Rose“Alonzo…”“Ethan!”Hindi namin napigilan ni Bea na sambitin ang pangalan ng dalawang nasa hindi kalayuan kasabay ng mga ilang tauhan nina Kent at Klarisse. Ang dalaga naman na dahan-dahang ibinaba ang kamay niya saka marahang sumulyap sa kinaroroonan ng boses ni Alonzo na pinigilan siya kani-kanina lang.“Klarisse?!” Bahagyang nagulat pa si Ethan nang makita ang dalaga ngunit nakita kong nakakuyom na agad ang kamao niya.“Surprise, babe? Well, I know it’s not a surprise anymore. How’s your trip through here? Nagustuhan niyo naman ba ang masukal na kagubatan?” She teasingly smiled to my husband.“Boss Ethan, mabuti naman at nakarating kayo rito at dala niyo ba ang perang kailangan namin?” Sabay napatingin si Kent sa dala-dalang attache case ng tauhan niya.“Heto na, boss.” Akma na sanang maglalakad ang dalawang tauhan ni Kent nang pigilan sila ni Alonzo.“Hey! Kaliwaan tayo. Ibigay niyo sa amin ang dalawa kapalit ng pera. Sumunod kayo sa nagpag-usapan,” seryosong wika niya.“Tama
Rose“Nay!”“Rose!”Mahigpit na niyakap ko ang aking ina nang kinabukasan ay nakauwi na sila kasama ng dalawa kong kapatid at si Nana Claudia. Ilang araw ko rin silang hindi nakasama nang dahil sa nangyari dito sa resort.“Kumusta kayo?” tanong ko matapos kong kumalas sa pagkakayakap sa aking ina. Sobrang nag-aalala rin ako sa kalagayan nila lalo na noong sinabi ni Klarisse na sa isang iglap lang ay magagawa na niya ang hindi maganda sa mga ito.“Ayos lang naman kami, Rose. I-Ikaw? Ayos ka lang ba? Nabalitaan namin na kinidnap ka raw at si Bea. Hindi ka naman napano?” tanong din ng aking ina na may halong labis na pag-alala.Tumango ako. “A-Ayos lang ako, ‘Nay. Medyo trauma nga lang ang nangyari sa amin ni Bea dahil kay Klarisse at kay Kent na…na ngayon ay wala na rin sila. Huwag niyo na isipin iyon at baka maging alalahanin niyo pa. Ang mahalaga ay nakuha na rin natin ang hustisya para kay tatay.”“Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala lalo na noong nabanggit ni Roberto na hindi maga
Ethan PAPASOK na ako sa bahay ng fiancée kong si Klarissa dala-dala ang bulaklak at chocolates. It was our fifth anniversary and I want to surprise her. Isang buwan na lang at ikakasal na kaming dalawa. I want to settle down with her and build my dream family with her. Marami na akong inihandang mga plano naming dalawa at sa edad kong ito ay tama lang na pamilya na ang isipin ko. I am thirty-five and have my stable business. Ika nga nila ay asawa na lang ang kulang para kumpleto na. Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kwarto ng nobya ko ay iniisip ko na ang lahat. Kung ano pa ang kulang para mapaghandaan ko pa. Ako lang naman ang tipo ng lalaking iisang babae lang din ang pinangarap kong makasama. Ayoko ng sakit sa ulo at stick to one lang ako. Subalit natigil ang imahinasyon ko nang may marinig akong ungol ng isang babae sa loob ng kwarto ng nobya ko. Habang pinapakinggan ko ito ay napagtanto kong boses ito ni Klarissa. Kinabahan ako at sa kabilang banda ay umusbong ang g
Rose “Tiyang! Tiyang! Pabuksan ho itong pinto!” sigaw ko habang kumakatok sa pinto ng bahay ng tiyahin ko. Malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat. Baha na rin sa kalsada na dinaanan ko kanina at mabuti na lang na naabutan ko pa ang mga traysikel sa kanto. Kung hindi ay wala na naman akong masakyan papasok dito sa bahay ng tiyahin ko kung saan ako pansamantalang tumutuloy. Badtrip pa ako kaninang may aroganteng lalaking tinalsikan ako ng tubig sa daan at ang lagay pa ay naligo pa ako ng amoy putik na tubig. Ang lalaking iyon na hindi man lang ako pinilit na ihatid! Nanginginig na rin ako sa lamig dahil halos buong katawan ko ay basa. “Oh, Rose!” sambit ng tiyahin ko nang pagbuksan niya ako. “Diyos ko! Bakit basang-basa ka? Wala ka bang payong? Halika at pumasok ka na rito!” “Eh, masyadong malakas ho ang ulan sa labas, Tiyang Nely. Maaliwalas naman ang panahon kaninang umaga at nitong uuwi na ako ay bumuhos naman ang ulan. Tapos niyan ay tinalsikan p
