LOGIN
"I’m leaving, Anton, unless you give me a ring right now!"
Iyon ang huling linyang umalingawngaw sa speaker ng aking telepono bago naputol ang linya. Ako si Anton Joaquin Dela Riva, ang nag-iisang tagapagmana at CEO ng Dela Riva Group of Companies. Hawak ng pamilya ko ang pinakamalaking airline company at shipping company sa buong Pilipinas. Ang pangalang Dela Riva ay katumbas ng kapangyarihan, bilyong piso, at hindi matatawarang respeto sa mundo ng negosyo. Ngunit sa mga sandaling ito, habang bumibilis ang patak ng oras, pakiramdam ko ay wala akong hawak kahit ano habang pilit kong hinahabol ang oras patungong Ninoy Aquino International Airport. Nagmamadali akong lumabas mula sa aking corporate building, iniwan ang mga nagkakanganga kong board members, habang nakatago sa bulsa ng aking tuxedo ang isang velvet box na naglalaman ng dalawang karat na diamond ring. Magpapakasal na ako sa kanya. Iyon lang naman ang hiling ng girlfriend kong si Alexa Cortez para huwag na niyang ituloy ang desisyon niyang magmigrate sa Paris para maging isang internasyunal na fashion model.Sagad kong itinapak ang aking sapatos sa silinyador ng aking sports car. Just on time, narating ko ang departure hall ng airport. Mabilis kong ipinasok ang sasakyan sa VIP driveway at hindi na nag-abala pang ipark ito nang maayos. Ang sapatos ko ay nag-iiwan ng mabilis at mabibigat na hakbang sa makintab na sahig ng terminal habang inililibot ko ang aking paningin sa gitna ng dagsa ng mga biyahero. Hinahanap ng mga mata ko ang pamilyar na balakang, ang bagsak ng buhok, at ang mukha ng babaeng limang taon kong nakasama. Kailangan kong maabotan ang aking girlfriend bago siya tuluyang pumasok sa security gate at mawala sa buhay ko. Desperado na kung desperado, ngunit hindi pwedeng mawala sa akin si Alexa nang dahil lamang sa isang pangarap na malayo sa akin. "Sinabi ko na sa iyo, Dad, ayaw kong pakasal sa brusko at mayabang na Patrick na iyan!" Isang malakas, palaban, at matapang na boses ng babae ang biglang pumutol sa aking pagmamadali habang naglalakad ako sa gitna ng concourse. Hindi kalayuan sa kinaroroonan ko, may isang magandang babae na nakatayo sa harap ng isang matandang lalaking nakasuit at ng isang matangkad ngunit arroganteng lalaki na may hawak na mamahaling relo. Sila si Mr. Gustavo Torres at ang lalaking nais nitong ipakasal sa kanyang anak na si Patrick Andrada. "Huwag kang mag-inarte rito, Candice!" galit na sigaw ng kanyang ama habang mahigpit na hinahawakan ang braso ng babae. "Ang negosyo natin sa winery ay kailangan ang pamilya Andrada. Magpapakasal ka kay Patrick sa ayaw at sa gusto mo!" "Winery niyo ang may kailangan, hindi ako!" angil ng babae na Candice pala ang pangalan. Tumingin siya nang may matinding poot sa lalaking kasama nila. "Sawa na ako sa pagmamalupit mo, Dad! At ikaw, Patrick, huwag ka ngang makangisi-ngisi diyan dahil mukha kang unggoy na pinagbihis ng tuxedo!" "Mag-ingat ka sa pananalita mo, Candice," pakli ni Patrick habang nakangisi nang may pagmamay-ari. "Kasama ako ng daddy mo para sunduin ka rito sa airport at diretso na tayo sa engagement dinner natin." "May boyfriend ako!" biglang sigaw ni Candice habang nakahawak sa kanyang bag sa balikat. "Hinihintay ko ang longtime secret boyfriend ko na parating ngayon para sunduin ako! Kaya hindi niyo ako pwedeng ipakasal sa kahit kanino!" "Liar! Wala kang boyfriend, Candice!" galit na singhal ni Mr. Torres. "Sino na naman ang ginagawa mong dahilan para takasan ang responsibilidad mo sa pamilya natin?" Habang naglalakad ako nang mabilis at walang anumang intensyong makialam sa kaguluhan ng ibang tao, nagkataong dumaan ako mismo sa kanilang tabi. Sa hindi inaasahang pagkakataon, mabilis na humarap sa direksyon ko si Candice. Ang kanyang mga mata ay puno ng matinding panic, takot, ngunit may nakatagong kakaibang tapang. Bago pa ako makaiwas, makahakbang palayo, o makapagsalita man lang ng kahit ano, mabilis siyang lumapit sa akin. Binitawan niya ang kanyang mga gamit at ibinuhos ang buong bigat ng kanyang katawan sa isang mahigpit na yakap sa aking leeg. "Ano ba..." hihingi sana ako ng eksplanasyon sa pambihirang pambabastos na ito sa personal kong espasyo, ngunit bago pa man tuluyang makalabas ang mga salita sa aking labi, hinawakan niya ang aking batok gamit ang kanyang dalawang kamay. Iniyukod niya ang aking mukha at walang alinlangan niyang itinakip ang kanyang mga labi sa akin para sa isang marubdob, mabilis, at desperadong halik sa aking mga labi. Laking gulat ko sa pambihirang kapangahasan ng babaeng ito. Napalaki ang aking mga mata habang nararamdaman ko ang lambot at ang bahagyang panginginig ng kanyang mga labi sa ibabaw ng akin. