Share

Chapter 18

Sunod-sunod akong tinawag nila manang Glory at Abby at paulit-ulit na sinasabing huwag daw aking lumabas. Para ano? Para makita niya kung paano maglandian sina Paxton at Lily sa iba't-ibang parte ng bahay?

Umiling siya at hindi pinakinggan ang mga ito. Walang makakapigil sa kanya. Hindi ngayon na gising na ang mama niya at gusto siyang makita.

Pagkababa ng taxi ay halos takbuhin na niya ang distansya papunta sa kwarto ng ina. Balita rin niya na stable na ang lagay ni Lance. Dadalawin na rin niya ito mamaya.

"Ma!" bulalas niya pagkabukas pa lang ng pintuan.

Sa loob ng kwarto ay may mga iilan na mga kaibigan ang bumisita, mga kasamahan nila sa palengke. Ngunit lahat ng iyon ay naging malabo sa mga mata ni Jillian. Ang lahat ng atensyon niya ay nasa ina na nakatingin din sa kanya at nakangiti.

Para siyang nananaginip. Nitong mga nakaraang araw lang ay wala itong malay na nakaratay pero ngayon.. nanghihina man pero puno na ng buhay ang mga mata at ngiti nito.

"Jillian, anak.."

Jillian's
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status