Downfall
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas na tili ni Cheska, dali-dali akong bumaba at hinanap ito. Napahilamos ako sa sarili kong kamay nang makita ang hawak nitong kahon, may laman itong patay na daga. Inuubos talaga ni George ang pasensya ko.
“Melda!” tawag ko sa aming katulong.
Lumapit ako kay Cheska sabay kinuha ang kahon, nang makarating si Melda ay agad kong inabot dito ang kahon.
“Hindi ba nagbilin ako na I-check niyo muna ang mga regalo o package bago ibigay kay Cheska?” singhal ko rito.
“Sir may nakalagay kasi sa labas ng kahon na si Ma’am Cheska lang daw po ang puwede magbukas,” sagot naman nito.
“West! What the hell is happening?” nagaalalang tanong sa sakin ni Cheska.
“Hon let me handle this,” ani ko rito sabay niyakap ito. “I am really sorry for what happened,” paghingi ko ng pasensya dito.
Agad ko namang pina-check ang cctv ng bahay, gusto ko sanang huwag muna pumasok si Cheska sa trabaho pero may mahala daw itong meeting. Napahilot ako sa aking sentido nang makitang parang normal rider lang ang naghatid ng package kanina pero kahit na ganoon alam kong sino ang may gawa nito.
Napailing ako nang makita ang pangalan ni George sa aking cellphone nang tumunog ito.
“Hey West! Nagustuhan ba ng mapapangasawa mo ang early gift ko sa kan’ya?” tanong nito sabay tumawa ng malakas.
Nakatiim-bagang ko itong sinagot, “Wala siyang ginagawa sa ‘yo George!”
Huminga ito ng malalim sa kabilang linya, “I know man! Gusto ko lang talaga galitin ang isang West Ryder and I guess I am doing it well.” Tumatawa pa nitong sagot.
“Don’t you dare lay your hand to her George, binabalaan kita.” mariin na saad ko.
“Just make sure na hindi ko siya maabutang mag-isa at baka hindi mo na siya makita ulit.”
Pagkatapos niya itong sabihin ay agad niyang binaba ang tawag. I know Cheska wouldn't love this idea pero hindi ako mapa-panatag na maluwag ang security nito. I called my other securities and inform them na banatayang maigi si Cheska.
I have meetings today kaya kailangan ko na ring pumasok. I also make sure na mahigpit ang security sa bahay, ayaw kong may mapahamak sa mga mahal ko sa buhay.
Saktong lunch break nang tumawag sa akin si Cheska, tinatanong kung ako ba ang nagpadala sa mga security na nasa company nila. I didn’t deny and told her what I did, she’s hesitant at first pero naintindihan naman niya kung bakit ko ‘to kailangan gawin.
“Sir I have a great news,” ani ng secretary ko.
Binulsa ko muna ang aking cellphone sabay hinarap ito.
“What is it?” tanong ko rito.
“Our major investor in Indonesia signed the renewal of our contracts,” nakangiti nitong balita.
Napaawang ang aking bibig nang marinig ito. The owner told me back then na baka hindi na kami magpa-patuloy kasi naisipan niyang subukan ang company nila George kaya hindi ko maiwasang magulat nang marinig ang binalita sa akin ng aking secretary.
“Final na ba?” paninigurado ko rito.
Tumango ito, “In fact they already sent our copy of contract!” ani nito sabay pinakita sa akin ang kontrata na may pirma na nila.
Magakahalong saya at kaba ang aking nadarama. Masaya dahil closed na naman ang deal sa aming investor with us pero kinakabahan dahil baka ano na naman ang gagawin ni George kay Cheska.
Sigurado kung nasa harap ko lang si George ay nasapak ko na ito, ako dapat iyong tinitira niya at hindi si Cheska.
Tumawag ulit sa akin si Cheska, nagpapaalam ito na kikitain ang aming wedding coordinator mamaya. Sinabihan ko itong susunod ako at tatapusin lang ang iba pa naming meeting, pareho kaming abala sa aming mga ginagawa kaya pareho yatang nawala sa isip namin na food tasting pala namin ngayon.
Gusto ko sanang hayaan ang wedding coordinator namin na asikasuhin ang kasal namin at magabayad na lang kahit magkano pa ‘yan pero gusto ni Cheska na siya mismo ang gumawa at mag-decide ng iba pang plano namin sa kasal. Hinayaan ko ito dahil masaya rin ito sa ginagawa niya, I want to make our wedding extra special. Kahit rin sa ibang bagay ay napaka-hands on nito.
