Share

Chapter 5

Penulis: AislaU
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-30 14:11:19

"Who's this guy? Is he bothering you?" he said with seriousness in his tone.

Gulat pa rin ako sa biglaan niyang pagdikit sa akin. Halos marinig ko ang kalabog ng puso ko sa sobrang lapit ng mainit niyang katawan sa likod ko.

Anong ginagawa niya?

Naramdaman ko ang kiliti nang bumulong ito sa tenga ko at tanging kaming dalawa lang ang makaririnig. "Just play along. I'm helping you out," mahinang sabi nito.

"N-no, he's someone I know..." sagot ko sa kaniyang tanong kanina at ngumiti nang matamis bago humarap sa kaniya.

Upang magmukhang totoo ay niyakap ko si Abueme at tiningala siya. Naramdaman kong medyo nagulat siya pero kaagad din itong sumeryoso.

Kinuha nito ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Kunwari pa ay nagulat siya nang makita iyon. "You're not wearing your ring?"

"N-naiwan ko sa villa."

I hope tumalab ito kay Ralph. Binitawan ni Abueme ang aking kamay at ipinatong ang kaniyang kamay sa aking ulo.

"Mind introducing me?" aniya habang hinahaplos ang aking buhok.

Lumingon siya sa likod ko kaya naman humiwalay ako sa kaniya nang kaunti.

"Mr. Gonzales, this is my fiance, Abueme Brent Ugalde," I proudly said.

Nakita ko ang hindi mawala-walang gulat sa mukha ni Ralph habang pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Abueme.

"Darling, this is Mr. Ralph Gonzales, the son of Governor Gonzales," malambing kong sabi kay Abueme.

Tumango ito kay Ralph. "I see," Bumalik ang tingin nito sa akin. "Let's go, I'm sleepy," sambit nito.

Tumango ako.

"See you around, Mr. Gonzales," Pormal kong paalam dito bago hinawakan ang kamay ni Abueme.

Hawak pa rin namin ang kamay ng isa't isa paglabas namin ng Hotel. Sabi ni Abueme ay nauna nang umalis si Austin dahil may inaasikaso pa ito.

"He's stalking you around, don't let go," ani ni Abueme. Titingin na sana ako sa likod pero pinigilan niya ako. "Don't look, baka makahalata siya." Sumunod naman ako.

Nang makapasok na kami sa villa ay para akong nakuryenteng lumayo sa kaniya.

"Gosh..." bulong ko. Napahawak ako sa dibdib ko.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi naman na ako kinakabahan.

I glanced at him. He was just there, standing and staring at me intently.

"A-ano?" Pinanlakihan ko siya ng mata.

Hindi ko akalain na dahil lang sa pagdidikit ng balat namin ay parang kabayong tumatakbo ang puso ko.

Umiling ako sa sarili.

Hindi ko lang 'ata napansin na natatakot at kinakabahan ako nang magsinungaling ako kay Ralph. Imposibleng si Abueme ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito at hindi rin ako papayag na siya ang dahilan!

Hindi siya nagsalita, animo'y may hinihintay mula sa akin.

"You know what? Iisipin ni Ralph na talagang ikaw ang fiance ko. Kapag nalaman niyang hindi totoo ang mga pinakita natin, baka sirain ka niya. Ayaw niyang pinagsisinungalingan siya. You don't know him, he might-"

"He might what?" kunot noo nitong tanong. "Kill me?"

Hindi ako nakapagsalita nang makita ang galit sa kaniyang mga mata. Napalunok ako.

I feel like I'm crazy for thinking he's hot when he's upset. Magkasalubong ang makapal niyang kilay at kitang-kita ang pag-igting ng kaniyang panga.

Damn-What the hell?

"Kilalang kilala mo siya ah. You're that scared of him?" aniya.

"Hindi ako takot sa kaniya. Takot ako sa kaya niyang gawin. I know him well-"

"And you still chose him to be with you? Pumayag kang maging boyfriend siya," wika nito na para bang ang tanga tanga ko naman at pinili ko ang isang 'yon.

