Share

Chapter 1

Sa kasalukuyan, ay isa akong criminology student ng Universidad de Manila na maraming raket. Oo, tama raket para kumita hindi raket sa badminton, iba 'yun! Tumatanggap kasi ako ng kung ano-anong raket para lamang may pagkakakitaan.

Hindi naman sa sobrang naghihirap kami ng inay ko pero mabuti na rin yung ganoong may pinagkakakitaan ako, 'di ba? Ayoko din kasing nanghihingi sa aking Ina. Isa pa ayaw ko na din na magtrabaho siya nang magtrabaho para sa akin. Ayoko talaga ng sobra siyang nahihirapan. Gusto ko rin na maranasan niya ang sarap ng buhay.

Iba parin kapag nakakatulong ka sa iyong magulang. Nababawasan din iyong mga alalahanin nila, 'di ba?

Ang nanay ko ay dating isang ofw, nagka-boyfriend ng isang kano kaya ito ako ngayon, isang mestiza. Oo, mestiza! Iyong bang matangos ang ilong, makinis at mala porselana ang balat. Kaso iniwan ng tatay ko ang aking ina, hindi pa raw handa ang aking tatay na magkapamilya ng mga panahong iyon.

Pero kahit kaming dalawa lamang ng aking ina ay masaya naman kaming dalawa. Kontento na ako kahit siya lang ang aking kasama. Mahal na mahal ko ang maganda kong mama.

Kasya naman ang kinikita naming dalawa para sa amin at ang mahalaga nakakapag-aral ako sa isang sikat na University.

Simple lang din ako manamit, noon pa man kontento na ako kung anong ayos ko. Hindi rin ako mahilig sa mga sexy na damit. Takaw lang kasi iyon sa mga bastos na lalake sa daan. Ang dami din nagkalat na manyak. Kaya mas gusto ko ang mga maluluwang na damit, walang hassle.

Simula ng makita at makilala ko si Kayler Valderama, naging crush ko na talaga siya. Crrush nga lang ba o love na? Ah ewan! Basta nagsimula iyon noong magkasalubong kami sa may gate ng aming university. Yung tibok ng puso ko ay hindi na muling bumalik sa dati. Naging mabilis ito sa tuwing siya'y aking nakikita. Para gustong kumawala sa aking dibdib.

Flashback:

Palabas na ako noon ng gate, nang may pumaradang Land Rover Range Rover Sport at bumaba ang isang napakagwapong lalake. Halos ang lahat ng kababaihan ay napatulala ng siya'y makita.

Pakiramdam ko ay humangin ng malamig ng siya'y papalapit sa aking kinatatayuan. Humigpit ang aking hawak sa mga librong aking yakap-yakap. "Oh my God! Sobrang guwapo!" pabulong kong sambit.

Ngunit ang aking ngiti ay napawi ng siya'y dumaan sa aking gilid at hindi man lang ako natapunan ng kahit kaunting pansin.

"Ang harsh mo, baby! magiging akin ka din sa huli!" sambit ko nang siya'y nakalayo na sa akin. Tumawa lamang ang nasa kabilang gilid ko na si Jude.

"Maganda ka, beb! Kaso hindi ka mapapansin nun! Baka masayang lang ang beauty mo! at saka sexy at magaganda manamit lang siguro ang mapapansin nun" sambit ng aking kaibigang si Jude habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Oo nga, nasayang nga! hindi nga ako napansin eh! Bakit kaya? Maganda naman ako, mestiza,maputi at matangkad!" wika ko naman sa kanya.

"Maganda ka nga, beb! kaso sa pormahan mo ligwak ka na agad! Kaya kung ako sa'yo, bago-baguhin mo na yang mga pormahan mo!" sabi ng kaibigan ko.

"hehehe" napangiwi ako sa mga sinabi ng kaibigan ko. "Oo nga hindi ako sexy manamit, naiilang kasi ako magsuot ng pang-sexy na damit, pinagtitinginan kasi ako." dagdag ko pa.

"kaya nga, asa kapa!" natatawa niyang sambit sa akin.

End of flashback

"Hoy! kaaga-aga nangangarap ka d'yan sa may gate! Tumabi ka nga at ang daming dumaadaan oh! sita sa akin ng isang mahaderang babae na si Jazzy.

"Sorry ha!" kung ano-ano kasing iniisip ko.

Tumabi ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kumabog ang dibdib ko ng makita ko na naman ang gwapong si Kayler ngunit may kaakbay na babae. Kahapon iba, ngayon iba na naman!

Ganoon na lang ang aking pagkadismaya. Kailan niya kaya ako mapapansin? Pakiramdam ko ay napakapangit ko nga kaya hindi niya man lang ako napapansin. Pero humanda siya sa akin. Hindi ko rin siya papansin kapag ako naman ang mapansin niya. Napanguso kong sambit sa aking sarili.

Balang araw mapapasa'kin ka din Kayler Valderama! Char! Sana nga! Natatawa ako sa aking mga ilusyon.