I called my staff in Indonesia and told her to give our major investor a token of appreciation for choosing us. Kung ganoon ka hands on si Cheska sa mga gusto niyang gawin ay ganoon din ako sa mga negosyo namin.
I’ve witnessed how my Dad managed all of this at ayaw kong may masabi ito sa akin na hindi ko deserved makuha o ma-mana ang lahat ng pinaghirapan nito.
Ilang araw na rin ang lumipas simula nang ma-close namin ang deal with our major investor. Masaya ako na payapa ang araw simula nang mangyari iyon at lagi ko namang tinatanong si Cheska na ‘baka may ginaagawa na naman si George sa kan’ya pero wala daw.
Our big day came.
Kinakabahan ako habang nakaharap sa salamin.
“Sa araw na ‘to magiging asawa ko ng ganap si Cheska,” nakangiti kong saad.
Nang malapit na kaming matapos ay biglang tumunog ang aking cellphone. Napakunot ang aking noo nang makita kung sino ang tumatawag. Kinakabahan man ay bigla namang nawala iyon nang maalala na nasa kabilang kuwarto lang ng hotel na ito si Cheska.
“West, congratulations!” bungad agad nito sa tawag.
“What do you want, George?” malamig na sagot ko rito.
“Wala naman, naisip ko lang na paano ba matutuloy ang kasal kung wala naman diyan ang iyong pakakasalan?” tumatawang tanong nito.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga.
“You can’t come here George, never!” mariin na sagot ko.
Humalakhak ito sa kabilang linya, “You are so sur West huh?” ani nito sabay nakarinig ako ng kaluskos.
Namilog ang aking mata nang marinig ang pamilyar na hikbi mula sa tawag.
“Speak!” sigaw nito doon sa umiiyak.
“West…” mahinang saad nito.
Parang nanlambot ang aking tuhod nang marinig iyon.
“George!” malakas na sigaw ko rito.
Sobrang higpit ng hawak ko sa aking cellphone na para ba itong masisira, nanginginig ang aking mga kamay.
“Ayaw mo pa rin maniwala?” tanong nito sa akin.
“West! Anong nangyayari?” takang tanong ni Daddy, lumapit na pala ito nang marinig niya akong sumigaw.
“Tito, where’s Cheska?” tanong ko sa Daddy ni Cheska.
“Nasa kabilang kuwarto kasama ang Mommy niya at mga abay nito,” sagot naman ni Tito.
“Ahh!”
Pareho kaming natigilan ni Tito nang marinig ang malakas na sigaw mula sa tawag, para itong namimilipit sa sakit.
“West, don’t come here!”
Pagkatapos kong marinig iyon ay para akong binuhusan nang malamig na tubig, dali-dali akong tumakbo sa silid nila Cheska.
“D*mn!” sigaw ko sabay napasuntok sa pinto.
Nakahandusay sa sahig ang mga abay namin ni Cheska, halos walang malay ang mga ito.
“Cheska,” naiiyak na ani ko.
“See?” mapanuksong saad naman ni George.
“George please…” mahinang saad ko. “Please don’t hurt her,” pagmamakaawa ko rito.
“No!” muling sigaw ko nang marinig ang hiyaw at iyak ni Cheska.
“Please George,” pagmamakaawa ko ulit dito.
“I guess I’ve won this time West,” ani nito sabay baba sa tawag.
“George!” sigaw ko at muling tinawagan ito.
“D*mn!” malakas na sigaw ko sabay hagis sa aking cellphone, hindi ko na ito ma-contact.
“West!” tawag sa akin ni Daddy.
“Daddy help me,” ani ko rito.
Ito iyong unang beses na nagmakaawa ako ritong tulungan ako at ito rin iyong unang beses na nagmakaawa ako sa ibang tao. Parang sinaksak ang aking puso nang makit ang belo sa hallway. Nagpupumiglas siguro si Cheska para makawala, wala man lang akong nagawa para hindi siya makuha.
“Close this useless hotel ASAP! Walang kuwenta at sobrang luwag ng security,” mariin na saad ko sa manager ng hotel.
I make sure na five star hotel ang kukunin namin sa kasal pero ito pa rin ang nangyari. Nagulat naman ako nang biglang lumapit sa akin ang receptionist.
