Share

Chapter 2

Penulis: AislaU
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-28 21:00:06

"Ang sabi ko ingatan mo 'yong folder na 'yon! Hindi ka ba nakakaintindi?!"

Kaagad kong binuksan ang pinto ng opisina ni Nath nang marinig ang kaniyang malakas na sigaw. Sa mga sinabi niya ay alam ko na kung sino ang pinagtataasan niya ng boses.

"I'm sorry, nawala sa isip ko dahil madami akong—"

"Madaming ano? Tinrabaho o kinita mo na naman iyang lalaki mo?!" He yelled angrily.

Natahimik si April at nakita kong pinagsalikop niya ang mga kamay niya sa harap ng kaniyang hita.

"Sir, I don't—"

"Don't you dare lie in front of me, April..."

Aalis na sana ako pero kaagad ding napabalik sa kinatatayuan nang marinig ang huling linya ni Nath at nakita ang pagdaan ng sakit sa mga mata ni April.

"I know how filthy woman you are," malamig na sambit ni Nath sa kaniyang sekretarya. "Get out!" muli niyang sigaw.

"Nathaniel! What the hell?" Tumuloy na ako sa kaniyang opisina at lumapit kay April bago humarap sa kaniya. "I didn't know you could speak at a woman like that!" I said.

"Aleshca, please don't interfere with us. I know she's your best friend, but the folder she lost is important—"

"Is that enough to justify your hurtful words? Nathaniel, she has been working since yesterday, kahit hindi office hours nandito siya para tapusin iyang pinapagawa mo sa kaniya! Halos wala na nga siyang tulog eh!" sigaw ko.

"The folder—"

"The folder! The folder!" I said mocking him. "Wait, what folder?" tanong ko. "Iyong budget documents ba?"

Napatitig siya sa akin nang sambitin ko iyon.

"So, it's the budget documents, huh? Pinakuha ni Tita kay Kuya George ang budget documents sa table ni April kahapon, I thought alam mo?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni April at naramdaman ko ang kaniyang kamay sa sa laylayan ng damit ko na para bang doon na lang kumukuha ng lakas.

"Now, you say sorry to April—"

"It's fine, Miss Del Puerto... Can we just go out now, please?" Nakayuko nitong sabi sa mahinang boses habang hinihila nang kaunti ang damit ko upang ipahiwatig na tumigil na ako.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Nath and I could see the guilt written all over his face habang nakatingin kay April.

"Let's go, April. Mag-breakfast ka muna sa labas," ani ko at hinila siya palabas ng opisina.

Alam kong hindi pa rin sila nagkakaayos sa isyu nila sa isa't isa sa mga nakalipas na taon kaya naiintindihan ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Nagkaroon sila ng relasyon noong nasa kolehiyo pa kami pero nauwi sa sakitan at hiwalayan. Akala ko ay hindi na ulit sila magkikita pagkatapos ng lahat pero sa tingin ko, ang tadhana na ang gumawa ng paraan para magdugtong muli ang landas nilang dalawa.

"I apologize for my cousin's words. He really is a jerk," wika ko. "Bakit hindi ka na lang mag-resign at mag-apply sa kompanya niyo? Mahihirapan ka lang sa mga pinapagawa ni Nath sa'yo."

"Ayos lang. Experience na rin ito at masaya ako dahil nakakaya ko pa. Makakatulong ang mga pinapagawa niya sa akin para ma-develop itong skills ko. Mabuti na rin at gano'n siya sa akin para tratuhin niya na lang ako bilang isang normal na empleyado niya," mahabang sabi niya habang nginunguya ang pagkain niya.

"Normal na empleyado? Baka tuta ang tinutukoy mo."

"For your information, Nathaniel loves pet. Kaya ba ni Rooster trabahuin ang mga ginagawa ko? 'Di ba hindi?" She rolled her eyes.

"Wow naaalala mo pa ang anak niyo, bakit 'di mo bisitahin sa condo niya—"

"Oh, shut up, Aleshca!"

Natawa ako at dinagdagan ng ketchup ang plato niya dahil paubos na ito pero 'di pa rin ubos ang ulam niya.

"Magandang umaga po. P'wede ko po bang maitanong kung saan ang daan papuntang Ricorrere?" tanong ko sa isang lalaki nang ibaba ko ang window.

Wala kasing signal kaya hindi ko magamit ang Waze. Kung hindi ako magtatanong ay baka maligaw pa ako.

