Matapos ang pagsigaw na iyon ni Jillian ay biglang tumahimik ang buong paligid. Yung tahimik na parang may dumaan na anghel na sinasabi ng karamihan.A-Anong nangyari?..Hindi na nakayanan pa ni Jillian ang nakakabingi na katahimikan kaya nagmulat na siya ng mga mata. Napalunok siya ng laway nang makitang nakatutok sa kanya ang mata ng lahat. Well.. ano pa nga bang inaasahan niya?"Excuse me but who are you?" mahinhin at malamyos ang boses na tanong sa kanya ng bride.Lumipad ang tingin ni Jillian dito at halos umawang ang kanyang mga labi nang mapagmasdan ito. Kulang ang salitang dyosa upang ilarawan kung gaano ito kaganda. Ang kulay tsokolate nitong buhok, ang malakrema nitong kutis.. saang planeta galing ang mga ganitong klaseng tao?Hindi namalayan ni Jillian na nahulog na siya sa ganda ng bride. Eh kung lalaki siya aba'y, talagang papakasalan niya rin ito! Saka lang siya natauhan nang may lalaking humawak sa braso niya at pilit siyang kinaladkad palabas ng cathedral."W-Wait.. W
Sa rest house ay nagtatalon naman si Madison sa labis na tuwa nang mula sa monitor na pinapanood nila ay makita ang paglabas ni Lily mula sa cathedral kung saan idinaos ang sariling kasal nito."Yes! Yes! We did it! Look at the face of that pathetic bitch!" nagsisigaw sa tuwa na wika ni Madison. Pati si Kylie na kasama nito ay napapangisi rin. Sumayaw-sayaw pa siya na agad naman na sinaway ng kanyang kaibigan. "Damn, Madison. Hindi ako makapaniwala na nagtagumpay si Jillian sa ipinagawa mo. Hindi nga natuloy ang kasal nila Paxton at Lily. Anong susunod mong plano? Tiyak na susuyuin iyon ni Paxton pagkatapos nito."Muling bumalik si Madison sa pagkakaupo at nagsindi ng sigarilyo. "Hinay-hinay lang, Kylie. May nakalahad na akong plano. Ngayon na nasira na ang relasyon ng dalawa, hindi ko hahayaan na magkakabalikan ulit sila. Just let me savor this moment."Kumuha pa ng wine si Madison at nag-inuman ang dalawa upang i-celebrate ang success ng operasyon nila.Nasa ganoon silang eksena n
Nagising si Jillian dahil sa naramdamang matinding lamig. Nakabukas na nga ang mga mata niya pero puro kadiliman ang kanyang nakikita. Mapait siyang napangiti nang maalala ang huling nangyari. Hinataw lang naman siya ng baril sa leeg. Ramdam pa niya ang kirot doon.Pinakiramdaman ni Jillian ang paligid lalo na ang kanyang katawan. May naririnig siyang paisa-isang mga patak ng tubig. At base na rin sa tunog ng pagbagsak nito, natitiyak niyang nasa basement siya o di kaya ay sa bodega o kwarto na walang kalaman-laman. Pero mas maganda siguro na sabihin na nasa torture room siya.Nakapiring ang mga mata niya. Mahigpit din na nakatali ang kanyang mga kamay at paa. Nakahandusay siya sa malamig na semento. Wala na ang mahaba niyang suot. Iniklian lang iyon at binawasan upang maramdaman niya ang lamig sa buong paligid. Ngunit kahit sa gitna ng kaawa-awa niyang itsura ay umusal pa rin siya ng pasasalamat nang maramdamang walang kakaiba sa kanyang katawan lalo na sa pagitan ng kanyang mga hi
Kulay kremang kisame ang unang nabungaran ni Jillian pagkamulat niya ng kanyang mga mata. Sobrang lambot din ng kama na kanyang kinalalagyan.Habang iginagala niya ang tingin sa paligid ng kwarto ay nagbalik sa kanyang alaala ang huling kaganapan sa kanyang buhay.May iilang benda sa kanyang katawan. Nangingitim na rin ang kanyang mga pasa.Napabuntong hininga siya. Mukhang dinalaw siya ng swerte kahapon. Kung tama nga ang narinig niya ay tiyak na nasa isang hotel room siya. Ayaw na niyang isipin kung bakit siya binuhay ni Paxton. Ang mahalaga ay humihinga pa siya.May mahinang kumatok sa pintuan kasabay ang pagbukas nun. At base sa suot na uniporme ng babae ay isa itong hotel attendant.Ngumiti ito. "I'm glad that you're already awake, miss. Your lunch is ready. Do you want me to serve it here in your room?""Ahm.. It's f-fine. I'll be outside in a bit," sagot niya at tipid itong nginitian.Tumango ito saka magalang na nagpaaalam. Huminga muna nang malalim si Jillian bago nagpasyang