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib sa aking coat. Ito ang kanyang first kiss. It was a completely desperate move. Kinabahan siya nang matindi, ngunit sa mga sandaling iyon, ito lang ang tanging paraan niya para makatakas sa panggigipit ng kanyang ama at ng arrogante nitong kasosyo. Unti-unti niyang pinakawalan ang aking mga labi, at habang nakatingin sa akin ang kanyang nanginginig ngunit palaban pa ring mga mata, bumulong siya nang napakahina sa aking tainga habang nakadikit pa rin ang aming mga mukha. "Please... play the act with me... Pakiusap, maging boyfriend muna kita ngayon..." pakiusap niya na may halong takot at matinding pagmamakaawa. "Magbabayad ako sa iyo kahit anong kapalit! Kahit magkano, kahit ano... we will talk later, please!" Napatigil ako. Natulala ako at ganap na nawalan ng boses sa pambihirang kapangahasan niya. Wala pang sinuman ang nangahas na humalik saxakin ng walang permiso. And not on this kind of scenario. Hindi ko pa man maibalik ang aking sarili sa tamang wisyo, mabilis na bumalasik ang mukha ni Candice. Humarap siya sa kanyang ama at kay Patrick habang nakahawak pa rin ang kanyang kamay sa aking dibdib upang iparamdam sa dalawa na totoong-too ang lahat. "Dad, he's the boyfriend I'm telling you!" malakas at direktang pahayag ni Candice na umalingawngaw sa buong concourse ng airport. "We're in love, so stop this nonsense! I'm not marrying into some random ass you want! Don't drag me into your business deals ever again!" Napanganga si Mr. Gustavo Torres sa matinding gulat habang si Patrick naman ay napahawak sa kanyang panga sa matinding hiya at galit habang pinagtitinginan sila ng mga tao sa paligid. Ngunit sa kabilang bahagi ng bulwagan, hindi malayo sa kinaroroonan namin, eksaktong nakatayo si Alexa Cortez habang hawak ang kanyang passport at boarding pass. Nakita niya ang lahat. Nakita niya ang buong eksena mula sa pagyakap hanggang sa marubdob na halik sa aking mga labi. She was completely surprised with the scene. Ang kanyang mga mata ay nanliit sa galit at matinding pagkadismaya habang nakatitig sa akin. When her eyes met mine, I finally got into my senses. Napabalik ako sa aking katinuan at narealize ko ang matinding kapahamakang idinulot ng babaeng nasa tabi ko ngayon sa buhay ko. "Alexa!" sigaw ko habang marahas kong itinutulak si Candice palayo sa akin. I was about to chase her. Mabilis akong tumakbo patungo sa direksyon ni Alexa habang inilalabas ang velvet box mula sa aking bulsa upang ipakita sa kanya ang singsing. Ngunit sa matinding galit at sakit na naramdaman ni Alexa, mabilis siyang tumalikod at pumasok sa loob ng VIP boarding gate. Humangos ako patungo roon, ngunit mabilis akong hinarangan ng dalawang airport security guards dahil wala akong hawak na valid boarding pass para sa mga lalabas na eroplano patungong Paris. "Sir, bawal po kayong pumasok diyan nang walang pass!" sigaw ng guard habang pinipigilan ang aking dibdib. "Padaanin niyo ako! Girlfriend ko ang pumasok sa loob!" galit kong sigaw habang pilit kong itinutulak ang barikada. Abot tanaw ko na lamang ang paglakad ni Alexa palayo habang hindi man lang siya lumilingon sa akin. Pumasok siya sa lagusan at tuluyang nagsara ang malaking p***o ng gate. At hindi ko na siya inabutan. Ang dalawang karat na diamond ring na hawak ko ay parang naging napakabigat na bato na nagpabagsak sa akin sa matinding galit at pagkabigo. Nawala sa akin ang babaeng papakasalan ko nang dahil sa isang walang kuwentang palabas. Bumalik ang aking tingin sa kinaroroonan ni Candice. Habang ang kanyang ama at si Patrick ay nagmamadaling umalis sa airport dahil sa matinding hiya at galit sa nangyari, naiwang nakatayo si Candice sa gitna ng concourse, humihinga nang malalim at pilit na inaayos ang kanyang sarili. Nagtatagis ang aking mga bagang habang mabilis akong naglakad pabalik sa kanyang kinaroroonan. Binalikan ko si Candice. Bago pa man siya makahakbang palayo o makatakas, mabilis kong inabot ang kanyang balakang, hinapit ko siya nang