Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2023-07-10 16:59:23

"Ito ba ang sinasabi mo na kaibigan mo, Barbie? Aba'y maganda nga! Anong pangalan mo?"

"Jillian po," sagot niya at tipid na ngumiti kay madam Lucille.

Lumingkis sa kanya si Barbie. "Oh diba, momshie? Sabi ko na sa iyo na maganda siya."

Tumango-tango si Madam Lucille. "Halika, upo ka. Madaming trabaho dito sa club. Ano ba ang gusto mo? Gusto mo bang i-table ka nila at makipaglandian sa mga customers? O di kaya ay dancer? Oo, dancer! Maganda ang hubog ng katawan mo. Gusto mo bang sumayaw? Gumiling-giling sa gitna ng stage at hahagisan ng lilibuhing pera? Ito ang suotin mo oh. Bagay ito—"

Naiilang na inawat ni Jillian si Madam Lucille. Bahagya rin siyang napangiwi dahil sa agresibo nitong pananalita. "Waiter lang po, madam. Waiter po ang gusto kong pasukan," pagtatama niya dito.

Biglang nawala ang malawak na pagkakangiti nito dahil sa sinabi niya. "Waiter? Oh eto ang suotin mo," anito saka basta na lang inihagis sa kanya ang isang piraso ng damit. "Ayusin mo yang trabaho mo ha? Ayaw ko ng maarte dito. Kapag hinawakan ka at tsansingan ay landiin mo pabalik. Huwag na huwag kang gagawa ng gulo. Naiintindihan mo ba?"

"Opo, madam Lucille."

Napabuntong hininga siya nang umalis na ang matanda sa kanilang harapan. Napahagikgik naman si Barbie sa kanyang tabi.

"Ganun talaga si madam. Masasanay ka rin. Nadismaya lang siguro dahil waiter lang ang gusto mong kunin na trabaho. Magpalit ka na. Maya-maya lang ay magsisidatingan na ang mga party goers."

Kanina pa nasa loob ng CR si Jillian at pilit na hinihila ang laylayan ng maksing dress na suot niya. Ano bang klaseng damit ito? Sobra pang hapit sa katawan niya. Para siyang binalot na suman! Kaunting yuko lang niya ay makikita na ang pwet at luluwa na ang dibdib niya!

Nakarinig siya ng katok sa pintuan. "Beshie, hindi ka pa ba tapos na magpalit? Madami ng customers. Kailangan na nating pumunta sa ating mga trabaho."

Nagpakawala ng marahas na hininga si Jillian at tinigilan na ang kahihila sa damit. Baka masira pa ito. Isang tingin pa ang ginawa niya sa salamin bago nagpasyang lumabas.

Ngumisi si Barbie nang makita siya. "Ang sexy mo talaga! How to be you po?"

Natatawa niya itong binatukan. "Sira ka talaga."

"Iyong mga binilin ko sa iyo kanina ha? Huwag kang masyadong magtagal sa mga tables. Kapag naibigay mo na ang mga order nila ay umalis ka agad. Huwag na huwag kang mananapak, okay? Gaya ng sinabi ni Madam Lucille ay sabayan mo na lang. Nasa club tayo kaya normal na lang ang mga ganun," paalala ni Barbie na siyang tinanguan niya.

Paglabas nila sa comfort room ay halos mahilo si Jillian sa mga umiikot na makukulay na mga ilaw. Madami ng mga tao at humalo na rin ang usok at halimuyak ng alak sa hangin na nilalanghap nila.

Namawis ang mga kamay ni Jillian habang pinagmamasdan ang mga tao na nagkakasiyahan. The night is still young yet the atmosphere is already wild. And the air.. it was screaming alcohol and so much sex.

Muling nagbalik ang mga paulit-ulit na pangaral ng kanyang ina sa kanya. She felt guilty pero buo na ang desisyon niya. Kailangan niyang kumita ng pera. Hindi na niya inaasahan pa ang kuya Ruben niya. Lagi na lang itong umiinom ng alak, umaga man o gabi. Sa tingin ba nito ay makakatulong ang ginagawa nito sa sitwasyon nila?

