Share

Chapter 3

Ari

Napabuntong hininga ako at napatakip ng mukha. Detelyadong inilahad sakin lahat ni Geoffre ang lahat ng ginawa ko habang lulong ako sa beer. Aaminin ko na lightweight ako pagdating sa beers o kahit anong inumin na may alak buti na lang at mabait si Geoffre at siya ang nagalaga sakin.

“You know you’re a lightweight when it comes to beers and alcohol but you still drink. Bilib ako sayo,” sabi ni Geoffre sakin. Napasimangot ako dahil sa sinabi niya.

“Of course, gusto ko din naman na makalimot.” Tumawa lang siya. Inismiran ko siya at napatakip ng mukha ko.

“So, anong gagawin mo sa wedding dress mo? Lumapit na sakin ang babaeng nagbihis sayo at tapos na ma-dry clean ang damit mo,” sabi ni Geoffre kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko na may ngiti sa kaniyang mukha. Napabuntong hininga ako at umayos ng upo at sumandal sa sandalan ng upuan bago siya seryosong hinirap.

“Gusto kong itapon ang damit pero dahil mahal ang pagkakagawa sa damit na ‘yon ay ibebenta ko na lang or itatapon ko sa mukha ni Anton ang damit.” Napatango na lang si Geoffre at uminom ng kape na nasa harap niya.

“It’s your choice. It’s better to leave the things in the past instead of bringing it which will make you to remind all the bitter things that happened to you,” sabi ni Geoffre. Napataas ang kilay ko. Parang lahat ng sabihin ko meron din siyang masasabi. Pero tama naman ang sinabi niya. Napakunot noo ako. Mukhang meron ding istorya ang lalaking ‘to pero hindi niya sakin sinasabi.

“Bakit, ikaw din ba ginawa mo ‘yan?” tanong ko sa kaniya. Napatigil siya sa paghigop at ibinalik ang baso sa coffee cup saucer. Tipid na ngumiti siya na diretsong napatingin sakin pero hindi siya nagsalita. Napatingin na lang ako sa ibang direksyon. “No need to answer if you don’t want. It’s not like I am interested.”

Narinig ko siyang tumawa. “You’re different from yesterday. It seems that you’ve recovered.”

“Sabi mo nga, madaming lalaki sa buong mundo at hindi lang siya ang nagiisa. So, if I want to search and wait for that person to come, I need to take care of myself for him.” Napatango si Geoffre sa sinabi ko na parang naga-agree siya.

“Nice thinking! Anyway, are you hungry? Let’s eat. Excuse me,” tumawag siya ng isang waiter para mag-order. Nasa restaurant kami sa ibaba ng hotel na tinuluyan namin. It’s a classy place na never ko pang napuntahan. Mostly ang palagi naming pinupuntahan ay doon lang sa bandang manila at hindi ko pa nasusubukan na kumain sa ganitong restaurant. “Order what you want and don’t mind the price.”

“I will pay you back, Geoffre! Don’t worry,” sabi ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako pero hindi nawawala ang ngiti niya sa labi.

“Don’t mind about it. As if I will let a woman do that,” sabi niya sakin. Tinignan ko lang siya ng ilang minuto at nag order na rin ako. Tsaka ko lang napagtanto ang pangalan niya. Geoffre Cruz, narinig ko lang ang tungkol sa kaniya sa mga company parties na pinupuntahan ni Anton kasama ako pati ang parents ko. Wait, parang nakita ko na siya once sa isang party last year, nung December. Napatitig ako sa mukha ni Geoffre na agad na napansin ng huli.

“Is there something on my face?”

“Wala. Para kasing nakita kita sa Annual party ng Trion group of companies nung December.” Nakita kong napaisip siya saglit at tumango.

“Yeah, I was there. Nandoon ka rin ba?” tumango ako.

“I was with my fian- I mean kasama ko ang ex ko at ang family ko na dumalo doon sa party na ‘yon.” Napatango siya at ngumiti.

“So, you’re a noble lady.” Napataas ang kilay ko at napaikot ang mata. Noble lady? More on para akong secretary ni Anton that time pero dahil hibang ako sa ex ko ay hindi ko ‘yon inisip.

“Noble or not, I am me.” Tumingin siya sakin at tumango.

"True." Dumating na rin ang order namin pagkatapos. I am amazed by the presentation of the food pero hindi ko mapigilan ang mapangiwi ng makita ang pinaka ayaw kong gulay sa balat ng lupa. Ang kamatis. "Is there something wrong?"

"Ah! Wala," sabi ko at nagsimulang kumain pero nakita ko siyang nakatingin sakin.

"You shouldn't be picky with your food," sabi niya. Ah! Napansin niya ang pagngiwi ko.

"I really don't like to eat it." Ngumiti siya at napailing ang ulo. Nagulat ako ng kunin niya 'yon mula sa plato ko. Napakurap ako ng ilang beses.

"Don't look at me like I've done a bad thing." Sabi niya. Well, I didn't think of it as a bad thing but I think that it's sweet of him. Napangiti ako.

"No, I am really happy. At least, wala akong naiwan sa plato ko." Napailing na lang siya.

"Next time, eat everything. It ws actually good for the skin, you know." Nagulat ako sa impormasyon na sinabi niya.

"Paano mo nalaman?" Nakita ko siyang napatigil sa pagkain at tumingin saglit sa ibang direksyon bago tumingin sakin at ngumiti.

"I- found out in an article before. Anyway, eat now so we can leave." Tinignan ko siya, para siyang may iniiwasan na pagusapan. Hindi na ako ulit nagsalita at kumain na lang ulit.

Inihatid niya ako sa bahay na binili ko nung nakaraang taon. Napahinga ako ng malalim at napatingin sa back seat at nakita ko ang gown na suot ko kahapon. Tapos tumingin ako sa lalaking katabi ko.

"Geoffre, thanks for the ride. Salamat sa lahat," sabi ko sa kaniya. Ngumiti siya at tumango.

"Same, thanks for the company. Ah! By the way, can I get your number? So, if you want to talk to somebody you can contact me." Nagulat ako pero agad akong ngumiti.

"Wow! You have a lot of time, huh." Napatawa siya at napatingin sa manibela.

"I just want to be there for a friend. Malakung tulong ang presensya mo sakin kahapon." Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. I feel the same.

"Wag kang mag-alala, ganun din ang mararamdaman ko." We exchanged number and I went down the car with the paper bag na naglalaman ng wedding dress ko. Kumaway pa ako kay Geoffre habang umaandar na ang kotse niya paalis. Napabuntong hininga ako at napangiti dahil sa kabutihan ng puso ni Geoffre. Wala siyang ginawang masama sakin kahit na napaka vulnerable ko kahapon. Pero alam ko na may hindi siya sinasabi sakin, di kaya iniwan siya sa altar kahapon? If that is the case then it's really too bad! Sayang! Pumasok na rin ako sa bahay ko para makapag pahinga. I was surprised ng makita ang mga gamit ko sa tapat ng bahay ko. Could it be, ang babaeng 'yon ang nagdala ng gamit ko dito?

Biglang tumunog ang phone ko ata agad kong chineck kung sino ang tumatawag. And speaking of the devil, it was really that girl.

Pagka naisip mo nga naman ang dapat di mo naisip, tumatawag. Napailing na lang ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status