Share

Kabanata 1

last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-01 12:59:51

Hatred

“Congratulations, West! Deal closed,” nakangiting bati sa akin ni Mr. Vega.

Bagong investor namin sa negosyo naming casino, nabalitaan kasi nito na marami ang tumatangkilik sa negosyo namin kaya instead na sa pamilya ni George ang piliin niya ay mas pinili niyang mag-invest sa amin.

George Saavedra, anak ni Gilbert Saavedra na mahigpit na ka kompetensya ni Daddy noon and I guess parang inheritance rin na mahigpit kong kalaban sa business field ang anak nito. Ngayong taon ay halos nasulot ko ang mga investor ng mga Saavedra, sigurado akong gagawa rin sila ng paraan para hanapan kami ng butas pero handa rin ako.

“I want to make my Dad proud of me and proved him wrong na hindi lang puro kalokohan ang alam kong gawin,” ani ko sa aking sarili.

Mas kailangan ko pang magsumikap ngayon dahil nalalapit na ang kasal namin ni Cheska. I didn’t know na may babae pa palang magmamahal sa akin.

She’s the best thing that ever happened to me.

She completes me.

Halos nasa akin na lahat at lagi kong nakukuha ang mga gusto ko dahil noong pinanganak ako ay marami na ring negosyo ang mga magulang ko. Sa sobrang busy nila ay halos mga katulong at driver na ‘yong kasama kong lumaki.

I'm only son kaya ramdam na ramdam ko lahat ng pressure.

Taga pagmana kung tawagin ng iba.

“Sir may package po galing kay Sir Estevan,” saad ng driver ko habang nagma-maneho.

“Diniretso mo ba sa kuwarto ko?” tanong ko rito.

“Yes Sir,” sagot naman nito.

Tinignan ko ang oras sabay napahilot sa aking sentido nang mapagtanto kong pauwi na rin ng mga oras na ‘yon si Cheska.

“Pakibilisan,” utos ko rito sabay tinawagan si Cheska.

“Hey hon, napatawag ka?” sagot nito sa kabilang linya.

“Hon pardon for the urgency, I am really sorry but can you do me a favor?” pagba-baka-sakali ko rito.

“Sure thing kasi nasa daan na rin naman ako,” walang pag-aalinlangang sagot nito.

“Puwede mo bang daanan si Mommy sa shop? May aasikasuhin lang ako saglit,” ani ko rito.

“Iyon lang ba? Sige,” sagot naman nito.

“Thank you, I love you Hon!” turan ko rito.

I can hear her giggling after she heard it. “I love you most,” sagot pa nito.

Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay agad ko namang tinawagan si Mommy at sinabihang susunduin siya doon ni Cheska, nagtataka man ay sumunod na lang din ito. Sinalubong ako ng aming katulong nang makababa na ako sa sasakyan, sinenyasan ko na lang ito na nasa loob pa ng sasakyan ang mga gamit ko at dali-daling umakyat sa silid namin ni Cheska.

Agad kong kinuha ang pinadala ni Mr. Estevan sa akin at nilagay iyon sa safety vault na nasa kuwarto ko. Hindi iyon puwedeng makita ni Cheska, ang alam pa naman niya ay tinigil ko na ang pag gamit noon.

I checked my email and may mga closed deals na naman, amin yata ang taon na ‘to at simula pa lang sa first investor hanggang ngayon ay walang puma-palya.

Nagulat naman ako nang makita si Mommy na pumasok sa silid, “Si Cheska Mom?” tanong ko rito.

Umiling ito at napakunot ang aking noo nang makita ang reaksyon nito.

“May binigay si George kay Cheska at pasuyo raw na ibigay sa ‘yo pero pakiramdam ko sinadya niyang hindi isara ang paper bag,” saad ni Mommy sa akin. Hindi ko maiwasang kabahan dahil ramdam ko ang lungkot sa boses ni Mommy.

