Napakunot naman ang noo ng babae nang marinig ang sinabi ko.
"Anong sabi mo?" paglilinaw nito sabay naglakad papalapit sa akin. "I believe hindi ka bingi, magkano gusto mo? Para matapos na 'to!" sagot ko ulit rito. Napaatras naman ako nang bigla niya akong itulak. "Sorry lang 'yong hinihingi ko dahil kayo 'yong mali! Problema nga naman talaga ng mayayaman o, akala nadadaan lahat sa pera." saad nito sabay muling nilingon ang driver ko. "Bumili kayo ng eyeglass para naman makita niyo kung tama ba dinadaaanan niyo!" sigaw niya rito sabay iniwan na kami. "Nabundol ba natin siya?" tanong ko rito. "Hindi naman po Sir, nagulat na lang po kao galit na galit ito." Naguguluhan namang sagot ng driver ko. Tinanguan ko na lang ito at inutusan ng pumasok ulit, may meeting pa ako at baka ako pa 'yong magiging rason na hindi iyon matuloy. Halos ganito ang inaatupag ko araw-araw sa trabaho at negosyo lang umiikot ang buhay ko. We already have enough money pero ayaw ko pabayaan ang negosyo na meron kami dahil alam ko na never din 'yon napabayaan ng Daddy ko kahit noong hindi niya pa iyon napamana sa akin. We earn money in both clean and dirty way, palakasan lang talaga 'yan ng kapit para hindi mabuko. Kailangan din ng malaking pera para patahimikin ang mga dapat patahimikin. Kahit malaki na ang negosyo namin at puwede na akong hindi magtrabaho ay mas pinili kong mamuhay ng normal, isa rin iyon sa naging dahilan kaya hindi basta-basta nasisilip ang mga negosyo namin na labag sa batas. Iyong bar ko talaga ang paborito kong tambayan pagkatapos ng lahat ng ginagawa ko, pero hindi naman ibig sabihin noon na lagi rin akong gumagamit ng special menu namin. Gusto ko lang talaga makapag-chill every hectic and busy day. Habang papasok ako may napansin akong bagong mukha, pero para rin 'tont pamilyar sa akin. Ilang bote na ng alak ang nasa mesa nito, gusto ko itong lapitan at kamustahin kaya naman agad ko iyong ginawa. "Hi!—" Agad naman akong natigilan nang makilala ang mukha nito nang tuluyan ko na itong malapitan. "Ikaw na naman?" sigaw nito sa akin. Napansin kong marami na itong nainom, nilibot naman ng aking paningin ang paligid. Hinahanap kung may kasama ba ito. "Mag-isa ka lang?" tanong ko rito sabay umupo sa harap niya. "Pake mo?" nabubulol na sagot nito. "Alam mo bang delikado para sa babae ang magpaka-lasing mag-isa?" tanong ko rito. Ngumisi lang ito sabay umiling, "Alam mo kung anong delikado?" tanong nito. Tinaasan ko naman ito ng dalawang kilay, hinihintay ang sagot nito. "Babayaran ka ng taong walang puso! Sorry lang kailangan ko pero pinamukha pa kung gaano ako kahirap," sagot naman nito sabay muling lumagok ng alak. "Teka! Tama na nga 'yan," awat ko rito nang mapansing lasing na ito. Hindi ko rin alam bakit sinasayang ko ang oras ko sa babaeng ito. "Puwede ba! Nag-eenjoy 'yony tao o," halos hindi na ito makpag-salita ng maayos dahil sa kalasingan. "You know what? Umuwi ka na," saad ko sabay sinenyasan ang isa sa staff ko na ayusin at kunin na 'yong mga alak na nasa mesa niya. "May pang bayad ako!" sigaw naman nito sa akin sabay hinampas sa mesa ang isang libo nito. "Kapag 'yan nabasag, hindi pa magiging sapat ang buhay mo para mabayaran 'yan!" saad ko nang ginawa niya iyon. Ngumisi ito sabay lumapit sa akin, hinawakan nito ang