TULALA na naman akong nakatitig sa payapang karagatan na natatanaw lang sa kinauupuan ko. Kakatapos lang ng shift ko bilang receptionist sa Ocean Pearl Private Resort at nais akong makausap ni Sir Roberto, ang may-ari.
“Rose,” tawag ni Sir Roberto na papalapit sa akin. Agad naman akong sumulyap sa kaniya at ibinalik ang diwa ko sa naturang kaganapan. “Sir Roberto, kayo po pala.” Tumayo pa ako upang batiin siya. “Nasa malayo pa lang ay ramdam ko na may problema ka. Maupo ka na.” Hinila naman niya ang katapat na silya at umupo. “Pasensiya ka na at hindi kita kaagad na nakausap kanina dahil may importanteng bisita akong inasikaso. Nakita mo naman siguro iyong mestisuhing dumating kanina na ibinilin ko pa sa iyo.” “Ay, oo. Ang gwapo niya kaya lang ay mukhang masungit,” puna ko. Natawa si Roberto. “Kayo talagang mga kabataan, oo. Kaibigan iyon ng boss ko at boss niyo na rin.” “Ho?” Nagulat ako sa narinig ko mula sa kaniya. “A-Akala ko ay kayo ang may-ari ng resort, Sir Roberto!” “Hindi ako ang may-ari ng resort pero ako lang ang pinagkakatiwalaan dito. Hindi mo ba alam?” Umiling ako. “Hindi. Subsob lang kasi ako sa trabaho at ang inakala ko lang ay kayo ang may-ari ng resort.” “Sabagay ay hindi niyo naman madalas nakikita rito ang tunay na may-ari. Ako lang din naman ang pinagkakatiwalaan kaya iniisip niyong lahat na ako ang boss niyo rito. Anyway, ano pala ang sasabihin mo? Tungkol ba ito sa iniluwas mo noong isang araw.” “Oho. Kakapalan ko na ang mukha ko, Sir Roberto. Hihingi sana ako ng tulong sa inyo kung maaari sana. Naalala niyo na sinabi ko sa inyo ang sadya ko tungkol sa insurance ng tatay ko?” “Oo. Anong nangyari pala? Sige sabihin mo at baka may maitulong nga ako.” Isa si Sir Roberto sa pinagkakatiwalaan ko rito sa resort dahil bukod sa napagkamalan kong may-ari siya ng resort ay magaan ang loob ko sa kaniya. Halos itinuring na nga siya ng mga taga-rito na tatay ng mga empleyado. Ako rin ang nakakaalam sa sekreto niya at sa kaibigan kong si Tamara na madalas dito sa resort. Ipinaliwanag ko kay Sir Roberto ang lahat ng detalye na dapat niyang malaman. Katulad ko ay shocked din siyang malaman ang totoo. Hindi siya makanipaniwalang hindi sa amin nakapangalan ang insurance ng namayapa kong ama at ang nagpabigla sa kaniya ay nang sabihin ko ang pangalan ng lalaking nakapangalan sa beneficiary list. “Ha?! Pakiulit nga nang sinabi mo sa pangalan ng taong nasa beneficiary list ng tatay mo?” muli niyang tanong habang bakas sa mukha niya ang labis na pagkabigla. “Si Ethan Niel Villaver, ho. Siya ang nakalagay sa listahan at may kopya ho ako ng dokumento ng insurance na pirmado pa ng tatay ko.” “Sigurado ka ba, Rose?” “Oho. May problema ho ba, Sir Roberto?” “Mayroon.” “Eh, ano ho?” “Malaking problema iyan dahil ang tinutukoy mo ay ang mismong may-ari nitong resort,” seryoso siya. “Ho?!” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Sir Roberto sa akin. Hindi ko inaakalang ang may-ari mismo ng resort at boss ng tatay ko ay iisa. “S-Sigurado kayo, Sir?” “Oo,” confident niyang sagot. “Kung si Ethan Niel Villaver ang tinutukoy mo, nakakatitiyak akong siya nga ang may-ari ng resort na ito. May Engineering Company si Sir Ethan sa Maynila. Ang ENV Engineering Company. Maaaring ang tatay mo ay sa kaniya nagtatrabaho bilang foreman. Hindi na tayo mahihirapan na makausap mo siya dahil tutungo siya rito sa susunod na linggo. Hayaan mo at kakausapin ko siya tungkol sa bagay na iyan.” Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. “Sir Roberto, may larawan ka ba niya sa cell phone mo? Pwede ko bang makita?” curios kong tanong sa kaniya. “Oo naman. Sandali…” Dinukot niya sa bulsa ang kaniyang cell phone. Maya-maya lang din ay nagkakalikot na siya upang maghanap ng larawan ni Sir Ethan. Habang naghahanap si Sir Roberto ay nag-iisip na naman ako. Marami rin akong mga ginagawa kaya hindi ko na rin naitanong ang tungkol sa may-ari ng resort na ito. Sa tuwing may party naman dito sa resort ay wala ako dahil sa nanay ko. Ano kaya ang hitsura ni Ethan? Siguro ay mukhang hoodlum na parang sabik lagi sa pera ng iba. Baka nga drug lord pa ang isang ito at pati pera ng tatay ko ay pinagkakainteresan. Pasimple na lang akong napabuntong hininga habang naghihintay kay Sir Roberto. “Oh, heto.” Ipinakita niya sa akin ang larawan ni Ethan. Inilapit ko naman ang mukha ko sa cell phone niya at laking gulat ko nang makilala ko ang lalaki. “S-Sir, siya si…Ethan?!” Sabay turo ko pa sa cell phone kung saan naroon ang gwapong larawan ng binatang si Ethan Villaver. “Oo. Siya nga si Sir Ethan. Gwapo rin at binata pa pero ikakasal na rin sa susunod na buwan.” “Naku, po! Disgrasya,” wika ko sabay marahan kong nasapo ang bibig ko. “Bakit, Rose?” Nahalata niya ang pag-aalangan ko base na rin sa reaksiyon ko ngayon. “Eh, kasi…” Tinanggal ko ang pagkakasapo ko sa bibig ko at napakamot sa batok. “Siya iyong lalaking may-ari ng kotse na tinalsikan ako habang malakas ang buhos ng ulan sa Maynila. Hindi ako maaaring magkamali at kabisado ko pa nga ang plate number ng kotse niya. IVR 4423 na kulay pulang sports car.” “Iyon nga ang kotse niya. Nagpakilala ka?” Umiling ako sabay sabi nang, “Hindi, ho. Kasi tinalakan ko na siya nang bumaba siya sa kotse niya at sinabihan ko pa ng bulag ba siya kasi hindi man lang siya nagdahan-dahan sa pagmamaneho at natalsikan ako ng tubig sa kalsada. Nag-sorry naman siya pero sa sobrang inis ko dahil naligo na ako sa putik ay hindi ko tinanggap. Inalok naman niya akong isakay sa kotse niya pero tumanggi ako dahil akala ko ay modus lang niya iyon tapos…tapos ipapa-salvage niya.” Muling natawa si Roberto sa kwento ko. “Hija, mabuting tao si Sir Ethan. Hindi niya magagawa ang sinasabi at iniisip mo. Anyway, mukhang mahihirapan tayo sa bagay na iyan dahil hindi pala maganda ang unang pagkikita niyo.” “Sorry, Sir Roberto. Hindi ko naman alam na boss pala natin iyon. Pero hindi ho ako susuko at hihingi ako ng paumanhin sa nagawa ko. Kailangan ko talaga siyang makausap para sa kinabukasan ng mga kapatid ko at maipagamot ang nanay ko.” “All right. I understand. Sige at kailangan ko pang asikasuhin si Sir Lorenzo sa mga kailangan niya. Iyon pa naman ang kabilin-bilinan ni Sir Ethan sa akin. Umuwi ka na muna at tutulungan kitang makausap mo siya.” “Salamat, Sir Roberto.” “Walang anuman,” tugon niya sabay tumayo na rin. “Maiwan na kita riyan.” Tumango na lang ako bilang pagtugon at sinundan na lang ang papalayong si Sir Roberto. Kayliit talaga ng mundo. Akalain mong ang hoodlum at mukhang drug lord na sinasabi ko ay boss ko rin pala. God! Ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo, Rose? Huli na para pagsabihan ko ang sarili ko pero hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa rin ako makapaniwala. Kitang-kita ko pa naman kung paano siya nainis sa akin nang gabing iyon at magsumbong pa raw ako sa pulis kung gusto ko. Kahit kay Hudas na wala naman kinalaman sa usapan namin ay nabanggit niya. Nag-aalala rin ako sa mga nabanggit ko sa kaniya at tiyak akong mas lalong ayaw niyang ibigay ang insurance ng tatay ko. Matapos naman kaming mag-usap ni Sir Roberto ay tumayo na ako upang umuwi na rin. Habang naglalakad ako ay nag-iisip na ako ng paraan kung paano ako hihingi ng tawad sa lalaking siya rin pala ang beneficiary ng tatay. Sa lahat pa ng lalaki na nakausap ko nang gabing umuulan sa Maynila