marahas at mahigpit sa kanyang bewang hinila ang kanyang katawan sa akin. Napasinghap siya sa gulat habang nakatitig sa malamig at galit kong mga mata. Iniyukod ko ang aking mukha at pabulong na nagsalita sa kanyang tainga habang nararamdaman niya ang matinding galit at tensyong nagmumula sa akin. "You owe me big time, you won't get away from me."Nang isara ko ang pinto ng banyo, agad kong hinubad ang damit ko at pinatakbo ang shower. Mainit ang tubig na tumama sa balat ko, pero mas mainit pa ang dugo na dumadaloy sa akin. Hawak-hawak ko ang itim na lace lingerie na ibinigay ni Anton. Manipis, halos transparent, napakalalim ang neckline, at kakaunti lang ang tela na nagtatakip sa mga bahagi ng katawan. Tumingin ako sa salamin habang isinusuot ito. Ang hubog ng dibdib ko ay halos nakalabas, ang baywang ko ay kitang-kita, at ang lace na pambabae ay napakanipis na parang wala na. Nag-aayos ako ng buhok, pinunasan ang katawan ng mamahaling lotion na nandoon sa counter, at pinilit kong tingnan ang sarili nang walang kaba. Game, Candice. Kung gusto niyang aliw, bibigyan ko siya. Pero hindi ako magiging kawawa.Binuksan ko ang pinto ng banyo nang dahan-dahan. Ang malamig na hangin ng penthouse ay agad na yumakap sa basa kong balat. Nakatayo si Anton sa gitna ng living room, nakakrus ang mga braso, dark navy suit pants pa rin ang suot
"Bitiwan mo nga ang bag ko, Anton! Marunong akong maglakad mag-isa, hindi mo kailangang mangaladkad para lang ipamukha sa akin na hawak mo ang buhay ko!"Iyon ang sigaw ko sa gitna ng napakatahimik at napakalawak na elevator ng luxury residential tower sa Bonifacio Global City. Nakatayo sa tabi ko si Anton Joaquin Dela Riva, nakasuot ng kanyang dark navy suit, habang ang isang kamay niya ay nakahawak nang mahigpit sa aking wrist. Ang lakas ng kapit niya ay parang bakal, pero sa halip na maawa ako sa sarili ko o maiyak sa naging kapalaran ko matapos pumirma sa walang hiyang dalawang taong kontrata na 'yun, pilit kong itinataas ang baba ko. Pilya ako, palaban, at hinding-hindi ko ipapakita sa arroganteng CEO na 'to na naiintimidate ako sa kanya."Manahimik ka, Candice," malamig niyang pabalat-bunga habang nakatitig sa nagbabagong numero ng floor indicator. "Mula ngayong gabi, dito ka na titira. Walang takasan, walang reklamo, at walang arte."Tumingin ako sa salamin ng elevator at inayo
"The number you have dialed is not in service."Iyon ang malamig na boses ng automated operator na pumuno sa buong silid ng aking executive suite sa Dela Riva Tower. Naibato ko ang aking mamahaling smartphone sa makintab na sahig ng opisina ko at napahawak ako sa aking ulo habang nagtatagis ang aking panga. Pang-limampu't tatlong beses ko nang tinatawagan ang numero ni Alexa Cortez simula kagabi, ngunit wala akong natatanggap na kahit anong sagot. Ngayon ay not in service na iyon. Maski ang kanyang pamilya ay tinawagan ko na, pero napakatigas ng kanilang stand. Ayaw nilang ibigay ang bagong contact number ni Alexa o ang eksaktong address nito sa Paris. Para sa kanila, huling-huli raw ako na may ibang babaeng humahalik sa akin sa gitna ng airport, kaya wala na akong karapatang lumapit pa sa kanilang anak."Sir Dela Riva, nakatayo na po sa labas ang babaeng ipinasundo ninyo sa inyong mga security personnel," maingat na saad ng aking sekretarya sa pamamagitan ng intercom."Papasukin mo
"I’m leaving, Anton, unless you give me a ring right now!"Iyon ang huling linyang umalingawngaw sa speaker ng aking telepono bago naputol ang linya. Ako si Anton Joaquin Dela Riva, ang nag-iisang tagapagmana at CEO ng Dela Riva Group of Companies. Hawak ng pamilya ko ang pinakamalaking airline company at shipping company sa buong Pilipinas. Ang pangalang Dela Riva ay katumbas ng kapangyarihan, bilyong piso, at hindi matatawarang respeto sa mundo ng negosyo. Ngunit sa mga sandaling ito, habang bumibilis ang patak ng oras, pakiramdam ko ay wala akong hawak kahit ano habang pilit kong hinahabol ang oras patungong Ninoy Aquino International Airport. Nagmamadali akong lumabas mula sa aking corporate building, iniwan ang mga nagkakanganga kong board members, habang nakatago sa bulsa ng aking tuxedo ang isang velvet box na naglalaman ng dalawang karat na diamond ring. Magpapakasal na ako sa kanya. Iyon lang naman ang hiling ng girlfriend kong si Alexa Cortez para huwag na niyang ituloy ang







