Compartilhar

K54

Autor: LonelyPen
last update Última atualização: 2025-08-31 13:37:57

Sumunod na araw, tahimik na nakaupo sina River at Stella sa mahabang bangko sa ilalim ng punong mangga. Ang ihip ng hangin ay malamig at tanging huni ng mga ibon ang naririnig. Sandaling naghari ang katahimikan bago muling nagsalita si Stella.

“Ang laki ng pinagbago mo, River,” mahina niyang sabi, nakatitig sa mga kalyo sa kamay nito. “Mas lalo kang gumuwapo at mas naging matikas. Pero alam mo, sa kabila ng lahat ng ‘yon, ikaw pa rin ‘yong simpleng River na nakilala ko.”

Napangiti si River, pilit pero totoo. “At ikaw… ang dami mong pinagdaanan. Kita ko sa mata mo, Stella. Hindi ka na ‘yong babaeng dati mayabang, palaban, matigas ang ulo. Para kang mas mahina ngayon.”

Napayuko si Stella, bahagyang natawa pero halata ang pait sa tinig.

“Mahina? Siguro nga. Pero alam mo, River, kahit ilang taon ang lumipas… hindi nagbago ‘yong nararamdaman ko.”

Natigilan si River. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na baso ng tubig at tumingin kay Stella.

“Stella…”

Tumulo ang luha ni Stella bago
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado
Comentários (1)
goodnovel comment avatar
iamkaren
update plssss
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K81

    SUSIE Makalipas ang ilang araw, ilang araw na ring hindi dumadalaw si Dan sa café na iyon. Abala si Susie sa pag-aasikaso ng mga kustomer, pero kahit ganoon dama niyang may kulang. Hindi niya lang inaamin sa sarili niya o baka ayaw niya lang aminin. “Susie, ilang araw ka ng tuliro,” puna ni Joy na isa sa mga staff. “Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako naririnig.” Napakurap ng maraming beses si Susie. “Ha? Talaga? Pasensya na,” sagot niya habang nakatingin sa listahan ng mga order. “Si Dan ba iniisip mo?” tukso ng katrabaho niya. Agad na nangasim ang mukha ni Susie. “Ay naku! Hindi no! Ang kulit mo talaga. At bakit ko naman iisipin ang lalaking iyon? Wala naman akong pakialam sa lalaking iyon," mabilis niyang tanggi pero napansin ni Joy na namumula ang tainga niya. Sumilay ang nakalolokong ngiti sa labi ni Joy. “Ahh, sure,” sabi ni Joy sabay kindat. “Hindi mo nga napansin, oh! Pumasok na pala siya.” Halos tumigil ang mundo ni Susie nang marinig ang tunog ng kampana sa pint

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K-80

    Maaga pa lang ay gising na si Dan. Hindi siya sanay na may ibang tao sa bahay lalo na si Aireen pa ito. Ang babaeng minsan niyang minahal pero siya ring nag-iwan ng sugat sa kanya. Tahimik niyang pinagmamasdan mula sa sala ang direksyong papunta sa guest room. Naroon pa rin si Aireen, marahil ay tulog pa. Naka-init na siya ng tubig sa kettle at naglagay ng dalawang tasa ng kape sa mesa. Pero kahit amoy na amoy ang aroma ng kape, hindi siya makaramdam ng ginhawa. Iba ‘yung bigat sa dibdib niya ngayon. Hindi galit o hindi rin awa lang. Parang gusto niyang matapos agad ang araw na iyon. Parang gusto na niyang umalis si Aireen sa bahay niya. Ilang sandali pa, narinig niya ang marahang pagbukas ng pinto. Lumabas si Aireen, suot pa rin ang lumang jacket na suot niya kagabi. Payat ito, maputla at may bahagyang pasa pa sa leeg. “Dan…” mahinahon nitong tawag. Hindi siya sumagot agad. Tumingin lang siya sa tasa ng kape at marahang tumango. "Umupo ka. May tinimpla akong kape diyan.”

