Share

Chapter 4

Ethan

A few days after my friend Lorenzo went to my place to unwind, I followed him. Nais ko rin maibsan ang kalungkutan nararamdaman ko at kahihiyan na rin sa ginawa ni Klarissa. Pati ang mga magulang namin pareho at ibang mga kamag-anak na alam na ang napipintong kasalan namin ay dismayado sa nalaman nila.

“Good morning, Sir Ethan,” bati ni Roberto sa akin. Hindi na niya ako nagawang sunduin pa dahil may inasikaso siya.

“Magandang umaga,” tipid kong tugon. Nasa beach house mansion na kami at nasa sala ako. Kakalapag ko lang din ng mga gamit ko sa sala at kakaupo lang din nang dumating siya. "Si Lorenzo?” tanong ko kaagad.

“Uhm, maayos naman siya. Katulad naman ng bilin niyo na asikasuhin siya ay ginawa ko. Ipaghahanda ko na ba kayo ng almusal kay Nana Claudia mo?”

“Nope.” Isinandal ko ang ulo ko sa malambot na sofa. “Iidlip lang muna ako dahil maaga akong nagising kaninang umaga.” Napahikab pa ako matapos kong tumugon sa kaniya at marahang pumikit.

“Sige. Ipapaayos ko na lang sa mga kasambahay ang mga gamit mo at kung may kailangan ka pa, hijo, magsabi ka lang.”

“I’m fine, Mang Roberto. Aakyat din ako mamayang kaunti.”

“Okay. Ay siyangapala, Sir Ethan. May nais sana akong itanong sa inyo kung maaaring makaabala.”

“Ano iyon, Mang Roberto?” tanong ko habang nanatili lang akong nakapikit.

“May isang empleyado tayo rito na nangngangalang, Rosalen Borja o Rose. Siya ang anak ng dati mong foreman raw sa Engineering Company mo na namatay tatlong buwan na ang nakararaan. Nagtungo siya sa Maynila para ayusin ang insurance ng tatay niya pero nabigo siyang makuha ito.

“Ayon sa kaniya ay hindi sila ang nakapangalan sa naturang beneficiary list kung hindi...ikaw. Pasensiya ko na kung nanghimasok ako sa iyo sa bagay na ito pero kasi kawawa ang dalagang iyon na inaasahan ng pamilya niya. Nais ko lamang sana siyang tulungan,” paliwanag ni Roberto sa akin.

I slowly opened my eyes and my forehead furrowed to Roberto. Umayos din ako ng pagkakaupo wari ay pilit kong inunawa ang sinasabi niya tungkol sa dati kong foreman at ang insurance na naiwan niya.

I remembered my staff name Ismael Borja. Siya lang naman ang foreman na nagtangkang itakas ang perang ibinayad ng kliyente ko sa halagang limang milyong piso. Sa kasamaang palad ay natiktikan sila ng mga holdaper at natangay ang pera ko.

I trusted him. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya sa akin ito at wala akong mapagtanungan dahil ni isa ay walang nagsasalita tungkol sa nangyari. Alam ko naman ang dedikasyon ni Mang Ismael sa kompanya ko, but this is damn business. Kung awa lang din ang paiiralin ko, paano pa ako sa mga susunod na taon?

Nagmamakaawa sa akin si Mang Ismael na huwag siyang tanggalin sa kompanya ko at bilang kapalit sa nawalang pera ko ay ang insurance niya ang naisip niya. I know that this is unethical to accept his offer. Pinaghirapan niya ang pera na pambayad sa insurance buwan-buwan, but he insisted. Ito lang din ang kaya niyang ipambabayad sa akin. Hindi rin niya nasabi sa akin kung ano ang dahilan sa pagtangka sa pera ko dahil sa galit ko noon.

I accept his offer in exchange of my lost money. But I didn’t expect that Ismael was died due to a heart attack. Nasa ibang bansa ako that time at ang sekretarya ko na ang nag-asikaso. Kahit ang insurance ni Mang Ismael ay nakuha ko rin. Ang sabi ko noon ay aasikasuhin ko na lang ito pagbalik ko at ito na iyon.

“Rosalen Borja?” sambit ko. Tumayo ako upang harapin si Mang Roberto at bigyan ng pansin ang idinulog niya sa akin ngayon. “She’s our employee?” I asked him.

Tumango siya. “Yes, sir. Sa katunayan ay supervisor siya ng hotel resort mo at kamakailan lang ay nagtungo siya sa Maynila upang e-claim ang insurance ng naiwan niyang yumaong ama.”