"Ay, sa Ricorrere po ba? Eh malayo pa po iyon dito. Ngayon lang po ba kayo nakapunta rito?" tanong ni Kuya.

"Ah, opo."

Tumango siya.

"Diretso lang po kayo at may makikita kayong archway sa kanan. Ricorrere di Ugalde po ang nakasulat."

"Salamat po, kuya," sabi ko at ngumiti. Ngumiti rin ito kaya nagmaneho na ako sa itinuro niyang direksyon.

Hindi pa ako nakakaapak sa Ricorrere pero nakikita ko na ito sa social media at magazine. Karamihan sa mga resort guests ay mga VIP at turista kaya tinitingala ang Ricorrere bilang isa sa mga largest luxury beach resort dito sa Pilipinas.

"Hala..." sambit ko nang biglang tumigil ang sasakyan ko. I immediately went out of the car and opened the hood to check what the problem was.

"Bwesit! Bakit ngayon pa?" I said out of frustration nang makita kung ano ang problema.

Nilabas ko ang phone ko at sinubukang humanap ng signal. Walang kotse na dumadaan at ako lang ang mag-isa sa highway. My car's battery is dead, and I can't contact anyone kasi nga walang signal. Kahit isang bar, wala.

Isinara ko ang hood ng aking sasakyan at umupo roon para pakalmahin ang sarili dahil parang nakakaramdam na ako ng pagpapanic.

Tatlong minuto ang lumipas simula nang mamatay ang battery ng sasakyan ko at hanggang ngayon hindi pa ako nakakaalis sa p'westo ko. Naghihintay ako ng sasakyan na dadaan upang makahingi ng tulong pero mawawalan na 'ata ako ng pag-asa sa paghihintay.

Huminga ako nang malalim kasabay ng pangingiig dahil sa malamig na hanging dumaan.

Nabuhayan din kaagad ako nang may marinig na tunog ng sasakyan kaya lumingon ako roon at nakita ang dalawang magkasunod na sports car. Tumayo ako at sinubukang parahin ang naunang itim na sports car. Siguro ay nakita ako ng nagmamaneho ng sasakyan dahil bumagal ang takbo nito.

Akala ko ay titigil ito sa harap ko pero nagulat ako nang nilagpasan na lang ako nito at bumalik sa normal niyang bilis. Sinundan ko ng tingin ang sasakyan at naiwan pa ring nakataas ang kanang kamay ko.

Dahil sa pagkatulala sa pandededma ng may-ari ng itim na sports car na 'yon ay hindi ko namalayan na tumigil sa harap ko ang nakasunod na berdeng sports car.

"Aleshca? What are you doing here?" Dinig kong tanong no'ng may-ari ng sasakyan nang ibaba nito ang window ng passenger seat.

Bumaling ang tingin ko sa kaniya at nang makitang si Austin iyon ay nakahinga ako nang maluwag.

Lumabas siya sa kaniyang sasakyan at dinaluhan ako.

"My batt's dead, so tumigil na lang nang biglaan ang sasakyan ko," ani ko.

Pumunta siya sa harap ng sasakyan ko at binuksan ang hood. "That's bad, you need to replace the battery. Buti na lang at nakita kita," sabi niya at tumingin sa akin.

"Can you help me out? Please?"

Mahina itong humalakhak at tumango. "You don't have to ask me because I will. Are you going to Ricorrere?"

"Yeah..."

"Then get your things. Ipakuha na lang natin 'to sa staff ng Ricorrere," Sinarado niya ang hood ng sasakyan ko at ako naman ay pumasok upang kunin ang mga gamit ko.

"P'wede ba akong magtanong?" I spoke. Nakasakay na ako at karaniwan siyang nagmamaneho patungo sa beach resort.

I'm in his car and if he's driving this car, then, I suppose, the first car that passed by might be one of his cousins.

"Go on."

"Who's driving that black sports car earlier?" tanong ko.

Kumunot ang kaniyang noo at saglit akong nilingon bago binalik ang tingin sa daan pero maya-maya rin ay mahina siyang tumawa na para bang alam na niya kung bakit ako nagtanong.

"Gan'yan na talaga si Brent, he ignores people. Siguro nilagpasan ka lang no'n kasi alam niyang tutulungan kita."

"Oh, okay. I see," Mahina kong sabi. I slightly rolled my eyes because I know that he did that on purpose.

