Share

Chapter 4

Author: AislaU
last update Last Updated: 2025-07-28 21:00:27

Chapter 4

"Mr. Ugalde, I hope this is not the first time na may nag-propose ng design at budget sa inyo. Sabi nga nila, quality is better than quantity," Diretso akong tumingin sa kaniya at inangat ang kilay bago ngumiti nang mapang-asar sa kaniya.

"Kung gusto niyo po ng mas maraming customer, mas maraming revenue, at magandang reputasyon, kailangan niyong mag-invest sa isang high-quality renovation project na magpapatingkad sa Ricorrere mula sa ibang beach resort."

I walked straight to his place at nakitang nakasarado ang folder sa harap niya na binigay ko. "Baroque is not inexpensive, and as you can see..." Binuksan ko sa harap niya ang folder at ipinakita ang budget proposal page. "For you to understand the costs, I have included breakdowns."

Nakatingala at titig na titig ito sa akin habang ako naman ay matalim siyang ginawaran ng tingin.

"I'm going to ask you, Mr. Ugalde. Should we get rid of the Ricorrere's exquisite baroque design na naging dahilan kung bakit nakukuha ang atensyon ng mga turista at guest?" I said, tilting my face slightly in his direction na parang nanghahamon.

Nakita ko ang bahagya niyang paglunok at pagbaba ng tingin sa aking labi.

May narinig akong pasimpleng pag-ubo sa tabi. "Kung ako ang tatanungin, Brent. In order to make a more substantial and elegant renovation, we should be investing in a pricey but superior design," wika ni Austin.

Dahan-dahan kong nilayo ang mukha sa kaniya at tumayo nang maayos para bumalik sa pinanggalingan ko kanina.

"I agree with Trevon, Kuya. We won't spend money on low-quality, inexpensive goods, right?" ani naman no'ng isang babae na katabi ni Austin.

Wala na akong narinig pa na iba kay Abueme pagkatapos but I noticed a small smirk on his lips pero nawala rin nang magsalita si Mr. Abueno Ugalde.

"Ano ka ba? Tinatanong mo pa ba ako, ang ganda nga e!" puri ni Talya nang itanong ko sa kaniya kung pangit ba ang gawa ko. "Bakit? 'Di ba nagustuhan ng klayente mo?"

"Nagustuhan naman," sabi ko at sinarado ang laptop ko. "Medyo nanghinayang lang ako."

"Sa sarili mo? Hello? Architect Nica? Ikaw ba 'yan?"

I rolled my eyes at umakyat papunta sa kwarto.

The moment he questioned my skills, parang ang liit kong tao sa harap nila. I was embarrassed. Napahiya ako sa harap ng team ng engineers at mga Ugalde nang sabihin niya ang mga 'yon.

I changed a few things in my design and studied the budget proposal all night long. Pero pinanindigan ko ang porposal na 'yon dahil alam ko sa sarili ko na tama naman at wala nang kailangang baguhin sa budget. Gano'n din naman ang mga Ugalde, maliban na lang sa isang 'yon.

Iginiya ako ni Austin sa isang Villa at sa loob no'n ay may dalawang kwarto sa ground floor at apat naman sa second floor. Sa likod ng Villa ay may pool.

Kung ang buong Ricorrere ang kaharian, ang hotel at bawat villa ay ang mga palasyo.

"This is your office," saad ni Austin pagkapasok namin sa isang kwarto sa second floor. "And the room beside this office will be your room kung kailangan mong matulog dito. Ricorrere will be closed after two days para masimulan na ang renovation."

Tumango ako.

"Villa mo ba 'to?" tanong ko.

Umiling naman siya.

"I was actually planning na doon ka na lang sa villa ko but then something happened kaya dito ka pinatuloy," aniya. "I'm sorry about Brent. He is not that strict, maybe he was just having a bad day."