“Where’s Cheska?” tarantang tanong ko rito.

“Hindi pa bumababa sa sasakyan,” pagakatapos niya itong sabihin ay dali-dali akong pumanhik sa parking area.

Sinenyasan ko naman ang driver namin na nandoon na umalis muna, binuksan ko ang pinto ng sasakyan at hindi mapigilang magalala nang makitang umiiyak ito.

“You lied to me?” diretsong tanong nito sa akin.

Umiling ako sabay pinunasan ang luha nito, “It’s planned! Gusto niya akong siraan sa ‘yo, Cheska.”

Umiling ito sabay tinignan ako sa mata, “For what?”

“Business! Ang dami kong na closed na deals ngayon Ches,” sagot ko. Tumikhim ako sabay nagpatuloy, “Most of their investors ay lumipat na sa atin.”

“He can’t ruin me to them kaya sa ‘yo niya ako sinisiraan,” paninigurado ko rito.

Inabot niya sa akin ang paper bag na hawak niya, agad ko naman iyong tinignan sabay nagpakawala ng malalim na buntong-hininga nang makita ang laman nito.

High dosage drugs na halos imported.

“It’s bait,” mahinang saad ko.

“Hindi ka na gumagamit ng mga gan’yan ‘di ba?” paninigurado nito.

Natigilan ako saglit sabay tumango. Lumapit ako rito sabay niyakap ito at h******n.

“Never Hon,” maikling sagot ko.

Napakauyom ako sa aking kamao, agad ko namang tinawagan si George nang makapasok na si Cheska sa loob.

“What do you want?” mariin na tanong ko nang sagutin niya ang tawag ko.

Isang malakas na tawa ang narinig ko sa kabilang linya.

“You sound frustrated, hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko?” mapang-asar na tanong nito.

“Ulitin mo pa ‘to, sisiguraduhin kong may kalalagyan ka!” may pagba-bantang sigaw ko rito.

“Are you threatening me?” tanong nito.

“No, I am informing you!” sigaw ko rito sabay binaba na ang tawag.

Pinakalma ko muna ang aking sarili bago umakyat muli sa siilid namin, nakapag-bihis na si Cheska kaya kinausap ko ito.

“Ches I know you don’t like the idea of having security around you pero puwede bang kahit isa lang?” tanong ko rito. Hindi ko kasi maiwasang magalala sa kan’ya.

“Nagusap na tayo tungkol dito ‘di ba?” mahinahong sagot nito.

“I’m just worried Ches,” sagot ko naman.

Ngumiti naman ito ng bahagya sabay lumapit sa kin at hinaplos ang aking pisnge.

“Kaya ko ang sarili ko,” sagot nito sabay dinampian ng halik ang aking labi. "Don't worry Hon," paninigurado pa nito.

Labag man sa aking loob ay tumango ako. Siguro kailangan ko rin masanay na hindi rin siya sanay sa buhay na nakasanayan ko. I offered her our one company, sa kan’ya ko sana iyon ipapa-manage pero mas pinili niyang manatili sa trabaho niya. Ayaw ko rin namang masakal siya sa akin kaya I still let her do the things she wanted to do.

I love her so much and I cannot imagine myself losing her.

She changed me in many ways.

She’s the reason why I become better.

I want to show her na hindi lang ako basta-basta anak ng isang Ryder.