Brent huh? Pangalan pa lang ay alam mo nang 'di mapagkakatiwalaan. How rude!

Nakamasid ako sa langit na ngayon ay dumidilim nang biglang lumagapak ang buhos ng ulan.

"Oh no..." bulong niya. "Maybe you could stay at Ricorrere tonight. The road's dangerous... Right! Are you going to personally check the Ricorrere?"

Tumango ako bilang tugon.

"I intend to pero siguro bukas na lang. May free pa bang room?" tanong ko.

Tumawa ito at tumango. "Madami. You can choose if you want. Kung puno e'di sana sa kwarto na lang kita," ani nito.

Namilog ang mata ko at bumaling sa kaniya nang nakakunot ang noo.

"Just kidding!" Hagalpak ang tawa niya nang makita ang reaksyon ko.

Lagpas tatlumpu't minuto ang dumaan bago siya lumiko sa isang daan kung nasaan ang grand archway ng Ricorrere di Ugalde. May ilaw kaya nakita ko agad ang disenyo. 

I was amazed with the style and material. Istilong baroque at flowy floral leaf ornaments. Sa center ay may shield-shaped cartouche. Gandang-ganda ako sa pagkakaukit ng disenyo. Disenyo na karaniwang nakikita sa espanya o sa ibang lugar ng europa.

It looks aged. Napag-aralan ko na 'to dati. Malayo pa lang, alam ko na. It has dramatic marble-like stone with a weathered patina. It looks majestic. Para ka lang pumasok sa archway ng palasyo.

Speaking of the structure, it's not just grand, it's massive and wide.

Alam mo na agad na papasok ka na sa isang luxury beach resort.

Mas maganda pa sana ito kung maliwanag at hindi umuulan.

Pagkatapos naming pumasok sa archway, ilang minutong pagmamaneho ay natanaw na namin ang malaking gate ng Ricorrere. Sa tabi nito ay may guardhouse pero mukhang kilala na nila ang may-ari ng sasakyan na ito kaya kaagad nilang binuksan ang gate.

Pagpasok namin ay sinalubong kami ng malaking fountain na may rumaragasang patak ng tubig. Totoo nga na mahilig talaga sa barok na istilo ang mga Ugalde.

Pinatuloy ako sa ground floor ng El Hotel Ricorrere sa banda kung saan makikita ang view ng isla. I can only say that the Ricorrere hotel and spots are very well constructed at kung ako ang tatanungin, they don't really have to renovate it. Pero ayon nga sa kanila kailangan para masigurado ang safety.

"Our family will be here tomorrow to tour you," Austin said.

Muntik na akong mabilaukan pero buti na lang at kaagad ko ring nainom ang tubig na inabot ni Austin sa akin.

Nasa dining room kami ngayon ng ground floor at maraming kumakain dito. Karamihan sa nakikita kong nasa loob ng dining room ay mga turista at mga propesyonal na nakasuot ng suit na tila ba nasa importanteng meeting.

Umubo ako at sinubukang i-absorb ang sinabi niya.

"Anong sinabi mo? Bakit naman? I can do it alone, at paanong—"

"I told them that you came here because you wanted to see the Ricorrere and that you would stay here. So, they said they'd come over tomorrow to show you around," anito bago sumimsim sa kaniyang kape. "Anyway, nagustuhan mo ba 'yong kwarto mo?"

"Yeah. Do I have a neighbor up there? Parang ang tahimik kasi sa floor na 'yon," wika ko. "Baka mamaya ako lang pala ang tao do'n."

"Tahimik talaga sa floor na 'yon. That floor is exclusive for VIPs, and no, you're not alone there. My cousin Abueme is your next-door neighbor. Sa villa ako tumutuloy, but if you didn't like the room, then you can—"

"No! Of course, I love the room!" Kaagad kong sabi bago niya maituloy ang sasabihin niya dahil masyado na akong nakakaabala. Lalo na dahil nagustuhan ko ang view mula sa kwarto na 'yon.

Hindi ako nagpaalam sa kanila na pupunta ako ngayon sa Ricorrere at nakakahiya naman dahil pinatuloy pa ako ni Austin sa exclusive room.

Habang nagk-kwentuhan kami ni Austin ay biglang bumaling sa likod ko ang kaniyang atensyon. He smirked.

