Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2023-07-10 16:58:50

"Black Market?" pag-uulit ni Jillian.

Tumango ito. "Iyon lang ang nakikita kong paraan upang makahanap ng agarang donor."

Hindi agad nakakibo si Jillian. Black Market. Lugar kung saan talamak ang mga illegal na bentahan. Droga, mga baril, smuggled items. Lahat-lahat na mga walang permiso galing sa gobyerno ay nandoon na. Kaya ba niyang isangkot ang sarili sa ganung klaseng mundo?

Kumuyom ang mga kamao niya at muling hinarap ang lalaki na mataman na nakatingin sa kanya.

"May auction ba? Kailan ako pupunta?" puno ng determinasyon na tanong niya. Hindi dapat siya mag-alinlangan sa mga bagay na ganito. Buhay ng ina niya nang nakataya dito. Hindi na importante ang mag-alangan at magduda. Akala niya kanina ay wala ng pag-asa pero nandito ang doctor na ito na handang tumulong sa kanila.

"You don't need to go by yourself. Ako na ang bahala sa lahat. It's dangerous for you who don't know anything about illegal business to go there. I'll use my connections. I'l just update you in case na makahanap na ako ng donor. Here. I need your phone number," anito at inilahad sa kanya ang mamahalin na cellphone.

Gulo-gulo ang isip ni Jillian habang inilalagay ang numero doon. Tutulong na nga ito sa mga bayarin sa hospital, ito pa ang maghahanap ng donor? Napakaimposible talaga!

"Why are you looking me like that?" he chuckled.

"Nagtataka lang talaga ako kung bakit mo ako tinutulungan," pagtatapat niya.

Bahagya itong nag-iwas ng tingin. "Just accept my help, miss Gonzales. That's all you need to do."

"W-Wala ba talaga itong kapalit, doc?" Nagdududa talaga siya! Walang ganitong kabait na tao dito sa mundong ibabaw!

Umiling ito saka tumayo. "Wala. And just call me Lance."

Tinangggap niya ang nakalahad nitong kamay. "J-Jillian."

***

Pagkalabas ni Jillian sa opisina ni Lance ay nahahapo na muling umupo ang binata sa swivel chair nito.

"You've gotta be kidding me," usal ni Lance sa sarili saka may tinawagan.

"Sup, bro?" anang kabilang linya.

"Hey. I need you to check Lima Group if they will arrange an auction this week. Need the details asap."

"Lima Group? Akala ko ba ay ayaw mo nang masangkot sa mga illegal na gawain?"

Napapikit siya ng mariin saka tumitig sa kisame. Ayaw na niya talaga. Matagal na niyang binitawan ang mga ganung gawain. Natuto na siya ngunit kailangan niya ng puso para sa operasyon ni Mrs. Gonzales. Kung ibang pasyente lang ito ay nunca niya itong gagawin.

"Just this once, Morgan. For the last time."

Matagal bago nagsalita ang kanyang kaibigan. "Fine. What part of human body do you want this time?"

"A heart. I need a healthy heart."

****

Parang latang gulay nang makauwi si Jillian sa kanilang bahay. Pagod na pagod siya. Pakiramdam niya ay nasaid ang lahat ng lakas niya.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Hinarangan siya ni Mara sa pintuan. Nakasuot ito ng mini short at spaghetti top. Ngumunguya pa ng bubble gum. "Nasaan ang nanay mo? Hindi ko rin ma-contact si Ruben ah. Alam mo ba kung nasaan siya?" sunod-sunod nitong tanong. Nakataas pa ang kilay nito.

"Hindi ko alam," tangi niyang sagot at nilagpasan ito. Hindi na niya sinabi dito ang nangyari. Wala rin naman itong pakialam. Magsasayang lang siya ng laway.

"Aba't. Tingnan mo ang ugali mo. Dumiretso ka na sa kusina at magsaing. Kanina pa ako nagugutom."

Inis niya itong binalingan. "Ako ang paglulutuin mo ng kakainin mo? Saan ka kumuha ng swerte mo?"