I have my own name and own legacy.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Right Bride, Wrong Time   Kabanata 3

    Isang malakas na hiyawan ang aking narinig nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng bar, may mga invited guest ngayon na nagp-perform sa stage. Kilala ang mga ito sa larangan ng pagsa-sayaw kaya sila ang kinuha namin. Anniversary ng isa sa mga bar na pagmamay-ari namin, punong-puno ito dahil bukod sa mura ito ay bukas ito sa mga malalaking negosyante na gusto ng private session. "West!" Napalingon naman ako nang marinig kong may tumawag sa akin, napangiti ako nang makita kung sino ito. "Sam," ani ko sabay sinalubong ito at nakipagbeso-beso. Inabot nito sa akin ang hawak niyang alak, "It's been a long times since the last time I've been here and I can say na napatakbo mo ito ng maayos." Nakangiti nitong saad sa akin. "Ako pa ba Sam?" mapanukso ko namang sagot. Sam is a friend of mine, kilala rin siya ng pamilya ko dahil nakasama na nila ang pamilya nito sa isang event na dinaluhan rin nila Daddy. "Oo nga naman, I know you so well!" sang-ayon nito sabay lagok ng alak na hawak n

  • Right Bride, Wrong Time   Kabanata 2

    DownfallNapabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas na tili ni Cheska, dali-dali akong bumaba at hinanap ito. Napahilamos ako sa sarili kong kamay nang makita ang hawak nitong kahon, may laman itong patay na daga. Inuubos talaga ni George ang pasensya ko.“Melda!” tawag ko sa aming katulong.Lumapit ako kay Cheska sabay kinuha ang kahon, nang makarating si Melda ay agad kong inabot dito ang kahon.“Hindi ba nagbilin ako na I-check niyo muna ang mga regalo o package bago ibigay kay Cheska?” singhal ko rito.“Sir may nakalagay kasi sa labas ng kahon na si Ma’am Cheska lang daw po ang puwede magbukas,” sagot naman nito.“West! What the hell is happening?” nagaalalang tanong sa sakin ni Cheska.“Hon let me handle this,” ani ko rito sabay niyakap ito. “I am really sorry for what happened,” paghingi ko ng pasensya dito.Agad ko namang pina-check ang cctv ng bahay, gusto ko sanang huwag muna pumasok si Cheska sa trabaho pero may mahala daw itong meeting. Napahilot ako sa aking senti

  • Right Bride, Wrong Time   Kabanata 1

    Hatred“Congratulations, West! Deal closed,” nakangiting bati sa akin ni Mr. Vega.Bagong investor namin sa negosyo naming casino, nabalitaan kasi nito na marami ang tumatangkilik sa negosyo namin kaya instead na sa pamilya ni George ang piliin niya ay mas pinili niyang mag-invest sa amin.George Saavedra, anak ni Gilbert Saavedra na mahigpit na ka kompetensya ni Daddy noon and I guess parang inheritance rin na mahigpit kong kalaban sa business field ang anak nito. Ngayong taon ay halos nasulot ko ang mga investor ng mga Saavedra, sigurado akong gagawa rin sila ng paraan para hanapan kami ng butas pero handa rin ako.“I want to make my Dad proud of me and proved him wrong na hindi lang puro kalokohan ang alam kong gawin,” ani ko sa aking sarili.Mas kailangan ko pang magsumikap ngayon dahil nalalapit na ang kasal namin ni Cheska. I didn’t know na may babae pa palang magmamahal sa akin.She’s the best thing that ever happened to me.She completes me.Halos nasa akin na lahat at lagi ko

  • Right Bride, Wrong Time   Simula

    "Never lose your ace in a battle or else, you'll end up losing the game. Know how to play your cards, make sure that your alas will stay with you until the end."I constantly remind myself to play my cards wisely, but I was too preoccupied to realize that my opponent was doing their hardest to obtain it as well. In the Philippines and other nations, our family is well-known for being one of the powerful families that hold significant companies both domestically and outside.We have a lot of connections but all of those were useless the moment I needed them.I could call a bunch of back-ups if I wanted and needed to, but how will I do it knowing my ace is on my opponent's hand?"One wrong move West, pasasabugin ko ang ulo ng babaeng 'to." Nakangising ani sa akin ni George.I let them beat me until I lost my consciousness. This is not me, I always make sure I always win. In every battles I've faced I always fight for myself until I beat them down and felt the victory, but this time it's

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status