SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER

SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER

last updateLast Updated : 2024-07-28
By:  Magzz23Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
65Chapters
10.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pansamantalang umuwi si Ethan sa Mindanao kung saan siya lumaki upang takasan ang masalimuot niyang buhay pag-ibig sa Maynila. Tuluyan siyang nakipaghiwalay sa long time fiancée niyang si Klarissa nang mahuli niyang may kaniig ang nobya niya sa mismong bahay nito. Nasa beach resort siya habang nagpapalipas ng kaniyang sama ng loob at payapain sana ang kaniyang isipan. Subalit ang inakala niyang makakalimot siya sa pighating nararamdaman ay hindi pa pala. Mas lalong naging magulo ang buhay at isipan niya nang makilala niya si Rose na receptionist supervisor ng kaniyang private resort. Hindi lang iyon dahil sa una at pangalawang pagkukrus ng landas nila ay naging miserable na. Mas lalong kalunos-lunos ang pagtatagpo nila nang malaman niyang si Rose ang anak ng dati niyang foreman na nagtangka sa pera niya at namatay tatlong buwan na ang nakararaan. Ngayon, kailangan din niyang harapin ang dalaga sa kadahilanang kinukuha nito ang karapatan sa insurance money ng yumao nitong ama. Subalit ayaw niyang ipagkaloob ito sa dalaga ng ganoon na lamang at isa lamang ang naisip niya. He offered her to be his woman, his bedmate and shared his savage and lonely nights.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Ethan

 PAPASOK na ako sa bahay ng fiancée kong si Klarissa dala-dala ang bulaklak at chocolates. It was our fifth anniversary and I want to surprise her. Isang buwan na lang at ikakasal na kaming dalawa. I want to settle down with her and build my dream family with her.

 Marami na akong inihandang mga plano naming dalawa at sa edad kong ito ay tama lang na pamilya na ang isipin ko. I am thirty-five and have my stable business. Ika nga nila ay asawa na lang ang kulang para kumpleto na.

 Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kwarto ng nobya ko ay iniisip ko na ang lahat. Kung ano pa ang kulang para mapaghandaan ko pa. Ako lang naman ang tipo ng lalaking iisang babae lang din ang pinangarap kong makasama. Ayoko ng sakit sa ulo at stick to one lang ako.

 Subalit natigil ang imahinasyon ko nang may marinig akong ungol ng isang babae sa loob ng kwarto ng nobya ko. Habang pinapakinggan ko ito ay napagtanto kong boses ito ni Klarissa. Kinabahan ako at sa kabilang banda ay umusbong ang galit ko sa sarili. I don’t want to think that my girlfriend cheated on me.

 Nilakasan ko ang loob kong pihitin nang marahan ang doorknob na saktong hindi pa naka-locked. Sa maliit na siwang ng pinto ay kitang-kita ko kung paano umiindayog sa ibabaw ng lalaking kaniig ang nobya ko. Sa sobrang galit ko na halos umakyat na sa ulo ko ay walang habas na itinapon ko ang bitbit ko at sinugod sila. Wala na akong pakialam kung ano man ang mangyari sa gabing ito at sa kataksilang ng nobya ko.

 “Klarissa!!” galit kong sigaw. “How dare you, woman!!”

 “Huh?!” Nagulat siyang lumingon sa akin. “Ethan?!” Mabilis siyang umalis sa pagkakapatong sa lalaki niya at tinakpan ang hubad nilang katawan. “E-Ethan, I can explain!”

 “Explain?!” sigaw ko. “Ito ba ang ipinagmamalaki mo sa akin?!” Dinuro ko pa ang lalaki niya at akma na sana akong lalapit sa lalaking kaniig ng nobya ko ngunit humarang siya.

 “Ethan! Don’t⸻please! I’m begging, please!! M-Mahal ko siya!” mangiyak-ngiyak na wika niya sa akin.

 “W-What?!”

 “Bro, please! N-Nagmamahalan kami⸻”

 “Lintik na pagmamahal iyan!” mura ko sa lalaking ni hindi ko naman nakilala. “Simula sa gabing ito ay wala ng kasal na magaganap, Klarissa! Damn you!” Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Klarissa at tumalikod na ako upang lumabas ng kwarto. Hindi ko kayang makita ang ayos nilang dalawa at sasabog na ako. And to think na baka makapatay pa ako.

