Mag-log inCLAUDINE
Kinabukasan, maagang nagising si Claudine. Nag-almusal muna siya sa bahay ni Sarah bago tuluyang umalis patungong Ilocos. Habang nagmamaneho siya, naiisip niya si Hunter. Umaasa siyang magme-message sa kanya ang asawa niya para pabalikin siya sa bahay nila pero wala talaga. Kahit na pinipilit niyang maging matapang at matatag, durog na durog pa rin siya sa loob niya. Mahal niya ang asawa niyang si Hunter Montenegro. Ngunit hindi naman siya nito minahal kahit minsan. Bagkus, mas lalo lang siyang kinamuhian nito. Kung buhay pa sana ang mga magulang niya, nakapgsasabi sana siya ng kanyang hinaing. Lalo na sa kanyang daddy. "Magandang araw po, ma'am Claudine!" magiliw na sabi ni aling Liza. Nasa edad seventy years old na si aling Liza na siyang caretaker ng malawak na lupain ng kanyang daddy sa Ilocos pati na rin ang malaking bahay nila doon. Malakas pa rin ang katawan ng matanda at hindi halata sa itsura niya ang edad niya. Palibhasa'y puro masustansyang pagkain ang kanyang kinakain. "Magandang araw, aling Liza," ganting bati niya sa matanda. "Malinis na po ang buong bahay, ma'am Claudine. Puwede na po kayong magpahinga. Wala pong sira ang bahay na iyan dahil palagi ko pong binibisita. At kung may sira man, pinaaayos ko agad. Akala ko nga, wala na talagang titira diyan o baka ibebenta na. Mabuti naisipan niyong magpunta dito?" mabilis na sabi ni aling Liza. Mapait na ngumiti si Claudine. "Iniwan ko na po ang asawa kong si Hunter. Alam niyo naman po ang kwento ng pagiging mag-asawa namin, 'di ba? Ang mga daddy lang namin ang nagkasundo na ipakasal kami. Pero wala po eh, hindi talaga kami para sa isa't isa. Hindi niya ako minahal kahit minsan. May ibang babaeng nilalaman ang puso niya. Napagod na rin po ako, aling Liza. Kaya pinalaya ko na lang siya," malungkot ang tinig niyang sabi. Bumuntong hininga si aling Liza at saka siya hinawakan sa kamay. "Tama lang ang ginawa mo, ma'am. Kaysa naman palagi ka lang masasaktan." "Ganoon na nga po. Pero huwag niyo na akong tawaging ma'am. Claudine na lang. Hindi na rin kayo iba sa pamilya namin. Maraming salamat po sa pagiging tapat sa amin. Kahit wala na ang mga magulang ko, nagtatrabaho pa rin kayo sa amin," nakangiti niyang sabi sa matanda. "Hangga't nabubuhay ako, hangga't kaya ko pang magtrabaho, mananatili ako sa pamilya ninyo. Isa pa, sukli ko po ito sa pagiging mabuti sa amin ng mga magulang mo. Sa ngayon, nasa akin kasi ang dalawa kong apo. High school student na silang parehas. Ako na ang nagpapaaral. Wala na kasi silang mga magulang. Naaksidente. Kaya ako na ang tumatayong magulang nila," pahayag ng matanda. "I'm sorry to hear that. Kumain na po ba kayo? O-order na lang po ako ng pagkain," wika niya. "Busog pa ako. Ikaw ba? Gusto mo bang kumain?" Mabilis siyang umiling. "Hindi po. Kumain po ako bago ako magpunta dito. Inalala ko lang po kayo. Sige na po, aayusin ko po muna ang mga gamit ko sa kuwarto." Tinulungan siya ni aling Liza na hakutin ang mga gamit siya. Pero hindi na siya nagpatulong sa pag-aayos ng mga damit niya doon. Nilibot niya ang paningin niya sa malaking bahay na iyon. Gawa sa matibay na kahoy ang bahay na iyon na kahit ilang taon na ang lumipas, matibay pa rin talaga. Dahil na rin alaga ni aling Liza. "Hays," sambit ni Claudine matapos niyang isalansan ang kanyang mga damit. Nagtungo siya sa kusina at saka binuksan ang ref doon. Nakita niyang may kalumaan na ang ref kaya nagpabili kaagad siya ng bago. Sumapit na lang ang gabi, lumabas ng bahay si Claudine. Naupo siya sa labas ng malawak na bakuran ng bahay na iyon. Tumingala siya at saka pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan. "Claudine?" Napalingon si Claudine sa kanyang bandang kanan. Nakita niya ang binatang si River na naglalakad palapit sa kanya. "River!" bulalas niya. "Ano ang ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ni River sa kanya. Bumuga siya ng hangin. "Ano pa nga ba? Tinupad ko na ang gusto ni Hunter. Ang palayain siya. Umalis na ako sa bahay namin. Dito na