"Ex-boyfriend," I said.

"Oh yeah, but he was-"

"Teka nga. Saan na ba patungo 'tong usapan na 'to? Pakialam mo ba kung naging boyfriend ko siya? I thought he was a good guy kaya nagpaligaw ako sa kaniya-"

"And I wasn't?" makahulugang sabi nito at seryoso akong tinitigan. Para bang may malaki akong kasalanan sa kaniya. "That's the reason bakit madaling maloko ang mga babae. They will believe kung ano ang unang pinapakita ng lalaki at iisipin nilang totoo ang lahat ng 'yon. What a fool? You're so stupid, really," dagdag niya.

"Hindi ako tanga, Mr. Ugalde. Kung tanga ako, e'di sana kami pa rin. If a man does something I don't like, iiwan ko siya at hinding hindi ko babalikan," sambit ko. Pinagkrus ko ang aking braso sa aking dibdib. "At saan naman nanggaling 'yang mga sinasabi mo? Naging manliligaw ba kita?"

He was taken back by my statement but he then chuckled like it was a stupid question.

"Alam mo, mas lalo lang akong nagkaproblema sa'yo?" Humawak ako sa sentido ko.

"You're welcome," masungit nitong sabi.

"Paano ko paninindigan ang sinabi ko sa kaniya? Alam mo bang kahit saan ay may source siya?" Bumuntong-hininga ako.

Bakit ko ba naisip na excuse 'yon?

"I can pretend to be your fiance," sabi nito na nagpatigil sa 'kin.

"No way! Baka isipin ng iba ay nakuha ko 'tong project na 'to dahil fiance ako ng anak nila. No frickin' way!" I uttered.

"Hindi naman para sa iba ang pagpapanggap natin. They won't know I'm your fiance, unless you tell them. Si Mr. Gonzales lang ang may alam, and that's the point. Anyway, it's up to you, I am just helping you out. Expect him to continue following you around," Tumalikod ito at aalis na sana pero pinigilan ko siya.

Tama siya. Wala akong choice kung hindi ang magpanggap hanggang sa tuluyan nang lumayo si Ralph.

"Sige, papayag ako. Basta, huwag ka masyadong dumikit sa akin."

"Are you serious? Ako na nga itong tumutulong. Remember, this is not a deal. I receive nothing in return. It will be beneficial only to you," he said in a serious tone, upset.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko at pinaglaruan. Para akong kawawang sisiw.

"S-sorry. Thank you sa offer," Hindi ako makatingin sa kaniya.

Ano nga ba naman ang matatanggap niya kung papayag ako o hindi? Ako lang itong may problema at nagsa-suggest lang siya kung anong p'wedeng gawin. Niligtas na nga niya ako kanina.

"Thank you rin kanina," dagdag ko.

"That's what I'm waiting for," Tumalikod na siya at naglakad papuntang hagdan. Bago ito umakyat ay nagsalita siya. "He was with politicians, I heard they will stay here until tomorrow."

Nang magising ako kinaumagahan ay naligo na ako at nagpalit ng casual na damit upang lumabas ng villa.

Bukas na sisimulan ang renovation and everyone is ready including the renovation contractors. Naka-schedule ngayon ang pagdating ni Mr. Azcensco Eduardo Ugalde mula sa Spain kaya magtitipon-tipon ang team at pamilyang Ugalde sa private dining hall ng hotel mamayang gabi.

Pagbaba ko ay may narinig akong ingay sa kusina kaya naglakad ako papunta roon upang sumilip. Natulala ako nang maabutan siyang nagluluto habang walang suot na pang-itaas kun'di apron lang.

Damn this man. It's early in the morning and here I am, almost drooling for him.

Napansin niya ang presensya ko at hindi nakatakas sa akin ang ngisi niya nang mapansin niyang nakatingin ako sa katawan niya.

I rolled my eyes and walked closely to see what he was cooking.

"Himala, marunong kang magluto ng adobo? Hindi halata ah," sabi ko. "Mukha ka kasing spoiled mama's boy."

