Share

Chapter 4

Penulis: VlynCreates
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-04 18:52:53

" MEETING MY FIANCE"

Iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi. Hinampas-hampas ko ng unan ang mukha ko dahil sa kabaliwan ko kagabi. Sobrang nakakahiya na nakita n'ya akong ganon kanina tsaka sya pa yung nagbihis! Wala naman na'kong magagawa kasi tapos na nga. Lesson learned nalang, Elyse. Huwag nang ramihan ang inom kundi baka mas sobra pa sa ganon ang mangyayari sayo.

Hay nako, sobrang nadala lang talaga ako sa nararamdaman ko kagabi kaya naging ganon ang naging kahinatnan.

Buti nalang sa lalaking yun na si Kyrex pala ang may-ari ng sasakyan ako nakatulog, kung hindi baka may masama na talagang nangyari sa'kin. Baka siguro sa oras na ito ay nagpalutang-lutang na sa ilog ang katawan ko tapos makikita ako ng maraming tao. Napailing nalang ako sa over nang pinag-iisip ko.

Naiisip ko na naman sya. Dahil lang to sa ginawa nyang pagtulong. Oo, sa kabaitan nya. Mabait? Mukhang nagkakamali ako, ang manyak-manyak nun sa umpisa tapos ang pilosopo.

Nagri-ring yung phone ko kaya dali-dali akong bumangon at kinuha yun sa purse ko. Si mommy pala tumatawag.

" Hello, mom." Bati ko sa kanya pagkasagot ng tawag.

" Hello, dear. Are you at home?" Tanong nya sa kabilang linya.

" Yes mom, bakit?" Tugon ko sa tanong nya at humiga ulit.

" Nasa business trip kami ng daddy mo at sa Thursday pa ang balik namin at sa tingin ko ay medyo gagabihin kami kaya ipapadala ko nalang bukas ang damit na susuotin mo sa dinner natin sa huwebes." Page-explain pa ni mommy.

Dinner ulit?

" We will be having a dinner together with the Watson's this coming Thursday. It's time for you and their son to meet para makilala n'yo na ang isa't isa at mapag-usapan na rin natin ang kasal." Napabangon ako nang marinig ang sinabi ni mommy. Totoo ba ito? Mangyayari na? Baka iba lang ang pagkakadinig ko sa sinabi nya.

Napakurap ako nang ilang beses habang naka-nganga at hawak-hawak ang phone. Kakabanggit lang kagabi nito, naglasing pa'ko dahil pino-problema to tapos sa huwebes na? Biglang sumakit ang ulo ko kaya natulog nalang ako at nagising na ng hapon.

Wednesday na ng umaga ngayon, may pasok ako kaya maaga akong naligo. Nagsuot lang ako ngayon ng croptop na blouse at skirt na hanggang sa ibabaw ng tuhod ko. Pinaresan ko na rin ng sandal na may heels.

Kinuha ko na yung bag ko at I.D at dumiretso na sa kusina para kumuha ng sandwich na may palamang mayonnaise. Nilagyan ko na rin ng tubig ang flask ko dahil sa sobrang init ba naman baka ma-dehydrate pa'ko.

I got my car key sa bag ko at nagdrive na papuntang school. Medyo natraffic pa'ko dahil pasukan ngayon ng iba't ibang estudyante at mga empleyado.

Medyo maaga pa rin naman akong dumating bago ang klase. Pinark ko na ang sasakyan ko sa parking area at naglakad na papunta sa building ng subject ko ngayon. Binati ko na rin yung mga kakilala na nakikita ko.

I sat beside Bria at nilagay ko yung bag ko sa arm chair ng upuan. Ngumiti ako sa kanya at nginitian nya rin ako.

Ilang minuto na'kong nakaupo rito na di umiimik. Lumulutang yung isip ko sa mangyayari bukas. Ngayon pa lang kumakabog na ang puso ko na iniisip pa lang ito. Sa sobrang occupied ko, di ko napansin na tinatawag pala ako ni Bria.

"Uy, Elyse" winagayway nya yung kamay nya sa harapan ko kaya nabalik ako sa huwisyo.

