilagay sa isang flower vase."Masaya ka kapag nakakakita ng mga bulaklak?" narinig ko ang boses ni Jacobe kaya nilingon ko siya. Nakita yata akong nakangiti habang nakatitig sa mga bulaklak."Ah oo. Sobrang napapasaya ako ng mga bulaklak. Gusto ko nga sanang mamitas kaso baka bawal," wika ko sabay nguso."Mamitas ka," kaswal na wika ni Jacobe."Talaga ba?" paninigurado ko. Bahagya siyang natawa."Oo naman," tugon niya."Eh baka magalit ang amo niyong masungit," mahinang sambit ko dahil baka may makarinig."Wala pa namang nagtatangkang mamitas ng mga bulaklak dito, at kung gusto mong mamitas ay ikaw ang una. Sakaling magalit man si sir ay ako ang bahala sa 'yo. Sabihin mo lang na ako ang nag-utos," nakangiting wika niya.Sa ngiti pa lang niya ay siguradong protektado ka. Protektado sa amo niya."Talaga bang ikaw ang bahala?" paninigurado ko ulit."Oo nga. Huwag kang mag-alala," sambit niya."Sigurado ka ah. Baka mamaya, ikaw ang bahala tapos ako ang kawawa," sabi ko."Hindi 'yan. Magtiwala ka," aniya.May sinseridad naman ang pagkakasabi niya kaya naniwala na ako. Pero bago ako mamitas ay pumasok muna siya sa bahay para kumuha ng basket na paglalagyan ko at gunting pangputol ng sanga. Mahirap na raw dahil baka matusok ako.Napangiti ako nang makita siyang papalapit na sa akin. May dala na nga itong basket at gunting. Nang maibigay na niya sa akin ang mga kagamitan ay nagsimula na ako.Umalis na muna si Jacobe dahil may gagawin pa raw siya kaya mag-isa na lang ako.Hindi ko pa sila lubusang mga kilala pero ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanila. Ramdam na ramdam kong safe ako sa kanila, lalong-lalo na kay Jacobe.Nang matapos mamitas ay bumalik na ako sa loob. Pagpasok ko ay nagtama ang mga mata namin ni sungit. Pero sandali lang iyon dahil ang mga tingin niya ay bumaba sa hawak kong basket na napupuno ng mga puting rosas. Nag-iba ang timpla ng mukha niya habang nakatingin dito kaya ako ay biglang kinabahan."Jacobe? Where are you?" bulong ko habang mahigpit na hinawakan ang dala kong basket.THIRD PERSON'S POV"Kailan ang balik mo?" tanong ni Aliya kay Jacobe. Aalis kasi ang binata dahil may importanteng lakad ito kasama ang pamilya.Lumapit ang binata at hinaplos nang marahan ang buhok niya. "Hindi pa ako umaalis eh nami-miss mo na ako agad," pagbibiro nito."Mami-miss talaga kita." Ngumuso pa siya.Nanlaki ang mga mata ni Jacobe dahil hindi niya inaasahan ang sagot ng dalaga. Nababaliw na naman sa bilis ang tibok ng kaniyang puso."Ilang araw lang, Liya. Babalik din ako kaagad. Huwag kang magpapasaway rito ah. Huwag matigas ang ulo habang wala ako," paalala niya."Bilisan mo ang pagbalik, dahil wala pa naman akong ibang kakampi rito kapag inaaway ako ni Gavin."Bahagyang natawa ang binata. "Isumbong mo kay Nanay Elsie. Kakampi mo rin 'yon.""Sige na, umalis ka na. Kapag nagtagal ka pa, baka humagulgol na ako rito."Lumapit ito sa kaniya at siya'y niyakap. "Mag-iingat ka rito dahil babalik ako kaagad."NAKAUPO si Aliya sa ilalim ng punong mayabong habang nagsusulat sa ka
THIRD PERSON'S POVMaagang nagising si Aliya. Nang tingnan niya ang sarili sa salamin ay namamaga ang kaniyang mga mata."Epekto ng sobrang iyak kagabi," sambit niya sa sarili.Inayos na niya ang sarili at lumabas na ng silid.Dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng gatas nang makasalubong niya rito si Gavin. Nagkatitigan sila ng ilang segundo pero agad din iyong pinutol ng binata. Talagang malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya.Hindi niya na lang ito pinansin. Kumuha na lang siya ng tasa, gatas at asukal.Pagkatapos magtimpla ay umupo siya sa isang stool at dahan-dahang uminom. Silang dalawa lang ng binata ang nasa kusina. Umiinom ito ng kape habang nakasandal sa countertop.Ilang pulgada lang ang layo nila pero parang hindi nila kilala ang isa't-isa.Napanguso si Aliya nang makaramdam ng gutom. Wala pa sina Nanay Elsie kaya tiyak na wala pang lutong pagkain sa kusina. Dahil dito, ang ginawa niya ay iniwan ang iniinom na gatas at naghanap ng puwedeng kainin sa kusina.Binu
