Malakas na umalingawngaw ang tawa ni Madison sa loob ng sasakyan. Mariin lang na itinikom ni Jillian ang kanyang labi habang pinapanuod ito. Iniisip siguro nito na nagbibiro lang siya sa sinabing presyo. Masyadong bang malaki ang hinihingi niya? Kailangan ba niyang bawasan?
Natatawang pinunasan nu Madison ang luha niyo saka nagsalita. "A hundred million? Sure then. We have a deal."Nagulat naman si Jillian dahil hindi niya inaasahan na papayag ito ng ganun-ganun lang. Hindi man lang ito humingi ng tawad o ano."Sigurado ka?" paniniyak pa niya. Ang kaibigan naman nito ay tahimik lang na nakikinig."Of course. Sa tingin mo bay ay wala akong ganung kalaking pera?" Tumaas ang kilay nito na para bang nainsulto."Hindi naman sa ganun..."Humalukipkip si Madison. "I will give you the money that you're asking pero ito ang tatandaan mo, kapag pumalpak ka sa ipinapatrabaho ko, sisingilin kita ng doble. Nagkakaintindihan ba tayo?"Napalunok si Jillian saka wala sa sarili na tumango.Hindi na importante pa kung ano ang mangyayari sa kanya sa misyon na iyon. Ang mahalaga ay hindi makawala pa sa kamay niya ang pagkakataon na ito.Nang makaalis si Jillian ay binalingan ni Kylie si Madison."I00 million? Hindi ba ay masyado iyong malaki? Ikaw ang lugi dito Madison. Bakit hindi mo na lang utusan ang mga tauhan ng daddy mo na manggulo ng kasal?"Umiling si Madison at binuksan ang partition upang kausapin ang kanyang butler."I need her information ASAP. Kung saan siya nakatira at lahat-lahat ng impormasyon tungkol sa kanyang pamilya.""Yes miss."Pinagkrus ni Madison ang kanyang mga hita at malademonyong ngumisi kay Kylie. "Kahit kailan ay hindi pa ako natalo kapag ang usapin ay pera. Malaki nga ang hinihingi niya pero sisiguraduhin ko na mababawi ko iyon ng doble kapag pumalpak siya." ***"Seryoso ka ba, Ruben? Ito ang ipapaulam mo sa akin? Talong at ampalaya? Punyemas naman oh! Mukha ba akong kambing upang pakainin mo ng mga damo? Kumuha ka man lang sana ng tocino!"Iyon ang naabutan ni Jillian pag-uwi niya.Tinapunan niya ng tingin ang dalawa na nasa hapag kainan. Nag-aaway ang mga ito at rinig na rinig sa labas ang malalakas na boses ng mga ito."Ito nga lang ang kayang bilhin ng pera ko! Bakit hindi ka rin kasi bumili ng ulam natin? Ako na lang lagi!""Ikaw itong lalaki sa ating dalawa! Anong aasahan mo? Na ako ang maghahanap buhay? Trabaho mo na buhayin ako!" sigaw ni Mara."Ang sinasabi ko lang naman ay kung gusto mong kumain ng masarap ay bumili ka na lang! Okay na sa akin itong mga gulay!"Nakita niya na napipikon na ang kuya Ruben niya sa babae. Sino ba naman kasi ang hindi? Wala na ngang ginagawa ito dito sa bahay pero gusto pa ay laging masarap ang ulam. May kinikita naman ito sa club. Bakit hindi man lang kasi nito magawang mag-ambag?Simula noong nag-away sila dahil sa kanin ay kadalasan na sa labas na siya kumakain. Lalo na ngayon na silang tatatlo na lang sa bahay. Ayaw na niyang makialam pa sa dalawa. Mura lang din naman ang kinakainan niya na karinderya dahil may budget meal. Kung minsan ay kanin lang ang binibili niya at humihingi na lang ng libreng sabaw pang-ulam."Pwes, hindi okay sa akin yang mga damo na 'yan! Kung ganito lang naman pala ang mararanasan ko sa piling mo ay mas mabuting maghiwalay na tayo!" maktol ni Mara at nagdadabog na umalis.Napailing na lang siya ng wala pang isang segundo ay parang naging