" Oh, bria." Medyo gulat ko pang sagot sa kanya.

" Ang lalim nang iniisip mo ah, may problema ba? Nag-aalalang tanong nya.

" Naalala mo yung sinabi ko sayo dati? I'll be meeting my fiance tomorrow, Brie." I said without looking at her.

Natigil na ang usapan namin ni Bria dahil dumating na yung instructor namin. Nagdiscussed lang naman yung prof pagkatapos nun ay nagklase rin kami sa next subject.

Umuwi na'ko sa bahay pagkatapos ng klase namin. Pagpasok ko sa kwarto naroon na yung box na mayroong damit na susuotin ko bukas sa dinner. Tinabi ko nalang yun sa gilid at lumundag na sa kama.

Bukas na yun at wala na'kong takas. Iniisip ko kung susuwayin ko kaya sila at sabihing ayo'ko ituloy ang kasal kasi di ko naman gusto to. Kaso malabo, baka mangyari na naman yung dati. Natatakot ako.

Siguro kakayanin ko din naman na pakisamahan nalang yung magiging asawa ko. Di naman mahirap ata. Sabi nga nila na ' kaya namang turuan ang pusong magmahal' ewan ko lang kong applicable ba talaga yun.

Matapos maghapunan ay natulog na na'ko nang maaga dahil wala namang gagawin.

Kinabukasan, pumasok ulit ako sa skwelahan at puro discussion lang din naman. Hapon na din nang makauwi sina daddy at mommy. Ayun, remind nang remind na mamayang 7 pm ang dinner. Di nya lang alam na nung isang araw ko pa iniisip ang bagay na yan.

Almost 6 pm na rin nang matapos akong maligo. Binuksan ko na yung box kung saan nakalagay ang damit. Kulay sky blue ito na silk dress pero sleeveless sya. Fit din to sa katawan ko katulad ng dati. Sinuot ko rin yung hikaw at kwintas na kasama.

Pinakulot ko yung dulo ng buhok ko at tinalian ng ribbon ang ilang bahagi ng buhok ko. I also put makeup para fresh at maganda rin naman tignan.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas nako bitbit yung maliit na kulay white na bag. Nakita ko rin sina mommy sa sala na halatang hinihintay nalang ako.

Sakay na kami ng kotse ngayon at patungo na sa restaurant para mag-dinner kasama ang pamilya nila at para na rin makilala ko na yung fiance ko.

Naiinis ako, nararamdaman ko yung dugo sa buong katawan kong umiinit sabay nang pagkagat ko sa loob ng aking labi.

" Elyse, dear." Tawag ni mommy sabay tingin sa akin kaya tumingin din ako sa kanya.

Hinaplos nya ang pisngi ko at ngumiti. " Wear the best smile. I know you won't disappoint us." Kaya ngumiti nalang ako nang pilit at tumango sa kanya.

Nakarating na kami ngayon sa labas ng restaurant. Pagkatingin ko rito, halatang-halata na sosyal at mukhang ang mga mayayaman lang ang makaka-afford. Sa disenyo pa lang nito ay sobrang classy na, glass yung buong paligid.

Pagkapasok sa loob, inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid at ang elegante tignan. May malaking chandelier sa gitna at sobrang liwanag nang buong paligid. May mga kumakain din na halatang sosyal dahil na rin sa mga suot at porma nila.

Umupo kami sa medyo malaking table. Magkatabi sina daddy at mommy so bali katabi ko si mom. Mukhang nauna kaming dumating kesa sa kanila. Sinabi na rin ni dad na parating na raw sila.

Matapos ang ilang minutong paghihintay, medyo malayo pa lang ay may natatanaw na'kong pamilyar na mukha, kung saan nakita ko na sya. Nakasuot ito nang blue na longsleeve na naka-tuck-in sa black pants nya at nakasuot ito ng makintab na sapatos. Ang buhok nya ay nakaayos sa bandang kaliwa at kitang-kita ko rin ang mamahaling relo na nakasuot sa kamay nito. Kasama nya ata ang mga magulang nya dahil hawig na hawig nya ang lalaking naka suit.