ay siya rin pala ang kailangan ko rin habulin. Ang tadhana nga naman kung maglaro sa buhay ko. Napapailing na lang ako sa pagkadismaya at pagsisisi sa ginawa ko sa kaniya. “Hoy!” “Ay, baklang pusit!” Napatili ako nang ginulat ako ng isa sa mga kaibigan kong si Tamara. “Baklang pusit talaga? Ako ito, Rose.” “My god, Tamara. Ikaw lang pala iyan at ginulat mo pa ako.” “Kanina pa kaya kita tinatawag pero hindi ka man lang lumilingon. Mukhang malalim iyang iniisip mo,” wika niya. “Oo. Sa sobrang lalim ay hindi ko na maarok. Ay, ang lalim naman ng sinabi ko. Kakatapos lang din namin mag-usap ni Sir Roberto at bumalik na siya para asikasuhin iyong poging guest na dumating kaninang umaga.” “Poging guest?” “Oo. Pero mukhang masungit at hindi man lang marunong ngumiti.” “Ah…” Napuna ko ang biglang pananahimik niya. “Oh, bakit?” “W-Wala. Uhm, ano pala ang pinag-usapan niyo ni Sir Roberto?” pag-iiba niyang tanong sa akin. “Nagpunta ako sa Maynila at inalam ang tungkol sa insurance ng tatay ko pero napag-alaman ko na lang na si Sir Ethan Villaver pala ang nakapangalan. Ang worst pa nito ay siya rin pala ang may-ari ng resort. Ang buong akala ko ay si Sir Roberto ang may-ari ng resort na ito.” “H-Hindi mo alam?!” shocked niyang sabi. “H-Hindi. Ang buong pagkakaalam ko nga ay si Sir Roberto ang may-ari at hindi ko na rin inaalam dahil mas mahalaga sa akin ang trabaho ko at pamilya ko. Sa tuwing may okasyon naman dito sa resort para sa empleyado ay lagi akong MIA. And then, ang pangit pa ng pagtatagpo namin sa Maynila.” “Ha? N-Nagkita kayo sa Maynila?” Nagulat na naman siya. Tumango ako. Ikinuwento ko na kay Tamara ang nangyari sa amin ni Sir Ethan at kahit siya ay shocked din sa nangyari. Kahit siya ay namumublema na rin sa kung ano ang reaksiyon ng boss namin oras na magkita kaming muli. “So, paano iyan, Rose? Anong sabi ni Sir Roberto sa iyo?” “Tutulungan daw niya akong makausap si Sir Ethan. Alam mo bang naisip ko pa na isa siyang hoodlum o kaya drug lord ang kumag kasi nagkainteres siya sa pera ng tatay ko pero malaman-laman ko lang pala na iisang boss lang ang nagmamay-ari ng lugar na ito at kompanya ng tatay ko. Besh, parang gusto ko ng magpalamon sa lupa. Ano sa tingin mo?” “Sira ito! Tatagan mo ang loob mo at hayaan mong kausapin ko rin si Sir Roberto na tulungan ka. At hindi hoodlum si Sir Ethan, ano ka ba? Ang guwapo-guwapo ng isang iyon tapos napakagkamalan mo pang drug lord. Naku, kung makita mo lang baka sabihin mo ay ekis si Lee Min Ho sa kaniya.” “Really? Nakita mo na siya?” “Oo. Sa tuwing dumadalaw siya rito at nagbabakasyon.” Napabuntong hininga na naman ako. “Sige na, Tam. Uuwi na muna ako. Ipagpahinga ko muna itong isip ko at sasabog na.” “Okay. Mag-ingat ka. May pupuntahan lang ako rito at kakausapin sana.” “Sige. Thanks. Ikaw rin, mag-ingat ka.” Matamlay akong kumaway kay Tamara bago kami nagkahiwalay sa daan. Gayunpaman ay desidido pa rin akong makita at makilala siya. Iniisip ko ang pamilya ko at ito na lang ang tanging motivation ko. Kaya ko ito!EthanA few days after my friend Lorenzo went to my place to unwind, I followed him. Nais ko rin maibsan ang kalungkutan nararamdaman ko at kahihiyan na rin sa ginawa ni Klarissa. Pati ang mga magulang namin pareho at ibang mga kamag-anak na alam na ang napipintong kasalan namin ay dismayado sa nalaman nila.“Good morning, Sir Ethan,” bati ni Roberto sa akin. Hindi na niya ako nagawang sunduin pa dahil may inasikaso siya.“Magandang umaga,” tipid kong tugon. Nasa beach house mansion na kami at nasa sala ako. Kakalapag ko lang din ng mga gamit ko sa sala at kakaupo lang din nang dumating siya. "Si Lorenzo?” tanong ko kaagad.“Uhm, maayos naman siya. Katulad naman ng bilin niyo na asikasuhin siya ay ginawa ko. Ipaghahanda ko na ba kayo ng almusal kay Nana Claudia mo?”“Nope.” Isinandal ko ang ulo ko sa malambot na sofa. “Iidlip lang muna ako dahil maaga akong nagising kaninang umaga.” Napahikab pa ako matapos kong tumugon sa kaniya at marahang pumikit.“Sige. Ipapaayos ko na lang