Umiling si Jillian at nagsimula nang kumuha ng mga orders. Malaki at malawak ang club. Tanaw din mula sa ibaba ang second floor kung nasaan ang mga VIP seats.

"Hey, ngayon lang kita nakita dito ah. Bago ka ba miss?"

Matamis siyang ngumiti sa lalaking kumausap sa kanya. Pumipili pa kasi ng order ang mga kasamahan nito kaya nakatayo lang siya at hinihintay ang mga ito.

"Yes, sir. Kakaumpisa ko lang ngayon. Medyo kinakabahan pa nga ako eh," aniya at pumeke ng tawa.

Nakita ni Jillian kung paano siya hagurin ng tingin ng lalaki. Napapakagat labi pa ito.

"What's your name?"

"Just call me Jill," sagot niya at kinindatan pa ito.

Jusmiyo! Ano ba itong mga pinaggagagawa niya? Nababaliw na ba siya??

Ngunit kailangan niya ng pera kaya sige lang sa landi. Hinaplos pa niya ang braso ng binata. Sana ay magbigay ito ng malaking tip mamaya.

Akmang aalis na siya nang tumayo ang lalaki at hinapit siya sa bewang. Nag-init ang ulo ni Jillian ngunit agad din iyong naglaho nang may isinuksok itong ilang lilibuhin na pera sa may cleavage niya.

"Give me your number, Jill. Taga saan ka?"

Pilit siyang ngumiti dito at basta na lang nagbigay ng pekeng address. Hindi siya baliw upang sabihin kung saan siya nakatira.

"And your number?" anito at bahagya pang pinisil ang bewang niya.

Ibinigay ni Jillian ang isa niyang numero. Business number niya iyon noong naglalako pa siya ng mga ukay-ukay.

"Damnit. You're so fvcking beautiful. Pwede ba kitang iuwi ngayon?"

"Let her go, Kenneth. Nagugutom na kami oh," singit ng mga barkada nito.

Inis na binalingan nito ang mga kasama. "This is not a fvcking restaurant. Sana ay kumain kayo sa mga bahay niyo bago kayo nagpunta dito."

"Uhm." Humakbang siya paatras upang makawala dito. "Akin na ba ito?" aniya na ang tinutukoy ay ang perang ibinigay nito.

"Yeah. That's all yours, baby. Pwede ko pa iyang dagdagan kapag sumama ka sa akin ngayong gabi. Magkano ka ba? Name your price, Jill."

Parang hinalukay ang sikmura niya sa sinabi nito. Sumama na ang pakiramdam niya at pilit itong nginitian. "Kukunin ko lang sandali ang order niyo."

Mahigpit niyang hinawakan ang papel na nasa kanyang kamay habang naglalakad palayo. Heto na. Nagsisimula na ang mga ito na presyuhan ang buong pagkatao niya.

Magkano raw siya? Hah. Paano kapag sabihin niyang sampong bilyon? May maibibigay ba ito sa kanya?

Dumaan muna si Jillian sa CR upang kalmahin ang sarili niya. Pero lalo lang na umasim ang mukha niya nang may marinig siyang mga ungol galing sa pinakadulong cubicle.

Nang maalala niya ang hawak na pera ay binilang niya iyon. Anim na libo. Sobrang laki para lang sa number niya at kaunting hawak sa bewang. Sisikmurahin niya ang trabaho na ito. Kailangan niyang kumita ng bente mil sa gabing ito.

"Jillian! Pinapatawag ka ni Madam Lucille!" bungad sa kanya ni Barbie pagkalabas niya ng comfort room.

"Bakit daw?"

"Punta ka raw sa second floor. May gusto raw na kumausap sa iyo."

Tumingin si Jillian sa taas at sa tulong ng mga sumasayaw at makukulay na mga ilaw ay nakita nga niya doon si Madam Lucille na kumakaway sa kanya.

"Hindi ba ay bawal tayo doon?" baling niya kay Barbie. Dahil VIP area doon ay pinipili lang ang mga pumupunta doon.