Humugot ako ng malalim na hininga. “Okay. I'll deal with her later. Papuntahin mo siya sa pavillion mamayang gabi,” utos ko na lang.

“Okay. Mas maigi na nga na makausap mo siya. Magkikita ba kayo ni Lorenzo mamayang gabi?”

“Yeah. I'll call him later, too. Thanks, Mang Roberto.”

“Walang anuman. Dito na muna ako at aayusin ko pa ang ibang guests natin.”

Tumango na lang ako habang sinundan na lang ng tingin si Mang Roberto na papalayo. Habang papalayo siya ay naisip ko na naman ang sinabi niya. Ang diwa kong inaantok ay tila nabuhay nang marinig ko ang tungkol sa bagay na ito.

So, she’s here. Bakit walang nabanggit sa akin si Mang Ismael na dito nagtatrabaho ang anak niya? Malalim akong nag-isip habang bumalik ako sa sofa at kinuha ang mga gamit ko. I need to start my day and look for my friend, Lorenzo. Nag-e-enjoy na siguro siya rito.

 

KINAGABIHAN ay nag-asikaso na ako para sa kaibigan kong si Lorenzo. Minsan lang siya rito sa lugar ko kaya gusto kong mag-enjoy siya at matikman ang mga sariwang pagkain na ipinahanda ko pa.

I have no idea why he’s here but I know there’s suddenly reason. Ang alam ko ay nag-aasikaso na rin siya para lumagay na rin sa tahimik katulad ko pero nagtataka naman akong nagbabakasyon siyang mag-isa rito. Something’s fishy.

Si Lorenzo ang isa sa mga kaibigan kong malihim din pagdating sa personal na buhay. Katulad ko lang din siya ngunit may mga chances na nalalaman namin ang problema ng isa’t isa kapag kusa na rin kaming nagsasabi.

“Lorenzo, my friend!” Inilahad ko ang palad ko sa kaniya upang batiin siya at kamayan.

“Pare…” Tinanggap niya ang pakikipagdaupang-palad ko sa kaniya. “Mabuti naman at sumunod ka rito para naman may makausap ako.”

Napangiti ako. “And why? Wala ka bang matinong kausap dito? Nandito naman si Mang Roberto para asikasuhin ka at sa mga gusto mong gawin.”

Saktong dumating si Mang Roberto para manduhan ang waiter upang ilagay ang mga inumin at pagkain naming dalawa. Nahagip din ng mata ko ang seryosong pagtitig ni Lorenzo kay Mang Roberto ngunit hindi ko na lang ito binigyan ng kahulugan.

Matapos naman nilang ayusin ang mga nasa mesa ay agad din naman silang umalis. Niyaya ko si Lorenzo na umupo na kami kaharap ang dalampasigan. Bagamat hindi man namin nakikita ang naturang karagatan ay naririnig naman namin ang bawat paghampas ng alon sa tabing-dagat. Nariyan naman ang mga maliwanag na ilaw na talagang pinasadya ko upang hindi madilim ang paligid. Ma-e-enjoy pa ng mga guests ang night life dito sa resort ko na walang inaalala.

“So, what’s up?” tanong ko sa kaniya habang nagsasalin ng alak sa dalawang rock glass.

“I’m fine,” tugon niya.

“Fine? You’re not fine, bro.” Kinuha ko ang rock glass at ini-abot sa kaniya.

Tinanggap naman niya ang basong ini-abot ko. “Kailan ka pa naging manghuhula? I am here to spend my days in your paradise, Ethan. Nothing else,” sagot niyang agad namang nilagok ang buong laman ng baso.

“I doubt it,” sambit ko sabay ngumiti.

“And you? Don’t tell me na nandito ka para lang mag-unwind katulad ko.”

“Yeah. That’s it.” Nilagok ko rin ang laman ng baso ko.

“Huwag mo akong bolahin, Ethan. I know you. How about your wedding preparation? Hindi mo yata kasama si Klarisse ngayon.”

“Forget about her,” mapait kong tugon. Sa totoo lang ay ayokong isipin ang babaeng iyon na nag-enjoy pa yatang kasama ang ipinalit sa akin. Damn it! Muli akong nagsalin ng alak naming dalawa.

“Tss. I know it again. The wedding is off, right?”

“Yeah,” pag-amin ko para matapos na.

Napapangiti habang napapailing si Lorenzo sa akin nang aminin ko iyon. Ang gusto kong mangyaring na siya ang dapat magsabi sa akin ng totoo bagamat hindi iyon nangyari. But then again, gusto ko lang naman na may mapagsabihan ng totoong nararamdaman ko.

