Share

Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)
Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)
Author: LonelyPen

K1

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-07-14 01:54:54

CLAUDINE

"Umiiyak ka na naman. Walang araw na hindi ka umiyak tuwing dumadalaw ako dito sa bahay ninyo," wika ng kaibigan niyang si Sarah.

Pinahid ni Claudine ang kanyang mga luha. Umiiyak siya dahil tinapon ng asawa niyang si Hunter ang almusal na niluto niya.

"Pasensya ka na, ha? Napakatanga ng kaibigan mo. Napakaiyakin. Mahinang nilalang," nakayuko niyang sabi.

"Hanggang kailan ka ba kasi magpapakatanga sa asawa mong gagó? Wala ka ng magagawa pa, Claudine! Hindi ikaw ang mahal niya. At alam mo naman ang isang lalaki kapag nagmahal talaga iyan ng totoo, 'di ba? Kahit anong gawin mo, hindi mo maaalis sa puso niya si Stella! Please lang, Claudine! Gumising ka na! Iuumpog ko na sa pader iyang ylo mo para mautahan ka na! Tatlong taon! Tatlong taon ka ng lumuluha at nasasaktan sa piling ng asawa mo! Hiwalayan mo na siya! Iwan mo na siya!" gigil na sigaw sa kanya ng kaibigang si Sarah.

Muling bumuhos ang masaganang luha ni Claudine. Hindi naman talaga siya mahal ni Hunter at alam niya iyon. Siya lang ang nagmamahal kay Hunter. Magkaibigan na matalik ang ama nila. Iniligtas ng daddy niya ang daddy ni Hunter kung kaya naman para mas lalong mapatibay pa ang pagkakaibigan ng dalawa, ipinakasal silang dalawa.

Sobrang saya ni Claudine noong araw na iyon. Simula kasi nang magdalaga siya, gustong-gusto na niya si Hunter. Noong highschool pa nga lang sila, palagi niyang sinusulyapan mula sa malayo si Hunter.

At alam niyang si Stella ang first love ni Hunter. Pero hindi naman siya gusto ni Stella.

"Huwag mong hintaying mamatay ka na lang kaiiyak diyan. Sa totoo lang, parang ayoko na ngang maging kaibigan ka pa. Ang tanga-tanga mo kasi. Sobrang tanga mo talaga, Claudine! Kahit na maging perfect wife ka pa sa kanya, wala iyang epekto sa kanya!" dagdag pang sabi ni Sarah.

Huminga ng malalim si Claudine at saka pinahid ang kanyang mga luha. "Oo... alam kong darating din ako sa puntong iyan. Hihintayin ko lang na maubos ako. Hihintayin ko lang na mapagod ang puso ko."

Marahas na kumamot sa kanyang ulo si Sarah. "Ewan ko sa iyo. Ang sarap mong bigwasan."

Humugot na lamang ng malalim na paghinga si Claudine at saka hinawakan ang kanyang dibdib. Sa tatlong taon nilang nagsama ni Hunter, isang beses lang may nangyari sa kanila. Iyon ay ang araw ng kanilang honeymoon kung saan inalay niya ang kanyang sarili sa asawa.

Pero pagkatapos no'n, wala na. Hindi na nasundan pa. Magkaiba sila ng kuwarto. Simula nang tumira sa iisang bahay, ni minsan hindi siya tinabihan ni Hunter sa pagtulog.

Nandidiri sa kanya si Hunter. At galit ito palagi sa kanya. Kung anu-anong masasakit na salita ang palagi niyang natatanggap kay Hunter pero ayos lang sa kanya iyon. Ganoon niya kamahal si Hunter.

Pagkaalis ng kanyang kaibigan, mayamaya pa ay nagsaing na siya. Sa araw-araw na lumilipas, sa araw-araw na pinaghahandaan niya ng almusal, tanghalian at hapunan ang kanyang asawa, ni minsan hindi tinikman ni Hunter ang luto niya.

