Share

Chapter 1

Aвтор: AislaU
last update Последнее обновление: 2025-07-28 20:59:57

I think I'm dying.

Itong heels na suot ko ang makakapatay sa akin. I knew it. Sana hindi ko na lang sinuot 'to.

"Enjoy the night," bati ng babaeng tumanggap ng invitation letter. Tumango ako at pumasok na sa loob.

Madaming business owners, partners, at mga artista ang dadalo sa pagtitipon na ito na isinagawa ng UCorp, the well-known big company not only in the country but in different parts of the world.

"Miss del Puerto."

I froze and looked up at whoever had called.

Malaki ang ngiti ng lalaki nang lumapit ito sa akin. "Hindi ka pa rin nagbabago, you still have that fierce expression that will make any man tremble," natatawa nitong ani.

Nanliit ang mata ko habang sinusubukang kilalanin ang pamilyar niyang mukha. Muli rin siyang natawa nang makita ang paraan nang pagtitig ko sa kaniya.

Ang matamis niyang ngiti, malalim niyang dimple at mga mata niyang kulay berde. Alam kong kilala ko itong lalaking ito pero hindi ko talaga maalala kung sino siya.

"It's Dave—"

"Oh my God!" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang kaniyang pangalan. Kaagad ding nanariwa sa memorya ko ang mga alaala. "I'm so sorry, I didn't mean to—"

"No, we're good. It's fine, halos hindi na rin kita makilala. It has been years since our last talk," nagngingiting aniya.

"No way, parang noon lang hanggang tenga mo lang ako. Ngayon, hanggang balikat na! Partida, naka three inches heels ako!" I exclaimed out of surprise and amazement.

He gave me a smile, revealing his deep dimple once more.

"So bakit ka nandito? Hindi ba sa Italy ka na nags-stay?" nagtatakang tanong ko.

"My parents are investor of UCorp, and I got an invitation," aniya. "Ilang araw lang naman ako rito at babalik din sa Italy," sabi niya habang iginigiya ako sa isang malaking table at ipinaghila ng upuan kaya bumaling sa amin ang atensyon ng mga taong naroon.

Ngumiti sila sa akin at tinanguan ako, gano'n din naman ang ginawa ko.

"Thank you," ani ko kay Dave bago umupo.

"Mag-isa ka lang pumunta dito?"

Umiling ako.

"Nauna lang ako—"

"Miss del Puerto!" sigaw ng kung sino.

Pareho kaming lumingon ni Dave sa taong iyon. I grinned instantly when I saw her. Si Sydnie Ugalde, ang isa sa mga apo ng dating CEO ng UCorp na si Alonzo Jose Ugalde.

Tumayo ako para salubungin siya nang yakap at beso.

"I was waiting for you!" maligayang sabi niya pagkatapos akong besuhan. "I'm sure Mamita will be delighted to meet you! Finally!"

Natawa ako at napailing bago binalingan si Dave.

"By the way, this is Architect Dave Palacios. My friend," Pakilala ko. "Dave, this is Sydnie Ugalde. I know you know her."

Dave chuckled and nodded.

"Yeah, I know."

"And I know Palacios Family too! How's Shanaia?" excited na sabi ni Sydnie.

Kumunot ang noo ni Dave.

"What?" nagtatakang tanong nito.

"Si Shanaia, 'yong girlfriend mo. She hasn't shown up since noong nabunyag 'yong tungkol sa inyo. But oh, I think I don't need to ask you. She's invited here. Her brother is one of the biggest businessmen of the town," she said. "Plus, her boyfriend is also here, s'yempre dadalo 'yon!"

Ngumiti lamang si Dave.

So, it was true, that Dave Palacios is dating the famous actress, Shanaia Castañeda.

"Come on, Miss del Puerto. Come with me. Mr. Palacios, hihiramin ko muna ang kaibigan mo, is that okay?" Hinawakan ni Sydnie ang kamay ko at hinila kahit hindi pa nakakasagot si Dave.

"I'll be back," I mouthed to Dave.

Kumaway ako sa kaniya at siya naman ay natatawang tumango.

Hinila ako ni Sydnie sa isang malaking round table, naroon ang isang malaking grupo. The Ugaldes.

"Mamita! Lolo! Architect Alescha's here!" nagagalak na sabi ni Sydnie.

Iginiya ko ang mata ko isa-isa sa mga taong naroon, ngunit habang sinusuri sila ay nakatingin din sila sa akin nang may pagtataka. Nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki. Walang ekspresyon itong nakadungaw sa cellphone niya na para bang wala siyang pakialam sa paligid at hindi siya interesado sa kung ano man ang narito.

