공유

K2

작가: LonelyPen
last update 최신 업데이트: 2025-07-14 01:55:11

CLAUDINE

"Ano ba ito? Palabas mo lang o talagang seryoso ka na dito?" nakapamaywang na tanong ni Sarah sa kanya.

Humugot ng malalim na paghinga si Claudine at saka tumango. "Yes. Sigurado na talaga ako. Pinapalaya ko na ang asawa ko. Wala namang divorce dito sa Pinas kaya mananatili pa rin kaming mag-asawa sa papel. Ayokong mag-file ng annulment. Para kung sakaling mamatay siya, sa akin pa rin mapupunta ang pera niya. Hindi sa kabit niya."

Napanganga si Sarah bago pumalakpak ng malakas. "Iyan! Ganiyan nga ang Claudine na gusto ko! Palaban! Tama iyan, hayaan mo na lang siyang maging masaya sa mga magiging babae niya. Nasa iyo pa rin ang huling halakhak."

Bumuntong hininga si Claudine. "Alam mo, ngayon wala akong ibang nararamdaman. Ngayong iniwan ko na siya, wala akong maramdaman na kahit ano. Hindi nga ako naiiyak. Hindi ko rin siya nami-miss. Walang parte sa akin ang gustong balikan siya. Wala talaga."

Umupo sa kanyang tabi si Sarah. "Wala na dahil napagod na ang puso mo. Naging manhid na ang puso mo sa dami ng sakit na pinaranas niya sa iyo. Hayaan mo lang ang sarili mo. Kung naiiyak ka, hayaan mo lang. Iyan lang ang paraan para ilabas mo ang sakit at bigat na dala-dala mo. Unti-unti, mawawala rin iyan. Hanggang sa tuluyan ka ng mawalan ng pakialam sa kanya."

Tiningnan ni Claudine ang sarili sa salamin. Hindi maitatangging malaki ang pinagbago ng kanyang itsura. Pinanganak siyang maganda at kaakit-akit ang katawan. Makinis at maputi ang kanyang balat. Natural na namumula ang kanyang pisngi at mapula ang manipis niyang labi.

Ngunit dahil sa stress niya kay Hunter, tila nag-iba ang kanyang itsura. Pakiramdam niya, nabawasan ng husto ang ganda niya.

"Tingnan mo ang sarili mo. Fresh na fresh ka dati. Super ganda mo dati pero ngayon, naubos na ang ganda mo. Ayusin mo ang sarili mo, Claudine. Ibalik mo ang ganda mo noon. Tingnan lang natin kung hindi maglaway ang hayop mong asawa. Pustahan tayo, dadating ang araw na pagsisisihan niyang inabandona ka niya. Pagsisisihan niyang hindi ka niya trinato ng tama."

Tiningnan ni Claudine ang kanyang kaibigan. "Bukas, aalis na ako. Pupunta na ako sa Ilocos. Doon sa malaking bahay ni daddy. Nag-message na ako sa caretaker doon. Siguro ito na ang tamang panahon para pangalagaan ko ang mga lupain ni daddy doon. Pati na ang farm niya. Doon ko na lang itutuon ang atensyon ko."

"Maigi pa nga. Ang balita ko, nandoon nakatira malapit lang sa inyo si River Hanzel. Iyong guwapong kaibigan ng asawa mo?" nakatulis ang ngusong sabi ni Sarah.

Tumango si Claudine. "Oo nandoon nga malapit. Mabuti pa ang taong iyon, ang bait. Ibang-iba kay Hunter."

"Tingin ko nga crush ka no'n eh. Hindi lang makaporma kay Hunter kasi nga mag-asawa kayo."

Mahinang tumawa si Claudine. "Ibang klase ka na naman kung mag-isip. Teka, magpapahinga na muna ako. Parang sasabog ang ulo ko sa dami ng iniisip ko. Bukas, hindi na ako mag-iisip pa masyado. Lilibangin ko na ang sarili ko," aniya bago pumasok sa bakanteng silid doon.