"Tinatawag ka nga kaya pwede! Sige na! Baka may kumursunada sa iyo dun sa taas!" Pinagtulakan pa siya ng kaibigan.

Bakit kinakabahan siya na pumunta doon sa taas? Parang may nag-aabang na panganib doon.

"Pero—"

"Makinig ka beshy. Mga bigatin na mga tao ang nandoon. Mga business tycoons, politicians, mafia—"

"Mafia?!" bulalas niya.

"Oo! Pero mababait naman sila!"

Nang makita ni Barbie ang malaking pag-aalinlangan sa mukha ng kaibigan ay ipinagpatuloy niya ang pangungumbinsi dito. Hindi niya gustong ipahamak ang kaibigan. Ayaw lang niya na palampasin ang malaking pagkakataon na ito. Miminsan lang na may mga VIP costumers ang magkagusto sa mga babae dito sa club. Hindi pumapatol ang mga ito sa mga babae katulad nila. Ang gusto ng mga ito ay mga high class. Mga modelo, artista at mga celebrity.

Pumupunta lang ang mga ito upang uminom at magrelax, dausan ng mga business meetings na syempre ay mga illegal.

May ka-batch nga siya noon na natipuhan ng isa sa mga ito. Balita niya ay milyonarya na ito ngayon. Kung kailangan ni Jillian nang malaking halaga then ito na ang solusyon doon!

Matapos ang ilang pangungimbinsi sa kanya ni Barbie ay natagpuan ni Jillian ang kanyang sarili na pumapanhik na sa itaas.

Mas madilim at mas malamig dito sa second floor. Doble rin ang lawak nito kaysa sa ibaba. Itim ang kulay ng lahat ng mga gamit dito na hinaluhan ng iilang kulay pula.

Sa isang maliit na stage ay may isang nakamaskarang babae doon na malumanay na sumasayaw. Nakasuot ito ng body stocking na skin tone at kung titingnan ay para itong n*******d pero hindi naman.

Hinila ni Jillian ang laylayan ng damit nang bumaling sa kanya ang tingin ng mga taong nandoon. May mga babae rin na sa tingin niya ay mga girlfriends o dates ng mga nandito. Wala siyang makitang mga taga-club bukod sa dalawang lalaki na waiter na naka-stand by lang sa gilid.

Woooh. Bakit ba siya kinakabahan?

"Jillian! Halika dito!" kaway sa kanya ni Madam Lucille.

Lumapit siya dito at ipinakilala sa lalaking kausap nito.

"Mr. Zimmerman, ito nga pala si Jillian. Ikaw na po ang bahala sa kanya."

Agad na um-exit si Madam Lucille na siyang ikinalaki ng mga mata ni Jillian. Ni hindi man lang nito sinabi kung ano ang gagawin niya dito!

Napatalon siya sa gulat nang hinawakan ng lalaki ang kamay niya. Bahagya siyang napaatras na siyang ikinatawa nito.

"I'm sorry if I startled you, Jillian. Have a seat?" anito at inilahad sa kanya ang sofa na nasa malapit.

Sunod na umupo ang lalaki sa harap niya. Mga nasa fifties na siguro ang edad nito pero matikas pa rin ang itsura at pangangatawan nito. Sa damit, pananalita at kalkulado nitong kilos, natitiyak niyang isa itong respetadong tao. Hindi ito tulad ng mga dirty old man na napapanood niya sa mga pelikula.

"Are you nervous?" tanong nito habang nagsasalin ng wine.

"H-Hindi po, sir," iling niya.

Bahagya itong tumawa at ibinigay sa kanya ang baso. "Don't be. Hindi ako katulad ng iniisip mo. I'm just here to unwind. No dirty business. I'm not into those kind of things. And if you're asking why I invited you to drink with me, hmm. just think that I help you get out of your job tonight. You seem lost and confused. First time mo bang magtrabaho dito?"

Tumango siya. "Opo, sir."

Nakita pala nito ang lahat ng mga nangyari kanina?