"You're Alescha?" tanong ng babaeng mukhang ka-edad lamang ng Tita ko.

"Um... Opo, Aleshca Niña."

"Oh my God! Abueno, this is the daughter of former Architect, Mr. Del Puerto! Anak ni Nelya!" hindi makapaniwalang sabi nito.

Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ay ngumiti pa rin ako.

"Kamukhang kamukha mo ang mama mo. You look exacty like her, even your smile ay kuhang kuha sa kaniya. Parang ikaw talaga si Nelya," Tumayo siya sa inuupuan niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at marahan akong hinila sa isang upuan na katabi niya. "I'm Claudia, your mom's friend in College," aniya. "Modelo ka rin ba?"

"Po? Hindi po ako modelo," naiilang kong sabi.

Umangat ang kilay niya na animo'y nagulat sa sagot ko.

"Alam mo bang nanalo ang mama mo as the beauty of our school back when we were in college?"

Pilit ko mang itago ang pagkamangha ay siguro napansin pa rin niya iyon.

"Why? Hindi ba sa'yo nasabi ng mama mo?"

Umiling ako at muling iginiya ang mata sa paligid pero habang ginagawa ko iyon ay nahagip muli ng mata ko ang mata ng lalaki na kanina ay nakadungaw sa kaniyang cellphone. Nakatitig ito sa akin na para bang binabasa ang aking mukha.

Nang makaupo na kami ay tinanong ako ni Mr. Abueno Ugalde kung nasaan ang mga magulang ko. Medyo nakaramdam ako ng ilang pero ngumiti lang ako.

"Wala na po ang mga magulang ko," sagot ko.

Natahimik sila.

"Nineteen years ago, when I was five," I said.

Nanlaki ang mata ni Ma'am Claudia.

"I'm so sorry anak, I didn't know," marahang sabi ni Ma'am Claudia.

"No, it's okay po. Matagal-tagal na rin, kaunti lang din po ang nakakaalam."

Natahimik sila pero kaagad ding nabasag ang katahimikan nang magsalita ang lalaking katabi ni Sydnie.

"So... Miss del Puerto, can I call you with your first name instead?" mapaglarong tanong nito.

Sa tingin ko ay kapatid o kaya'y pinsan ni Sydnie ang isang ito.

"Trev, stop it! Mamita, look—"

"Okay lang, Sydnie. Yes, you can call me Aleshca," Ngiti ko.

"See? I'm not playing, I'm being nice and friendly. Right, Aleshca?" Ngumisi ito.

Ngumiti na rin ako bilang tugon.

"I'm Austin by the way, Austin Trevon Ugalde, son of Augustus Ugalde," he said in a flirty tone.

"Nice to meet you, Austin," marahan kong ani at binalik ang tingin kay Sydnie. "Well, I think I haven't introduced myself yet," ani ko. I cleared my throat and awkwardly smiled. "I'm Architect Aleshca Niña del Puerto, the unica hija of former Architect Emmanuel Niño Del Puerto," I proudly said.

Pinakilala ko rin ang arkitekturang kompanya na kinabibilangan ko at ang kompanya ng pamilya namin.

"I knew it! You're working at G&R Construction Corporation! Nakita kita sa celebration nila noong nakaraang taon, you are the great Architect Nica they were talking about," manghang sabi ni Austin.

"Nica? You're Architect Nica?" gulat na tanong ni Ma'am Claudia.

"That's great, matalino si Niño kaya hindi na ako magugulat kung ang anak niya ang tatapat sa galing niya," Mr. Abueno Ugalde as he sipped on his drink. "You chose the best architect, Mamita."

"No way, ako ang nag-refer at nag-offer kay Miss Aleshca, kaya ako ang magaling pumili," Hadlang ni Sydnie kay Mr. Abueno Ugalde nang may pagmamalaki sa sarili.

Malakas na natawa si Mr. Abueno Ugalde at biro na kinamayan si Sydnie.

"I hope magaling ka rin pumili ng lalaki, Sydnie."

Natigilan si Sydnie at kunot-noong tumingin kay Austin.

"What did you just say?"

Mapang-asar na tumawa si Austin na para bang tuwang-tuwa siyang naiinis ang kaniyang pinsan.

"Tama na 'yan, Sydnie, Trevon," sita ng Mamita nila. "Abueno, any words? Kung wala, sigurado na ako kay Miss Aleshca."

Pagkatapos ng medyo mahabang pag-uusap kasama ang mga Ugalde ay bumalik na ako sa table kung nasaan si Dave at umupo na sa tabi niya.