baba ko sabay pinaharap sa kan'ya. "Iyang mukhang 'yan? Hinding-hindi ko 'yan makakalimutan!" sigaw nito, napasigaw ako nang bigla itong sumuka sa harapan ko at dumiretso iyon sa mukha ko at damit ko. "Sir!" sigaw ng staff ko na naka kita sa pangyayari. "Ang dugyot mo!" mariin na saad ko sa babaeng nasa harap ko, tinalikuran ko ito at dumiretso sa washing area. Hindi ko mapigilan mandiri sa amoy nito. Mabuti na lamg at may mga damit ako sa ospisina ko doon, imbes na mag-chill ay ito pa ang inabot ko. "Sir nakatulog po 'yong babae sa table niya," saad ng staff ko na sumunod pala sa akin. Napahilot na lang ako sa sentido ko pagkatapos kong maghilamos. "Pakihatid na lang siya sa opisina ko at baka magkalat pa 'yan diyan sa labas," utos ko rito at nauna ng umakyat. Naghanap na ako ng masusuot kong damit at nilagay na sa basurahan ang damit na sinukahan ng babaeng iyon, sa France ko pa naman 'yon nabili tapos sinukahan lang. Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto, karga-karga na ng staff ko 'yong babaeng walang malay. Napabuga na lang ako ng hangin nang makitang may mga bahid rin ng suka ang damit nito. "Huwag mo muna ilapag," saad ko rito sabay tinawagan si Hilda— isa sa mga babae kong staff. "Sir bakit po?" tanong nito nang maka-akyat na rin. "Pakilinisan nga itong babaeng 'to, ayaw ko rin ranaman na humiga siya diyan na gan'yan ang hitsura at kalagyan— baka nga mangamoy pa 'tong opisina ko." utos ko rito. "Sige po Sir," sagot naman nito at inalalayan na iyong isa kong staff na pumunta sa banyo. Naghanap na rin ako ng extrang damit at extrang boxer short na hindi ko pa nagagamit, wala rin kasi akong ibang puwede ipa-gamit sa kan'ya doon kasi magmumukha oang itong ewan kung 'yong pantalon ko ang gagamitin niya. Maliit kasi ito na babae at balangkinita ang katawan, hindi ganoon ka puti at hindi rin morena. Inabot ko na kay Hilda ang tuwalya, at damit na gagamitin ng babaeng 'to. Hinayaan ko na itong linisan iyon at pinaayos na rin sa isa ko oang staff ang hihigaan nito. May couch sa loob ng opisina ko kaya naisipan kong doon na lang siya pahigain. Nang matapos na si Hilda ay muli itong kinarga at nilapag na sa couch, inayos lang ni Hilda ang pagkaka-higa nito at sabay na silang nagpaalam na babalik na sa trabaho. Tinanguan ko lang ang mga ito at umupo na, pinagmasdan ko ang mukha ng babae Mas nilapitan ko pa ito at doon ko napansin na napaka-amo pala ng mukha nito. Napa-atras naman ako ng kaunti nang bigla itong humikbi habang nakapikit pa rin. "Pago na pagod na ako," mahinang saad nito. Napakunot naman ang aking noo nang mapansing tumutulo na ang luha nito. "Hey," gising ko rito. Pero mayamaya pa ay bumukas ang mga mata nito. "Sino ka?" namumungay pa ang mga mata nito habang nagtatanong. "We—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bumalik rin agad ito sa pagtulog. Pinunasan ko na lang ang luha nito sabay kinuha ang aking scarf at ginamit iyong kumot sa kan'ya. Muli akong natigilan nang mapansin ang mamula-mulang pisngi at labi nito. I wanted to kiss it. Napailing na lang ako sa naisip kong iyon ay bumalik na sa aking upuan. Hindi ko naman siya puwedeng iwan doon kaya mas pinili ko na lang na doon gawin ang mga kaikangan kong gawin. Nilabas ko na ang aking laptop at nag-order na rin ng