“May nagiwan po sa lobby Sir, para daw po sa inyo.”
Kinuha ko ito at binuksan, naikuyom ko ang aking kamao nang makita ang laman nito. Picture iyon ni Cheska, may busal ang bibig. Duguan ang suot na gown habang nakaupo at nakatali ang mga kamay at paa. Kahit may piring iyon ay kilalang-kilala ko ito. Matapos ma-I-report iyon ay agad na akong umalis, alam ko kung saan kikitain si George.
“Gagawin ko ang lahat maligtas ka lang Cheska,” ani ko sabay pinaharurot ang aking sasakyan.
Dinala ako ng aking mga paa sa lugar kung saan kami una nagkita ni George.
Hindi nga ako nagkamali, nandoon ang loko. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin. Para ba itong demonyo na sa pakiramdam niya ay nanalo na siya.
"Where's Cheska?" gigil na tanong ko rito.
Ngumisi ito, "Ginamit ko muna."
Parang nagdilim ang paningin ko rito at akma na sanang susuntukin nang biglang nagsi-datingan ang mga tao nito. Dali-dali nila akong pinigilan, nagpupumiglas ako sabay biglang natigilan at napa-igik nang sipain niya ng malakas ang sikmura ko.
"Don't hurt her," kahit nahihirapan akong magsalita ay sinubukan ko pa ring magmaka-awa rito na huwag saktan si Cheska.
Nilabas ng kasamahan niya si Cheska at nakita ko ang situwasyon nito. Bigla akong nanlumo, pakiramdam ko ay huli na ako.
"Ches?" mahinang saad ko, nakayuko ito na para bang lantang gulay.
Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin, parang nawalan ako nang lakas nang makita ito. Bigla akong napaluhod, duguan ito at hindi ko lubos maisip anong ginawa nila ditto. Halos lalaki ang nandoon, iba ang lakas nila laban kay Cheska.
"Anong ginawa mo?" mariin na tanong ko kay George.
"Wala naman, nagsisimula pa nga lang ako e." Tumatawang sagot nito.
"Bitawan niyo ako!" sigaw ko at muling nagpumiglas.
"West... Go home," mahina pero rinig kong sambit ni Cheska.
Umiling ako, "I will bring you home hon."
Gusto ko ng pasabugin ang bibig ni George nang muli itong tumawa ng malakas.
"Tanga-tanga mo kasi!" singhal nito sa akin.
"Ano bang gusto mo, George? Pera ba, kasi kung oo kahit magkano pa 'yan ibibigay ko sa 'yo! Negosyo ba? Ipapasara ko 'yong sa amin para lang matigil ka." tanong ko rito.
Sasagot na sana ito nang biglang lumapit ang isang tauhan nito sabay may binulong dito.
Biglang nanlisik ang mata nito sabay hinablot ang barili, kasunod nito ang napakalakas na sigaw ni Cheska. Umalingawngaw iyon sa loob ng abandonadong warehouse.Napasigaw na lang din ako nang maramdaman ang paghapdi ng binti ko, lumabas mula doon ang
sariwa kong dugo. Nang lingunin ko si Cheska ay dumudugo rin ang binti nito, kitang-kita iyon dahil sa puting suot nito."Gusto mo talagang mamatay kayo ng sabay, West?" sigaw nito sa akin. Umiling ako, gustong-gusto ko
na lapitan si Cheska."Tama na please," humahagulgol na pagmamakaawa ni Cheska.
Tinutok ni George ang hawak nitong baril sa ulo ni Cheska.
"Magpaalam ka na West," ani nito. Nahihirapan man ay gumapang ako papunta rito.
"George please," mahinang saad ko at hindi na napigilan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.
Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari, isang napakalakas na pagsabog ang narinig namin
at tuluyan na akong nawalan ng malay."Mahal na mahal kita, West."
Halos gabi-gabi kong napapanaginipan ang araw na 'yon, muli kong pinagmasdan ang sing-sing na nasa kahon. Kung hindi lang sana sinira ni George ang araw na 'yon, ay nabigay ko na sana 'to kay Cheska. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na ito. Napalingon ako sa may pintuan nang bigla itong bumukas, nagulat naman ako nang makita na nandoon sina Tita at Tito. Tatayo na sana ko para salubungin ang mga ito pero napa-pikit na ang ako at tuluyang natumba sa higaan.