RoseKitang-kita ko kung paano sumubsob ang lalaking tila pamilyar sa akin. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nabusuhan ng ganito. Magkakamatayan na kami at hinding-hindi talaga siya makakaisa sa akin! Ang herodes na ito!Sumusuray ang lalaking pilit na tumayo mula sa pagkakasubsob niya sa halamanan at halatang wala na siyang sapat na lakas. Wala akong naramdamang pagkahabag sa nangyari sa kaniya basta ang alam ko ay nabusuhan ako ng kumag na ito.“Iyan ang bagay sa iyo, manyakis ka!” Akma ko na sana siyang papaluin nang biglang may pumigil sa akin.“Rose!”Napasulyap ako sa taong pumigil sa akin. “Ha?! S-Sir Roberto?!” gulat kong wika. Agad kong ibinaba ang dalawang kamay kong may hawak na toilet map.“Anong ginagawa mo?” pagtataka niya.“S-Sir, k-kasi ho... Ang lalaking ito...”Napapailing na lang si Sir Roberto na agad dinaluhan ang lalaking halos hindi na makatayo. Tinulungan niya itong makatayo at inalalayan upang hindi matumba dahil sa kalasingan. Labis naman ang pagt
ILANG ulit na tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Sir Ethan sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil sa lahat ng kaniyang mga sinabi ay iyon pa ang maririnig ko. I was expecting that he would be nice to me and accept my apologize but that’s not what happened. He won’t accept it unless I would be his woman. Hindi naman ako tanga para hind maintindihan iyon at hindi ko rin alam kung bakit niya ito gustong gawin sa akin.“S-Sir…” Halos nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko man lang madugtungan agad ang sinabi niya.“You heard me, woman. Accept it or leave it,” seryoso pa rin niyang sabi. Sumandal siya nang maayos sa kinauupuan niya at unti-unting binuksan ang hawak niyang brown envelope. “Hawak ko ang papeles ng ama mo na nagpapatunay na ako ang beneficiary niya. You knew it already, right?”Napatitig ako sa papel at nakita ko nga pangalan ni Sir Ethan sa list ng beneficiary ng tatay ko. Doon pa lang ay nanlumo na ako dahil mas kailangan namin iyon ng pamilya kaysa sa kaniya na halos nasa
“Here’s your key card, sir. Enjoy your stay!” wika ni Lea sa guest namin.Narinig ko naman ang pagbati niya sa bagong dating naming guest pero ako naman itong tulala habang nakatingin sa monitor ng computer. Hindi talaga mag-sync in sa utak kong pumayag akong maging babae ni Sir Ethan kapalit ng insurance ng tatay ko.“Hoy!” untag ni Lea sa akin sabay tinapik ang balikat ko.“Aray naman!” sambit ko sabay hinawakan ang balikat kong tinapik niya. Hinarap ko na rin siya sa pagkakataong ito. “Bruha ka, anong problema mo?”Napameywang siya. “Madam, kanina ka pa ho tulala riyan sa computer. Mamaya niyan ay maging mother board ka na. Ikaw yata ang may problema.”Napabuntong hininga ako. “Wala akong problema, Lea. Marami lang akong iniisip ngayon lalo na at may babayaran na naman sa school ang kapatid ko.”“Financial na naman ang problema mo. Bakit hindi mo na lang tularan si Cathy na sumama sa afam nanligaw sa kaniya at tingnan mo ngayon ang bruha, aba, nasa California at humihiga sa