Bilib din siya talaga sa babaeng 'to eh. Hinintay pa talaga siya upang magluto? Eh di huwag na lang itong kumain kung ganun! Ginawa pa talaga siyang katulong? Pagod siya, mabigat ang kanyang dibdib at madami siyang problemang kinakaharap tapos ito pa ang uuwian niya? Pati ang bahay nila na dapat ay pahingaan ay naging impyerno na!

"Hoy." Dinuro pa siya ng walang hiya. "Magdahan-dahan ka sa pananalita mo ha! Baka gusto mong isumbong kita kay Ruben!"

"Eh di magsumbong ka! Iyan lang naman ang alam mong gawin! Sa tingin mo ba ay natatakot ako sa iyo?" Pinaningkitan pa niya ito ng mga mata.

Ano ba kasi ang dapat niyang gawin upang patalsikin ang babaeng ito sa bahay nila? Bakit hindi na lang kasi ito umalis nang matahimik na ang buhay niya??

Tinalikuran na niya si Mara bago pa kung ano ang magawa niya dito. Ang hindi niya inaasahan ay ang biglang pagsabunot nito sa kanya.

"Impakta ka! Wala kang respeto sa mga nakakatanda sa iyo! Alam mo bang noon pa ako nanggigigil sayo ha?!

Mariin na kinagat ni Jillian ang kanyang labi. Masakit ang pagkakasabunot sa kanya ni Mara pero hindi siya magpapatalo!

Marahas niyang hinila ang nakalugay na mahaba nitong buhok at walang pakundangan na hinila. Hindi siya tumigil hanggang sa hindi niya naririnig ang pagsigaw nito!

Kung noon pa ito nanggigigil ay ganun din siya!

"Arayy!! Ahhhhhh!" Tili nito pero hindi niya ito tinigilan. Nang maramdaman niya ang pagluwag nito sa hawak sa kanyang buhok ay ang tagiliran naman nito ang sunod niyang pinagsisipa!

"Ahh! Hayup kang babae ka! Hayup ka!" galit na galit na sigaw ni Mara.

"Ikaw ang hayup sa ating dalawa! Ay hindi, palamunin ka pala!" sagot naman niya.

Kung saan-saan na sila napapadpad na dalawa sa sabunutan nila dahil walang gustong bumitaw sa bawat isa!

Gamit ang isang kamay ay humagilap si Mara ng gamit at ipinupok iyon sa kanya. Napabitaw si Jillian nang makaramdam siya ng kaunting pagkahilo. Ramdam din niya ang pagdaloy ng mainit na likido sa kanyang noo.

"Ha! Parehas kayo ng nanay mong walang kwenta! Bakit hindi na lang kayo umalis nang masolo na namin ni Ruben ang bahay na ito!"

Lalong tumindi ang galit niya kaya binigyan niya ito ng malakas na sipa sa mukha.

"Ugh!" ungol nito nang bumagsak ito sa sahig.

Hindi na niya ito binigyan pa ng pagkakataon na makabangon. Umupo siya sa ibabaw nito at sunod-sunod na nagpakawala ng suntok!

Galit na galit siya. Wala itong karapatan na sabihan ng ganun ang mama niya! Hindi alam ng babaeng ito ang hirap at sakripisyo ng kanilang ina para sa kanila. Hindi niya hahayaan ang kahit sino man na pagsalitaan ito ng masasama!

Bigla namang nawala ang pagkalasing na nararamdaman ni Ruben dahil sa eksenang naabutan nito sa kanilang bahay.

"Jillian!" Parang kulog na dumagundong ang bosses niya. Agad niyang inawat ang kapatid at nang makita ang itsura ni Mara ay biglang nagdilim ang paningin niya.

"Kuya, hindi ako ang nauna—"

Malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Jillian. Para siyang nabingi sa lakas nun. Sinapo niya ang pisngi at hindi makapaniwala na tumingin sa kapatid.