"Let's just not talk about that. Isang linggo pa 'yon." Sinusubukan ko nang kalimutan ang nangyari pero naiinis pa rin talaga ako.

"Right. Anyway, I know you don't have a good impression of him, but I hope you two can get along kasi..."

"Kasi?"

"This is Brent's villa," aniya na ikinatigil ko.

Nilingon ko siya at hindi makapaniwalang tiningnan.

"Last time, you made me stay in his room and now dito naman sa villa niya? He hates me!" I said.

Tinaas niya ang magkabilang kamay niya na para bang sumusuko.

"And I hate him too!" Pahabol ko pa.

"It's not my idea, it was his," ani Austin at ngumiti. "Hindi naman siya palagi dito. Dati once a month lang 'yon pumupunta rito. You can stay here or...sa villa ko na lang? I can make Tita Claudia convince him," Loko-loko itong ngumisi.

"Dito na lang. At least he's not here," I rolled my eyes.

Nakita ko ang pagkawala ng ngisi sa labi niya.

"Alright, fine. I'll go ahead," aniya. "You can always contact the service attendant if you need something, nariyan lang naman ang number sa table mo. I'll see you later then, Architect Nica," He winked.

Nanatili muna ako sa office para ayusin ang folders at gamit na dinala ko roon. Binigyan na nila ako ng opisina rito nang malaman nilang ito lang ang proyektong tinanggap ko at wala na kong hinawakan pang iba.

Napag-isipan ko kasing ito lang muna ang proyektong pagtutuonan ko ng pansin hindi dahil 'di ko kayang mag time management kung tatanggap pa ako ng iba, kun'di dahil may mga trabaho rin kasi ako sa DelGue na kailangan ko ring pagtuonan.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako nang kung anong ingay sa ibaba pero hindi ko na 'yon pinansin at pinagpatuloy na lang ang ginagawa.

I was checking some folders nang biglang bumukas ang pinto ng aking opisina.

Napalingon ako roon at kaagad na napatayo nang makita kung sino ang pumasok. It was Ma'am Claudia and Sydnie Ugalde.

Ngumiti ako at tumayo para lapitan sila at batiin.

"I would like to apologize sa mga nasabi ng anak ko..." Pagsisimula ni Ma'am Claudia nang makaupo sila sa couch na nasa harap ng aking working table.

"N-no, you don't have to apologize po. It's okay po talaga. Maybe he's just confuse at sabi rin po kasi ni Austin na baka hindi maganda ang araw niya," ani ko at nahihiyang ngumiti.

"Kung nandoon lang talaga ako, gugutungan ko 'yon. Anong gusto niya? Iyong mura pero mapapamura siya sa quality?" wika naman ni Sydnie.

Tinabig siya ni Ma'am Claudia kaya natahimik siya.

"Hija, kahit tama si Austin, my son still has no right to question your skills," I saw the sincerity in Ma'am Claudia's expression.

"I'm sorry, Architect. Maybe Kuya just remembered something and couldn't get over it," Humalakhak si Sydnie na mukhang may naalala.

Tumango ako at ginawaran sila nang munting ngiti.

Nagkaroon kami ng maliit na kwentuhan at usapan tungkol sa Ricorrere bago sila nagpaalam na pupunta sa kanilang Villa.

It was already dark nang lingunin ko ang bintana kaya nagpasya akong lumabas at pumunta sa parking space para kunin ang extra clothes ko.

"Pakisabi kay Tito, dito na ako matutulog sa Ricorrere," I voice messaged Talya bago binuksan ang sasakyan at kinuha roon ang mga gamit ko.

Kaagad din naman akong nakatanggap ng reply voice message, "Oo raw sabi ni Papa basta walang boys."

Nagtipa naman ako ng reply sa kaniya.

Ako:

Ok po.

Nang maisara ko na ang sasakyan ko ay siyang pagdating din ng isang pamilyar na sasakyan. Isang itim na BMW.