"I see. Hindi ko na tatanungin kung bakit ka pumasok sa ganitong trabaho. I know it's too personal."

Hindi mapigilan ni Jillian ang humanga sa lalaking kaharap. Wala siyang maramdaman na pagkailang dito. Wala ring halong kabastusan ang mga salita at galaw nito. Mukhang kailangan nga lang nito nang makakausap.

Sa sobrang aliw na kausap si Mr. Zimmerman ay hindi na namamalayan ni Jillian na napaparami na siya ng inom ng alak. Ang sarap nitong kausap at tawa lang sila nang tawa!

"I think I need to go to the rest room," pag-eenglish niya dahil medyo lasing na siya.

"Oh. Just go to that hallway. Doon sa pinakadulo ang CR," anito.

Sinunod niya ang ibinigay nitong direksyon hanggang sa tumapat siya sa isang pinto.

Suminok siya. Ito na ba iyon? Medyo nahihilo na kasi siya eh.

Biglang bumukas ang pintuan at mula sa loob ay may humila sa kanya papasok.

"I've been waiting you for years, woman! I'm not gonna pay you if your service tonight isn't worth the wait!"

Huh? May lalaki sa loob ng CR?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Epilogue

    "Mommy! Mommy! Look! I've made daddy his favorite! Pancakes!"Napakurap-kurap si Jillian nang maabutan ang anak sa kusina. Kasama nito si Manang Glory at Abby na inaayos na ang mga gamit at ingredients na nagamit ni Amarah sa pagluluto.Kung maaga siyang nagising ay mukhang mas maaga pa ito. Binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi. "So, para kay daddy lang ang pancakes na niluto mo? How about for mommy?" aniya at umaktong nagtatampo.Humagikgik ang kanyang anak. "Next time, mommy , when it's your birthday too!"Sumimangot si Jillian at pinanggigilan ang anak."Hay naku, Jillian. Kagabi pa ako sinusuyo ng batang yan na tulungan ko raw na magluto ngayon. Maaga pang nagising sa akin!" si Manang Glory na umiiling. Lumapit naman si Abby sa kanila at pinisil ang pisngi ni Amarah na buhat-buhat niya."Ang cute-cute kahit na halatang puyat!"Natawa silang pareho nang humikab nga ang bata. "Daddy always wakes up early so I need to wake up earlier. I want to surprise him."Nailing na lang

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 39

    "Mag-iingat po kayo sa susunod, sir. Alagaan niyo nang mabuti ang asawa niyo dahil maselan ang pagbubuntis niya. Muntik nang malaglag ang bata. Mabuti na lang at mabilis niyo siyang naitakbo dito. Hangga't maaari ay iwasan niya ang mataas na emosyon katulad ng nangyari kanina."Tahimik lamang na nakikinig si Paxton sa doctor na sumuri kay Jillian. They almost lost their baby.. Nagpaalam din agad ang doctor matapos makausap ang binata. Umupo siya sa tabi ng natutulog na dalaga at marahan na pinisil ang kamay nito.He was in pain. Paano ba niya pakikiharapan ang dalaga kapag nagising ito? Natatakot siya na baka tumaas na naman ang emosyon nito kapag nakita siya. Ngunit hindi naman niya ito pwedeng iwan.Unti-unting bumukas ang mga mata ni Jillian at bigla siyang nataranta nang mapansin na nasa hospital siya.Hindi agad napansin ng dalaga si Paxton dahil ang unang pumasok sa isip niya ay ang baby niya."It's alright. O-Our baby is fine," sansala ni Paxton habang sinusubukan na alalayan