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K-79

    Halos hindi nakatulog si Dan buong gabi. Kahit anong pihit niya sa kama, bumabalik pa rin sa isip niya ang text na natanggap kagabi. 'Hi, Dan. Ako si Aireen. Nabalitaan kong nandiyan ka pa rin sa Ilocos… pwede ba kitang puntahan?' Binasa niya ‘yon ng paulit-ulit na parang hindi makapaniwala na matapos ang ilang taon, bigla na lang babalik sa buhay niya ang babaeng halos wasakin siya. Kinuha niya ang cellphone sa mesa at saka tinitigan ulit ang mensahe. Wala na namang sumunod. Walang “seen,” walang “typing.” Pero sa bawat segundo, parang lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Huminga siya ng malalim at saka tumingin sa bintana. Sumisikat na ang araw. Ibig sabihin, isa na namang araw ng pagtatrabaho sa farm. Pero kahit pa anong subok niyang ibalik ang focus niya, wala. Laging bumabalik si Aireen sa isip niya. Pagdating ni Hiro sa farm, agad nitong napansin ang hitsura ng kaibigan. Kumunot ang noo ni Hiro. “Boss, parang zombie ka ah. Hindi ka ba natulog?” biro ni Hiro kay Dan. Napah

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K78

    Maaga pa lang ay abala na ang buong farm ni Dan. Tahimik ang paligid maliban sa tilaok ng mga manok at mga baboy na tila nag-aagawan sa pagkain. May mga trabahador siyang naglilinis ng kulungan at ang iba naman ay nag-aalaga ng mga sisiw. Nakatayo si Dan sa may harapan ng kulungan ng manok. Suot ang simpleng t-shirt at shorts. Bitbit ang kape at tinapay. “Boss Dan, maganda ang ani natin ngayon,” sabi ni Hiro, ang matagal na niyang tauhan at matalik na kaibigan. “Kung magtutuloy-tuloy ‘to, baka makabili ka na ulit ng bagong delivery van.” Ngumiti si Dan. Pero halatang may ibang iniisip. “Ayos ‘yan. Pero hindi van ang iniisip ko ngayon.” Napakunot ang noo ni Hiro. “Eh ano? ‘Yong manager sa café?” Natigilan si Dan sabay tawa. “Grabe ka talaga, Hiro. Mabilis ka pa sa wifi.” “Eh kasi naman, boss, halata! Araw-araw ka na lang sa café na ‘yon. Hindi ko alam kung negosyo pa o ligawan na.” Umupo si Dan sa may sako ng darak at tumawa pa ng mahina. “Hindi ko nga rin alam. Per

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K77

    Dalawang araw ang lumipas, magaang nagising si Susie kahit na hindi naman siya pupunta sa coffee shop. Sa bagong bahay na ipinagawa sa kanya ni Stella, hindi pa rin siya makapaniwala. Katamtaman lang ang laki ng bahay. Isang bungalo na may dalawang kuwarto, maliit na sala at kusina na parang laging mabango at bagong linis. May bakuran pa itong puno ng santan at ilang paso ng orchids na si Stella mismo ang naglagay noong nakaraang linggo.Nakaupo siya sa terrace, hawak ang tasa ng kape habang pinagmamasdan ang paligid. Tahimik, malamig ang simoy ng hangin at pakiramdam niya parang isang panibagong simula para sa kanya.“Salamat talaga, ate,” bulong niya habang nakangiti. Wala ang ate Stella niya doon dahil nagpapakasaya itong lumibot kung saan-saan kasama ang asawa nitong si River. Kasama rin pala ng mag-asawa ang kaibigan nitong si Hunter at ang asawa nitong si Claudine.Matapos magkape, naisipan niyang mahiga ulit sa kama at matulog ulit. Mayamaya pa ay biglang nag-ring ang cellpho

  • Ruthless CEO's Palaban Wife (SPG)   K76

    Maaga pa lang ay abala na si Susie sa café. Siya ang manager at palaging nakaalalay sa mga staff, pero hindi rin siya nahihiyang sumabak sa harap ng counter. Hawak ang clipboard, nag-check siya ng mga stocks habang umuusok pa ang mainit na brewed coffee sa gilid ng mesa. “Dagdagan mo ng kaunting gatas. Reklamo na naman ’yan ng customer mamaya. Alam mo naman may mga reklamador tayong customer,” bilin niya sa barista. “Okay po, ma’am Susie,” mabilis na sagot ng binata. Mula sa gilid, napansin niyang papasok na naman si Dan. Bitbit nito ang basket ng itlog at karne ng manok. Palagi itong ganito. Parang hindi man lang nauubusan ng dahilan para dumalaw sa café. Kaya hindi nangangamba si Susie na maubos ang ingredients nila para sa cakes doon. Dahil nandiyan si Dan na taga-suplay at madalas libre pa. “Ayan na naman ang pasaway kong stalker,” mahina niyang bulong sa sarili bago tumikhim. “Good morning,” tipid na bati ni Dan habang inilapag ang basket sa kitchen door. “’Yong order

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status