"Manang, pakihiwa na nga po nito. Magluluto na po ako ng ulam natin ngayong gabi," utos niya sa kasambahay.

Nagtungo siya sa kanyang kuwarto upang magpalit ng damit. Pagkatapos, pinagmasdan niya ang wedding picture nila. Sa picture nilang iyon, nakasimangot si Hunter. Sapilitan pang kinuhaan silang dalawa nga araw na iyon dahil nga sa ayaw ni Hunter na magkaroon sila ng wedding picture.

Pagkabalik niya sa kusina, nagsimula na siyang magluto. Kumanta-kanta pa siya habang nagluluto. Masarap magluto si Claudine. Namana niya iyon mula sa yumao niyang ina. Mayamaya pa, tapos na siyang magluto.

"Good evening, honey. Kumain ka na. Nakapagluto na ako ng ulam," malambing niyang sabi nang dumating si Hunter.

Matalim siyang tinitigan ni Hunter. "Ilang beses ko bang uulitin sa iyo na wala akong balak kainin iyang mga niluluto mo, ha? Hindi ka ba napapagod? Hindi ka ba nagsasawa? Hindi ka ba nasasaktan sa mga pinagsasabi ko sa iyong tangina ka? Bobo ka, 'no? At tanga-tanga pa. Ilang beses ko na bang tinapon iyang mga niluto mo? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Hindi kita mahal! Hindi! Hindi kita mahal! Tangina mo hindi kita mahal! Ano? Uulitin ko pa ba? Hindi ka pa ba nagsasawa sa tatlong taon nating mag-asawa na iyan palagi ang sinasabi ko sa iyo?" nanginginig sa galit na sigaw sa kanya ni Hunter.

Umagos ang masaganang luha ni Claudine sa kanyang mga mata. Sa tatlong taon niyang pagtitiis sa asawa at pagiging manhid, hindi pa rin niya mapigilang masaktan sa mga salitang iyon. Sobrang sakit. Parang daang-daang patalim iyon na tumarak sa kanyang puso.

"Hunter... bakit ba hindi mo ako subukang mahalin? Handa akong gawin ang lahat-lahat. Kahit anong iutos mo sa akin, gagawin ko. Lahat. Handa akong magpakaalipin sa iyo," lumuluha niyang sabi sa asawa.

Naaasar na tumawa si Hunter. "Wala akong pakialam! Hindi ko kailanman gagawin iyan. Hindi kita kayang mahalin! Alam mo iyan sa sarili mo! Si Stella lang ang mahal ko! Siya lang at wala ng iba pa! Mamamatay akong si Stella lang ang mahal ko! At ikaw, isa kang basura! Isa kang malas sa buhay ko! Bakit kasi hindi ka na lang mamatay!"

Padabog na lumakad patungo sa kanyang kuwarto si Hunter. Nanghihinang napaluhod na lamang si Claudine. Hinawakan niya ang kanyang dibdib. Labis iyong naninikip at hindi siya makahinga.

Ilang minuto siyang nasa ganoong posisyon bago tumayo. Nagtungo siya sa mesa at saka kumain habang lumuluha.

'Tama si Sarah... wala na nga talaga akong magagawa pa. Hindi ko mababago ang nararamdaman niya kay Stella kahit na gawin ko pa ang lahat. Siguro ito na ang tamang oras para pahalagahan ko naman ang sarili ko. Kailangan ko na siyang bitawan pa. Pagod na pagod na akong mahalin siya,' lumuluhang sabi niya sa isipan.

Humugot siya ng malalim na paghinga bago inubos ang kanyang pagkain. Nagtungo na siya sa kanyang kuwarto at saka tiningnan ang buong paligid nito. Kumuha siya ng malaking bag at saka maleta. Naghakot na siya ng kanyang mga gamit. At habang ginagawa niya iyon, umaagos ang kanyang mga luha.

Maingat siyang naglakad palabas ng malaking bahay na iyon at saka inilagay sa kanyang sasakyan ang kanyang mga gamit. Ilang minuto niyang tiningnan ang kanilang bahay bago mapait na ngumiti.