kape. Hindi na muna ako iinom ng wine at baka makatulog pa ako rito. Bigla namang sumagi sa isip ko si Samantha, I checked her socials pero lahat ng 'yon ay naka-down. "Ma she live her life in a way she wanted to live it," saad ko na lang at binaba na ang aking cellphone. Dumating na rin agad iyong order ko, hinatid iyon ng staff ko sa taas. Bayad na rin kasi iyon kaya 'di ko na rin kailangan pa bumaba para magbayad. "Dito po kayo matutulog ngayon Sir?" tanong nito sa akin. "Ewan, baka kapag nagising 'to ay aalis na rin ako." Sagot ko naman. Habang inaabala ang aking sarili sa stock market, hindi ko maiwasang mapatingin-tingin sa babaeng nasa couch. Hindi naman mga ganitong aura ang mga babaeng halos araw-araw kong nakikita na pumupunta sa bar. Para kasi itong masyadong pormal para sa ganoon na lugar. Hindi ko namalayan nakatulog na rin pala ako sa kinau-upuan ko, nagising n alang ako nang makarinig ng napaka-tinis na sigaw. "What the hell?" pumupungas na singhal ko sa babaeng nakaupo sa couch. Tumayo naman ito bigla sabay lumapit sa akin at pinagha-hampas ang aking dibdib. Napakunot na lang ang aking noo sa ginawa nito. Agad ko namang kinuha ang dalawang kamay nito sabay tinaas at siniil ito sa pader. "What's wrong with you?" nakatitig sa mga mata nitong tanong ko. "Anong ginawa mo sa akin?" seryosong tanong nito. Ngumisi ako kaya muli itong nagpumiglas. "Wala akong ginawa sa 'yo, huwag kang assuming." malamig na sagot ko sabay binitawan ito. "E bakit iba na 'yont damit ko?" tanong ulit nito. Napailing na lang ako sabay muli itong nilingon. "Nakalumutan mo na ginawa mo sa akin kagabi?" tanong ko rito. Pilit naman nitong inaalala kung anong ginawa nito. "Okay! Sinukahan mo lang naman 'yong damit ko, at wala akong choice kung 'di itapon 'yon." pagpa-paalala ko sa kan'ya. "Tapon? Ang arte mo naman! Puwede ko naman 'yong labhan," sagot naman nito. "Saan ba at ako na maglalaba tsaka ko isasauli sa 'yo." Dagdag pa nito. "No thanks! Nasa basurahan na," sagot ko sabay umupo ulit. "Anyways, three thousand ang bill mo kagabi." Pagpapaalala ko sa kan'ya sa nainom niya kagabi. "Three thousand? Bakit—" "Huwag ka na magreklamo, mas mahal pa nga yata 'yang damit ko na sinukahan mo kesa sa buhay mo e." Putol ko sa sasabihin nito. "Aba'y! Babayaran ko 'yan, magkano ba?" matapang naman na sagot nito sabay lumapit sa akin. Kinuha niya pa ang wallet niya at confident na tinitigan ako. "Five hundred thousand," nakangisi kong saad dito. Hindi ko mapigilang matawa nang marinig na nasamid ito sa sarili niyang laway. "F-Five hundred thousand?" ulit pa nito. Binuksan niya naman 'yong wallet niya sabay inabot sa akin ang ATM niya. "Anong gagawin ko diyan?" tanong ko rito. "Ikaw na muna bahala rito hanggang sa matapos kong hulug-hulugan 'yang damit mo." paliwanag nito. Hinampas ko naman ng bahagya ang kamay nito, "Huwag na sabi e." sagot ko naman. "Ayaw ko na magka-utang na loob sa 'yo!" sigaw pa nito. Napailing na lang ko sabay kinuha iyon, "Sabi mo e." "Ibabalik ko rin sa 'yo, itong suot ko." Dagdag pa nito. "Huwag na! Di ko na 'yan gagamitin kasi ginamit mo na e," sagot ko pa. "Idagdag mo na lang sa babayaran ko," matapang pa nitong saad. "Noted! I bough that in Spain, one hundred thousand 'yong top and mura lang 'yang nasa baba— fifty