RoseAfter I read the contract, I started my day with this huge house. Dismayado pa ako sa nakalagay sa kontrata namin na indefinite. Isang kontrata na ang ibig sabihin ay mawawalang bisa lang kapag nagkasundo na kaming itigil na. Minsan ay naiisip kong ang babaw kong babae na hindi nalalayo sa mga babaeng kapit din sa patalim. But what should I really do? I want the best of my family and that insurance is my last chance. Napabuntong hininga na naman ako habang nakaupo sa isang malambot na silya kaharap ang magandang vanity mirror. Sa ganda ng kwartong ito, gusto kong isipin na isa akong Disney princess na nag-glow up. Nasa isang high class akong lugar na kung iisipin ay ang swerte ko na. Habang nagsusuklay ako sa basa kong buhok, sumagi sa isipan ko ang dalawang kapatid ko at ang nanay ko. I missed them! But it’s for their sake. Naalala ko na naman ang sinabi ng tukmol kong boss na we will dance tonight. Ano ba ang sasayawin namin ngayong gabi? Cha-cha? Gusto kong tumawa pero al
Isang mabangoy amoy ang gumising sa diwa ko habang tumatama ang sikat ng araw sa aking pisngi. I am about to open my eyes habang dinama ko kung saan ako nakatulog. Kaya lang bahagya akong napakunot ng noo nang maramdaman ko ang matigas na bagay kung saan ako nakapulupot. Tao? Marahang dinama ng aking palad kung saan ako nakayakap hanggang sa iniangat ko ang aking mukha. Shit! Nakasandal ako kay Ethan habang ang isang braso naman niya ang naging unan ko. Mahimbing ang pagkakatuloy niya at isang kilos ko lang ay magigising na siya. Nakatulog ako na katabi siya? “Hmm…” ungol niya. Sinulyapan ko ang aming paligid at naroon pa rin kami sa rooftop. Mukhang doon na rin kami inabutan ng gabi. Muli kong ibinaling ang tingin sa maamong mukha ni Ethan. Nasa lang ay natutulog ka na lang dahil mukha pa siyang maamong tupa pero kapag naman na nagising siya ay nangangain na siya ng tupa. Teka…wala naman sigurong masama kung pagmasdan ko siya habang natutulog.I dit it. Kinabisa ko ang hugis
EthanNatigilan ako. I didn’t expect that this woman would have such of confidence to ask it to me. Well, kung desperada rin siyang ialay ang sarili niya pero ang mga mata niya ay malayong-malayo sa sinasabi niya. I know that there’s something on her. Natatakot ba siya? “I will let you know when that happen. For now, keep that money for your family, and let’s talk about it some other day. Abala pa ako sa ibang bagay sa ngayon pero iyong ibang mga hindi ko gusto, nakasulat iyon sa kontrata nating dalawa. I’m just reminding you.”“Hindi ko nakakalimutan.”“Sige na. Pumasok ka na.”Hindi na siya nag-abalang tumugon sa sinabi ko at basta na lang na tumalikod. Nakita ko pa na inilagay niya ang sobre na may lamang pera sa kaniyang back pack na dala. I watched her when she’s leaving but…I felt that I want her. Humugot pa ako ng malalim na hininga sa hindi kadahilanang sandali. Damn it! Natagpuan ko na lang ang sarili kong malalaki ang hakbang upang habulin siya sa may pinto. At nang
Ethan“Akala ko ay magtatagal ka pa dito, pre. Madami pa tayong hindi napapasyalan,” wika ko sa kaibigan kong si Lorenzo. Naparito ako sa kaniya dahil biglaan ang pagkasabi niyang aalis na siya at babalik ng Maynila. Hindi ko pa siya halos ipinasyal dito sa resort dahil naging abala rin ako sa mga iilang bagay. Abala nga ba o nang dahil kay Rose? That woman! Hindi na siya naalis sa isipan ko lalo na noong tinangka ko siyang halikan at nagawa ko naman. Katibayan na lang ang sampal na iginawad niya sa akin na hanggang ngayon ay may kunting kirot pa rin sa pisngi ko. Isama pa itong kamao ko na nakabendahe pa rin dahil sa natamo kong sugat. Nungkang pinagbalingan ko pa ang pinto sa library. He smiled at me. “Next time, pre. I assure you, babalik pa ako dito sa resort mo.”Kibit-balikat na lang ako kasabay ng pagtapik ko sa kaniyang balikat. Inutusan ko na rin ang tauhan kong ihatid siya sa airport at hindi na rin ako sumama. May mahalaga pa akong aasikasuhin ngayong araw. Matapos