"Were they taking you as their architect for the Ricorrere's renovation?" tanong ni Dave nang makaupo ako sa tabi niya. Sunod na lumapit sa akin ang waitress nang malagyan niya ng sliced cake si Dave.

"Yes, I was referred by Sydnie, medyo naging busy kasi ako sa DelGue kaya minabuti ko na ring tanggapin ang offer ni Sydnie tungkol sa renovation ng Ricorrere."

"Hindi sila nagkamaling pumili kung gano'n, I would like to see the changes of Ricorrere di Ugalde, Architect Nica."

I smiled.

Napabaling ang lahat sa stage nang biglang namatay ang ilaw at doon tumutok ang spotlight.

"Good evening, ladies and gentlemen. We appreciate having you all here with us today. We take great pleasure in extending a warm welcome to everyone who has been invited to this event, including members of the business community, partners, friends, and family."

Nagulat ako nang biglang may humila sa akin sa akin patayo.

"Ralph?" I whispered.

"We need to talk—"

"What are you doing here? Bitiwan mo ako, Ralph," mahina at galit kong sambit.

Patuloy lang ang speech ng host at madilim kaya walang nakapansin sa amin ni Ralph, maliban na lang kay Dave.

"We need to talk, Aleshca," he said with authority.

"Nasasaktan ako—"

"Hey, get your hands off of her," Tumayo si Dave at sinubukan akong hilahin mula kay Ralph pero bago pa man niya ako mahawakan sa braso ay mabilis akong hinila ni Ralph sa likod niya.

"Tangina mo. Huwag kang makialam dito, gago!"

Napapikit ako nang medyo napalakas ang boses niya. Malakas kong hinila ang braso ko sa pagkakahawak niya at galit siyang tiningnan.

"Pinapahiya mo lang ang sarili mo dito, Ralph. Baka nakakalimutan mo na may mga media na nakapaligid—"

"I don't fucking care, Niña! I want us to talk and make up!"

Natigilan kami nang lumiwanag ang paligid, senyales na tapos na ang opening remark. Napunta sa amin ang atensyon ng lahat dahil sa pagtaas ng boses ni Ralph.

"Umalis ka na. 'Wag kang mag-iskandalo dito!" mahina kong sabi sa kaniya at uupo na sana pero hinila niya ulit ako.

"Aleshca, may problema ba?" Natigilan kami nang lumapit sa amin si Nath. Kunot ang kaniyang noo.

"Let's just go, Aleshca. Hindi ako manggugulo dito. 'Yon lang naman ang gusto ko, ang magkausap tayo," mahinahon nitong sabi.

Napailing ako at nauna nang maglakad palabas ng venue. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Wala na akong ibang pagpipilian pa dahil kung hindi ko siya susundin ay baka ipagpatuloy lang niya ang pamimilit.

Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin dahil sa mga yapak niyang kabisadong kabisado ko.

This guy, Ralph Gonzalez is always following me everywhere just to try his luck, huh?

He wishes.

Nagmu-mukha kaming mag-shota na hindi nagkakaintindihan dahil palagi siyang nakasunod sa akin, humahabol na parang aso.

"Niña..."

"What?" Inis ko siyang hinarap at ginawaran ng galit na tingin.

"Please... Give me one more chance, I swear—"

"Oh, shut up. Have you forgotten that we broke up a long ago? Ralph, we're fucking done. I told you, I've had enough of your bullshits! Paulit-ulit ko na lang ba sasabihin sa'yo 'yon? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Look, stop following me like a pet. Pinapahiya mo lang sarili mo sa mga tao. You're sick! Stop being obsessed, go home and sober up! Move on!" Lalagpasan ko na sana siya para bumalik sa loob pero marahas niya akong hinila. "What the fuck—"

"You're going home with me, whether you like it or not!" Halos kaladkarin na niya ako sa parking lot, walang tao kaya di ako makahingi ng tulong.

He has gone too far!

Hindi siya ganito noon. He used to be a real kind and patient man, but then he cheated. And when I ended it, he was making every lovely effort to win me back. But now, he no longer does that, he's using his physical strength to get on me. Unti-unti na siyang nagbabago, pati ang pag-uugali niya. Hindi siya nagtataas ng boses noon, o kahit manakit man ng pisikal.

Malakas ko siyang tinulak kaya nabitawan niya ang kamay ko.

"Nagbago ka na nga talaga, Ralph! Ang kapal talaga ng pagmumukha mong maghabol pagkatapos ng ginawa mo! At ngayon nananakit ka na! Hindi ikaw ang Ralph na ginusto ko dati. You've completely changed! Ever since the day you broke my trust, Ralph, I no longer like you! You already lost me the moment you touched other woman!"