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 38

    Parang nasisiraan ng ulo si Paxton matapos mabasa ang resulta ng imbestigasyon na ipinagawa niya. All this time.. All this time! Hindi gawain ni Paxton ang umiyak pero ng mga sandaling iyon ay hindi na niya napigilan ang mapaluha. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon— iyon ay ang humingi ng tawad kay Jillian.Mabilis niyang iniligpit ang papel. Tumingin si Paxton sa ama na nakaratay sa kama at nilapitan. "Forgive me, dad. I'm sorry for not listening to you before," aniya sa paos na boses. "Itatama ko ang lahat ng mga pagkakamali ko. That's a promise."Lumabas ng kwarto ang binata at nagmamadaling naglakad. He's heart was thumping so hard at para na iyong lalabas sa kanyang rib cage. He remembered now. The little girl who saved her when he was a child was Jillian. Some men tried to kidnapped him. He was all bloody and almost passed out from all the beatings he get but Jillian came in time to rescue him before it's too late. She risked her life for him. That incid

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 37

    Samo't saring mga emosyon ang nararamdaman ni Jillian ng mga oras na iyon. Takot, pangamba at mumunting saya. Hinaplos niya ang kanyang impis na tiyan.Napaluha ang dalaga. Buntis siya. May munting buhay sa kanyang sinapupunan. She felt overwhelmed sa lahat ng mga nangyayari ngayon sa bahay niya. Natatakot siya. Paano na lang kung muling may umatake sa kanya at mapahamak pa ang dinadala niya?Bumaba si Jillian upang kumuha ng malamig na tubig. Kailangan niya munang kumalma. Hindi pwedeng ganitong gulo-gulo ang isip niya. Sabado ngayon at mag-isa lang siya. Ngunit simula kahapon ay doble na ang security sa paligid ng buong bahay ni Paxton."Ma'am, pakikuha na lang po nito. Para raw kay sir Paxton," anang isang guard na papalapit sa nakabukas na pintuan.Kinuha niya ang inaabot nitong envelope. "Salamat po.""Walang anuman po, ma'am. Basta kung may kailangan po kayong ipabili sa labas ay sabihan niyo lang kami."Ngumiti lang si Jillian dito. Inilapag ni Jillian ang envelope sa ibabaw

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 36

    Naningkit ang mga mata ni Lily nang Wala siyang nakuha na sagot galing kay Paxton. "Babe? Are you listening? I'm telling you now to file a divorce with that Jillian. Why don't we take this opportunity that your father is in coma? Wala nang hahadlang pa kung sakali."Kumunot ang noo ni Paxton sa sinabi ng dalaga. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito tungkol sa ama na para bang natutuwa pa ito na nasa coma ito. Napansin naman iyon ni Lily at agad na niyakap ang binata at humingi ng tawad sa nanlalambing na boses. "I'm sorry, babe. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin. I just want us to be together for real. Ako naman talaga dapat ang nasa posisyon ng Jillian na iyon. I should be your wife. Wala namang masama kung babawiin ko ang dapat ay para sa akin, hindi ba? Please? Should I contact now your attorney?" pagpupumilit pa ng dalaga.Hinilot ni Paxton ang kanyang sintido at muling hinarap ang sandamakmak na mga papeles na nakatambak sa kanyang lamesa. Ilang araw na rin siyang hindi

  • Ruining The Billionaire's Wedding   Chapter 35

    "W-What did you just say?" puno ng pagkagimbal ang boses ni Madison habang si Jillian naman ay hindi alam ang gagawin."She's my wife," pag-uulit nga ni Paxton."You're wife?!" bulalas na ni Madison. Hindi ito makapaniwala na tumingin kay Jillian. "Totoo ba ang sinabi ni Paxton? Mag-asawa kayo?!""H-Hindi," pagkakaila niya pero mabilis na siyang sinunggaban ni Madison at sinampal-sampal."Hayop ka! Kaya pala umiiwas ka sa akin dahil dito, malandi ka! I have a feeling that you're hiding something from me! Noon pa! How did you two ended up in marriage? I only told you to ruin Lily and Paxton's wedding! Not marry her!"Hindi pa ito nakuntento at sinabunutan pa si Jillian na umaaray na sa sakit. "T-Tama na, please! Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto na makasal sa kanya!" iyak ni Jillian habang pilit na kumakawala sa galit ni Madison."Ang sabihin mo ay gold digger ka lang talaga!"Tiim bagang na pinaghiwalay ni Paxton ang dalawang babae saka hinarap si Madison."So, it's yo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status