Share

Kabanata 23

Author: Purplexxen
last update Huling Na-update: 2025-09-23 18:18:18
Mainit ang dugo ni Magnus nang humarurot siya papunta sa St. Claire Hospital. Malakas ang ugong ng makina ng sasakyan, kasabay ng ugong sa kaniyang tenga na parang gustong sumabog.

Pagbaba niya ng kotse, hindi pa rin nawawala ang bigat ng presensya niya. Lahat ng mga tao sa paligid ay kusa nang umiiwas.

Sa bawat hakbang niya papasok sa emergency department, ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya— hindi dahil sa pagod, kung hindi dahil sa pagkalito at galit na hindi na niya kayang kontrolin.

Bigla siyang napatigil.

“Hold him down! Huwag niyo ‘syang hayaang gumalaw!”

Kilala niya ang tinig na iyon.

Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggagalingan ng boses, at nakita si Yamila na nakaluhod sa tabi ng isang pasyente, nakasakay rin ito sa ibabaw ng higaang de gulong, ang mga kamay at mukha nito’y may bahid ng dugo. Ang mga palad ay nakalapat ng mariin sa dibdib ng taong nakahiga. Kita sa bawat galaw niya ang kaseryosohan.

Itinutulak ng apat na nurse ang higaang de gulong haba
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Imelda Barrientos Miras
feeling may nararamdan na si Magnus Kay yamila.
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
sana matapos to,wag matulad kla yvone & archie
goodnovel comment avatar
Rowena Quiroz
more update Po
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   kabanata 28

    Bumigat ang hangin sa pagitan nila. Sa loob ng maraming taon, kahit kailan ay hindi niya pinakilala si Yamila bilang asawa niya. Kahit ang mga taong pinakamalapit sa kanila, walang alam. Ngunit isang pagkakamali iyon na nais niyang baguhin. “Mr. Esquivel,” patuloy ni Yamila, ang boses nito punong-puno ng sarkasmo. “Don’t drag me into your power games. Hindi ako prop na pwede mong gamitin para sa event mo.” Ramdam ni Magnus ang pag-init ng tenga niya. Kung ibang tao lang si Yamila, kanina pa niya ito iniwan. Pero ito ang nag-iisang taong hindi niya kayang talikuran, kahit pa sinasaktan siya ng mga salita nito. Napansin ni Yamila na hindi sumasagot si Magnus. Tila ba hindi nito kayang kontrahin ang mga sinabi niya. Napangisi siya nang mapait at umiling. “Forget it,” mahina niyang sabi, sabay talikod. Hinayaan na lang siya ni Magnus na lumakad palayo. Wala siyang nasabi, wala ring nagawa. Nakatayo lang siya sa gitna ng hallway, pinagmamasdan ang papalayong likod ng babaen

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 27

    Ala syete y media nang lumabas siya sa ospital. Kanina pa natapos ang kaniyang duty ngunit may inayos pa siya sa kaniyang record sa computer kaya natagalan siya. Diretso ang kaniyang lakad sa parking lot, ngunit bumagal ang kaniyang mga hakbang nang makita ang pamilyar na sasakyan. Iyon ang sasakyan niya na ginamit ni Magnus. Nasa parking lot na ito ng ospital. Agad niyang inilibot ang tingin, nagbabakasakaling makita si Magnus. At tama siya sa kaniyang hinala, nasa parking lot rin ang lalaki. Nakatayo ito malapit sa street light, nakapamulsa at tila pinaglalaruan ang plastik na bote ng mineral water. Sinisipa iyon ni Magnus, at halatang nababagot na sa paghihintay. Ngunit sino nga ba ang hinihintay ng lalaking ito? Muli niyang ibinalik ang tingin sa kaniyang sasakyan. Dala niya ang sasakyan ng kaniyang Mommy, iyon na ngayon ang ginagamit niya, pero baka mapuna ng kaniyang ina na hindi na niya ginagamit ang kaniyang sasakyan. Magtatanong ito kung nasaan na iyon. Hindi niya maaar