Galante talaga ang mga customer ng Ricorrere.

Marami pa rin akong nakikitang tao dito sa Ricorrere kahit tumigil na sa pagtanggap ng bookings ang resort. Siguro ang mga guest na narito ngayon ang huling customer na nag-book.

Aalis na sana ako pero nang makita ko kung sino ang lumabas sa sasakyan na 'yon ay kaagad akong nagtago.

I knew it! Kaya naman pala pamilyar dahil nakasakay na ako roon.

Why is Ralph here?!

Mabuti na lang at hindi niya ako nakita. He is wearing a classic formal attire.

Hinintay ko muna siyang pumasok sa hotel bago ako lumabas sa pinagtataguan ko at nagmamadaling bumalik sa Villa.

Dapat ay hindi niya ako makita rito dahil hindi na naman niya ako titigilan. It scares me knowing what he can do if no one's with me.

Huminga ako nang malalim nang makapasok ako sa villa at naghanap din kaagad ako ng tubig sa ref para pakalmahin ang sarili sa kaba na naramdaman ko kanina.

"You're here," Isang boses ng lalaki ang nagpaigtad sa akin.

Lumingon ako sa kaniya nang nanginginig at bumibilis ang tibok ng puso. I placed my hand on my chest when I saw who it was.

It was Abueme. He was also stunned by the way I reacted.

"You startled me," I sighed.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at ininom ang tubig na kinuha ko sa ref. Gusto ko sana siyang tanungin kung kararating niya lang dito sa villa pero nang makita ko ang katawan niya ay hindi na ako nakapagsalita.

He's topless and only wearing his gray sweatpants. His dark, wet hair is slightly messy, giving him a sturdy and effortlessly attractive look. Ang mga patak ng tubig mula sa kaniyang buhok ay tumutulo sa kaniyang malaking katawan.

His manly body glistens under the light, showing off his defined muscles. Ang kaniyang matalim at masungit na titig ay nagtataglay ng kaakit-akit na awra na mahirap tanggihan.

It's as if he effortlessly commands attention and leaves every woman around him in awe.

"Loving the view?" he asked, smirking and tilting his head slightly in my direction.

Bahagya akong umiwas ng tingin at lumayo nang kaunti sa kaniya.

Mahina akong tumawa, "Nagulat lang ako, hindi ka naman pala maskulado," ani ko at binaling ang tingin sa water bottle, kunwari ay binabasa ang brand at nutrition facts na nakalagay doon.

"Edited lang pala 'yong post ni Sydnie sa I*******m," I added, recalling the picture that Sydnie recently uploaded three days ago.

Kasama niya ang mga pinsan niya sa larawan na 'yon at isa roon ay si Abueme na walang suot na pang-itaas at may hawak na surfboard. Hindi ko alam na ganito pala ang itsura ng kaniyang katawan sa personal. Nakakahulog ng panga.

"Hindi ka marunong kumilatis ng katawan at ugali. No wonder you've chosen to be with Mr. Gonzales," aniya na nagpakunot ng aking noo.

"Excuse me?" Na-offend ako sa sinabi niya.

"I'm going to put on my top. Are you done feasting on my body, or do you want more?" His voice was laced with amusement as he spoke.

I laughed in disbelief, "You're so full of yourself-"

Tinalikuran na niya ako kaya mas lalo akong nainis. This man is really something!

Umakyat na ako at pumasok sa kwartong tinutukoy ni Austin.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay humiga na ako sa queen size bed ng kwarto. I was scrolling on my social media when suddenly, I heard a knock on my door. Bumangon ako at nagtungo roon upang pagbuksan ng pinto.

"Good evening, Ma'am. Inaanyayahan po kayo ni Mr. Austin Ugalde sa dining hall para kumain," ani ng babaeng nakasuot ng Ricorrere service crew attire.