maamong tuta ang kuya Ruben niya at inamo ang babae."Sorry na, love. Huwag ka nang magalit oh," paglalambing ng kuya Ruben niya habang hinihila si Mara paupo sa harap ng hapagkainan. "Hintayin mo lang ako saglit. Uutang lang ako ng tocino diyan sa may tindahan. May iba ka pa bang gustong ipabili?"Napangisi si Mara at hinaplos ang pisngi nito. "Kumuha ka na rin ng Pepsi, mahal. Alam mo namang hindi ako makakakain kapag walang sofdrinks.""Sure, mahal," nangingiti na sagot naman ng kuya Ruben niya. Kulang na lang ay magkaroon ito ng buntot at kumawag-kawag.Nang mapansin siya ng kapatid niya ay biglang nag-iba ang ekspresyon nito. "Bakit ngayon ka na naman umuwi? Lagi ka na lang ginagabi sa labas ah."Nagtiim bagang si Jillian at pinili na lang na manahimik. Dumadalaw nga ito sa hospital pero wala man lang itong naiaambag sa mga bayarin. Ang pera na ibinigay sa kanya ni sir Zimmerman ay naipambayad na niya lahat. Nagtira lang siya ng kaunti para sa allowance niya araw-araw.Ngunit hindi na siya nagtaka pa kung saan napupunta ang mga kita nito. Kumuha ka ba naman ng linta na nobya, aba'y malamang na sisimutin nito lahat ang meron ka. Ang malala pa doon ay tuwang-tuwa pa ang kuya Ruben niya! Kailan ba ito matatauhan?"Malamang na galing iyan sa sugar daddy niya," sabat ni Mara sa nang-uuyam na boses.Inirapan niya ito. "Whatever tocino girl.""Jillian!" ***Kinabukasan ay nakatanggap siya ng mensahe sa isang hindi kilalang numero at tinatanong kung busy daw ba siya. Agad niyang natunugan na si Madison iyon kaya sinagot niya nang tumawag ito."Madison?""Yeah. It's me. May ginagawa ka ba? Kailangan nating mag-usap."Saglit siyang nag-isip. Sasadyain sana niya si doc Lance sa hospital at makikibalita tungkol sa lakad nito mamayang gabi. Ngunit uunahin na muna niya sa ngayon si Madison."Saan tayo magkikita?"Nang masabi nito ang restaurant kung saan sila magkikita ay agad na siyang nagbihis upang gumayak."Jillian Gonzales?" tanong sa kanya ng security guard bago siya papasukin sa loob.Agad niyang nakita si Madison na mag-isang umiinom ng iced tea. Hindi nito kasama ang kaibigan maging ang butler nito."Magandang umaga," bati niya dito."Sorry pero hindi maganda ang umaga ko," anito saka pinasadahan ang damit niya na ibang-iba sa suot nito. Akala niya ay magkokomento ito pero may kinuha itong briefcase sa katabi nitong upuan at inilapag iyon sa harap niya."A-Ano ito?" gulat niyang tanong."Half of my payment. That's 50 million in cash."Napasinghap siya saka tumingin sa kanilang paligid. Nahalata ni Madison ang bumadhang takot sa mukha ni Jillian kaya agad niya itong kinalma."Don't worry. Tayong dalawa lang ang nandito. This is one of our restaurant at pinasarado ko na muna sa ngayon upang makapag-usap tayo nang masinsinan."Muling binalingan ni Jillian si Madison."What don't you open it?" pag-uudyok pa nito sa kanya.Sinunod nga niya ang sinabi nito at kulang na lang ay lumuwa ang kanyang mga mata sa kapal at dami ng pera na nasa harap niya. Nanginginig ang mga kamay na hinaplos niya iyon. Ito ang unang beses na makakita siya sa personal ng ganito kalaking halaga."P-Para talaga sa akin ito?""No. Hindi 'yan para sa iyo, Jillian. Bayad iyan sa ipapagawa ko," pagtatama ni Madison sa kanya.Para namang natauhan si Jillian at agad na inayos ang sarili. Oo nga pala. Hindi ito libre. Masyado lang siyang nagulat at nawala iyon sa