Buong biyahe nila papunta sa bahay ni Paxton ay wala silang kibuan. Pareho silang nasa likod ng sasakyan at nasa tabi ng magkabilang bintana, malaki ang spasyo sa gitna na parang allergic sa isa't-isa.Madaling araw pa lang. Base sa oras na nakita niya kanina sa eroplano bago sila bumaba ay alas kwatro na ng madaling araw.Gusto sana agad niyang dumalaw sa hospital para tingnan na kung ano ang mga nangyayari doon habang wala siya. Halos tatlong araw din kasi siyang nawala. Kamusta kaya ang naging lakad ni doc Lance? Naipanalo ba nito ang auction? Susubukan na lang niya itong tawagan mamaya.Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bahay ni Paxton o mas maganda siguro na sabihin na mansyon. As in na mansyon talaga dahil sobrang laki nito. Sobrang accessible din ng location ng bahay nito dahil nasa gitna talaga ito ng syudad. Medyo may kalayuan nga lang mula dito hanggang sa kanilang bahay.Mariin na itinikom ni Jillian ang bibig nang walang salitang bumaba ng sasakyan si Paxton. Sumuno
"Miss. Miss," aligaga na tawag ni Jillian sa babaeng nakatalaga doon na nakaharap sa computer."Yes? What can I do for you ma'am?" anito at hinarap siya.Lumunok si Jillian upang mawala ang kung ano mang nakabara sa kanyang lalamunan. "Y-Yung pasyente sa monitoring room.. Yung dating pasyente doon, nasaan na po siya?" kinakabahan niyang tanong."Ah. Yung babae?" anito dahil lalaki kasi ang pumalit sa kwartong iyon."O-Opo.""Anong pangalan?" tanong pa nito habang nakaharap na muli sa monitor. "Carmela Gonzales po."Tumango-tango ito. "Sandali lang ha at titingnan ko ang mga records dito. May iilan na kasing pumanaw na mga pasyente nitong mga nakaraang araw."Pinunasan ni Jillian ang kanyang noo. Bakit kailangan pa nitong sabihin iyon? Ano ang gusto nitong iparating?"Carmela Gonzales..." bulong nito habang nakatingin pa rin sa screen. Biglang sumeryoso ang mukha ng babae maya-maya. "Ah. I see."Tiningnan siya nito sa mga mata at kulang na lang ay mahimatay sa kaba si Jillian sa kahi
Tuluyan nang nabuwal sa pagkakatayo si Jillian nang marinig ang pangalan na binanggit ng nurse. Kung hindi pang siya maagap nitong nahawakan ay baka sumubsob na siya sa tilled floor."Okay lang po ba kayo, ma'am?" tanong nito.Umiling si Jillian habang tumatayo. Hindi siya okay. Anong nangyari kay Lance? Bakot nila ito nire-revive? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi niya ito matawagan? Kung bakit wala itong paramdam?Gusto niyang umiyak. Nagbabadya na ulit ang kanyang mga luha na pumatak ngunit agad niya iyong pinigilan. Agad na sinundan ni Jillian ang ilang mga nurses papunta sa kung nasaan man ang silid na kinalalagyan ni Lance. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Malayo pa sila sa pribado nitong kwarto pero nakikita na niya ang iilan na mga empleyado sa labas, nag-aabang at umaasa na maililigtas ito."E-Excuse me.." nanginginig ang boses niyang sinabi upang makita kung ano ang nangyayari sa loob. At mula mga doon sa nakabukas na pintuan ay nakita niya si Lance na nakarata
"Hoy, Lily!" Kinatok ni Jaime ang kwarto ng anak. "Ilang araw ka nang nagkukulong diyan sa kwarto mo ah? Magmumukmok ka na lang ba diyan habang buhay?"Ibinato ni Lily ang yakap-yakap na unan sa pintuan. "Leave me alone, dad!""Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sa tingin mo ba ay makakatulong yang ginagawa mong pagkukulong? Aba, kung ako sa iyo ay babawiin ko si Paxton sa babaeng iyon."Nagtitili ang dalaga nang muling maalala ang bwisit na babaeng sumira ng kasal nila ni Paxton. Dapat ay nasa honeymoon na silang dalawa sa mga oras na ito kung hindi lang ito umeksena!Mabuti na lang talaga at private ang kanilang kasal ayon na rin sa kagustuhan ni Paxton. Kung ipinilit niya sana ang gustong enggrandeng kasal at nangyari iyon ay malamang na mapapahiya siya! Magiging laman ang failed wedding niya sa mga magazines at tabloids ng ilang buwan!Muling tumunog ang cellphone niya at nang nakitang si Paxton ulit ang tumatawag ay lalong nagliyab ang galit niya!Nagpaliwanag na ito sa kanya thru