ako titira." Nanlaki ang mata ni River. "Nakipaghiwalay ka na sa kanya?" Lumabi siya. "Parang ganoon na nga pero hindi ako magpa-file ng annulment. Ano siya? Sinuswerte? Hindi puwedeng mapunta lang lahat sa babae niya ang mga ari-arian namin. Sa dami ng sakit at pighating dinanas ko sa kanya, deserve kong pakinabangan ang yaman niya. Kapal ng pagmumukha niya." Mahinang tumawa si River. "Ngayon lang kitang narinig na nakapagsalita ng ganiyan kay Hunter. Mukhang natauhan ka na yatang talaga." Mahina siyang tumawa. "Mabuti na nga lang talaga at natauhan na ako. Isipin mo, tatlong taon din akong nagpakatanga sa kanya. Tatlong taon akong umasa na baka isang araw, matutunan niya rin akong mahalin. Pero wala talaga. Hindi niya talaga ako nagawang mahalin kahit na naging mabuting asawa pa ako sa kanya." Tumikhim si River. "Ganoon talaga siguro kapag may tunay kang minamahal. At ganoon si Hunter kay Stella. Kaya kahit ano pa ang gawin mo, hindi na magbabago iyon. Pero 'di bale, ang mahalaga nagawa mo ng i-let go siya. Kahit alam kong masakit para sa iyo na gawin iyon." Bumuga ng hangin si Claudine sabay tango. "Masakit naman talaga para sa akin kasi nga mahal ko siya. Pero mas lalo lang akong masasaktan kung kakapit pa ako sa kanya, 'di ba? Lalo pa't hindi naman niya gustong kapitan ko siya. Kaya tama na ang ganito. Unti-unti ko ring maaalis sa puso ko ang lalaking iyon." Mahinang natawa si River. "Sana nga magawa mo iyan. Siya nga pala, birthday ng lola ko sa susunod na linggo. Alam mo namang magkaibigan kami kaya baka magpunta sila dito. Ayos lang ba sa iyo iyon?" Tumaas ang kilay niya. "Ano naman? Wala na akong pakialam pa sa kanya kahit magkita pa kami. Sino ba siya? Bahala na siya sa buhay niya. Napagod na ako sa kanya." "So makakadalo ka sa birthday ng lola ko?" Mabilis siyang tumango. "Oo naman. Bakit hindi? Hindi ko kailangang iwasan ang lalaking iyon. Hindi ko kailangang magtago. Pakialaman ko ba sa kanya. Letsé siya. Tapos na akong maging baliw sa kanya," gigil niyang sabi.SUSIE Kinabukasan, maaga muling nagbukas ang coffee shop. May kakaibang gaan sa kilos ni Susie habang pinupunasan niya ang mga mesa. Nakangiti siya kahit wala namang kausap at paminsan-minsan ay napapahinto para huminga nang malalim na parang may iniisip. Hindi niya namamalayan na ilang beses na niyang napunasan ang iisang mesa. Hindi niya rin napansin na may tunog na ang kampana sa pinto. Paglingon niya, agad niyang nakita si Dan na papasok, bitbit ang pamilyar na ngiti na matagal na niyang hindi nakita nang ganoon ka-buo. Napahinto siya sa ginagawa at mabilis na pinigil ang ngiti sa labi. Inilapag niya ang basahan sa gilid ng mesa at kunwaring abala. “Good morning,” bati ni Dan na diretso ang tingin sa kanya. Tumikhim si Susie bago sumagot. “Oo. Umaga nga.” Napangiti si Dan. Lumapit ito sa counter at tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa na parang may sinusuri. “Ang aga mong masungit ah. Akala ko ba masaya ka kapag umaga?” “Tigilan mo nga ako,” sagot niya agad. “Kung wala
SUSIE ILANG ARAW ANG LUMIPAS, maagang nagbukas ang coffee shop. Tahimik ang umaga, wala pa ang dagsa ng mga customer at si Susie mismo ang nag-aayos ng loob. Pinupunasan niya ang mga mesa, inaayos ang mga upuan at paulit-ulit na tinitingnan ang orasan sa dingding kahit wala naman siyang hinihintay. Alam niyang wala. Pero hindi niya mapigilang mapansin ang bawat tunog ng pinto. Hindi siya sanay sa katahimikan nitong mga nakaraang araw. Sanay siya na may isang taong bigla na lang papasok, magbibiro, mang-aasar at magpapanggap na wala lang ang lahat. Sanay siya kay Dan na parang laging may sasabihin kahit wala namang saysay. At ngayon, wala iyon. "Hay naku! Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit parang gusto kong makita ang lalaking iyon? Imbes na maging masaya ako ngayong wala siya, pero bakit parang mas gusto kong nandito siya sa tabi ko?" takang sabi ni Susie sa sarili. Nang tumunog ang kampana sa pinto, hindi niya agad nilingon. Akala niya customer lang. Pero nang marinig niy