Kung una mo siyang titingnan ay aakalain mong isa siyang guest ng resort dahil sa kinis ng kaniyang balat. She looks like a runway model!

I noticed her dark under eyes, namumula rin ang kaniyang mga mata na tila ba kagagaling lang sa iyak. She was smiling brightly even though she looks tired.

Iginiya ako ng crew sa dining hall pagkapasok namin sa hotel kung nasaan si Austin at nang ituro niya sa akin ang table ay nakita kong kasama ni Austin si Abueme. Sasabihan ko sana siyang puwede nang umalis pero hindi ko na naituloy nang makita ko si Ralph sa kabilang table. Kaagad akong nagtago sa likod ng service crew at binubulungan siyang huwag siyang aalis sa harapan ko at igiya na lamang ako sa table habang nakaharang siya sa akin. Sumunod naman ito sa sinabi ko.

"Why are you hiding?" tanong ni Austin nang mapansin ang mabilis kong pag-upo sa tabi ni Abueme na nakatalikod sa table nila Ralph.

Abueme glanced at me.

"Thank you," Pagpapasalamat ko sa babae at nginitian niya lamang ako bago umalis.

"Madami pa ring guest at turista ngayon, nakakahiya naman sa suot ko," Pagku-kunwari ko.

"There's nothing wrong with your fit," ani Austin habang tinitingnan ang suot ko

"K-Kumain na tayo, gutom na 'ko," Inabot ko ang gulay sa harap ko.

"Vegetarian ka na?" si Austin habang hinahati ang karne sa kaniyang plato.

Umiling ako. "These are greens, and...greens are healthy," I said bago kinain ang spinach. Nakatuon ako sa pagkain ko pero napalingon ako kay Abueme nang maramdaman ang matagal niyang pagtitig sa akin.

"What?" Naiirita kong sambit at tinaasan siya ng kilay.

Hindi ko pa nakakalimutan ang mga remark niya noong proposal presentation ko. How dare he question my ability?

"You resemble a goat munching on grass," aniya at masungit na binaling ang atensyon sa pagkain niya.

"Gago 'to ah," bulong ko na sinasadyang iparinig sa kaniya pero binaliwala lang niya.

Natigilan ako nang makitang halos mamatay na sa pagpipigil nang tawa si Austin.

"Nakakatawa?" tanong ko nang may panghahamon at sarkasmong tono. I rolled my eyes at him and continued eating my food.

"Saan po ang banyo dito?" tanong ko sa isang crew.

Iniwan ko muna saglit ang dalawa dahil naiihi na ako at hindi ko na mapigilan ang pantog ko. Itinuro niya rin sa akin kaya nagmadali akong pumasok doon.

While fixing myself in the mirror pagkatapos kong magbanyo ay may pumasok na dalawang babae.

"Parang pamilyar 'yong lalaki, may kamukha siyang politiko..." ani noong isang babae.

Kumalabog ang puso ko nang sambitin niya ang politiko. Damn, I forgot he's here.

"Ang pogi ah. May jowa na kaya 'yon?"

Nilagpasan ko silang dalawa at nang nasa harap na ako ng pinto ay hinihiling ko sa kataas-taasan na sana ay hindi ako nakita ni Ralph at sana ay wala siya roon sa labas. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko na tila ba nag-iingat at baka may halimaw na lalabas sa kawalan.

Hihinga na sana ako nang maluwag nang wala akong makitang bakas ni Ralph pero kaagad ding nawala ang kaginhawaan nang maamoy ko ang pabango niya at makaramdam ng presensya sa likod.

Oh no.

"Niña," Napapikit ako nang marinig ang boses niya.

Kinakabahan man ay sinubukan kong magtapang-tapangan at hinarap siya na parang hindi na nagulat sa kaniyang presensya.

"Hinahanap kita at sinusubukang tawagan pero hindi kita ma-contact. Did you block me on your social media?" tanong nito.

"Ano naman ngayon?"