 “Ethan!” tawag niya.

 Subalit hindi ko na inalintana ang pagtawag niya at nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Gusto kong magwala para ilabas man lang itong emosyon ko at sa unang pagkakataon ay nasaktan ako nang sobra. Nasaktan ako sa babaeng pag-aalalayan ko pa sana ng pangalan ko at buhay.

 “Ethan!” Sabay hinila ni Klarissa ang braso ko nang maabutan niya ako.

 “What?!” sambit kong sabay lumingon sa kaniya. This time, may suot na siyang night dress habang ako naman na naroon pa rin ang pagngingitngit ng kalooban.

 “Ethan, mag-usap tayo,” pagsusumamo niya.

 “Anong dapat nating pag-usapan natin, Klarissa? This wedding is over! You cheated on me and now you want to talk to me? For what? Para ipamukha sa akin na mahal mo ang lalaking iyon? Pasalamat siya na hindi ko sinayang ang lakas ko sa kaniya at matino pa ang pag-iisip ko!” tiim-bagang kong sabi.

 “I’m sorry, Ethan! H-Hindi ko sinabi sa iyo agad ang totoo pero napapagod na ako sa relasyon natin at hindi ko na kayang magpanggap. Ang lalaking iyon na kasama ko sa kwartong iyon ay siya lang ang pumuno sa lahat ng mga hindi mo kayang ibigay sa akin. Noong wala ka ng anim na buwan nang dahil sa negosyo ng pamilya mo ay si Gary lang ang nakasama ko. Siya lang ang tanging naging sandalan ko sa tuwing naging malabo tayo.”

 “So, it’s my fault again? Kasalanan ko pa pala na ginagawa ang lahat for our future at naghanap ka ng iba para lang matugunan ang pansarili mong gusto! You never loved me, Klarissa. Dahil kung mahal mo ako, hindi mo ito magagawa sa akin! Sana maging masaya ka sa piling ng hayop na lalaking iyon!” Malalim pa ang mga titig ko sa babaeng minsan ko na rin minahal bago ako tumalikod nang tuluyan.

 Masakit! Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon na halos gusto kong ilabas ang emosyon ko pero hindi ko ginawa. Pinipigilan ko pa rin ang nagpupuyos kong damdamin habang papalayo sa lugar na ito.

 Kasabay ng naghihinagpis ng aking kalooban ay siya rin ang pagbuhos ng malakas na ulan sa paligid. Mabilis akong pumasok sa loob ng kotse ko at pinaandar na ito. But then again, I can’t help myself but to let my emotions flow. Hindi naman siguro masamang mapaluha ang isang lalaking katulad ko.

 Halos ibinuhos ko na ang lahat para kay Klarissa, but it’s not all enough. Ang masaya sanang magaganap na kasal ay nauwi rin pala sa matinding break up. And the worst thing is, nahuli ko pa siyang may kaniig na iba. Damn it! Napahampas na lang ako sa manibela ko. Wala man lang akong ideya na iniiputan na ako sa ulo.

 Pinaharurot ko ang sasakyan sa maluwag na kalsada kahit pa tumatalsik na ang tubig kapag nadadaanan ng gulong ng kotse ko. I don’t care anymore. Kung mabangga man itong kotse ko ay bahala na ang maykapal.

 Kaya lang ay nakita ko na agad sa unahan ang isang babaeng tila pumapara ng taxi pero huli na upang bagalan ko ang takbo. Nakalagpas ako sa kaniya pero nakita ko sa side mirror ko kung paano siya naligo sa tumalsik na tubig dahil sa kotse ko.

 “Damn it!” mura ko. Binagalan ko ang takbo ng kotse ko dahil kahit papaano ay nakaramdam naman ako ng habag sa babaeng ito.

 Dahan-dahan ang takbo ko paatras at panay ang pagsilip ko sa side mirror. Nais kong humingi ng paumanhin sa babaeng ito dahil nagpadala ako sa emosyon ko at heto ang nangyari. Kaya lang nang huminto na ako sa tapat niya ay bigla niyang hinampas ng payong niya ang unahan ng kotse ko at tila nagwawala. Dali-dali naman akong lumabas kahit alam kong mababasa rin ako.