TULALA na naman akong nakatitig sa payapang karagatan na natatanaw lang sa kinauupuan ko. Kakatapos lang ng shift ko bilang receptionist sa Ocean Pearl Private Resort at nais akong makausap ni Sir Roberto, ang may-ari. “Rose,” tawag ni Sir Roberto na papalapit sa akin. Agad naman akong sumulyap sa kaniya at ibinalik ang diwa ko sa naturang kaganapan. “Sir Roberto, kayo po pala.” Tumayo pa ako upang batiin siya. “Nasa malayo pa lang ay ramdam ko na may problema ka. Maupo ka na.” Hinila naman niya ang katapat na silya at umupo. “Pasensiya ka na at hindi kita kaagad na nakausap kanina dahil may importanteng bisita akong inasikaso. Nakita mo naman siguro iyong mestisuhing dumating kanina na ibinilin ko pa sa iyo.” “Ay, oo. Ang gwapo niya kaya lang ay mukhang masungit,” puna ko. Natawa si Roberto. “Kayo talagang mga kabataan, oo. Kaibigan iyon ng boss ko at boss niyo na rin.” “Ho?” Nagulat ako sa narinig ko mula sa kaniya. “A-Akala ko ay kayo ang may-ari ng resort, Sir Roberto!” “Hi
EthanA few days after my friend Lorenzo went to my place to unwind, I followed him. Nais ko rin maibsan ang kalungkutan nararamdaman ko at kahihiyan na rin sa ginawa ni Klarissa. Pati ang mga magulang namin pareho at ibang mga kamag-anak na alam na ang napipintong kasalan namin ay dismayado sa nalaman nila.“Good morning, Sir Ethan,” bati ni Roberto sa akin. Hindi na niya ako nagawang sunduin pa dahil may inasikaso siya.“Magandang umaga,” tipid kong tugon. Nasa beach house mansion na kami at nasa sala ako. Kakalapag ko lang din ng mga gamit ko sa sala at kakaupo lang din nang dumating siya. "Si Lorenzo?” tanong ko kaagad.“Uhm, maayos naman siya. Katulad naman ng bilin niyo na asikasuhin siya ay ginawa ko. Ipaghahanda ko na ba kayo ng almusal kay Nana Claudia mo?”“Nope.” Isinandal ko ang ulo ko sa malambot na sofa. “Iidlip lang muna ako dahil maaga akong nagising kaninang umaga.” Napahikab pa ako matapos kong tumugon sa kaniya at marahang pumikit.“Sige. Ipapaayos ko na lang
RoseKitang-kita ko kung paano sumubsob ang lalaking tila pamilyar sa akin. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nabusuhan ng ganito. Magkakamatayan na kami at hinding-hindi talaga siya makakaisa sa akin! Ang herodes na ito!Sumusuray ang lalaking pilit na tumayo mula sa pagkakasubsob niya sa halamanan at halatang wala na siyang sapat na lakas. Wala akong naramdamang pagkahabag sa nangyari sa kaniya basta ang alam ko ay nabusuhan ako ng kumag na ito.“Iyan ang bagay sa iyo, manyakis ka!” Akma ko na sana siyang papaluin nang biglang may pumigil sa akin.“Rose!”Napasulyap ako sa taong pumigil sa akin. “Ha?! S-Sir Roberto?!” gulat kong wika. Agad kong ibinaba ang dalawang kamay kong may hawak na toilet map.“Anong ginagawa mo?” pagtataka niya.“S-Sir, k-kasi ho... Ang lalaking ito...”Napapailing na lang si Sir Roberto na agad dinaluhan ang lalaking halos hindi na makatayo. Tinulungan niya itong makatayo at inalalayan upang hindi matumba dahil sa kalasingan. Labis naman ang pagt
ILANG ulit na tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Sir Ethan sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil sa lahat ng kaniyang mga sinabi ay iyon pa ang maririnig ko. I was expecting that he would be nice to me and accept my apologize but that’s not what happened. He won’t accept it unless I would be his woman. Hindi naman ako tanga para hind maintindihan iyon at hindi ko rin alam kung bakit niya ito gustong gawin sa akin.“S-Sir…” Halos nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko man lang madugtungan agad ang sinabi niya.“You heard me, woman. Accept it or leave it,” seryoso pa rin niyang sabi. Sumandal siya nang maayos sa kinauupuan niya at unti-unting binuksan ang hawak niyang brown envelope. “Hawak ko ang papeles ng ama mo na nagpapatunay na ako ang beneficiary niya. You knew it already, right?”Napatitig ako sa papel at nakita ko nga pangalan ni Sir Ethan sa list ng beneficiary ng tatay ko. Doon pa lang ay nanlumo na ako dahil mas kailangan namin iyon ng pamilya kaysa sa kaniya na halos nasa