SUSIE Makalipas ang ilang araw, ilang araw na ring hindi dumadalaw si Dan sa café na iyon. Abala si Susie sa pag-aasikaso ng mga kustomer, pero kahit ganoon dama niyang may kulang. Hindi niya lang inaamin sa sarili niya o baka ayaw niya lang aminin. “Susie, ilang araw ka ng tuliro,” puna ni Joy na isa sa mga staff. “Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako naririnig.” Napakurap ng maraming beses si Susie. “Ha? Talaga? Pasensya na,” sagot niya habang nakatingin sa listahan ng mga order. “Si Dan ba iniisip mo?” tukso ng katrabaho niya. Agad na nangasim ang mukha ni Susie. “Ay naku! Hindi no! Ang kulit mo talaga. At bakit ko naman iisipin ang lalaking iyon? Wala naman akong pakialam sa lalaking iyon," mabilis niyang tanggi pero napansin ni Joy na namumula ang tainga niya. Sumilay ang nakalolokong ngiti sa labi ni Joy. “Ahh, sure,” sabi ni Joy sabay kindat. “Hindi mo nga napansin, oh! Pumasok na pala siya.” Halos tumigil ang mundo ni Susie nang marinig ang tunog ng kampana sa pint
Maaga pa lang ay gising na si Dan. Hindi siya sanay na may ibang tao sa bahay lalo na si Aireen pa ito. Ang babaeng minsan niyang minahal pero siya ring nag-iwan ng sugat sa kanya. Tahimik niyang pinagmamasdan mula sa sala ang direksyong papunta sa guest room. Naroon pa rin si Aireen, marahil ay tulog pa. Naka-init na siya ng tubig sa kettle at naglagay ng dalawang tasa ng kape sa mesa. Pero kahit amoy na amoy ang aroma ng kape, hindi siya makaramdam ng ginhawa. Iba ‘yung bigat sa dibdib niya ngayon. Hindi galit o hindi rin awa lang. Parang gusto niyang matapos agad ang araw na iyon. Parang gusto na niyang umalis si Aireen sa bahay niya. Ilang sandali pa, narinig niya ang marahang pagbukas ng pinto. Lumabas si Aireen, suot pa rin ang lumang jacket na suot niya kagabi. Payat ito, maputla at may bahagyang pasa pa sa leeg. “Dan…” mahinahon nitong tawag. Hindi siya sumagot agad. Tumingin lang siya sa tasa ng kape at marahang tumango. "Umupo ka. May tinimpla akong kape diyan.”
Halos hindi nakatulog si Dan buong gabi. Kahit anong pihit niya sa kama, bumabalik pa rin sa isip niya ang text na natanggap kagabi. 'Hi, Dan. Ako si Aireen. Nabalitaan kong nandiyan ka pa rin sa Ilocos… pwede ba kitang puntahan?' Binasa niya ‘yon ng paulit-ulit na parang hindi makapaniwala na matapos ang ilang taon, bigla na lang babalik sa buhay niya ang babaeng halos wasakin siya. Kinuha niya ang cellphone sa mesa at saka tinitigan ulit ang mensahe. Wala na namang sumunod. Walang “seen,” walang “typing.” Pero sa bawat segundo, parang lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Huminga siya ng malalim at saka tumingin sa bintana. Sumisikat na ang araw. Ibig sabihin, isa na namang araw ng pagtatrabaho sa farm. Pero kahit pa anong subok niyang ibalik ang focus niya, wala. Laging bumabalik si Aireen sa isip niya. Pagdating ni Hiro sa farm, agad nitong napansin ang hitsura ng kaibigan. Kumunot ang noo ni Hiro. “Boss, parang zombie ka ah. Hindi ka ba natulog?” biro ni Hiro kay Dan. Napah
Maaga pa lang ay abala na ang buong farm ni Dan. Tahimik ang paligid maliban sa tilaok ng mga manok at mga baboy na tila nag-aagawan sa pagkain. May mga trabahador siyang naglilinis ng kulungan at ang iba naman ay nag-aalaga ng mga sisiw. Nakatayo si Dan sa may harapan ng kulungan ng manok. Suot ang simpleng t-shirt at shorts. Bitbit ang kape at tinapay. “Boss Dan, maganda ang ani natin ngayon,” sabi ni Hiro, ang matagal na niyang tauhan at matalik na kaibigan. “Kung magtutuloy-tuloy ‘to, baka makabili ka na ulit ng bagong delivery van.” Ngumiti si Dan. Pero halatang may ibang iniisip. “Ayos ‘yan. Pero hindi van ang iniisip ko ngayon.” Napakunot ang noo ni Hiro. “Eh ano? ‘Yong manager sa café?” Natigilan si Dan sabay tawa. “Grabe ka talaga, Hiro. Mabilis ka pa sa wifi.” “Eh kasi naman, boss, halata! Araw-araw ka na lang sa café na ‘yon. Hindi ko alam kung negosyo pa o ligawan na.” Umupo si Dan sa may sako ng darak at tumawa pa ng mahina. “Hindi ko nga rin alam. Per