 “Hoy, lalaki! Bulag ka ba? Hindi mo ba ako nakikita, ha?! Tingnan mo itong ginawa mo sa akin! Paano ako makakasakay ng taxi kung ganitong basang-basa ako?” bungad niya. Nanginginig na nga siya sa galit sa akin.

 “Miss, I’m sorry. Hindi ko sinasadya,” paghingi ko ng paumanhin. Lumapit pa ako sa kaniya sa waiting shed upang makasilong. “Hindi agad kita napansin kanina,” pagsisinungaling ko na lang para hindi siya lalong magalit.

 “Sorry? Iyang sorry mo na ba iyan ay makakatulong sa pagtuyo nitong damit na suot ko? Kayo kasing mayayaman na porkit may sasakyan kayo ay parang hari na kayo ng kalsada! Hindi niyo na iniisip ang mga katulad kong nahihirapan na nga sumakay dahil maulan tapos paliliguan mo pa ako!” Bigla siyang umiyak. “Sana⸻sana sinagasaan mo na lang ako para matapos ang lahat ng paghihirap ko!”

 “Miss, are you okay?” Nahabag na naman ako sa bigla niyang pag-iyak sa harapan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid at saktong walang tao at baka mapagkamalan pa na may ginawa ako sa kaniya. I turned my glimpse to her again and still she’s crying. “Miss, kung may problema ka ay daanin natin sa maayos na pag-uusap. I said sorry to you and this isn’t enough?”

 “Huwag mo akong ini-english at nasa Pilipinas ka! Sorry ka nang sorry sa akin pero huli ka na. Naligo na ako sa…” Inamoy niya ang sarili niya. “Yuck! Amoy putik pa! Nakakainis!” Halata na sa kaniya ang emosyon na katulad ko ay naghalo-halo na rin.

 “Okay, fine. Saan ka ba uuwi at ihahatid na kita,” mahinahon kong alok na sa kaniya upang tumigil lang siya sa kakadaldal at pag-iyak.

 Natigilan siya. “Ihahatid mo ako? Teka, alam ko na iyan. Aalukin mo akong sumakay diyan sa magarang kotse mo at dalhin sa kung saan. Tapos ipapa-salvage mo ako pagkatapos mong gawin ang gusto mo sa akin. No way! Promdi ako pero hindi ako uto-uto!”

 Nainis na ako sa pang-aakusa niya. “Miss, inaalok lang kitang sumakay dahil alam kong kasalanan ko, but it doesn’t mean na may gagawin akong masama sa iyo. Damn it,” mahinang mura ko sa huli. “Bahala ka kung ayaw mo!” Nag-walk out na ako dahil nasasayang na ang oras ko sa kaniya.

 “Sige, umalis ka! Isusumbong kita sa pulis at kabisado ko ang plate number ng kotse mo!” sigaw pa niya.

 Nilingon ko siya. “Sige. Kahit magsumbong ka pa kay Hudas!” Pinatulan ko na nag sinabi niya at binuksan ko na ang pinto ng kotse ko saka mabilis na sumampa.

 Alam kong may sinasabi pa siya pero wala na akong planong pakinggan pa. Mabuti naman ang intensiyon ko sa kaniya at tulungan siyang makauwi ngunit ako pa ang napasama. Subalit kung ganitong klaseng babae naman ang makaharap ko ay huwag na. Masyadong taklesa at… Napatigil ako sa pag-iisip dahil habang nagtatalak siya kanina ay malaya kong pinagmasdan ang mukha niya. Maganda siya. Bakat na nga ang suot niyang pang-itaas kanina dahil manipis lang ang suot niyang puting blouse.

 And damn again! Kita na halos ang dibdib niya pero iniwas ko na lang ang tingin ko para hindi niya mahalata. Ano ba itong iniisip ko? Damn you, Ethan! Kung kailan broken-hearted ka at ngayon mo pa iniisip ang sitwasyon niya? Pinagalitan ko na lang ang sarili ko habang binabaybay ang kahabaan ng Edsa at maulan pa rin.