isip niya.Isinara niya ang briefcase at seryosong tiningnan si Madison na nakangisi."Sana ay sinabihan mo ako para maibigay ko ang detalye ng bank account ko. Baka hindi pa ako nakakauwi ay natangay na itong pera."Tumaas ang kilay nito. "What for? I think you're in need of money for the hospitalization of your mother?"Umawang ang labi niya. Paano nito iyon nalaman eh hindi naman niya iyon sinabi dito??Kumuyom ang kamay niya maya-maya. Of course she did some investigation! Wala na talaga siyang kawala dito. Ang nakakatakot pa doon ay wala siyang alam dito bukod sa Madison ang pangalan nito. It was like she's doing a business to a devil. Wala naman siyang balak na takbuhan ito. Ang kailangan lang niyang gawin ay magtagumpay sa pinapagawa nito.Lalong lumawak ang pagkakangisi ni Madison nang makita ang itsura niya. "What? You expect me to give away that huge amount of money without holding into something? I'm a businesswoman and this is a business. I need to have a back up in case I'll lose.""Huwag na huwag mong idadamay ang pamilya ko dito," madiin niyang sinabi."I'm not. Walang madadamay dito unless na magawa mo ng tama ang pinapagawa ko. And don't you ever mention my name to anyone. I have eyes everywhere. Kapag nalaman ni Paxton na pakana ko ang lahat ng ito ay hindi ko maipapangakong tatahimik lang ako sa tabi. So I'm gonna ask you for the last time.. Will you take this job?"May mumunting boses sa likod ng isip niya na nagsasabing umatras na habang may oras pa pero agad niya iyong pinalis at seryosong tinitigan ang babaeng kaharap."Huwag mo akong maliitin. Gagawin ko ng malinis ang trabahong ibibigay mo.""Good. Mabuti kung ganun," sagot naman ni Madison at sumandal sa kanyang upuan."Kailan ba ang kasal na sinasabi mo?"Bumalatay sa maganda nitong mukha ang matinding inis. "Bukas ng gabi.""Saan?" tanong pa ni Jillian."Sa England," sagot nito na siyang ikinalaglag ng panga niya."E-England?""Yes. That's why I need you to pack some of your important things." Ngumisi ito sa kanya. "Lilipad tayo papuntang England mamayang gabi."Abot-abot ang kaba ni Jillian habang pauwi siya. Matapos ng pag-uusap nila ni Madison ay umalis ito agad dahil asikasuhin daw nito ang mga dadalhin sa pagpunta nila sa England. Sa hospital din agad ang diretso niya matapos nun habang bitbit ang pera upang ibigay kay doc Lance. Hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang itsura nito pagkakita sa ibinigay niya. Para itong imbestigador sa dami ng mga tinanong. Nagalit pa ito dahil hindi naman daw siya nito sinisingil at ito na ang bahala sa lahat. Ang ginawa na lang niya kanina ay tinakasan ito. Pero ang lokong doctor ay hinabol din siya! Ang labas tuloy ay naghabulan sila sa corridor ng hospital.Napailing si Jillian at huminga nang malalim upang kalmahin ang kanyang sarili. Mabuti na lang at wala siyang naabutan na tao sa kanilang bahay. Walang dapat makaalam kung saan siya pupunta ngayong gabi. Isa iyon sa mga kabilin-bilinan ni Madison kanina.Ang tanging bag lang na meron siya ay ang bag niya noong college siya. Matibay iyon dahil g