"Niña, I'm trying to be a better man for you. But you're just so hard and too far to reach. You wouldn't even let me touch you nor kiss your lips. I'm your boyfriend, Niña... I love you—"

"Really? That's love?" Tawa ko. "You know what? Mabuti na lang talaga at hindi ko nagawang pagbigyan ka. I thought you're the man I would want to marry in the future. I trusted you. I used to look at you so high pero nagbago ang lahat simula no'ng pinakamot mo sa iba ang kati mo!"

I never expected him to do such a thing.

Sa libro ko lang nababasa kung ano ang nararamdaman ng tao kapag naloloko sila pero sa totoo lang, mas malala pala talaga ang emosyon na mararamdaman mo. Hindi ko kailan man naisip na mangyayari rin sa akin 'yon.

Never in my life I experienced being betrayed by someone.

It hurts to realize that the person I had planned to spend the rest of my life with had ruined my trust. I was betrayed by the fakely romantic, loving, kind, gentle man I adored.

"It was a mistake, I never wanted it, I was just—"

"Drunk? Alam kong hindi ka lasing no'n. I know you were conscious while you do it with that random chick. I witnessed how you do it with her with so much desire. What a surprise for our 2nd anniversary," Mahina akong pumalakpak habang pinagmamasdan siya na sising-sisi. "Cheating's not a mistake, Ralph. It is a choice. You knew it in the first place pero nagpadala ka sa matinding kalibogan mo! You took the chance for a relief and for your own ecstasy. What would you feel if I was in your position? Having a sexual activity with a random man and you caught us doing it, you caught us hooking up—"

"No... Niña please, let's... Let's start again, I promise, I won't do it again—"

"Fuck off, Ralph. Enough! Just stop and leave! The memory of you still fucking disgusts me!"

I left him standing there, staring into space, as if he was still processing what I had just said.

Mahirap malayo sa taong nakasanayan mong maging kasama araw-araw, pero mas mahirap manatili sa taong sinaktan ka at niloko. P'wede akong magpakatanga at magbulag-bulagan na lang pero hindi, hindi ko gagawin 'yon.

I'm done with him. He shattered my heart, and I'm not going to let him, or any other boy do it again.

Kailan man ay hindi mapapawi ng sorry ang trauma.

I'm not foolish, and I'm not in love enough to be blinded by it.

When boys betray, just leave them and let life do its work.

They aren't worth it.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ruthless Storm   Special Chapter

    "I'm sorry," he heartbreakingly whispered to my ears.Napapapikit ako sa sakit. Dati ay kinaya ko naman ang pagl-labor pero ngayon ay parang mawawalan na 'ata ako ng malay sa sobrang sakit. Namamasa ang mata ko nang tingnan ko si Brent. Problemadong-problemado siya dahil napapadaing ako minsan at kapag ginagawa ko 'yon ay parang siya ang nasasaktan.Napansin ko ang pagbabago ng emosyon niya kapag nagre-reklamo ako sa mga nararamdaman ko simula no'ng nagbuntis ako sa pangalawang anak namin. Natatahimik siya at ginagawan niya ng paraan para maging komportable ako pero hindi ko rin mapigilan ang pagiging moody ko. Minsan ay inaaway ko siya, pinapatulog sa labas ng kuwarto, pinag-iinitan ng ulo, at pinagtataboy.Naalala ko pa noong araw na hindi niya lang ako nabilhan ng pagkain na gusto ko dahil sarado na ang pagbibilhan ay sobra sobra akong nagalit at pinagtabuyan siya pero tahimik lang siya, tinatanggap ang lahat, at nilalambing din pagkatapos.He was patient and gentle to me the whole

  • Ruthless Storm   Epilogue

    "Don't die..." her trembling voice echoed. Paos ang boses niya at umiiyak sa akin na parang bata.She had a nightmare while heavily pregnant with our second child, Abeliah Novi."Don't leave me again," she buried her face on my chest.She's sitting on my lap, arms tangled around me. Ayaw akong tingnan dahil natatakot siyang baka panaginip lang 'to."Baby... It's just a nightmare," I gently whispered to her, consolingly. "I am not dying."Umiling lang siya at umiyak pa. I sighed and caressed her belly. It's swelling. She's wearing a night dress, and I couldn't help but admire her every single day. I am so in love with her."Our Abeliah is making you emotional these days. I should scold her when she comes out," I said trying to lighten her mood.She didn't stop sobbing. She got even more trembling as second passes by."Fine, I'll call my doctor to come here," I said and reached for my phone on the table.This will be the only way to stop her from worrying. Kung wala akong gagawin ay bak