HUNTER

SAMANTALA, NAGTATAKA si Hunter kung walang nakahandang almusal sa kanya kaninang umaga. Sa araw-araw na magkasama silang dalawa ni Claudine sa iisang bubong, walang araw na hindi siya ipinaghanda ni Claudine ng almusal at hapunan. Pero ni minsan, hindi niya iyon tinikman.

"Ang lalim yata ng iniisip mo. Ayos ka lang ba?" tanong ng kaibigan niya nang pumasok ito sa kanyang opisna.

Tiningnan niya si Ryan. "Hindi naman ganoon kalalim ang iniisip ko. Bakit ka pala naparito?"

"Si River, nagyayaya na pumunta tayo sa kanila sa susunod na linggo. Birthday ng lola niya. Eh 'di ba nakahiga na lang ang lola niya at hinang-hina na? Ang sabi niya sa akin, anumang oras mawawala na sa kanya ang lola niya. Kaya sa kaarawan nito, gusto niya ng enggrandeng handaan. Para maging memorable kung sakaling iyon na ang huling birthday ng lola niya," pahayag ni Ryan.

Tumango si Hunter. "Okay sige. Hindi naman ako busy sa susunod na linggo. Pupuntahan natin siya dahil magtatampo iyon kung hindi tayo makakadalo."

"Bakit ba kasi ayaw niyang dito na lang siya magnegosyo sa Manila? Ang layo masyado sa Ilocos eh!"

"Sinabi na niya sa atin dati ang dahilan 'di ba? Hindi niya kayang iwan ang lugar kung saan siya lumaki. Ang lugar na pinagmulan niya. Pakiramdam niya, iniwan na rin niya ang pamilya niya kung aalis siya doon. Kaya hayaan na lang natin siya sa guto niya," tugon niya kay Ryan.

Mabilis na lumipas ang buong maghapon. Kagaya ng palaging ginagawa ni Hunter, diretso uwi na siya. Wala naman kasi siyang pinagkakaabalahang bisyo. Kapag niyaya lang siyang uminom, doon lang siya iinom.

Mas gusto niya pang magtrabaho kaysa gumimik. Kapag nakauwi na siya, hindi na siya lumalabas pa ng kanyang kuwarto dahil ayaw niyang makita ang asawang si Claudine. Iritang-irita talaga siya sa kanyang asawa at palagi niyang hinihiling na sana, maglaho na ito sa kanyang buhay.

Nang makarating siya sa kanilang bahay, kumunot ang noo niya dahil walang Claudine na sumalubong sa kanya. Wala ring pagkain sa mesa.

"Tsk."

Dumiretso siya sa kanyang kuwarto at saka nagbihis na. Tinuon niya ang atensyon niya sa mga documents sa kanyang table doon at hindi napansing lumipas na ang oras. Bumaba siya sa kusina at nagtataka kung bakit kakaibang katahimikan ang bumabalot sa bahay nilang iyon.

"Manang, bakit parang ang tahimik yata dito?" tanong niya sa kasambahay.

Ngumiwi ang kasambahay. "Eh kasi sir si ma'am Claudine mukhang umalis na po eh."

Nagsalubong ang kilay niya. "What?"

"Opo eh. Kaninang umaga panay ang katok ko sa kuwarto niya pero walang sumasagot eh. Pagkapasok ko, wala na iyong iba niyang gamit. Mukhang kagabi pa siya umalis," salaysay ng kasambahay.

Napatingin si Hunter sa kuwarto ng kanyang asawa bago malalaki ang hakbang na nagtungo doon. Pagkabukas niya ng kuwarto doon, wala na nga ang ibang gamit ni Claudine..

Nilibot niya ang tingin sa buong paligid ng silid na iyon. Aminado siyang hindi siya sanay sa katahimikan ng bahay nila ngayon.