"Iyah! dalian mo, mag-uumpisa na ang klase, male-late na tayo! nagmamadaling hila ni Jennie ang aking kamay. "Panay ang daydreaming mo, ang aga-aga eh!

"Alangan naman mag-daydreaming ako sa gabi! Hindi na 'yon day noh!" Pilosopo kong sagot sa kan'ya.

"Siraulo ka talaga!" Sabay bungisngis naming dalawa.

Si Jennie, siya nga pala ang my one and only bestfriend. Parehas kami ng kurso kaya naman magkasundong-magkasundo kaming dalawa.

Parehas din kaming maiksi ang buhok. Oo, boycut ang istilo ng aking buhok. Madalas kaming napapagkamalang tomboy kahit hindi naman. Ganyan talaga ang mga tao manghusga. Hinahayaan na lang namin. Wala din naman kaming mapapala kung kokontra pa kami.

Sa kanila ako natambay kapag wala akong raket. May parlor kasi ang mamu niya, kaya naman minsan doon ako nakikiraket. Tinuturuan kasi kami ng mamu niya minsan na manggupit. Kaya naman nakaka-sideline ako sa kanila paminsan-minsan.

Nang makapasok kami sa aming classroom ay kaagad kaming umupo sa aming silya. Sakto naman na pagkaupo namin ay pumasok na ang isa sa professor namin.

"Bago ako magsimula sa ating lecture. Alam niyo naman siguro na gaganapin ang ating intrams." Wika ni Miss Flores sa amin.

Mataman lang akong nakikinig. Baka beauty contest na iyang ia-announce niya. Gusto ko kasing sumali baka kasi kapag sumali ako sa contest na iyon ay baka mapansin na ako ng isang Kayler Valderama. Wala din naman mawawala kung susubukan kong sumali.

"Magkakaroon tayo ng Mr and Miss Sport Fest. Itaas lamang ang kamay ng mga gustong sumali." tuloy na anuns'yo ni Miss Flores.

Tumango-tango lamang ako sa kanyang sinabi.

Siniko naman ako ni Jennie, "Paraan mo na 'to para mapansin ni Kayler!" pakindat-kindat niyang suhestiyon sa akin.

Agad naman akong nagtaas ng kamay, "Ako po!" Masigla kong sambit sa aming professor.

"Okay, you're in, Miss Mendez!" wika ni Miss Flores sa akin.

Napa-yes naman ako nang sinabi ni Miss Flores iyon, na nagpatawa sa buong klase.

"Mamaya pag-uwi natin, sumama ka muna sa akin. Magpractice ka muna ng naka-heels." sambit ni Jennie, halatang excited siya sa pagsali ko sa contest.

"Sige, tatawagan ko na lang si inay mamaya para alam niya na nasa inyo ako." pagpayag ko kay Jennie.

Masarap talaga ang may kaibigan. Laging tumutulong sa'yo kahit hindi mo sabihin na kailangan mo. And'yan na sila agad para sa'yo. Kaya naman tuwang-tuwa ako nang makilala ko ang aking bestfriend.

Nang matapos ang aming klase ng araw ding iyon ay pinauna ko muna si Jennie sa may gate. Mahaba ang pila sa restroom kaya naman sa gate niya na lang ako hintayin na kaagad namang pumayag.

Nang matapos makapag-cr ay inayos ko na ang suot kong type A uniform at lumabas agad-agad. Sa sobrang bilis ko maglakad ay hindi ko namalayan na may taong paliko sa nilalakaran ko. Kaya naman mabilis kaming nagkabungguan.

"Ouch! Fuck, it hurts!" sigaw ng isang lalake.

Nanlaki ang aking mata nang makilala ang nakabungguan. Ang lalakeng pinapangarap ko. Ibang klase talaga ang kan'yang kagwapuhan. Tila ingat na ingat ang Diyos sa paggawa sa kan'ya.

"Miss?" untag niya.

"Ah... eh..." Gusto kong hampasin ang aking ulo. Bakit hindi ako makapagsalita ng ayos sa harap niya.

"I-i'm sorry, hi-hindi kita napansin agad!" Habang natataranta kung hahawakan ko ba ang kanyang baba. Sa tangkad kong ito e mas matangkad parin siya sa akin. Hanggang tenga niya lang ako.

Tumama ang kanyang baba sa aking cheekbone. Kaya napasigaw siya. Sa'kin din naman masakit! Tiyak na mamaga ito mamaya. Lalagyan ko na lang ng yelo.

"Stupid!" sigaw nito. Kaagad itong lumakad at nilampasan ako.

Napatingin na lang ako sa likod nito habang palayo na naglalakad. Nalungkot ako nang marinig ko ang sinabi niya. Parehas naman kaming nasaktan at nag-sorry naman ako. Haysss...

"Sorry ulit, Kayler!" I mouthed kahit hindi niya naman nakikita ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status