thousand." Ani ko rito. Napaawang na lang ang bibig nito sabay tumango. Ayaw din magpa-tinag e. "Alam mo ikaw? Hindi kita nakakalimutan, ikaw 'yong lalaki kahapon sa daan na akala ba madadaan lahat sa pera." Ani nito. "Whatever," sagot ko at tinoon na lang ang aking atensyon sa laptop ko. "Bayad ko rin sa bill ko kagabi," saad nito sabay nilapag sa mesa ko ang exact amount. "Leave your contact," saad ko naman dito. "Para saan?" singhal nito. "Just to make sure na magbabayad ka," napapangiti na lang ako sa aking isipan habang pinagmamasdan itong pikon na pikon na. Ewan ko ba pero parang natutuwa akong pikunin ito. Gigil na gigil na siya e, kulang na lang ay banatan niya ako ng suntok. Kumuha naman ito ng ballpen sabay sinulat sa malinis na papel ang number nito. "Magsabi ka lang din kungmay iba kang ipapagawa at para mabawasan din 'yong utang ko sa 'yo," saad nito wabay nilapag ng malakas ang papel sa mesa ko. "Galit ka ba?" mapanuksong tanong ko rito. "Hindi!" saad nito sabay tatalikod na sana pero pinigilan ko muna ito. "Samahan mo ako bukas," saad ko rito. Napakunot naman ang noo nito. "For your information lang ha? Marangal akong babae, hindi bayaran at hindi rin escort." Paglilinaw nito. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at natawa na lang sa mga iniisip at sinasabi nito. "Wala naman akong sinabing ganoon," pagpi-pigil ko ng tawa. "Sabi mo kasi—" Hindi ko na ito pinatapos, "Wala akong sinabi okay? Chill ka lang, masyado kant tense e." Pagpa-pakalma ko rito. "Saan ka ba kasi magpapasama?" tanong ulit nito. "Sa isang event, just be my date..."Napakunot naman ang noo ng babae nang marinig ang sinabi ko. "Anong sabi mo?" paglilinaw nito sabay naglakad papalapit sa akin. "I believe hindi ka bingi, magkano gusto mo? Para matapos na 'to!" sagot ko ulit rito. Napaatras naman ako nang bigla niya akong itulak. "Sorry lang 'yong hinihingi ko dahil kayo 'yong mali! Problema nga naman talaga ng mayayaman o, akala nadadaan lahat sa pera." saad nito sabay muling nilingon ang driver ko. "Bumili kayo ng eyeglass para naman makita niyo kung tama ba dinadaaanan niyo!" sigaw niya rito sabay iniwan na kami. "Nabundol ba natin siya?" tanong ko rito. "Hindi naman po Sir, nagulat na lang po kao galit na galit ito." Naguguluhan namang sagot ng driver ko. Tinanguan ko na lang ito at inutusan ng pumasok ulit, may meeting pa ako at baka ako pa 'yong magiging rason na hindi iyon matuloy. Halos ganito ang inaatupag ko araw-araw sa trabaho at negosyo lang umiikot ang buhay ko. We already have enough money pero ayaw ko pabayaan ang ne
Isang malakas na hiyawan ang aking narinig nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng bar, may mga invited guest ngayon na nagp-perform sa stage. Kilala ang mga ito sa larangan ng pagsa-sayaw kaya sila ang kinuha namin. Anniversary ng isa sa mga bar na pagmamay-ari namin, punong-puno ito dahil bukod sa mura ito ay bukas ito sa mga malalaking negosyante na gusto ng private session. "West!" Napalingon naman ako nang marinig kong may tumawag sa akin, napangiti ako nang makita kung sino ito. "Sam," ani ko sabay sinalubong ito at nakipagbeso-beso. Inabot nito sa akin ang hawak niyang alak, "It's been a long times since the last time I've been here and I can say na napatakbo mo ito ng maayos." Nakangiti nitong saad sa akin. "Ako pa ba Sam?" mapanukso ko namang sagot. Sam is a friend of mine, kilala rin siya ng pamilya ko dahil nakasama na nila ang pamilya nito sa isang event na dinaluhan rin nila Daddy. "Oo nga naman, I know you so well!" sang-ayon nito sabay lagok ng alak na hawak n