Seryoso lang ang mukha nya habang naglalakad sya kasabay ng magulang nya. Habang palapit nang palapit ang lakad nila, mas lalong kumakabog ang puso ko, rinig na rinig ko ito. Mukhang dito sila sa direksyon namin.

" Mr and Mrs. Watson!" Pagtawag ni dad sabay taas ng kamay. Biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko kasabay nang paglaki ng mga mata ko nang kumaway ang lalaking kasama ni Kyrex na ama pala niya.

Lumapit sila sa mesa namin at binati ng mga magulang ko sina Mr. and Mrs. Watson at nakipagkamay pa nga ito.

Confirmed! Sila ang pamilyang Watson at siya ba ang pinagkasundo sa akin?! Si Kyrex na nakita ko sa bar at yung tumulong sa akin kung saan nakatulog pa'ko sa condo nya?!

Napakurap ako nang ilang beses. Ayaw ata ma-sink in sa utak ko na siya nga!

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Runaway Bride; Pregnant with the Billionaire's Heir   chaoter 16

    Nakatingin lang ako sa kawalan habang hawak ang isang tasa ng kape. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong ganito—nakatitig sa malayo, iniisip ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Simula nang dumating si Marco, parang nag-iba ang lahat. Lalo na si Kyrex. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang naging sobrang protective niya. Parang lagi siyang nagbabantay, laging nagmamasid. Hindi naman siya ganito noon. Pero simula nang muling pumasok si Marco sa buhay ko, nagbago siya. “Uy, anong iniisip mo?” Napatingala ako at nakita si Bria na nakatayo sa harap ko, may dalang tray ng pagkain. Umupo siya sa tapat ko at inilapag ang pagkain niya sa mesa. “Wala,” sagot ko, kahit alam kong hindi niya iyon paniniwalaan. “Yeah, right.” Ibinaba niya ang kutsara at tinignan ako nang mabuti. “It’s about Kyrex, isn’t it?” Hindi ko alam kung paano siya laging nakakahula ng iniisip ko, pero hindi na ako nagulat. “Kind of,” pag-amin ko. “Anong nangyari?” tanong n

  • Runaway Bride; Pregnant with the Billionaire's Heir   chapter 15

    Nagising ako nang may bigat sa dibdib. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o dahil sa isipang hindi ko matanggal-tanggal mula kagabi. Si Kyrex at si Maui. Hindi ko na nalaman kung sinagot niya ang tawag o hindi, pero isang bagay ang sigurado—may bumabagabag sa kanya. At ngayon, ako rin. Napabuntong-hininga ako bago bumangon sa kama. Naisip kong baka makatulong kung ililibang ko ang sarili ko. Pero kahit anong gawin ko, bumabalik pa rin sa isip ko ang tanong ni Kyrex kagabi—kung lalayo ba ako kay Marco. At kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon niya nang banggitin ko ang pangalan ng matalik kong kaibigan mula pagkabata. Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang message mula kay Marco. **Marco:** Good morning, bestie! Kita tayo mamaya? Kwentuhan tayo. Coffee? Napangiti ako. Kahit papaano, masaya akong bumalik siya. Sa dami ng nangyayari sa buhay ko ngayon, siguro naman walang masama kung makikipagkita ako sa kanya. Hindi ba? **Me:** Su

  • Runaway Bride; Pregnant with the Billionaire's Heir   chapter 14

    Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nanatili ni Kyrex sa ganoong posisyon—nakatingin sa isa’t isa, naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Sa pagitan namin ay ang cellphone niyang patuloy na nagri-ring, si Maui ang nasa kabilang linya.Muli siyang tumingin sa akin, halatang may pag-aalinlangan sa kanyang mukha. “Elyse…”Hindi ako kumurap. “Ikaw ang bahala, Kyrex. Pero sana, bago mo sagutin ‘yan… tanungin mo rin ang sarili mo kung ano talaga ang gusto mo.”Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi niya ako inalisan ng tingin nang dahan-dahan niyang pinindot ang decline button. Tumigil ang tunog ng cellphone, at bumagsak ang tahimik na tension sa pagitan namin.“Hindi ko siya sasagutin,” aniya, mahina ang boses ngunit puno ng kasiguraduhan. “Dahil ayokong may kahit sino mang gumulo sa kung anong meron tayo ngayon.”Sa narinig ko, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas lalong maguguluhan. Ano nga bang meron sa amin ni Kyrex? Para saan ang ginawa niyang iyon?