"Brent! Come over here. Nandito si Architect. Baka gusto mong kausapin tungkol sa renovation," tawag niya rito. Hindi na ako lumingon at nagpatuloy lang sa pagkain.

Muling ibinalik sa akin ni Austin ang kaniyang paningin. "Brent was the one who suggested renovating the Ricorrere, kaya siguro mas makabubuti kung kayo ang mag-uusap," mahinang sambit nito.

Naramdaman ko ang paglapit ng kung sino sa pwesto namin. Hindi ko pa rin tinapunan ng tingin ang taong iyon dahil sa ginawa niyang pambabaliwala sa akin kanina. Mabuti na lang at kilala ako nitong si Austin dahil kung hindi ay baka mag-isa ako ngayon sa madilim na daan.

Nang makaupo na ito sa table namin ay pinakilala siya sa akin ni Austin. "Architect Aleshca, this is Abueme Brent, my cousin and the son of Abueno Ugalde."

I raised my eyebrows as I turned to face him with a small smile on my face. A fake one.

Nakatitig ito sa akin nang walang kahit anong emosyon sa mukha. He is wearing a gray terno sweatshirt and sweatpants on, at may nakasabit sa kaniyang leeg na tuwalya. His hair is wet at halatang kagagaling niya lang sa pagligo.

"I need to go," bumaba ang tingin ni Austin sa kaniyang relo. "I have a virtual meeting in thirty minutes. So, I have to go back to my room and prepare. See you tomorrow, and good night, Aleshca," Kumindat pa ito sa akin bago tumayo at iniwanan kaming dalawa ni Abueme Ugalde.

Nagtawag na rin si Austin ng waiter bago umalis.

Ni isa sa amin ay walang nagsalita kaya nang dumating ang pagkain niya ay tahimik na lang kaming kumain at hindi na nag-usap.

And hell, ito ang pinakaunang pagkakataon na napunta ako sa ganitong sitwasyon.

I am in an awkward situation with my client because the only noise at our table is the sound of our silverware.

But as I was in the middle of thinking, he suddenly spoke.

"We meet again," sabi nito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ruthless Storm   Special Chapter

    "I'm sorry," he heartbreakingly whispered to my ears.Napapapikit ako sa sakit. Dati ay kinaya ko naman ang pagl-labor pero ngayon ay parang mawawalan na 'ata ako ng malay sa sobrang sakit. Namamasa ang mata ko nang tingnan ko si Brent. Problemadong-problemado siya dahil napapadaing ako minsan at kapag ginagawa ko 'yon ay parang siya ang nasasaktan.Napansin ko ang pagbabago ng emosyon niya kapag nagre-reklamo ako sa mga nararamdaman ko simula no'ng nagbuntis ako sa pangalawang anak namin. Natatahimik siya at ginagawan niya ng paraan para maging komportable ako pero hindi ko rin mapigilan ang pagiging moody ko. Minsan ay inaaway ko siya, pinapatulog sa labas ng kuwarto, pinag-iinitan ng ulo, at pinagtataboy.Naalala ko pa noong araw na hindi niya lang ako nabilhan ng pagkain na gusto ko dahil sarado na ang pagbibilhan ay sobra sobra akong nagalit at pinagtabuyan siya pero tahimik lang siya, tinatanggap ang lahat, at nilalambing din pagkatapos.He was patient and gentle to me the whole

  • Ruthless Storm   Epilogue

    "Don't die..." her trembling voice echoed. Paos ang boses niya at umiiyak sa akin na parang bata.She had a nightmare while heavily pregnant with our second child, Abeliah Novi."Don't leave me again," she buried her face on my chest.She's sitting on my lap, arms tangled around me. Ayaw akong tingnan dahil natatakot siyang baka panaginip lang 'to."Baby... It's just a nightmare," I gently whispered to her, consolingly. "I am not dying."Umiling lang siya at umiyak pa. I sighed and caressed her belly. It's swelling. She's wearing a night dress, and I couldn't help but admire her every single day. I am so in love with her."Our Abeliah is making you emotional these days. I should scold her when she comes out," I said trying to lighten her mood.She didn't stop sobbing. She got even more trembling as second passes by."Fine, I'll call my doctor to come here," I said and reached for my phone on the table.This will be the only way to stop her from worrying. Kung wala akong gagawin ay bak