Sinubukan niyang lumapit at hawakan ako pero pinigilan ko siya.

"Don't even dare, Ralph. My fiancé is here. He will get mad once some man touches me." I spoke, trying to scare him away. Pinagkrus ko ang aking mga braso, sinusubukang panatilihing matapang ang aking ekspresyon. "Besides, he's not someone you want to mess with. Trust me."

Nandilim ang tingin niya sa akin. "You're engaged?"

"Hindi mo alam? I thought you'd be good at invading someone's privacy," ani ko.

Bumaba ang tingin nito sa kamay ko kaya pasimple ko itong itinago.

"I see no ring on your finger," he pointed out. "Niña, just stop avoiding me and let's fix us. I will marry you," Lumapit ito sa akin kaya napaatras ako. "I will put ring on your-"

He couldn't finish what he was going to say when someone suddenly grabbed my waist.

"Darling," bulong ni Abueme, pero sapat na para marinig ni Ralph. "What took you so long? I'm sleepy." He buried his face against my shoulder and let out a deep sigh.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ruthless Storm   Special Chapter

    "I'm sorry," he heartbreakingly whispered to my ears.Napapapikit ako sa sakit. Dati ay kinaya ko naman ang pagl-labor pero ngayon ay parang mawawalan na 'ata ako ng malay sa sobrang sakit. Namamasa ang mata ko nang tingnan ko si Brent. Problemadong-problemado siya dahil napapadaing ako minsan at kapag ginagawa ko 'yon ay parang siya ang nasasaktan.Napansin ko ang pagbabago ng emosyon niya kapag nagre-reklamo ako sa mga nararamdaman ko simula no'ng nagbuntis ako sa pangalawang anak namin. Natatahimik siya at ginagawan niya ng paraan para maging komportable ako pero hindi ko rin mapigilan ang pagiging moody ko. Minsan ay inaaway ko siya, pinapatulog sa labas ng kuwarto, pinag-iinitan ng ulo, at pinagtataboy.Naalala ko pa noong araw na hindi niya lang ako nabilhan ng pagkain na gusto ko dahil sarado na ang pagbibilhan ay sobra sobra akong nagalit at pinagtabuyan siya pero tahimik lang siya, tinatanggap ang lahat, at nilalambing din pagkatapos.He was patient and gentle to me the whole

  • Ruthless Storm   Epilogue

    "Don't die..." her trembling voice echoed. Paos ang boses niya at umiiyak sa akin na parang bata.She had a nightmare while heavily pregnant with our second child, Abeliah Novi."Don't leave me again," she buried her face on my chest.She's sitting on my lap, arms tangled around me. Ayaw akong tingnan dahil natatakot siyang baka panaginip lang 'to."Baby... It's just a nightmare," I gently whispered to her, consolingly. "I am not dying."Umiling lang siya at umiyak pa. I sighed and caressed her belly. It's swelling. She's wearing a night dress, and I couldn't help but admire her every single day. I am so in love with her."Our Abeliah is making you emotional these days. I should scold her when she comes out," I said trying to lighten her mood.She didn't stop sobbing. She got even more trembling as second passes by."Fine, I'll call my doctor to come here," I said and reached for my phone on the table.This will be the only way to stop her from worrying. Kung wala akong gagawin ay bak

  • Ruthless Storm   Chapter 40

    Brent blinked. Nakatayo siya sa may pinto at mukhang nagulat sa nadatnan.Kunot ang noo ko nang tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Para bang may malaking okasyon at ayos na ayos ang porma niya."Ba't ka natameme d'yan?" tanong ko bago ibalik ang tingin sa salamin.I was wearing a simple yet elegant dress. Inayosan ako ni Talya kanina dahil gusto niyang maganda akong tingnan at nang matakot daw sa akin ang pamilya ng asawa ko.His eyes sparked, and he walked towards me. Imbes na sagutin ako ay pumunta siya sa likuran ko at tiningnan ako sa salamin. I was applying my peach lipstick, but I froze when I felt his body behind me. Niyakap niya ako at ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko.Nagpatuloy ako."Ganda..." bulong niya nang may maliit na ngiti sa labi.Pinilit ko ang sariling hindi mapangiti pero traydor ang labi ko."Nasa baba na sila?"Tumango siya at hinalikan ang balikat ko."They are entertaining our son. I hope he won't get tired," he said.Natawa ako at ibinaba a