"Nababaliw ka na ba?! Tingnan mo ang ginawa mo sa ate Mara mo! Papatayin mo ba siya?" sigaw nito habang akay-akay si Mara na halos mawalan ng malay.

"Pero hindi ako ang nauna! Ininsulto pa niya si—"

"Hindi na mahalaga pa kung sino ang nauna! Ikaw ang mas nakababata! Sana ay hindi mo na siya pinatulan pa!"

Wala sa sariling napatawa si Jillian. Hayaan? Hahayaan lang niya na saktan siya ng babaeng ito? Sino bang matinong tao ang hindi lalaban kapag inaapi na? Martyr lang ang ganun!

"Humingi ka ng tawad sa ate Mara mo!"

No. Kahit kailan ay hindi niya iyon gagawin!

Tinalikuran na niya ang kuya Ruben niya at nagmartsa papasok sa kanyang kwarto.

"Jillian!"

Ibinalibag niya ang pintuan at sumandal doon. Nang maalala ulit kung nasaan ang kanyang ina ay hindi na niya pa napigilan ang kanyang mga luha. Hindi siya sanay na wala ito sa kanilang bahay. Iba pa rin talaga kapag nandito ang presensya nito. Hinayaan ni Jillian na lunurin niya ang sarili sa luha. Ngayon lang ito. Bukas ay babangon ulit siya at lalaban.

"Ano ba ang tinapos mo, miss Gonzales?" tanong ng masungit na ginang na kaharap niya.

Naghahanap siya ng trabaho at kasalukuyan nga siya ngayon na ini-interview.

"Wala po eh. Hindi ko po natapos ang kursong kinukuha ko—"

"Ay hindi pwede kung ganun! Ang hinahanap namin ay college graduate. At wala ka pang experience sa pagiging cashier? Baka hindi mo pa alam ang magkwenta! Pasensya na pero hindi ka pwede dito. Sa iba ka na lang maghanap ng trabaho."

Ito na ang ikatlong interview niya ngayong araw at lahat ng mga iyon ay walang magandang kinalabasan. Kung hindi college graduate ay yung may experience ang hinahanap ng mga ito. Kaya hindi lumalago ang Pilipinas dahil sa mga ganitong klase ng employer. Paano magkakaroon ng experience ang isang tao kung hindi naman nila ito bibigyan ng pagkakataon para makapagtrabaho? Ang taas-taas ng mga standard pero below minimum wage naman ang karamihan.

Buong araw na naghanap si Jillian ng mapapasukan pero ni isa ay walang nagkainteres na kunin siya. Isang tingin lang sa resume niyang walang kalaman-laman ay umiiling agad ang mga ito at nagtatawag ng ibang mga aplikante.

Bago siya umuwi ay dumaan muna siya sa hospital upang bisitahin ang kanyang ina. Gusto rin sana niyang kausapin si Lance pero hindi niya naabutan doon ang doctor.

Pagkatapos sa hospital ay nilakad na lang niya ang daan pauwi kahit malayo. Kailangan niyang tipirin ang natitirang pera hanggang sa makahanap siya ng trabaho. Sinabi man ni Lance na tutulong ito sa mga bayarin, hindi nun ibig sabihin na wala na siyang gagawin. Kailangan niya ng pera kung sakali man na makahanap ito ng donor.

Pag-uwi niya ay si Mara lang ang naabutan niya. Wala ang kuya Ruben niya. Hindi na sila masyadong nag-uusap pa matapos ang away na iyon. Ngunit ayon sa mga napagtanungan niyang mga nurse kanina ay dumadaan daw doon ang kapatid niya.

"Anong tinitingin-tingin mo riyan ha? Gusto mo ulit masabunutan?" sikmat ni Mara.

Linagpasan niya lang ito at hindi na kinibo pa. Baka hindi ulit siya makapagtimpi at mabangasan muli ang mukha nito.

Mabilisan na nagbihis si Jillian at pumunta sa kanto kung saan madalas na tumambay si Barbie. Nakita nga niya doon ang kaibigan at katulad ng dati ay bihis na bihis ito. Agad niya itong nilapitan.