"Well, this spoiled mama's boy lives alone and learned how to cook by fifteen. But I will still take that as a compliment, Architect Nica," anito at pinatay ang stove.

"Gusto ko ring subukan magluto rito," I mumbled. "Akala ko 'di mo ginagamit 'tong kusina mo, halos sa dining hall na kayo kumakain."

Hindi na siya nagsalita.

Habang may ginagawa siya sa countertop ay hindi ko napigilang magtanong, "Hindi mo ba namimiss ang luto ng mama mo?" I asked curiously.

I don't even know how's the feeling of having a mother cooking for me.

Bigla itong lumapit sa akin at sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw.

"A-Anong ginagawa mo?" kabado kong tanong.

He arched his face towards me kaya pumikit ako sa maaari niyang gawin. Parang gumagalaw ang mundo sa lakas ng tibok ng puso ko.

Ilang sandali pa akong naka-gano'n at saka lang siya nagsalita.

"You're getting on my way," sabi niya dahilan para mapamulat ako at mahiya sa ginawang pagpikit.

I moved out of the way to let him grab what he needed from behind me. Nang makita kong kumuha siya ng plato sa dish rack ay lumayo ako sa kaniya at kaagad na napahawak sa nag-iinit kong pisngi.

My heart is frickin' racing! Calm the hell down!

Ibinalik ko ang tingin sa kaniya at nahuli ko ang bahagya niyang pagngisi pero nang makita ako nito ay napawi iyon at saka siya umiwas ng tingin. Pasimple siyang umubo nang makitang nakatitig pa rin ako sa kaniya.

"Kasalanan mo 'to! Sinasadya mong asarin ako!" inis kong asik.

"What do you mean?" kalmado at inosente nitong tanong habang nagtitimpla ng kape.

"I hate you!" I exclaimed.

Natigilan ito sa aking sinabi at tumingin sa akin nang may nandidilim na ekspresyon.

"Our feeling's mutual, Architect. I hate you, too. Now, leave my kitchen," matigas nitong sabi nang may awtoridad.

I feel humiliated by the way his voice pushed me away. Parang may nabasag na kung ano sa akin nang makita ang galit nito. Why is he so mad at me?

"I don't even know why Sydnie and Austin are so fond of you. Ano bang pinakain mo sa kanila?" His disgusted face made me tremble.

"Ano bang ikinagagalit mo sa akin at ganiyan ka makapagsalita?"

"Ikinagagalit? Why would I be mad? Sino ka ba? You're only hired here because Sydnie likes you, that brat always gets what she wants..." aniya. "Oh right, maybe I'm wrong. Maybe you're only hired because you're carrying your father's name. Daughter of the former architect, Mr. Emmanuel Niño Del Puerto. How disgusting-"

Hindi ko na nakontrol ang kamay ko at dumapo na ito sa kaniyang pisngi.

"H-How dare you?" I said as I saw the shock all over his face.

"I...I've been trying to ignore those whispers that I was only known because of my father..." Hindi ako makahinga habang nagsasalita kaya sinubukan kong lumanghap ng hangin. "Na kaya ako kinukuha ng mga klayente ko ay dahil anak ako ng magaling na Architect at hindi dahil...sa nabuo kong pangalan. Hindi dahil magaling ako..."

My heart cried with painful beatings. Nanggilid ang luha ko habang ikinukuyom ang aking kamay.

"You questioned my skills and ruined the confidence I built for myself. You humiliated me in front of the team and made me doubt my ability!" asik ko. "I spent my life trying to prove everyone that I could do better!" The weight of my words crushed me, reminding me of what I'd been through.

"I want to be known not as the daughter of my father but as someone who is knowledgeable in my field. How dare you question my hard work?!" Tuluyan na ring tumulo ang luha sa aking pisngi.

It took a lot of courage to ignore the doubts and insecurities that had haunted me for years. But him questioning my hard work and passion has brought back those doubts, making me feel like all my progress was nothing.

"A-Ang sama ng ugali mo!" tanging naisigaw ko bago siya tinalikuran at umalis.