Matapos ang pagsigaw na iyon ni Jillian ay biglang tumahimik ang buong paligid. Yung tahimik na parang may dumaan na anghel na sinasabi ng karamihan.A-Anong nangyari?..Hindi na nakayanan pa ni Jillian ang nakakabingi na katahimikan kaya nagmulat na siya ng mga mata. Napalunok siya ng laway nang makitang nakatutok sa kanya ang mata ng lahat. Well.. ano pa nga bang inaasahan niya?"Excuse me but who are you?" mahinhin at malamyos ang boses na tanong sa kanya ng bride.Lumipad ang tingin ni Jillian dito at halos umawang ang kanyang mga labi nang mapagmasdan ito. Kulang ang salitang dyosa upang ilarawan kung gaano ito kaganda. Ang kulay tsokolate nitong buhok, ang malakrema nitong kutis.. saang planeta galing ang mga ganitong klaseng tao?Hindi namalayan ni Jillian na nahulog na siya sa ganda ng bride. Eh kung lalaki siya aba'y, talagang papakasalan niya rin ito! Saka lang siya natauhan nang may lalaking humawak sa braso niya at pilit siyang kinaladkad palabas ng cathedral."W-Wait.. W
Sa rest house ay nagtatalon naman si Madison sa labis na tuwa nang mula sa monitor na pinapanood nila ay makita ang paglabas ni Lily mula sa cathedral kung saan idinaos ang sariling kasal nito."Yes! Yes! We did it! Look at the face of that pathetic bitch!" nagsisigaw sa tuwa na wika ni Madison. Pati si Kylie na kasama nito ay napapangisi rin. Sumayaw-sayaw pa siya na agad naman na sinaway ng kanyang kaibigan. "Damn, Madison. Hindi ako makapaniwala na nagtagumpay si Jillian sa ipinagawa mo. Hindi nga natuloy ang kasal nila Paxton at Lily. Anong susunod mong plano? Tiyak na susuyuin iyon ni Paxton pagkatapos nito."Muling bumalik si Madison sa pagkakaupo at nagsindi ng sigarilyo. "Hinay-hinay lang, Kylie. May nakalahad na akong plano. Ngayon na nasira na ang relasyon ng dalawa, hindi ko hahayaan na magkakabalikan ulit sila. Just let me savor this moment."Kumuha pa ng wine si Madison at nag-inuman ang dalawa upang i-celebrate ang success ng operasyon nila.Nasa ganoon silang eksena n
Nagising si Jillian dahil sa naramdamang matinding lamig. Nakabukas na nga ang mga mata niya pero puro kadiliman ang kanyang nakikita. Mapait siyang napangiti nang maalala ang huling nangyari. Hinataw lang naman siya ng baril sa leeg. Ramdam pa niya ang kirot doon.Pinakiramdaman ni Jillian ang paligid lalo na ang kanyang katawan. May naririnig siyang paisa-isang mga patak ng tubig. At base na rin sa tunog ng pagbagsak nito, natitiyak niyang nasa basement siya o di kaya ay sa bodega o kwarto na walang kalaman-laman. Pero mas maganda siguro na sabihin na nasa torture room siya.Nakapiring ang mga mata niya. Mahigpit din na nakatali ang kanyang mga kamay at paa. Nakahandusay siya sa malamig na semento. Wala na ang mahaba niyang suot. Iniklian lang iyon at binawasan upang maramdaman niya ang lamig sa buong paligid. Ngunit kahit sa gitna ng kaawa-awa niyang itsura ay umusal pa rin siya ng pasasalamat nang maramdamang walang kakaiba sa kanyang katawan lalo na sa pagitan ng kanyang mga hi
Kulay kremang kisame ang unang nabungaran ni Jillian pagkamulat niya ng kanyang mga mata. Sobrang lambot din ng kama na kanyang kinalalagyan.Habang iginagala niya ang tingin sa paligid ng kwarto ay nagbalik sa kanyang alaala ang huling kaganapan sa kanyang buhay.May iilang benda sa kanyang katawan. Nangingitim na rin ang kanyang mga pasa.Napabuntong hininga siya. Mukhang dinalaw siya ng swerte kahapon. Kung tama nga ang narinig niya ay tiyak na nasa isang hotel room siya. Ayaw na niyang isipin kung bakit siya binuhay ni Paxton. Ang mahalaga ay humihinga pa siya.May mahinang kumatok sa pintuan kasabay ang pagbukas nun. At base sa suot na uniporme ng babae ay isa itong hotel attendant.Ngumiti ito. "I'm glad that you're already awake, miss. Your lunch is ready. Do you want me to serve it here in your room?""Ahm.. It's f-fine. I'll be outside in a bit," sagot niya at tipid itong nginitian.Tumango ito saka magalang na nagpaaalam. Huminga muna nang malalim si Jillian bago nagpasyang