"Paalam asawa ko. Sana maging masaya ka na. Pinapalaya na kita. Hinding-hindi na ako magpapakita pa sa iyo, kahit kailan," bulong niya sa kanyang sarili.

Humugot siya ng malalim na paghinga bago binuksan ang makina ng kanyang sasakyan. Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan habang lumuluha.

Sa pagkakataong iyon, paninindigan na niya ang kanyang paglayas. At hinding-hindi na siya babalik pa sa bahay nilang iyon.

Tuluyan na niyang pinalaya ang asawa niyang si Hunter.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K-8

    CLAUDINE Maulan ng araw na iyon. Walang magawa si Claudine kun'di ang magkulong muna sa kanyang kuwarto habang hindi pa tumitila ang ulan. At dahil wala siyang magawa, kinuha niya ang kanyang cellphone. Nag-scroll siya up and down hanggang sa makita niya ang post ni Hunter. Hindi niya ito bina-block dahil gusto niyang makapag-stalk pa rin sa kanyang asawa. Hindi naman talaga ang gusto niyang makuha kay Hunter ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya nag-file ng annulment. Umaasa siyang mamahalin siya ni Hunter pagdating ng araw. "Kainis," mahinang usal niya sa sarili. Umagos ang butil na luha sa kanyang mga mata. Mahal na mahal niya talaga si Hunter. Ngunit kahit na mahal niya si Hunter, ayaw na niyang ng ipakitang mahina siya. Ayaw na niyang makita pa ni Hunter kung gaano niya ito kamahal. Gusto niyang ipakita kay Hunter na kaya niyang mag-isa kahit sa totoo lang, durog na durog na siya. "Claudine? Claudine!" rinig niyang sigaw ni River sa labas. Binuksan niya ang

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K7

    HUNTER Dalawang araw na sa bahay ni River si Hunter at mamayang gabi pa lang siya uuwi. Tinitingnan niya kasi ang galaw ni Claudine. Pinagmamasdan niya ito mula sa malayo. At naiinis siyang makitang masaya si Claudine. Walang bakas ng lungkot sa mga mata nito. "Nakamasid ka na naman sa asawa mo. Este sa ex-wife mo. Mukhang miss mo na nga talaga siya," nakangising sabi ni Ryan. Asar siyang tumawa. "Gagò ka ba? Sinabi ko naman sa iyong hindi ko miss ang babaeng iyan. Bakit ko naman mararamdaman iyon? Matagal kong hiniling na mawala siya sa buhay ko. Kaya hindi ko siya nami-miss. Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa niya. Mukhang masaya naman siya at walang bahid ng lungkot sa mukha niya. Kaya hindi ko na titigilan si Stella ngayon." Tumawa ang kaibigan niyang si Ryan. "Paanong hindi titigilan? Talagang nasisiraan ka na, ano? Ayaw nga sa iyo ng babaeng iyon dahil may iba siyang gusto. At walang iba kun'di ang kaibigan nating si River!" Bumuga siya ng hangin. "Alam ko pero ayos

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K6

    CLAUDINE Masakit ang ulo ni Claudine nang magising siya kinabukasan dahil nakainom siya ng marami. Mabuti na lang, nandiyan si River at inihatid siya sa bahay niya kagabi. Bumangon siya sa kanyang kama. Nanuot sa ilong niya ang mabangong amoy ng nilulutong almusal ni aling Liza. Kumalam ang kanyang sikmura at agad na nagtungo sa kusina. "Gising ka na pala. Mag-almusal ka na. Nakapagluto na ako," sabi ng matanda sa kanya. Nginitian niya ito. "Nag-almusal na po ba kayo? Kumuha po kayo ng almusal niyo ng mga apo niyo. Hindi mo naman po iyan mauubos," sabi niya sa matanda. "Salamat, Claudine. Doon na lang ako mag-aalmusal sa bahay para may kasama ang mga apo ko." "Sige lang po. Ayos lang ako dito. Kumain na po kayo," aniya sabay ngiti. Nang kumuha ang matanda ng kanilang pagkain, nagtungo na si aling Liza sa kanilang munting bahay. Kumain naman mag-isa si Claudine. At nang matapos siya sa pagkain, siya na ang naghugas at nagligpit. Naupo siya sa sala at saka sumilip sa