"Oh my. Anong nangyari sa noo mo? Ba't may band aid?"

Hinawakan niya ang noo. Masakit pa rin iyon dahil medyo bumukol. "Nag-away kami ni Mara kahapon."

Malakas itong humalakhak. "Natalo ka?"

"Hindi 'no!" Ingos niya.

"Kamusta nga pala ang mama mo?" anito maya-maya.

Bumuntong hininga siya. "Ganun pa rin."

"Bakit kasi iisa lang ang puso, 'no? Sana ay dalawa na lang katulad ng kidney. Kung nagkataon ay pwede sanang magmahal ng dalawang lalaki," tawa ni Barbie upang pagaanin ang loob ng kaibigan.

Napangiti naman si Jillian kahit papaano. "Sana nga."

Dumaan ang katahimikan sa pagitan nila nang maalala ang sadya niya dito.

"Oo nga pala, Barbs. Pwede ba akong sumama sa club na pinagtatrabahuan mo?"

"Oo naman! Open ang lahat doon upang magsaya. Nasa tamang edad ka naman na upang gumimik," hagikgik nito.

Umiling siya. "Hindi ako sasama upang gumimik. Gusto ko ring magtrabaho doon."

Naibuga nito ang iniinom na soft drinks. "Seryoso ka?!"

Tumango siya. Ito lang ang naiisip niyang paraan upang kumita ng madaliang pera.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Epilogue

    "Mommy! Mommy! Look! I've made daddy his favorite! Pancakes!"Napakurap-kurap si Jillian nang maabutan ang anak sa kusina. Kasama nito si Manang Glory at Abby na inaayos na ang mga gamit at ingredients na nagamit ni Amarah sa pagluluto.Kung maaga siyang nagising ay mukhang mas maaga pa ito. Binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi. "So, para kay daddy lang ang pancakes na niluto mo? How about for mommy?" aniya at umaktong nagtatampo.Humagikgik ang kanyang anak. "Next time, mommy , when it's your birthday too!"Sumimangot si Jillian at pinanggigilan ang anak."Hay naku, Jillian. Kagabi pa ako sinusuyo ng batang yan na tulungan ko raw na magluto ngayon. Maaga pang nagising sa akin!" si Manang Glory na umiiling. Lumapit naman si Abby sa kanila at pinisil ang pisngi ni Amarah na buhat-buhat niya."Ang cute-cute kahit na halatang puyat!"Natawa silang pareho nang humikab nga ang bata. "Daddy always wakes up early so I need to wake up earlier. I want to surprise him."Nailing na lang

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 39

    "Mag-iingat po kayo sa susunod, sir. Alagaan niyo nang mabuti ang asawa niyo dahil maselan ang pagbubuntis niya. Muntik nang malaglag ang bata. Mabuti na lang at mabilis niyo siyang naitakbo dito. Hangga't maaari ay iwasan niya ang mataas na emosyon katulad ng nangyari kanina."Tahimik lamang na nakikinig si Paxton sa doctor na sumuri kay Jillian. They almost lost their baby.. Nagpaalam din agad ang doctor matapos makausap ang binata. Umupo siya sa tabi ng natutulog na dalaga at marahan na pinisil ang kamay nito.He was in pain. Paano ba niya pakikiharapan ang dalaga kapag nagising ito? Natatakot siya na baka tumaas na naman ang emosyon nito kapag nakita siya. Ngunit hindi naman niya ito pwedeng iwan.Unti-unting bumukas ang mga mata ni Jillian at bigla siyang nataranta nang mapansin na nasa hospital siya.Hindi agad napansin ng dalaga si Paxton dahil ang unang pumasok sa isip niya ay ang baby niya."It's alright. O-Our baby is fine," sansala ni Paxton habang sinusubukan na alalayan