It's frustrating to know how easily people can destroy one's progress with hurtful words.

I was wiping my tears while walking towards the hotel but someone stopped in front of me.

"What's wrong?" Boses ni Ralph. "Are you alright? Bakit ka umiiyak?" tanong nito at lumapit pa sa akin kaya kaagad akong napaatras.

"W-Wala... Napuwing lang ako," sabi ko habang sinusubukang itago ang mukha ko mula sa kaniya.

Habang pinupunasan ko ang aking luha ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinipilit ito na ibaba upang makita nang tuluyan ang mukha ko. Inalis ko ang kamay niya at galit siyang ginawaran ng tingin.

"You're lying. Is this because of your fiance? Sinaktan ka ba niya?" aniya.

Umiling ako. "No, and don't touch me."

"Then who made you upset?" anito. Nanlambot ang kaniyang ekspresyon. "Is it because of me? Dahil ba mahal mo pa rin ako?" Hinawakan niya ang braso ko kaya sinubukan kong alisin ulit iyon pero mas humigpit lamang ang hawak niya rito.

"Break your engagement with him. Let's get married. Bibigyan kita ng magandang buhay, Niña. Ibibigay ko sa'yo ang lahat ng yaman ko basta balikan mo lang ako. Mahal na mahal din kita. Let's start over again-"

Bago pa man ako magsalita ay may humigit sa akin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ruthless Storm   Special Chapter

    "I'm sorry," he heartbreakingly whispered to my ears.Napapapikit ako sa sakit. Dati ay kinaya ko naman ang pagl-labor pero ngayon ay parang mawawalan na 'ata ako ng malay sa sobrang sakit. Namamasa ang mata ko nang tingnan ko si Brent. Problemadong-problemado siya dahil napapadaing ako minsan at kapag ginagawa ko 'yon ay parang siya ang nasasaktan.Napansin ko ang pagbabago ng emosyon niya kapag nagre-reklamo ako sa mga nararamdaman ko simula no'ng nagbuntis ako sa pangalawang anak namin. Natatahimik siya at ginagawan niya ng paraan para maging komportable ako pero hindi ko rin mapigilan ang pagiging moody ko. Minsan ay inaaway ko siya, pinapatulog sa labas ng kuwarto, pinag-iinitan ng ulo, at pinagtataboy.Naalala ko pa noong araw na hindi niya lang ako nabilhan ng pagkain na gusto ko dahil sarado na ang pagbibilhan ay sobra sobra akong nagalit at pinagtabuyan siya pero tahimik lang siya, tinatanggap ang lahat, at nilalambing din pagkatapos.He was patient and gentle to me the whole

  • Ruthless Storm   Epilogue

    "Don't die..." her trembling voice echoed. Paos ang boses niya at umiiyak sa akin na parang bata.She had a nightmare while heavily pregnant with our second child, Abeliah Novi."Don't leave me again," she buried her face on my chest.She's sitting on my lap, arms tangled around me. Ayaw akong tingnan dahil natatakot siyang baka panaginip lang 'to."Baby... It's just a nightmare," I gently whispered to her, consolingly. "I am not dying."Umiling lang siya at umiyak pa. I sighed and caressed her belly. It's swelling. She's wearing a night dress, and I couldn't help but admire her every single day. I am so in love with her."Our Abeliah is making you emotional these days. I should scold her when she comes out," I said trying to lighten her mood.She didn't stop sobbing. She got even more trembling as second passes by."Fine, I'll call my doctor to come here," I said and reached for my phone on the table.This will be the only way to stop her from worrying. Kung wala akong gagawin ay bak