  • Ruthless Storm   Chapter 40

    Brent blinked. Nakatayo siya sa may pinto at mukhang nagulat sa nadatnan.Kunot ang noo ko nang tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Para bang may malaking okasyon at ayos na ayos ang porma niya."Ba't ka natameme d'yan?" tanong ko bago ibalik ang tingin sa salamin.I was wearing a simple yet elegant dress. Inayosan ako ni Talya kanina dahil gusto niyang maganda akong tingnan at nang matakot daw sa akin ang pamilya ng asawa ko.His eyes sparked, and he walked towards me. Imbes na sagutin ako ay pumunta siya sa likuran ko at tiningnan ako sa salamin. I was applying my peach lipstick, but I froze when I felt his body behind me. Niyakap niya ako at ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko.Nagpatuloy ako."Ganda..." bulong niya nang may maliit na ngiti sa labi.Pinilit ko ang sariling hindi mapangiti pero traydor ang labi ko."Nasa baba na sila?"Tumango siya at hinalikan ang balikat ko."They are entertaining our son. I hope he won't get tired," he said.Natawa ako at ibinaba a

  • Ruthless Storm   Chapter 39

    "No..." I softly shook my head when he added more foods on my plate.Nasa loob pa rin kami ng kuwarto at medyo umaayos na ang pakiramdam ko. He cuddled me to sleep, and when I woke up, foods are already here. Pinatawag niya na rin si Dayang para dalhin si Adino dito sa kuwarto para makasabay sa amin. Nang makarating naman sila ay nagpaalam nang aalis si Dayang para tulungan si Tita sa pag-aayos ng handa sa labas."Papa! Green!" turo ni Adino sa mga gulay na naroon pero 'yong kulay berde lang ang gusto niyang tikman.Sumulyap sa akin si Brent na para bang sinasabi niyang alam na niya kung saan natutunan ng anak namin ang pagkain ng gano'n. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niya bago subuan si Adino ng kaunting pechay na may sauce."Dahan dahan... Brent," sabi ko.Valen already trained Adino. Kung nalunok na niya ang pagkain ay saka lang niya e a-awang ang bibig niya para magpasubo. But Brent didn't know about it, so I was hesitating. Hindi pa niya alam ang tungkol sa kalusugan ni Adi

  • Ruthless Storm   Chapter 38

    I woke up feeling heavy and weak. Pinagpapawisan ako kahit nilalamig at giniginaw ang katawan ko.Ang init ng mga mata ko. Hindi ko alam bakit ako emosyonal at naiiyak. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko magawa sa panghihina. Nasa loob ako ngayon ng isang kuwarto.I tried to speak but no one's around.Umiyak ako at muling sinubukang bumangon pero bumalik lang ako sa pagkakahiga. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napunta ang tingin ko roon. Malabo ang mata ko sa luha dahilan para hindi ko makilala kung sino iyon."I'm cold..." I cried like a child.Mabilis itong lumapit sa puwesto ko dala-dala ang isang bagay na hindi ko rin makita dahil sa luha ko.Naramdaman ko ang pagdapo ng kamay niya sa pisngi ko at pagpunas niya ng luha sa gilid ng mga mata ko."I'm here. I'll get you another blanket," malalim ang boses nito. Boses ng lalaki.Nagtungo siya sa harap ng closet at may kinuha roon. Pagbalik niya ay may dala na siyang comforter. Nilatag niya iyon sa akin bago umikot sa kama at

  • Ruthless Storm   Chapter 37

    Tinitigan ko siya sa malabong reflection ng pinto ng elevator. Nakita kong magsasalita na sana siya pero bumukas na ang elevator dahil nakarating na kami sa groundfloor. I immediately left and walk away.It was too painful to think that he left me for almost a month just to be with that woman.I tried to compose myself because I can't let Adino see me like this. Like I am close to be torn apart. Mabilis ang hakbang ko pero napahinto ako nang may humawak sa palapulsuhan ko. Nakaramdam ako ng kuryente sa paraan ng paghawak. His hands were hot.Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero hindi ko 'yon matanggal. Iritado ko siyang hinarap."It's not like what you think," sabi niya.Matalim ko siyang tiningnan."Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo."His jaw clenched as his adam's apple move."Abueme? What's with the..." Natigilan ang babae nang makita ako. Her eyes widen a bit. "You didn't tell me your wife's here," sabi nito. Ngumiti ito sa akin pero hindi ko siya pinansin at ibinalik ang t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status