  • Ruthless Storm   Chapter 39

    "No..." I softly shook my head when he added more foods on my plate.Nasa loob pa rin kami ng kuwarto at medyo umaayos na ang pakiramdam ko. He cuddled me to sleep, and when I woke up, foods are already here. Pinatawag niya na rin si Dayang para dalhin si Adino dito sa kuwarto para makasabay sa amin. Nang makarating naman sila ay nagpaalam nang aalis si Dayang para tulungan si Tita sa pag-aayos ng handa sa labas."Papa! Green!" turo ni Adino sa mga gulay na naroon pero 'yong kulay berde lang ang gusto niyang tikman.Sumulyap sa akin si Brent na para bang sinasabi niyang alam na niya kung saan natutunan ng anak namin ang pagkain ng gano'n. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niya bago subuan si Adino ng kaunting pechay na may sauce."Dahan dahan... Brent," sabi ko.Valen already trained Adino. Kung nalunok na niya ang pagkain ay saka lang niya e a-awang ang bibig niya para magpasubo. But Brent didn't know about it, so I was hesitating. Hindi pa niya alam ang tungkol sa kalusugan ni Adi

  • Ruthless Storm   Chapter 38

    I woke up feeling heavy and weak. Pinagpapawisan ako kahit nilalamig at giniginaw ang katawan ko.Ang init ng mga mata ko. Hindi ko alam bakit ako emosyonal at naiiyak. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko magawa sa panghihina. Nasa loob ako ngayon ng isang kuwarto.I tried to speak but no one's around.Umiyak ako at muling sinubukang bumangon pero bumalik lang ako sa pagkakahiga. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napunta ang tingin ko roon. Malabo ang mata ko sa luha dahilan para hindi ko makilala kung sino iyon."I'm cold..." I cried like a child.Mabilis itong lumapit sa puwesto ko dala-dala ang isang bagay na hindi ko rin makita dahil sa luha ko.Naramdaman ko ang pagdapo ng kamay niya sa pisngi ko at pagpunas niya ng luha sa gilid ng mga mata ko."I'm here. I'll get you another blanket," malalim ang boses nito. Boses ng lalaki.Nagtungo siya sa harap ng closet at may kinuha roon. Pagbalik niya ay may dala na siyang comforter. Nilatag niya iyon sa akin bago umikot sa kama at

  • Ruthless Storm   Chapter 37

    Tinitigan ko siya sa malabong reflection ng pinto ng elevator. Nakita kong magsasalita na sana siya pero bumukas na ang elevator dahil nakarating na kami sa groundfloor. I immediately left and walk away.It was too painful to think that he left me for almost a month just to be with that woman.I tried to compose myself because I can't let Adino see me like this. Like I am close to be torn apart. Mabilis ang hakbang ko pero napahinto ako nang may humawak sa palapulsuhan ko. Nakaramdam ako ng kuryente sa paraan ng paghawak. His hands were hot.Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero hindi ko 'yon matanggal. Iritado ko siyang hinarap."It's not like what you think," sabi niya.Matalim ko siyang tiningnan."Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo."His jaw clenched as his adam's apple move."Abueme? What's with the..." Natigilan ang babae nang makita ako. Her eyes widen a bit. "You didn't tell me your wife's here," sabi nito. Ngumiti ito sa akin pero hindi ko siya pinansin at ibinalik ang t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status