"Hayop ka! Ang lakas ng loob mong manghina dahil sa nangyari tapos malalaman na lang namin na niloloko mo pala si Cheska?" sigaw ng Daddy nito habang pinagsu-suntok ako.
Napakunot naman ang aking noo sabay iniwasan ang pag-amba nito.
"Tito, hindi ko alam ang sinasabi mo." Sagot ko sabay tumayo habang hawak ang aking pisngi.
"Huwag ka ng mag-deny West, may mga resibo ng ka baboyan mo!" sigaw naman ni Tita sa akin sabay hagis ng mga larawan sa dibdib ko.
Napaawang ang aking bibig nang bumagsak iyon sa sahig at nakita ang tinutukoy nito. Napamura ako sa aking isipan. Naikuyom ko ang aking kamao, nilingon ko sina Tito at nakita kung paano sila nandiri sa akin. Punong-puno rin ng puot ang mga mata nito.
"I can explain," mahinahong saad ko.
"Hindi ka na nahiya kay Cheska," mariin na saad ni Tito sabay tinalikuran ako.
"We trusted you, West!" mahina pero may diing dagdag ni Tita.
Napailing ako sabay isa-isa iyong pinulot at sinira.
"Let me explain," hindi ko na napigilan ang aking sarili at tuluyan ng tumulo ang aking luha.
Napahilamos na lang ako sa sarili kong palad, hindi ko makakalimutan ang araw na 'to pero hindi ko taalaga maalala dahil sobrang labo kung may ginawa ba talaga ako sa babaeng katabi ko sa kama.
Cheska and I fought that night, hindi ko lang alam bakit may nakaalam ng ginawa ko. I just wanted to chill that night pero hindi kasi doon ang kasama kong babae. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ang isa pang litrato na nandoon.
Isang pregnancy test na may positibo ang resulta.
Muli akong napamura sa aking isipan, dali-dali kong kinuha ang susi ng aking sasakyan. Alam ko kung saan makikita si Lorraine kaya agad ko itong pinuntahan. Malakas ang kabog ng aking dibdib pero kailangan kong malaman ang katotohanan.
Ayaw kong isipin na isa ito sa magiging rason na masisira kami ni Cheska, lalong-lalo na sa mga magulang niya. Sino naman kaya ang maglalakas-loob na ipadala ang mga iyon sa kanila. Nakarating ako sa bar kung saan ko unang nakilala si Lorraine, agad ko naman itong nakita kaya nilapitan ko ito at hinatak palabas.
"Gusto mo ba talagang masira ang buhay mo?" singhal ko rito sabay kinuwelyuhan ito. Kitang-kita sa mata nito ang takot.
Nangilid ang mga luha nito sabay tinulak ako, "Ano bang problema mo?" sigaw nito sa akin.
"Bakit mo ginawa 'yon?" mariin na tanong ko rito.
Kitang-kita sa mukha nito ang pagtataka pero dahan-dahang nagbago ang reaksyon nito. Muli ko itong nilapitan sabay tinulak ng malakas, tumama ang likod nito sa sasakyan ko. Namilipit ito sa sakit, sisipain ko pa sana nang bigla itong lumuhod at nagmakaawa.
"Huwag! Buntis ako," humahagulgol na saad nito.
"Sabihin mo sa aking hindi ko anak 'yan!" sigaw ko rito habang hawak-hawak ang baba nito.
Umiling ito, "Hindi mo ako kailangang panagutan".
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon. Tuluyan na akong napaluhod sa lupa, napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok sabay sumigaw ng malakas.
"This can't be..."
"Alam ko kung anong nangyari sa inyo ng mapapngasawa mo, naipit lang din ako kaya nalaman ng mga magulang niya ang nangyari sa atin." Humihikbing saad nito.
Natigilan ako sa sinabi nito, "Sinong nag-utos sa 'yo?" tanong ko rito.
"George? Parang siya, iyan ang pangalan na narinig ko mula doon sa lalaking binalaan ako." sagot naman nito.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa oras na iyon, punong-puno ng galit ang aking puso.
"Hindi ko anak 'yan," mariin na saad ko rito sabay tumayo.
Naglakad na ako papunta sa sasakyan ko, bigla akong nanlamig muli at natigilan nag=ng amrinig ang muling sinabi nito.
"Ikaw ang unang lalaking gumawa noon sa akin," mahinang saad nito.