Buong biyahe nila papunta sa bahay ni Paxton ay wala silang kibuan. Pareho silang nasa likod ng sasakyan at nasa tabi ng magkabilang bintana, malaki ang spasyo sa gitna na parang allergic sa isa't-isa.Madaling araw pa lang. Base sa oras na nakita niya kanina sa eroplano bago sila bumaba ay alas kwatro na ng madaling araw.Gusto sana agad niyang dumalaw sa hospital para tingnan na kung ano ang mga nangyayari doon habang wala siya. Halos tatlong araw din kasi siyang nawala. Kamusta kaya ang naging lakad ni doc Lance? Naipanalo ba nito ang auction? Susubukan na lang niya itong tawagan mamaya.Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa bahay ni Paxton o mas maganda siguro na sabihin na mansyon. As in na mansyon talaga dahil sobrang laki nito. Sobrang accessible din ng location ng bahay nito dahil nasa gitna talaga ito ng syudad. Medyo may kalayuan nga lang mula dito hanggang sa kanilang bahay.Mariin na itinikom ni Jillian ang bibig nang walang salitang bumaba ng sasakyan si Paxton. Sumuno
"Miss. Miss," aligaga na tawag ni Jillian sa babaeng nakatalaga doon na nakaharap sa computer."Yes? What can I do for you ma'am?" anito at hinarap siya.Lumunok si Jillian upang mawala ang kung ano mang nakabara sa kanyang lalamunan. "Y-Yung pasyente sa monitoring room.. Yung dating pasyente doon, nasaan na po siya?" kinakabahan niyang tanong."Ah. Yung babae?" anito dahil lalaki kasi ang pumalit sa kwartong iyon."O-Opo.""Anong pangalan?" tanong pa nito habang nakaharap na muli sa monitor. "Carmela Gonzales po."Tumango-tango ito. "Sandali lang ha at titingnan ko ang mga records dito. May iilan na kasing pumanaw na mga pasyente nitong mga nakaraang araw."Pinunasan ni Jillian ang kanyang noo. Bakit kailangan pa nitong sabihin iyon? Ano ang gusto nitong iparating?"Carmela Gonzales..." bulong nito habang nakatingin pa rin sa screen. Biglang sumeryoso ang mukha ng babae maya-maya. "Ah. I see."Tiningnan siya nito sa mga mata at kulang na lang ay mahimatay sa kaba si Jillian sa kahi
Tuluyan nang nabuwal sa pagkakatayo si Jillian nang marinig ang pangalan na binanggit ng nurse. Kung hindi pang siya maagap nitong nahawakan ay baka sumubsob na siya sa tilled floor."Okay lang po ba kayo, ma'am?" tanong nito.Umiling si Jillian habang tumatayo. Hindi siya okay. Anong nangyari kay Lance? Bakot nila ito nire-revive? Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi niya ito matawagan? Kung bakit wala itong paramdam?Gusto niyang umiyak. Nagbabadya na ulit ang kanyang mga luha na pumatak ngunit agad niya iyong pinigilan. Agad na sinundan ni Jillian ang ilang mga nurses papunta sa kung nasaan man ang silid na kinalalagyan ni Lance. Sobrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Malayo pa sila sa pribado nitong kwarto pero nakikita na niya ang iilan na mga empleyado sa labas, nag-aabang at umaasa na maililigtas ito."E-Excuse me.." nanginginig ang boses niyang sinabi upang makita kung ano ang nangyayari sa loob. At mula mga doon sa nakabukas na pintuan ay nakita niya si Lance na nakarata