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 26

    Sandaling nagpahinga si Yamila sa kaniyang opisina. Meron siyang maliit na kuwarto sa loob, kapag sa gabi ang duty niya, doon siya natutulog. Ngayon na masakit ang kaniyang puson, nahiga siya sa katre para ipagpahinga ang katawan. Idiniin niya ang hot compress sa kaniyang puson habang nakatihaya siya sa higaan. Ilang minuto na siyang nagpapahinga, pero wala pa rin tumatawag sa kaniya. Wala pa rin announcement galing sa emergency department. Marahil ay wala pang pasyente. Kung meron man, siguro'y kaya na ng mga nurse na asikasuhin iyon nang wala siya. Pumikit siya, at sa sandaling iyon, rumagasa sa kaniyang alaala ang ilang pagkakataon na hirap na hirap siya sa kaniyang shift. Isang gabi, isang linggo simula nang pumasok siyang doktor sa ospital na ito, anim na kritikal na pasyente ang isinugod sa emergency room. Isang bus at isang truck ang nagbanggaan sa madilim na crossing. Apat ang nasawi sa banggaan, siyam ang kritikal, ngunit anim lamang ang dinala sa kanilang ospital dah

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 25

    Napakunot ang noo ni Magnus. Mabilis niyang nilapitan ang babae para tingnan kung ano ang nangyari. Naabutan niyang nakahawak pa rin si Yamila sa babaeng parte ng tiyan, nakapikit ng mariin, at lukot ang magandang mukha. “What’s wrong?" Nang tingnan niya muli ang mukha ni Yamila, bigla'y namumutla na ito. "You look pale.” Bahagyang kumawala ang tawa ni Yamila, malamig. Ngunit halatang pilit. “It’s nothing. Just a period cramps. I’ll go to gynecology department myself. No need for you to act like a worried husband. This... is nothing." Ang boses nito'y humina na sa huling mga salita. Mas lalong hindi nakumbinsi si Magnus. Hindi na siya nagsalita, bagkus, mabilis niyang binuhat ang babae. Nagulat ito sa kaniyang ginawa, nagbukas ng mga mata si Yamila at gulat na tumingin sa kaniya. Sinubukan nitong bumaba, ngunit mahigpit niyang hinawakan ang babae para ipirmi. “Magnus! What are you doing?!” He's carrying her in a bridal style. Sa hitsura nila ngayon ay mas lalong kinab

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 24

    ”Tell me, Magnus Esquivel, ano ba talaga ang gusto mo?” Her shift was toxic. Pagod siya sa trabaho, hindi na niya gustong dagdagan pa iyon ni Magnus. Kaya kung may kailangan ito sa kaniya, bakit hindi agad sabihin? Bakit kailangan na umaligid-aligid ang lalaki? Tapos na sila, hindi ba? Ngunit sa tanong niyang iyon, walang sagot na lumabas kay Magnus. Tinitigan lang siya nito, pinipilit basahin ang lamig sa mga mata niya. Ngunit wala itong mababasa sa kaniya. Pagod siya, at tanging pagod lamang ang magrereplekta sa kaniyang mga mata. Mabagal na bumuntong-hininga si Yamila, at sa malamig ngunit matatag na tinig ay sinabi, “Alam natin pareho na hindi mo ginusto ang kasal no’n. Napilitan ka lang dahil kay Lola.” Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito, walang bahid ng panginginig ang boses. Katotohanan ang sinasabi niya kaya hindi siya mapipigilan. “Kaya pirmahan mo na ang divorce agreement. Let’s end this clean before it becomes uglier than it already is.” Parang kutsil

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 23

    Mainit ang dugo ni Magnus nang humarurot siya papunta sa St. Claire Hospital. Malakas ang ugong ng makina ng sasakyan, kasabay ng ugong sa kaniyang tenga na parang gustong sumabog. Pagbaba niya ng kotse, hindi pa rin nawawala ang bigat ng presensya niya. Lahat ng mga tao sa paligid ay kusa nang umiiwas. Sa bawat hakbang niya papasok sa emergency department, ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya— hindi dahil sa pagod, kung hindi dahil sa pagkalito at galit na hindi na niya kayang kontrolin. Bigla siyang napatigil. “Hold him down! Huwag niyo ‘syang hayaang gumalaw!” Kilala niya ang tinig na iyon. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinanggagalingan ng boses, at nakita si Yamila na nakaluhod sa tabi ng isang pasyente, nakasakay rin ito sa ibabaw ng higaang de gulong, ang mga kamay at mukha nito’y may bahid ng dugo. Ang mga palad ay nakalapat ng mariin sa dibdib ng taong nakahiga. Kita sa bawat galaw niya ang kaseryosohan. Itinutulak ng apat na nurse ang higaang de gulong haba

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status