Runaway Bride; Pregnant with the Billionaire's Heir

Runaway Bride; Pregnant with the Billionaire's Heir

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-22
Oleh:  VlynCreates On going
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Peringkat. 1 Ulasan
16Bab
278Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Elyse Saavedra, galing sa isang mayamang pamilya na ipinagkasundong ipakasal ng kanyang mga magulang sa anak ng kanilang kaibigang bilyonaryo, si Kyrex. Kahit na sa kanilang hindi magandang unang pagkikita, malamig na pakikitungo sa isa't isa dahil sa hindi kanais-nais na kagustuhan ng kanilang mga magulang, nagka-developan pa rin sila sa isa't isa nang totoong nararamdaman. Ngunit, lahat nang ito ay nagbago nang si Marco, childhood friend ni Elyse at si Maui na ex ni Kyrex, complicate things between them. Pagkatapos malaman ni Elyse na siya'y buntis at nasaksihan ang hindi kanais-nais na nangyari kay Maui at Kyrex, tinanggap nya ang alok na pera ng ina ni Kyrex kapalit nang paglayo kay Kyrex at pag-atras sa kasalan. Nagpakalayo-layo si Elyse kasama ng kanyang ibinubuntis na anak nila ni Kyrex.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Prologue

"Okay, class, dismissed." Ang mga huling salitang binanggit ko at ngumiti.

Rinig na rinig ko sa aking tenga ang ingay ng mga upuan dahil sa paggalaw ng mga bata para umalis. Isinuot na nila ang kani- kanilang mga bag at naglakad na palabas. Pagdaan nila sa aking mesa, nagpaalam ang mga ito bilang paggalang.

Pagkalabas nilang lahat, inunat ko ang aking mga kamay dahil sa pagod sa buong araw ba namang nakatayong magturo. Ilang buwan na rin ng ma assigned ako sa skwelahan nato para magturo para supportahan ang sarili ko kasama ang aking anak.

" Mama." Dinig kong sambit nito kaya napalingon ako at nakitang tumawa ang anak ko.

Pumunta na pala si Bria rito para ihatid ang anak ko. Nakangiti naman si Bria habang karga-karga nya ang pamangkin nya. May dala pa itong maliit na bag ni Kyler kung saan ko inilagay ang mga damit nya at laruang sasakyan ni Kyler.

" Kyler, baby!" Sinalubong ko sila sa pintuan at kinuha ang anak ko.

" Mama, miss kita." sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko.

Hindi pa ganoon kaklaro ang pananalita nya dahil maliit pa lamang sya, kaka-three yeara old pa lang.

Napangiti ako sa binanggit ng anak ko. Kay bata pa pero ang sweet-sweet na. May pinagmanahan talaga. " Miss din kita, baby." sabi ko rito at hinalikan sya sa pisngi.

Marinig at makita ko lang ang anak ko, napapawi na lahat nang pagod at sakit sa paa sa buo ba namang araw nagtuturo sa mga bata. Minsan ang kukulit ng mga estudyante ko, may nag-aaway pa kaya nakaka-stress talaga. Kaya buti nalang may pinagkukunan ako nang lakas ng loob, ang nag-iisa kong anak.

Liningon ko ai Bria na nakatayo pa rin sa may pinto. Nilapitan ko sya para magpasalamat.

" Bria, salamat ah kasi andyan ka palagi para tulungan ako, para bantayan si Kyler." Nae-emosyonal naman ako nito.

Tinapik nya ang balikat ko saka ngumiti. "Ano ka ba, Elyse. Syempre lagi lang akong andito para sayo kung kailangan mo'ko."

Nagpapasalamat talaga ako sa bestfriend ko dahil laging andyan para tumulong. Pinabantayan ko muna si Kyler sa kanya dahil hindi naman sya busy today.

Pagkaligpit ko ng mga gamit ko, sabay na kaming umuwi ni Bria. Agad din naman kaming naghiwalay dahil sa ibang direksyon ang bahay nya.

Pagkauwi sa bahay, nagluto ako para sa dinner namin ni Kyler habang sya ay naglalaro sa kanyang mga laruan. Pagtapos, pinakain ko na rin at maya't maya ay pinatulog.

Malalim na ang gabi ngayon at hindi pa rin ako makatulog. Tinapik-tapik ko ang anak ko habang minamasdan syang natutulog. Ang himbing na ng tulog nya mukhang napagod sa paglalaro kanina.

Kaya naman bumangon ako at dumungaw sa bintana, minamasdan ko ang paligid habang iniisip ang mga nakaraang pangyayari. Hindi ko pa rin maiwasang hindi sumagi sa isip ko ang lahat, lalo na ang lalaking minahal ko na naging sanhi rin ng sakit na nadama ko.

Tinignan ko ang aking anak at kitang-kita na mahimbing na itong natutulog habang yakap-yakap ang isang stuffed toy. Sa tuwing tinitignan ko ang anak ko, pumapasok sa isip ko si Kyrex --- ang ama ni Kyler Hindi ko maitanggi ang hawig ni Kyler sa ama nya lalo na ang mata nito.

Isang marahang katok ang narinig ko mula sa labas ng pinto na nagpapukaw sa'kin mula sa aking iniisip. Sino ba yun? Gabi na, ah. Hindi naman pupunta sina mommy dito dahil natatakot akong masundan sila ni Kyrex.

Dahil sa panibagong katok, hindi na'ko nag alinlangan buksan at tignan ito. Nanglaki ang mata ko sa tumambad sa akin sa harap ng pinto. Si kyrex ---

" Elyse." pagbanggit nya sa aking pangalan kung saan makikita mula sa kanyang mata ang pangungulila.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Avianna Brie
thanks for keeping it updated
2025-01-14 17:40:41
1
16 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status