  • Runaway Bride; Pregnant with the Billionaire's Heir   chapter 13

    Hindi ko alam kung ano ang mas mahirap—ang maghintay sa magiging desisyon ni Kyrex o ang pigilan ang sarili kong hindi siya pilitin sa sagot na gusto kong marinig. Nakatingin ako sa kanya, hinihintay kung sasagutin ba niya ang tawag ni Maui o hindi. Ilang segundo siyang nanatili sa ganoong posisyon, hawak ang cellphone niya, bago niya ito tuluyang ibinaba.Nagtagpo ang mga mata namin. "Hindi ko kailangan sagutin 'yon," mahina niyang sabi, pero matigas ang tono.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mag-aalinlangan. Dahil kung hindi niya kailangang sagutin, bakit parang ang bigat pa rin ng pakiramdam niya?Bago pa ako makapagsalita, lumapit siya sa akin. "Elyse, gusto kong maging malinaw tayo," aniya. "Wala akong gustong guluhin sa atin. Gusto ko lang ayusin kung anuman 'to."Napalunok ako. "Anong ibig mong sabihin?"Hinawakan niya ang kamay ko. "Ayokong may mga bagay na magdudulot ng duda sa'yo. Alam kong hindi pa natin alam kung anong meron tayo, pero isa lang ang sigurado ako—ayokong

  • Runaway Bride; Pregnant with the Billionaire's Heir   chapter 12

    Nanatili akong nakatayo sa harap ni Kyrex habang ang cellphone niya ay patuloy na nagri-ring. Si Maui. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero halata sa mukha niya ang pag-aalinlangan. Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago niya tuluyang pinatay ang tawag, saka itinago ang cellphone sa bulsa niya. “Hindi mo siya sasagutin?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang boses kong kalmado kahit may kung anong bumibigat sa loob ko. Tumitig siya sa akin, parang may gustong ipaliwanag. “Hindi ko gustong guluhin tayo ng kahit sino, Elyse.” Tila lumuwag ang dibdib ko sa sinabi niya, pero hindi ko rin maiwasang mag-alinlangan. Ano ba talaga ang nararamdaman niya para kay Maui? At para sa akin? Hindi ako nakasagot agad. Tumalikod na lang ako at bumalik sa kama, pilit na hindi pinapansin ang mga tanong na umiikot sa isip ko. Ilang saglit pa, narinig kong huminga siya nang malalim bago marahang isinara ang pinto. *** Kinabukasan, sinubukan kong bumalik sa normal.

  • Runaway Bride; Pregnant with the Billionaire's Heir   Chapter 11

    Pagkatapos ng gabing iyon, mas naging madali ang pakikitungo namin ni Kyrex sa isa’t isa. Hindi ko naman masasabi na parang magkasintahan na kami, pero kahit paano, hindi na kasing lamig ng yelo ang presensya niya tuwing magkasama kami. Natutunan ko na rin siyang basahin—may mga araw na hindi siya ganoon ka-komportable, pero may mga sandali rin na parang siya na ang nag-e-effort para maging maayos ang lahat. Isang umaga, nagising ako sa amoy ng kape na sumisiksik sa hangin. Nagulat ako nang makitang wala na si Kyrex sa tabi ko—o sa kabilang bahagi ng kama, dapat kong sabihin. Hindi naman kami magkatabi matulog, pero kahit paano, nasanay na akong marinig ang kanyang mabibigat na hakbang sa umaga bago siya umalis. Pagbaba ko sa kusina, naabutan ko siyang nakatayo sa harap ng coffee machine, suot pa ang kanyang pajama pants at isang puting T-shirt. Napadako ang tingin ko sa mukha niya—relax siya ngayon, hindi katulad ng dati na laging seryoso at mukhang laging may iniisip na problema.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status