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 38

    Parang nasisiraan ng ulo si Paxton matapos mabasa ang resulta ng imbestigasyon na ipinagawa niya. All this time.. All this time! Hindi gawain ni Paxton ang umiyak pero ng mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon— iyon ay ang humingi ng tawad kay Jillian.Mabilis niyang iniligpit ang papel. Tumingin si Paxton sa ama na nakaratay sa kama at nilapitan. "Forgive me, dad. I'm sorry for not listening to you before," aniya sa paos na boses. "Itatama ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. That's a promise."Lumabas ng kwarto ang binata at nagmamadaling naglakad. He's heart was thumping so hard at para na iyong lalabas sa kanyang rib cage. He remembered now. The little girl who saved her when he was a child was Jillian. Some men tried to kidnapped him. He was all bloody and almost passed out from all the beatings he get but Jillian came in time to rescue him before it's too late. She risked her life for him. That incid

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 37

    Samo't saring mga emosyon ang nararamdaman ni Jillian ng mga oras na iyon. Takot, pangamba at mumunting saya. Hinaplos niya ang kanyang impis na tiyan.Napaluha ang dalaga. Buntis siya. May munting buhay sa kanyang sinapupunan. She felt overwhelmed sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa bahay niya. Natatakot siya. Paano na lang kung muling may umatake sa kanya at mapahamak pa ang dinadala niya?Bumaba si Jillian upang kumuha ng malamig na tubig. Kailangan niya munang kumalma. Hindi pwedeng ganitong gulo-gulo ang isip niya. Sabado ngayon at mag-isa lang siya. Ngunit simula kahapon ay doble na ang security sa paligid ng buong bahay ni Paxton."Ma'am, pakikuha na lang po nito. Para raw kay sir Paxton," anang isang guard na papalapit sa nakabukas na pintuan.Kinuha niya ang inaabot nitong envelope. "Salamat po.""Walang anuman po, ma'am. Basta kung may kailangan po kayong ipabili sa labas ay sabihan niyo lang kami."Ngumiti lang si Jillian dito. Inilapag ni Jillian ang envelope sa ibabaw

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 36

    Naningkit ang mga mata ni Lily nang Wala siyang nakuha na sagot galing kay Paxton. "Babe? Are you listening? I'm telling you now to file a divorce with that Jillian. Why don't we take this opportunity that your father is in coma? Wala nang hahadlang pa kung sakali."Kumunot ang noo ni Paxton sa sinabi ng dalaga. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa ama na para bang natutuwa pa ito na nasa coma ito. Napansin naman iyon ni Lily at agad na niyakap ang binata at humingi ng tawad sa nanlalambing na boses. "I'm sorry, babe. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. I just want us to be together for real. Ako naman talaga dapat ang nasa posisyon ng Jillian na iyon. I should be your wife. Wala namang masama kung babawiin ko ang dapat ay para sa akin, hindi ba? Please? Should I contact now your attorney?" pagpupumilit pa ng dalaga.Hinilot ni Paxton ang kanyang sintido at muling hinarap ang sandamakmak na mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. Ilang araw na rin siyang hindi

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 35

    "W-What did you just say?" puno ng pagkagimbal ang boses ni Madison habang si Jillian naman ay hindi alam ang gagawin."She's my wife," pag-uulit nga ni Paxton."You're wife?!" bulalas na ni Madison. Hindi ito makapaniwala na tumingin kay Jillian. "Totoo ba ang sinabi ni Paxton? Mag-asawa kayo?!""H-Hindi," pagkakaila niya pero mabilis na siyang sinunggaban ni Madison at sinampal-sampal."Hayop ka! Kaya pala umiiwas ka sa akin dahil dito, malandi ka! I have a feeling that you're hiding something from me! Noon pa! How did you two ended up in marriage? I only told you to ruin Lily and Paxton's wedding! Not marry her!"Hindi pa ito nakuntento at sinabunutan pa si Jillian na umaaray na sa sakit. "T-Tama na, please! Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto na makasal sa kanya!" iyak ni Jillian habang pilit na kumakawala sa galit ni Madison."Ang sabihin mo ay gold digger ka lang talaga!"Tiim bagang na pinaghiwalay ni Paxton ang dalawang babae saka hinarap si Madison."So, it's yo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status