 Pinayapa ko na lang ang sarili ko sa mga hindi ko inaasahang naganap ngayong gabi. Iniisip ko na lang na maaaring hindi pa si Klarissa ang babaeng itinadhana sa akin. I’m a billionaire and I can find a woman better than her. At pumasok na sa isipan kong magbakasyon na muna sa lugar kung saan ako lumaki. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Kyzhen Fujiwara
Ito iyong story na unang basa pa lang, may interactions na hehehe
2024-03-15 20:55:21
1
user avatar
Kyzhen Fujiwara
Magaganda talaga gawa mo Ms. Magzz23. Sinundan kita dito sa GN. Mapa-action, romcom at fantasy. Hehe. Goodluck po.
2024-03-15 17:40:00
2
user avatar
Ry Sprakenheim
keep it up ......
2024-03-15 07:30:18
2
user avatar
Magzz Stories
Read my first story here in GN! A collab stories with Ms. Yvette Stephanie. Follow us for more updates!!
2024-03-14 21:18:33
5
65 Chapters
Chapter 1
Ethan PAPASOK na ako sa bahay ng fiancée kong si Klarissa dala-dala ang bulaklak at chocolates. It was our fifth anniversary and I want to surprise her. Isang buwan na lang at ikakasal na kaming dalawa. I want to settle down with her and build my dream family with her. Marami na akong inihandang mga plano naming dalawa at sa edad kong ito ay tama lang na pamilya na ang isipin ko. I am thirty-five and have my stable business. Ika nga nila ay asawa na lang ang kulang para kumpleto na. Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kwarto ng nobya ko ay iniisip ko na ang lahat. Kung ano pa ang kulang para mapaghandaan ko pa. Ako lang naman ang tipo ng lalaking iisang babae lang din ang pinangarap kong makasama. Ayoko ng sakit sa ulo at stick to one lang ako. Subalit natigil ang imahinasyon ko nang may marinig akong ungol ng isang babae sa loob ng kwarto ng nobya ko. Habang pinapakinggan ko ito ay napagtanto kong boses ito ni Klarissa. Kinabahan ako at sa kabilang banda ay umusbong ang g
last updateLast Updated : 2024-03-06
Read more
Chapter 2
Rose “Tiyang! Tiyang! Pabuksan ho itong pinto!” sigaw ko habang kumakatok sa pinto ng bahay ng tiyahin ko. Malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat. Baha na rin sa kalsada na dinaanan ko kanina at mabuti na lang na naabutan ko pa ang mga traysikel sa kanto. Kung hindi ay wala na naman akong masakyan papasok dito sa bahay ng tiyahin ko kung saan ako pansamantalang tumutuloy. Badtrip pa ako kaninang may aroganteng lalaking tinalsikan ako ng tubig sa daan at ang lagay pa ay naligo pa ako ng amoy putik na tubig. Ang lalaking iyon na hindi man lang ako pinilit na ihatid! Nanginginig na rin ako sa lamig dahil halos buong katawan ko ay basa. “Oh, Rose!” sambit ng tiyahin ko nang pagbuksan niya ako. “Diyos ko! Bakit basang-basa ka? Wala ka bang payong? Halika at pumasok ka na rito!” “Eh, masyadong malakas ho ang ulan sa labas, Tiyang Nely. Maaliwalas naman ang panahon kaninang umaga at nitong uuwi na ako ay bumuhos naman ang ulan. Tapos niyan ay tinalsikan p
last updateLast Updated : 2024-03-06
Read more
Chapter 3
TULALA na naman akong nakatitig sa payapang karagatan na natatanaw lang sa kinauupuan ko. Kakatapos lang ng shift ko bilang receptionist sa Ocean Pearl Private Resort at nais akong makausap ni Sir Roberto, ang may-ari. “Rose,” tawag ni Sir Roberto na papalapit sa akin. Agad naman akong sumulyap sa kaniya at ibinalik ang diwa ko sa naturang kaganapan. “Sir Roberto, kayo po pala.” Tumayo pa ako upang batiin siya. “Nasa malayo pa lang ay ramdam ko na may problema ka. Maupo ka na.” Hinila naman niya ang katapat na silya at umupo. “Pasensiya ka na at hindi kita kaagad na nakausap kanina dahil may importanteng bisita akong inasikaso. Nakita mo naman siguro iyong mestisuhing dumating kanina na ibinilin ko pa sa iyo.” “Ay, oo. Ang gwapo niya kaya lang ay mukhang masungit,” puna ko. Natawa si Roberto. “Kayo talagang mga kabataan, oo. Kaibigan iyon ng boss ko at boss niyo na rin.” “Ho?” Nagulat ako sa narinig ko mula sa kaniya. “A-Akala ko ay kayo ang may-ari ng resort, Sir Roberto!” “Hi