Habang lumalalim ang gabi ay lalong naging mabigat na ang pakiramdam ko at umiikot na ang paningin ko. Ngayon lang ako nagpakalango sa alak at gusto kong isigaw sa buong mundo ang pighating nararamdaman ko. Alam kong lasing na rin si Lorenzo pero sa aming dalawa, siya pa itong matinong kausap. At natagpuan ko na lang ang sarili kong nagkukuwento sa mga nangyari sa akin at sa ex-girlfriend ko.

“Then tell me what happen, Ethan? Baka sakaling makatulong ako sa nararamdaman mo.”

“S’She’s a whore!” direktang sambit ko kahit na naniningkit na ang mga mata kong nakatitig sa kaibigan ko. “I saw her naked on top of a man inside her room. Napakalaking gago ko na hindi ko man lang nagawang iganti ang sarili ko.”

“What? You mean… nahuli mo si Klarisse na may kaniig na ibang lalaki?” gulat niyang tanong sa akin. “At ni hindi ka man lang gumawa ng aksiyon?”

Umiling ako. “Ayokong mag-eskandalo, p’re. A-Ayoko…”

“Huh?! If I were you, gulpi ang abot sa akin ng hayop na iyon. Then, ano pa ang ginawa mo?”

“Nakipagkalas ako. Ano pa ang gagawin ko? I told everyone that the wedding is off. Mga hayop sila!” Hindi ko alam pero gusto kong ihagis ang bote ng alak at iyon nga naman ang ginawa ko.

Basag ang bote sa unahan kaya naman alerto ang tauhan kong lapitan ako pero nahagip ng paningin kong senenyasan lang ito ni Lorenzo na huwag lumapit at siya na ang bahala sa akin. Napahilamos na lang ako sa mukha at napasuklay na rin habang pilit kong nilalabanan ang nagpupuyos kong damdamin. I don’t want to express my feelings to anyone but I can’t help it. Lalo na kapag naalala ko ang gabing nahuli kong may kasiping ang ex-girlfriend ko.

“Gusto mo pa bang magbasag? I will let you out of your rage if that’s what you want.”

“Na…” Tumayo ako ngunit hindi na diretso ang pagkakatayo ko. Damn it again! Dalawa na ang tingin ko sa kaibigan ko. “I’ll go to the restroom.”

“Kaya mo ba? I’ll help you⸻”

Pinigilan ko siya. “I can!” Naglakad pa akong sumuray-suray pero alam kong kaya ko pa.

“Are you sure?”

Alam kong nag-aalala siya kaya itinaas ko na lang ang kamay kong hudyat na ayos lang ako at kaya ko pa. Isang bote ng whisky lang naman ang naubos namin pero isa ito sa matapang na alak na pinili ko.

Kabisado ko pa ang papuntang restroom pero dahil nga sa nahihilo na rin ako, hindi ko na sinilip kong lalaki o babae ba ang restroom. Isa pa ay wala na rin masyadong tao sa paligid at tahimik na rin kaya kampante akong pumasok.

Pilit kong inaaninag ng mga mata ko ang paligid at napuna kong wala man lang urinal. Shit! Nasapo ko na ang ulo ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko pero nagpatuloy pa rin ako. Anumang sandali ay puputok na ang pantog ko kaya naman agad ko na rin tinanggal ang sinturon ko.

“Aaahhhh!!”

Nagulat akong may lumabas sa cubicle na isang babae at nagsisigaw. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ang buong akala ko ay nasa tamang restroom ako. Natigil ang pagtanggal ko ng sinturon at naalarma sa babaeng ito.

“B-Bastos! M-Manyakis!” hiyaw niya.

“H-Huh? A-Ako? Manyakis?” Shit!

“Oo! Manyakis ka!!” pagwawala niya. Kinuha niya ang toilet map sa malapit at akmang ihahampas sa akin.

“Hey!” pigil ko sa kaniya. “Hindi ako⸻” Wala akong nagawa kung hindi iligtas ang sarili ko sa babaeng ito ngunit tila pamilyar siya sa akin.

Hanggang sa labas ng restroom ay nagwawala pa rin siya at sa pagtakbo ko naman ay hindi ko na napuna ang mga halamanan sa harapan ko. Dala na rin ng kalasingan ko ay hindi na ako nakaiwas saka dire-diretso na lang akong sumubsob sa halamanan. Fvck!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status