Ngunit mayroong parte sa kanya ngayon ang nagagalak dahil umalis na ang kanyang asawa.

"Mabuti umalis ka na rin, Claudine. Salamat dahil ikaw na rin ang kusang sumuko," nakangisi niyang bulong sa sarili.

이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K81

    SUSIE Makalipas ang ilang araw, ilang araw na ring hindi dumadalaw si Dan sa café na iyon. Abala si Susie sa pag-aasikaso ng mga kustomer, pero kahit ganoon dama niyang may kulang. Hindi niya lang inaamin sa sarili niya o baka ayaw niya lang aminin. “Susie, ilang araw ka ng tuliro,” puna ni Joy na isa sa mga staff. “Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako naririnig.” Napakurap ng maraming beses si Susie. “Ha? Talaga? Pasensya na,” sagot niya habang nakatingin sa listahan ng mga order. “Si Dan ba iniisip mo?” tukso ng katrabaho niya. Agad na nangasim ang mukha ni Susie. “Ay naku! Hindi no! Ang kulit mo talaga. At bakit ko naman iisipin ang lalaking iyon? Wala naman akong pakialam sa lalaking iyon," mabilis niyang tanggi pero napansin ni Joy na namumula ang tainga niya. Sumilay ang nakalolokong ngiti sa labi ni Joy. “Ahh, sure,” sabi ni Joy sabay kindat. “Hindi mo nga napansin, oh! Pumasok na pala siya.” Halos tumigil ang mundo ni Susie nang marinig ang tunog ng kampana sa pint

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K-80

    Maaga pa lang ay gising na si Dan. Hindi siya sanay na may ibang tao sa bahay lalo na si Aireen pa ito. Ang babaeng minsan niyang minahal pero siya ring nag-iwan ng sugat sa kanya. Tahimik niyang pinagmamasdan mula sa sala ang direksyong papunta sa guest room. Naroon pa rin si Aireen, marahil ay tulog pa. Naka-init na siya ng tubig sa kettle at naglagay ng dalawang tasa ng kape sa mesa. Pero kahit amoy na amoy ang aroma ng kape, hindi siya makaramdam ng ginhawa. Iba ‘yung bigat sa dibdib niya ngayon. Hindi galit o hindi rin awa lang. Parang gusto niyang matapos agad ang araw na iyon. Parang gusto na niyang umalis si Aireen sa bahay niya. Ilang sandali pa, narinig niya ang marahang pagbukas ng pinto. Lumabas si Aireen, suot pa rin ang lumang jacket na suot niya kagabi. Payat ito, maputla at may bahagyang pasa pa sa leeg. “Dan…” mahinahon nitong tawag. Hindi siya sumagot agad. Tumingin lang siya sa tasa ng kape at marahang tumango. "Umupo ka. May tinimpla akong kape diyan.”

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K-79

    Halos hindi nakatulog si Dan buong gabi. Kahit anong pihit niya sa kama, bumabalik pa rin sa isip niya ang text na natanggap kagabi. 'Hi, Dan. Ako si Aireen. Nabalitaan kong nandiyan ka pa rin sa Ilocos… pwede ba kitang puntahan?' Binasa niya ‘yon ng paulit-ulit na parang hindi makapaniwala na matapos ang ilang taon, bigla na lang babalik sa buhay niya ang babaeng halos wasakin siya. Kinuha niya ang cellphone sa mesa at saka tinitigan ulit ang mensahe. Wala na namang sumunod. Walang “seen,” walang “typing.” Pero sa bawat segundo, parang lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Huminga siya ng malalim at saka tumingin sa bintana. Sumisikat na ang araw. Ibig sabihin, isa na namang araw ng pagtatrabaho sa farm. Pero kahit pa anong subok niyang ibalik ang focus niya, wala. Laging bumabalik si Aireen sa isip niya. Pagdating ni Hiro sa farm, agad nitong napansin ang hitsura ng kaibigan. Kumunot ang noo ni Hiro. “Boss, parang zombie ka ah. Hindi ka ba natulog?” biro ni Hiro kay Dan. Napah