  • Ruthless Storm   Chapter 40

    Brent blinked. Nakatayo siya sa may pinto at mukhang nagulat sa nadatnan.Kunot ang noo ko nang tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Para bang may malaking okasyon at ayos na ayos ang porma niya."Ba't ka natameme d'yan?" tanong ko bago ibalik ang tingin sa salamin.I was wearing a simple yet elegant dress. Inayosan ako ni Talya kanina dahil gusto niyang maganda akong tingnan at nang matakot daw sa akin ang pamilya ng asawa ko.His eyes sparked, and he walked towards me. Imbes na sagutin ako ay pumunta siya sa likuran ko at tiningnan ako sa salamin. I was applying my peach lipstick, but I froze when I felt his body behind me. Niyakap niya ako at ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko.Nagpatuloy ako."Ganda..." bulong niya nang may maliit na ngiti sa labi.Pinilit ko ang sariling hindi mapangiti pero traydor ang labi ko."Nasa baba na sila?"Tumango siya at hinalikan ang balikat ko."They are entertaining our son. I hope he won't get tired," he said.Natawa ako at ibinaba a

  • Ruthless Storm   Chapter 39

    "No..." I softly shook my head when he added more foods on my plate.Nasa loob pa rin kami ng kuwarto at medyo umaayos na ang pakiramdam ko. He cuddled me to sleep, and when I woke up, foods are already here. Pinatawag niya na rin si Dayang para dalhin si Adino dito sa kuwarto para makasabay sa amin. Nang makarating naman sila ay nagpaalam nang aalis si Dayang para tulungan si Tita sa pag-aayos ng handa sa labas."Papa! Green!" turo ni Adino sa mga gulay na naroon pero 'yong kulay berde lang ang gusto niyang tikman.Sumulyap sa akin si Brent na para bang sinasabi niyang alam na niya kung saan natutunan ng anak namin ang pagkain ng gano'n. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niya bago subuan si Adino ng kaunting pechay na may sauce."Dahan dahan... Brent," sabi ko.Valen already trained Adino. Kung nalunok na niya ang pagkain ay saka lang niya e a-awang ang bibig niya para magpasubo. But Brent didn't know about it, so I was hesitating. Hindi pa niya alam ang tungkol sa kalusugan ni Adi

  • Ruthless Storm   Chapter 38

    I woke up feeling heavy and weak. Pinagpapawisan ako kahit nilalamig at giniginaw ang katawan ko.Ang init ng mga mata ko. Hindi ko alam bakit ako emosyonal at naiiyak. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko magawa sa panghihina. Nasa loob ako ngayon ng isang kuwarto.I tried to speak but no one's around.Umiyak ako at muling sinubukang bumangon pero bumalik lang ako sa pagkakahiga. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napunta ang tingin ko roon. Malabo ang mata ko sa luha dahilan para hindi ko makilala kung sino iyon."I'm cold..." I cried like a child.Mabilis itong lumapit sa puwesto ko dala-dala ang isang bagay na hindi ko rin makita dahil sa luha ko.Naramdaman ko ang pagdapo ng kamay niya sa pisngi ko at pagpunas niya ng luha sa gilid ng mga mata ko."I'm here. I'll get you another blanket," malalim ang boses nito. Boses ng lalaki.Nagtungo siya sa harap ng closet at may kinuha roon. Pagbalik niya ay may dala na siyang comforter. Nilatag niya iyon sa akin bago umikot sa kama at

  • Ruthless Storm   Chapter 37

    Tinitigan ko siya sa malabong reflection ng pinto ng elevator. Nakita kong magsasalita na sana siya pero bumukas na ang elevator dahil nakarating na kami sa groundfloor. I immediately left and walk away.It was too painful to think that he left me for almost a month just to be with that woman.I tried to compose myself because I can't let Adino see me like this. Like I am close to be torn apart. Mabilis ang hakbang ko pero napahinto ako nang may humawak sa palapulsuhan ko. Nakaramdam ako ng kuryente sa paraan ng paghawak. His hands were hot.Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero hindi ko 'yon matanggal. Iritado ko siyang hinarap."It's not like what you think," sabi niya.Matalim ko siyang tiningnan."Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo."His jaw clenched as his adam's apple move."Abueme? What's with the..." Natigilan ang babae nang makita ako. Her eyes widen a bit. "You didn't tell me your wife's here," sabi nito. Ngumiti ito sa akin pero hindi ko siya pinansin at ibinalik ang t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status