last updateLast Updated : 2024-03-06
Read more
Chapter 4
EthanA few days after my friend Lorenzo went to my place to unwind, I followed him. Nais ko rin maibsan ang kalungkutan nararamdaman ko at kahihiyan na rin sa ginawa ni Klarissa. Pati ang mga magulang namin pareho at ibang mga kamag-anak na alam na ang napipintong kasalan namin ay dismayado sa nalaman nila.“Good morning, Sir Ethan,” bati ni Roberto sa akin. Hindi na niya ako nagawang sunduin pa dahil may inasikaso siya.“Magandang umaga,” tipid kong tugon. Nasa beach house mansion na kami at nasa sala ako. Kakalapag ko lang din ng mga gamit ko sa sala at kakaupo lang din nang dumating siya. "Si Lorenzo?” tanong ko kaagad.“Uhm, maayos naman siya. Katulad naman ng bilin niyo na asikasuhin siya ay ginawa ko. Ipaghahanda ko na ba kayo ng almusal kay Nana Claudia mo?”“Nope.” Isinandal ko ang ulo ko sa malambot na sofa. “Iidlip lang muna ako dahil maaga akong nagising kaninang umaga.” Napahikab pa ako matapos kong tumugon sa kaniya at marahang pumikit.“Sige. Ipapaayos ko na lang
last updateLast Updated : 2024-03-11
Read more
Chapter 5
RoseKitang-kita ko kung paano sumubsob ang lalaking tila pamilyar sa akin. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nabusuhan ng ganito. Magkakamatayan na kami at hinding-hindi talaga siya makakaisa sa akin! Ang herodes na ito!Sumusuray ang lalaking pilit na tumayo mula sa pagkakasubsob niya sa halamanan at halatang wala na siyang sapat na lakas. Wala akong naramdamang pagkahabag sa nangyari sa kaniya basta ang alam ko ay nabusuhan ako ng kumag na ito.“Iyan ang bagay sa iyo, manyakis ka!” Akma ko na sana siyang papaluin nang biglang may pumigil sa akin.“Rose!”Napasulyap ako sa taong pumigil sa akin. “Ha?! S-Sir Roberto?!” gulat kong wika. Agad kong ibinaba ang dalawang kamay kong may hawak na toilet map.“Anong ginagawa mo?” pagtataka niya.“S-Sir, k-kasi ho... Ang lalaking ito...”Napapailing na lang si Sir Roberto na agad dinaluhan ang lalaking halos hindi na makatayo. Tinulungan niya itong makatayo at inalalayan upang hindi matumba dahil sa kalasingan. Labis naman ang pagt
last updateLast Updated : 2024-03-11
Read more
Chapter 6
ILANG ulit na tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Sir Ethan sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil sa lahat ng kaniyang mga sinabi ay iyon pa ang maririnig ko. I was expecting that he would be nice to me and accept my apologize but that’s not what happened. He won’t accept it unless I would be his woman. Hindi naman ako tanga para hind maintindihan iyon at hindi ko rin alam kung bakit niya ito gustong gawin sa akin.“S-Sir…” Halos nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko man lang madugtungan agad ang sinabi niya.“You heard me, woman. Accept it or leave it,” seryoso pa rin niyang sabi. Sumandal siya nang maayos sa kinauupuan niya at unti-unting binuksan ang hawak niyang brown envelope. “Hawak ko ang papeles ng ama mo na nagpapatunay na ako ang beneficiary niya. You knew it already, right?”Napatitig ako sa papel at nakita ko nga pangalan ni Sir Ethan sa list ng beneficiary ng tatay ko. Doon pa lang ay nanlumo na ako dahil mas kailangan namin iyon ng pamilya kaysa sa kaniya na halos nasa
last updateLast Updated : 2024-03-11
Read more
Chapter 7