DownfallNapabalikwas ako ng bangon nang marinig ang malakas na tili ni Cheska, dali-dali akong bumaba at hinanap ito. Napahilamos ako sa sarili kong kamay nang makita ang hawak nitong kahon, may laman itong patay na daga. Inuubos talaga ni George ang pasensya ko.“Melda!” tawag ko sa aming katulong.Lumapit ako kay Cheska sabay kinuha ang kahon, nang makarating si Melda ay agad kong inabot dito ang kahon.“Hindi ba nagbilin ako na I-check niyo muna ang mga regalo o package bago ibigay kay Cheska?” singhal ko rito.“Sir may nakalagay kasi sa labas ng kahon na si Ma’am Cheska lang daw po ang puwede magbukas,” sagot naman nito.“West! What the hell is happening?” nagaalalang tanong sa sakin ni Cheska.“Hon let me handle this,” ani ko rito sabay niyakap ito. “I am really sorry for what happened,” paghingi ko ng pasensya dito.Agad ko namang pina-check ang cctv ng bahay, gusto ko sanang huwag muna pumasok si Cheska sa trabaho pero may mahala daw itong meeting. Napahilot ako sa aking senti
Hatred“Congratulations, West! Deal closed,” nakangiting bati sa akin ni Mr. Vega.Bagong investor namin sa negosyo naming casino, nabalitaan kasi nito na marami ang tumatangkilik sa negosyo namin kaya instead na sa pamilya ni George ang piliin niya ay mas pinili niyang mag-invest sa amin.George Saavedra, anak ni Gilbert Saavedra na mahigpit na ka kompetensya ni Daddy noon and I guess parang inheritance rin na mahigpit kong kalaban sa business field ang anak nito. Ngayong taon ay halos nasulot ko ang mga investor ng mga Saavedra, sigurado akong gagawa rin sila ng paraan para hanapan kami ng butas pero handa rin ako.“I want to make my Dad proud of me and proved him wrong na hindi lang puro kalokohan ang alam kong gawin,” ani ko sa aking sarili.Mas kailangan ko pang magsumikap ngayon dahil nalalapit na ang kasal namin ni Cheska. I didn’t know na may babae pa palang magmamahal sa akin.She’s the best thing that ever happened to me.She completes me.Halos nasa akin na lahat at lagi ko
"Never lose your ace in a battle or else, you'll end up losing the game. Know how to play your cards, make sure that your alas will stay with you until the end."I constantly remind myself to play my cards wisely, but I was too preoccupied to realize that my opponent was doing their hardest to obtain it as well. In the Philippines and other nations, our family is well-known for being one of the powerful families that hold significant companies both domestically and outside.We have a lot of connections but all of those were useless the moment I needed them.I could call a bunch of back-ups if I wanted and needed to, but how will I do it knowing my ace is on my opponent's hand?"One wrong move West, pasasabugin ko ang ulo ng babaeng 'to." Nakangising ani sa akin ni George.I let them beat me until I lost my consciousness. This is not me, I always make sure I always win. In every battles I've faced I always fight for myself until I beat them down and felt the victory, but this time it's