  • Ruthless Storm   Chapter 40

    Brent blinked. Nakatayo siya sa may pinto at mukhang nagulat sa nadatnan.Kunot ang noo ko nang tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Para bang may malaking okasyon at ayos na ayos ang porma niya."Ba't ka natameme d'yan?" tanong ko bago ibalik ang tingin sa salamin.I was wearing a simple yet elegant dress. Inayosan ako ni Talya kanina dahil gusto niyang maganda akong tingnan at nang matakot daw sa akin ang pamilya ng asawa ko.His eyes sparked, and he walked towards me. Imbes na sagutin ako ay pumunta siya sa likuran ko at tiningnan ako sa salamin. I was applying my peach lipstick, but I froze when I felt his body behind me. Niyakap niya ako at ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko.Nagpatuloy ako."Ganda..." bulong niya nang may maliit na ngiti sa labi.Pinilit ko ang sariling hindi mapangiti pero traydor ang labi ko."Nasa baba na sila?"Tumango siya at hinalikan ang balikat ko."They are entertaining our son. I hope he won't get tired," he said.Natawa ako at ibinaba a

  • Ruthless Storm   Chapter 39

    "No..." I softly shook my head when he added more foods on my plate.Nasa loob pa rin kami ng kuwarto at medyo umaayos na ang pakiramdam ko. He cuddled me to sleep, and when I woke up, foods are already here. Pinatawag niya na rin si Dayang para dalhin si Adino dito sa kuwarto para makasabay sa amin. Nang makarating naman sila ay nagpaalam nang aalis si Dayang para tulungan si Tita sa pag-aayos ng handa sa labas."Papa! Green!" turo ni Adino sa mga gulay na naroon pero 'yong kulay berde lang ang gusto niyang tikman.Sumulyap sa akin si Brent na para bang sinasabi niyang alam na niya kung saan natutunan ng anak namin ang pagkain ng gano'n. Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niya bago subuan si Adino ng kaunting pechay na may sauce."Dahan dahan... Brent," sabi ko.Valen already trained Adino. Kung nalunok na niya ang pagkain ay saka lang niya e a-awang ang bibig niya para magpasubo. But Brent didn't know about it, so I was hesitating. Hindi pa niya alam ang tungkol sa kalusugan ni Adi

  • Ruthless Storm   Chapter 38

    I woke up feeling heavy and weak. Pinagpapawisan ako kahit nilalamig at giniginaw ang katawan ko.Ang init ng mga mata ko. Hindi ko alam bakit ako emosyonal at naiiyak. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko magawa sa panghihina. Nasa loob ako ngayon ng isang kuwarto.I tried to speak but no one's around.Umiyak ako at muling sinubukang bumangon pero bumalik lang ako sa pagkakahiga. Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napunta ang tingin ko roon. Malabo ang mata ko sa luha dahilan para hindi ko makilala kung sino iyon."I'm cold..." I cried like a child.Mabilis itong lumapit sa puwesto ko dala-dala ang isang bagay na hindi ko rin makita dahil sa luha ko.Naramdaman ko ang pagdapo ng kamay niya sa pisngi ko at pagpunas niya ng luha sa gilid ng mga mata ko."I'm here. I'll get you another blanket," malalim ang boses nito. Boses ng lalaki.Nagtungo siya sa harap ng closet at may kinuha roon. Pagbalik niya ay may dala na siyang comforter. Nilatag niya iyon sa akin bago umikot sa kama at

  • Ruthless Storm   Chapter 37

    Tinitigan ko siya sa malabong reflection ng pinto ng elevator. Nakita kong magsasalita na sana siya pero bumukas na ang elevator dahil nakarating na kami sa groundfloor. I immediately left and walk away.It was too painful to think that he left me for almost a month just to be with that woman.I tried to compose myself because I can't let Adino see me like this. Like I am close to be torn apart. Mabilis ang hakbang ko pero napahinto ako nang may humawak sa palapulsuhan ko. Nakaramdam ako ng kuryente sa paraan ng paghawak. His hands were hot.Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero hindi ko 'yon matanggal. Iritado ko siyang hinarap."It's not like what you think," sabi niya.Matalim ko siyang tiningnan."Hindi ko hinihingi ang paliwanag mo."His jaw clenched as his adam's apple move."Abueme? What's with the..." Natigilan ang babae nang makita ako. Her eyes widen a bit. "You didn't tell me your wife's here," sabi nito. Ngumiti ito sa akin pero hindi ko siya pinansin at ibinalik ang t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status