“Here’s your key card, sir. Enjoy your stay!” wika ni Lea sa guest namin.Narinig ko naman ang pagbati niya sa bagong dating naming guest pero ako naman itong tulala habang nakatingin sa monitor ng computer. Hindi talaga mag-sync in sa utak kong pumayag akong maging babae ni Sir Ethan kapalit ng insurance ng tatay ko.“Hoy!” untag ni Lea sa akin sabay tinapik ang balikat ko.“Aray naman!” sambit ko sabay hinawakan ang balikat kong tinapik niya. Hinarap ko na rin siya sa pagkakataong ito. “Bruha ka, anong problema mo?”Napameywang siya. “Madam, kanina ka pa ho tulala riyan sa computer. Mamaya niyan ay maging mother board ka na. Ikaw yata ang may problema.”Napabuntong hininga ako. “Wala akong problema, Lea. Marami lang akong iniisip ngayon lalo na at may babayaran na naman sa school ang kapatid ko.”“Financial na naman ang problema mo. Bakit hindi mo na lang tularan si Cathy na sumama sa afam nanligaw sa kaniya at tingnan mo ngayon ang bruha, aba, nasa California at humihiga sa
last updateLast Updated : 2024-03-11
Read more
Chapter 8
RoseAfter I read the contract, I started my day with this huge house. Dismayado pa ako sa nakalagay sa kontrata namin na indefinite. Isang kontrata na ang ibig sabihin ay mawawalang bisa lang kapag nagkasundo na kaming itigil na. Minsan ay naiisip kong ang babaw kong babae na hindi nalalayo sa mga babaeng kapit din sa patalim. But what should I really do? I want the best of my family and that insurance is my last chance. Napabuntong hininga na naman ako habang nakaupo sa isang malambot na silya kaharap ang magandang vanity mirror. Sa ganda ng kwartong ito, gusto kong isipin na isa akong Disney princess na nag-glow up. Nasa isang high class akong lugar na kung iisipin ay ang swerte ko na. Habang nagsusuklay ako sa basa kong buhok, sumagi sa isipan ko ang dalawang kapatid ko at ang nanay ko. I missed them! But it’s for their sake. Naalala ko na naman ang sinabi ng tukmol kong boss na we will dance tonight. Ano ba ang sasayawin namin ngayong gabi? Cha-cha? Gusto kong tumawa pero al
last updateLast Updated : 2024-03-12
Read more
Chapter 9
Isang mabangoy amoy ang gumising sa diwa ko habang tumatama ang sikat ng araw sa aking pisngi. I am about to open my eyes habang dinama ko kung saan ako nakatulog. Kaya lang bahagya akong napakunot ng noo nang maramdaman ko ang matigas na bagay kung saan ako nakapulupot. Tao? Marahang dinama ng aking palad kung saan ako nakayakap hanggang sa iniangat ko ang aking mukha. Shit! Nakasandal ako kay Ethan habang ang isang braso naman niya ang naging unan ko. Mahimbing ang pagkakatuloy niya at isang kilos ko lang ay magigising na siya. Nakatulog ako na katabi siya? “Hmm…” ungol niya. Sinulyapan ko ang aming paligid at naroon pa rin kami sa rooftop. Mukhang doon na rin kami inabutan ng gabi. Muli kong ibinaling ang tingin sa maamong mukha ni Ethan. Nasa lang ay natutulog ka na lang dahil mukha pa siyang maamong tupa pero kapag naman na nagising siya ay nangangain na siya ng tupa. Teka…wala naman sigurong masama kung pagmasdan ko siya habang natutulog.I dit it. Kinabisa ko ang hugis
last updateLast Updated : 2024-03-12
Read more
Chapter 10
EthanNatigilan ako. I didn’t expect that this woman would have such of confidence to ask it to me. Well, kung desperada rin siyang ialay ang sarili niya pero ang mga mata niya ay malayong-malayo sa sinasabi niya. I know that there’s something on her. Natatakot ba siya? “I will let you know when that happen. For now, keep that money for your family, and let’s talk about it some other day. Abala pa ako sa ibang bagay sa ngayon pero iyong ibang mga hindi ko gusto, nakasulat iyon sa kontrata nating dalawa. I’m just reminding you.”“Hindi ko nakakalimutan.”“Sige na. Pumasok ka na.”Hindi na siya nag-abalang tumugon sa sinabi ko at basta na lang na tumalikod. Nakita ko pa na inilagay niya ang sobre na may lamang pera sa kaniyang back pack na dala. I watched her when she’s leaving but…I felt that I want her. Humugot pa ako ng malalim na hininga sa hindi kadahilanang sandali. Damn it! Natagpuan ko na lang ang sarili kong malalaki ang hakbang upang habulin siya sa may pinto. At nang
last updateLast Updated : 2024-03-12
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status