THIRD PERSON'S POVKanina pa palibot-libot sa buong silid niya si Aliya. Gusto na niyang makumpirma ang mga nangyayari sa katawan niya. Pero ano ang magagawa niya? Hindi siya puwedeng lumabas at pumunta sa ospital.Umupo siya sa sofa at may hinanap na pangalan sa kaniyang contacts. Ito lang ang tanging makakatulong sa kaniya ngayon."Hello, Liya. Napatawag ka?" tanong nito sa kaniya.Napakagat siya ng kaniyang kuko at nag-iipon ng lakas ng loob kung paano sasabihin ito sa binata."J-Jacobe, nasaan ka?" tanong niya rito."Nasa hardin, bakit?""M-May request lang sana ako sa 'yo. May ipag-uutos ako sa 'yo kung hindi ka naman busy.""Okay! What is it?""Ano kasi. . .uhmm. . .puwede bang dito na lang tayo sa silid mag-usap? Importante lang, Jacobe.""Sige. Papunta na ako diyan."Pinatay na niya ang tawag at ilang minuto rin nang makarinig ng katok.Binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang binata. . .pinapasok niya ito."Siguradong hindi ka busy ah?" paninigurado niya."Siguradong-sigur
THIRD PERSON'S POVPagkagising na pagkagising ni Aliya ay dumiretso kaagad siya sa banyo. Sa silid niya sa mansion siya natulog dahil hindi naman umuwi ang binata.Mabilis siyang humarap sa lababo at doon sumuka. Parang may kung ano sa sikmura niya na dahilan ng kaniyang pagsusuka.Malalalim ang kaniyang paghinga. Binuksan niya ang gripo at nagmumog. Pagkatapos ay pinatay na niya ito at tinitigan ang sarili sa salamin. Iba ang kutob niya rito kaya bigla siyang kinabahan.Inayos na muna niya ang sarili bago lumabas nang tuluyan sa silid."Good morning po, 'nay, Ate Trina at Ate Irma," masiglang bati niya sa mga ito. Nasa kusina ang mga ito at naghahanda ng pagkain."Magandang umaga, Liya," ani ni Trina."Good morning din, Liya," bati naman ni Irma."Magandang umaga rin, anak. Gutom ka na ba? May luto nang pagkain kaya puwede ka nang kumain kung gusto mo," sambit ni Nanay Elsie."Sasabay na po ako kanila Jacobe, 'nay. Magtitimpla na po muna ako ng kape."Kumuha na siya ng tasa at kinuha
THIRD PERSON'S POVHalos ilang minuto rin ang itinagal ng iyak ng dalaga hanggang sa makatulog ito sa mga braso ng binata."Aliya?" tawag niya rito pero wala siyang nakuhang sagot. "Liya?" At wala pa ring sagot. Dito niya napagtanto na nakatulog na ito.Binuhat niya ang dalaga at binaybay ang daan papunta sa bahay nina Nanay Elsie.Tinawag niya ang matanda na ilang saglit lang ay binuksan ang pinto."Bakit, Jacobe?" tanong nito sa binata. "Harujusko! Ano'ng nangyari diyan!?""Nakatulog po sa mga braso ko, 'nay. Dito ko po muna siya patutulugin," sagot niya."B-Bakit naman?" Makahulugan itong tiningnan ng binata na agad naman nitong naintindihan. "Ang dalawang 'yan talaga. Parang lagi na lang nag-aaway ah. Kawawa tuloy itong Aliya ko.""Saan ko po siya ilalagay, 'nay?" tanong niya nang makapasok na sila sa silid ng matanda."Dito na sa kama." Inayos ito ng matanda bago inilapag ni Jacobe ang dalaga.Bahagya pang gumalaw ang dalaga nang mailapag na ito ng binata, pero kaagad din naman i
THIRD PERSON'S POVJust like Jacobe said, pinuntahan ulit nila ang hotel kinabukasan para tingnan ang CCTV. . .kasama sina Miko at Erol. Sa una ay hindi pumayag ang security management because of security protocols, pero sa huli ay pumayag din. Ang may-ari kasi ng hotel ay kaibigan ng ama ni Jacobe kaya tinawagan nito ang ama para pakiusapan ang kaibigan nito. Sa una ay ayaw pumayag ng ama na kalauna'y pumayag na rin. Kahit may alitan, ay anak niya pa rin ito, at ramdam niyang importante ang bagay na ito sa anak dahil kinausap siya nito para lang dito.Masinsinan nilang tinutukan ang CCTV footage. Sinabi nila ang oras ng pangyayari at ang lugar kung saan iyon nakita ng dalaga.Pinahinto ni Gavin ang video nang mapansin niya ang isang kahina-hinalang lalaki. Katulad na katulad iyon sa deskripsiyon ng dalaga rito."Puwede niyo bang sundan ang bawat lugar na dinaanan ng lalaking ito?" utos niya sa mga security personnel na agad naman nilang sinunod.'Paano siya nakalusot sa mga security