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K5

    CLAUDINE Pinagmasdan ni Claudine ang kanyang sarili sa salamin. Nakasuot siya ng fitted dress na may slit sa kanang bahagi ng hita niya. Kitang-kita ang magandang kurba ng kanyang katawan. Litaw din ang kanyang cleavage na talaga namang nakaaakit tingnan. Kaunting make-up lang ang inilagay niya sa kanyang mukha ngunit napakaganda na niya. Tila isang modelo o sikat na artista ang gandang mayroon si Claudine. "Napakaganda mo talaga, Claudine. Ang ganda ng kombinasyon ng daddy at mommy mo. Sayang nga lang, nag-iisang anak ka lang nila. Kumalat na sana ang lahi niyo kung nagkaroon ka pa ng kahit isa o dalawang kapatid," wika ni aling Liza nang silipin siya nito sa kanyang kuwarto. Mahina siyang tumawa. "Kaya nga po eh. Malungkot ang maging only child. Pero 'di bale na, kapag bubuo ako ng pamilya, tatlo hanggang lima ang gusto kong anak." Tumawa si aling Liza. "Wala namang masamang magkaroon ng madaming anak basta kayang buhayin. Mas maigi ngang madaming anak kapag may pera. Mas

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K4

    HUNTER Dalawang araw na ang lumipas simula nang umalis sa kanilang bahay si Claudine. Aminado si Hunter na ramdam niya ang pagbabago sa bahay na iyon. Naging tahimik. At mas gusto niya nga talaga iyon. Ngunit tila nawalan ng buhay ang malaking bahay na iyon. Pagkababa niya ng kusina, nakapagluto na ng almusal ang kanyang kasambahay. Kumuha siya ng katamtamang pagkain sa kanyang plato at saka kumain. Naalala niyang bigla ang mga nilulutong almusal ni Claudine para sa kanya. Ni minsan, hindi siya kumain ng luto ni Claudine. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, wala siyang luto ni Claudine na tinikman kahit isa. 'Tsk. Maigi ngang wala na siya dito sa bahay. Komportable na akong makagagalaw. Wala ng papansin pa sa akin,' wika niya sa kanyang isipan. Binilisan niya ang kanyang pagnguya. At nang matapos siyang kumain, dumiretso na siya sa banyo para makapag-asiko na sa kanyang sarili. Nang matapos siya, mabilis ang lakad niyang nagtungo sa kanyang sasakyan. Bumukas ang ma

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K3

    CLAUDINE Kinabukasan, maagang nagising si Claudine. Nag-almusal muna siya sa bahay ni Sarah bago tuluyang umalis patungong Ilocos. Habang nagmamaneho siya, naiisip niya si Hunter. Umaasa siyang magme-message sa kanya ang asawa niya para pabalikin siya sa bahay nila pero wala talaga. Kahit na pinipilit niyang maging matapang at matatag, durog na durog pa rin siya sa loob niya. Mahal niya ang asawa niyang si Hunter Montenegro. Ngunit hindi naman siya nito minahal kahit minsan. Bagkus, mas lalo lang siyang kinamuhian nito. Kung buhay pa sana ang mga magulang niya, nakapgsasabi sana siya ng kanyang hinaing. Lalo na sa kanyang daddy. "Magandang araw po, ma'am Claudine!" magiliw na sabi ni aling Liza. Nasa edad seventy years old na si aling Liza na siyang caretaker ng malawak na lupain ng kanyang daddy sa Ilocos pati na rin ang malaking bahay nila doon. Malakas pa rin ang katawan ng matanda at hindi halata sa itsura niya ang edad niya. Palibhasa'y puro masustansyang pagkain

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status