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K78

    Maaga pa lang ay abala na ang buong farm ni Dan. Tahimik ang paligid maliban sa tilaok ng mga manok at mga baboy na tila nag-aagawan sa pagkain. May mga trabahador siyang naglilinis ng kulungan at ang iba naman ay nag-aalaga ng mga sisiw. Nakatayo si Dan sa may harapan ng kulungan ng manok. Suot ang simpleng t-shirt at shorts. Bitbit ang kape at tinapay. “Boss Dan, maganda ang ani natin ngayon,” sabi ni Hiro, ang matagal na niyang tauhan at matalik na kaibigan. “Kung magtutuloy-tuloy ‘to, baka makabili ka na ulit ng bagong delivery van.” Ngumiti si Dan. Pero halatang may ibang iniisip. “Ayos ‘yan. Pero hindi van ang iniisip ko ngayon.” Napakunot ang noo ni Hiro. “Eh ano? ‘Yong manager sa café?” Natigilan si Dan sabay tawa. “Grabe ka talaga, Hiro. Mabilis ka pa sa wifi.” “Eh kasi naman, boss, halata! Araw-araw ka na lang sa café na ‘yon. Hindi ko alam kung negosyo pa o ligawan na.” Umupo si Dan sa may sako ng darak at tumawa pa ng mahina. “Hindi ko nga rin alam. Per

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K77

    Dalawang araw ang lumipas, magaang nagising si Susie kahit na hindi naman siya pupunta sa coffee shop. Sa bagong bahay na ipinagawa sa kanya ni Stella, hindi pa rin siya makapaniwala. Katamtaman lang ang laki ng bahay. Isang bungalo na may dalawang kuwarto, maliit na sala at kusina na parang laging mabango at bagong linis. May bakuran pa itong puno ng santan at ilang paso ng orchids na si Stella mismo ang naglagay noong nakaraang linggo.Nakaupo siya sa terrace, hawak ang tasa ng kape habang pinagmamasdan ang paligid. Tahimik, malamig ang simoy ng hangin at pakiramdam niya parang isang panibagong simula para sa kanya.“Salamat talaga, ate,” bulong niya habang nakangiti. Wala ang ate Stella niya doon dahil nagpapakasaya itong lumibot kung saan-saan kasama ang asawa nitong si River. Kasama rin pala ng mag-asawa ang kaibigan nitong si Hunter at ang asawa nitong si Claudine.Matapos magkape, naisipan niyang mahiga ulit sa kama at matulog ulit. Mayamaya pa ay biglang nag-ring ang cellpho

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K76

    Maaga pa lang ay abala na si Susie sa café. Siya ang manager at palaging nakaalalay sa mga staff, pero hindi rin siya nahihiyang sumabak sa harap ng counter. Hawak ang clipboard, nag-check siya ng mga stocks habang umuusok pa ang mainit na brewed coffee sa gilid ng mesa. “Dagdagan mo ng kaunting gatas. Reklamo na naman ’yan ng customer mamaya. Alam mo naman may mga reklamador tayong customer,” bilin niya sa barista. “Okay po, ma’am Susie,” mabilis na sagot ng binata. Mula sa gilid, napansin niyang papasok na naman si Dan. Bitbit nito ang basket ng itlog at karne ng manok. Palagi itong ganito. Parang hindi man lang nauubusan ng dahilan para dumalaw sa café. Kaya hindi nangangamba si Susie na maubos ang ingredients nila para sa cakes doon. Dahil nandiyan si Dan na taga-suplay at madalas libre pa. “Ayan na naman ang pasaway kong stalker,” mahina niyang bulong sa sarili bago tumikhim. “Good morning,” tipid na bati ni Dan habang inilapag ang basket sa kitchen door. “’Yong order

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status