Share

Epilogue

"Mommy! Mommy! Look! I've made daddy his favorite! Pancakes!"

Napakurap-kurap si Jillian nang maabutan ang anak sa kusina. Kasama nito si Manang Glory at Abby na inaayos na ang mga gamit at ingredients na nagamit ni Amarah sa pagluluto.

Kung maaga siyang nagising ay mukhang mas maaga pa ito. Binuhat niya ang anak at hinalikan sa pisngi. "So, para kay daddy lang ang pancakes na niluto mo? How about for mommy?" aniya at umaktong nagtatampo.

Humagikgik ang kanyang anak. "Next time, mommy , when it's your birthday too!"

Sumimangot si Jillian at pinanggigilan ang anak.

"Hay naku, Jillian. Kagabi pa ako sinusuyo ng batang yan na tulungan ko raw na magluto ngayon. Maaga pang nagising sa akin!" si Manang Glory na umiiling.

Lumapit naman si Abby sa kanila at pinisil ang pisngi ni Amarah na buhat-buhat niya.

"Ang cute-cute kahit na halatang puyat!"

Natawa silang pareho nang humikab nga ang bata. "Daddy always wakes up early so I need to wake up earlier. I want to surprise him."

Nailing na lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status