Nilingon ko ito at tinignan sa mata, "I don't believe you!"
Hinding-hindi ako papayag na mangyari iyon, papatunayan kong hindi ko iyon anak.
Isang malakas na hiyawan ang aking narinig nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng bar, may mga invited guest ngayon na nagp-perform sa stage. Kilala ang mga ito sa larangan ng pagsa-sayaw kaya sila ang kinuha namin. Anniversary ng isa sa mga bar na pagmamay-ari namin, punong-puno ito dahil bukod sa mura ito ay bukas ito sa mga malalaking negosyante na gusto ng private session. "West!" Napalingon naman ako nang marinig kong may tumawag sa akin, napangiti ako nang makita kung sino ito. "Sam," ani ko sabay sinalubong ito at nakipagbeso-beso. Inabot nito sa akin ang hawak niyang alak, "It's been a long times since the last time I've been here and I can say na napatakbo mo ito ng maayos." Nakangiti nitong saad sa akin. "Ako pa ba Sam?" mapanukso ko namang sagot. Sam is a friend of mine, kilala rin siya ng pamilya ko dahil nakasama na nila ang pamilya nito sa isang event na dinaluhan rin nila Daddy. "Oo nga naman, I know you so well!" sang-ayon nito sabay lagok ng alak na hawak n
DownfallNapabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas na tili ni Cheska, dali-dali akong bumaba at hinanap ito. Napahilamos ako sa sarili kong kamay nang makita ang hawak nitong kahon, may laman itong patay na daga. Inuubos talaga ni George ang pasensya ko.“Melda!” tawag ko sa aming katulong.Lumapit ako kay Cheska sabay kinuha ang kahon, nang makarating si Melda ay agad kong inabot dito ang kahon.“Hindi ba nagbilin ako na I-check niyo muna ang mga regalo o package bago ibigay kay Cheska?” singhal ko rito.“Sir may nakalagay kasi sa labas ng kahon na si Ma’am Cheska lang daw po ang puwede magbukas,” sagot naman nito.“West! What the hell is happening?” nagaalalang tanong sa sakin ni Cheska.“Hon let me handle this,” ani ko rito sabay niyakap ito. “I am really sorry for what happened,” paghingi ko ng pasensya dito.Agad ko namang pina-check ang cctv ng bahay, gusto ko sanang huwag muna pumasok si Cheska sa trabaho pero may mahala daw itong meeting. Napahilot ako sa aking senti
Hatred“Congratulations, West! Deal closed,” nakangiting bati sa akin ni Mr. Vega.Bagong investor namin sa negosyo naming casino, nabalitaan kasi nito na marami ang tumatangkilik sa negosyo namin kaya instead na sa pamilya ni George ang piliin niya ay mas pinili niyang mag-invest sa amin.George Saavedra, anak ni Gilbert Saavedra na mahigpit na ka kompetensya ni Daddy noon and I guess parang inheritance rin na mahigpit kong kalaban sa business field ang anak nito. Ngayong taon ay halos nasulot ko ang mga investor ng mga Saavedra, sigurado akong gagawa rin sila ng paraan para hanapan kami ng butas pero handa rin ako.“I want to make my Dad proud of me and proved him wrong na hindi lang puro kalokohan ang alam kong gawin,” ani ko sa aking sarili.Mas kailangan ko pang magsumikap ngayon dahil nalalapit na ang kasal namin ni Cheska. I didn’t know na may babae pa palang magmamahal sa akin.She’s the best thing that ever happened to me.She completes me.Halos nasa akin na lahat at lagi ko
"Never lose your ace in a battle or else, you'll end up losing the game. Know how to play your cards, make sure that your alas will stay with you until the end."I constantly remind myself to play my cards wisely, but I was too preoccupied to realize that my opponent was doing their hardest to obtain it as well. In the Philippines and other nations, our family is well-known for being one of the powerful families that hold significant companies both domestically and outside.We have a lot of connections but all of those were useless the moment I needed them.I could call a bunch of back-ups if I wanted and needed to, but how will I do it knowing my ace is on my opponent's hand?"One wrong move West, pasasabugin ko ang ulo ng babaeng 'to." Nakangising ani sa akin ni George.I let them beat me until I lost my consciousness. This is not me, I always make sure I always win. In every battles I've faced I always fight for myself until I beat them down and felt the victory, but this time it's