'Always refresh your mind. Delete your mistakes. Create your own dream. Minimize your targets. Shut down your worries and be happy.'
-UNKNOWN
****
SEARCHING YOU.
Inabot nang dalawang taon ang pagkawala ni Laishia. Hindi naging madali para kay Rei Zax ang lahat kung kaya't nagpautos na siya sa mga investigator na ipahanap ang kaibigan.
Kaya niyang gawin ang lahat para rito, kahit na maubos ang pera niya hindi pa rin siya titigil upang makita lamang si Laishia.
Ang nakaraan ay binura na niya, ang nangyari noon ay naging daan upang makapagdesisyon siya nang tama ngayon.
At maabot niya ang mga pangarap na hindi kasama ang mahalagang tao sa kaniya.
"Woah! Tol naks! Nagawa mo rin!" Hinampas siya nang malakas ni Daxon sa kaniyang balikat sabay akbay na parang walang ginawa.
Ngiti na lamang ang iginawad niya sa kaibigan saka tinapik ang pagkakahawak nito sa balikat niya.
Nakanguso naman na inalis iyon ni Daxon at sinundot ang kaniyang tagiliran.
Napaatras naman siya at masamang tiningnan ito.
"Akbay lamang ayaw mo pa. Grabe ka talaga! Ganyan talaga ang umaasenso, hindi na namamansin sa mga kaibigan nila."
May pagmamaktol nitong saad sa kaniya, pinapahiwatig ng mga mata nito na maawa siya.
Napapailing-iling na lamang siya at siya na mismo ang umakbay rito.
"Hindi sa nagmamataas ako, ang ayaw ko lamang sa iyo ang hampasin ako nang malakas sa balikat. Ikaw kaya ang ganunin ko, ano!?" may pagbabanta niyang saad.
Napakamot na lamang sa ulo si Daxon dahil sa matinding kahihiyan.
"Sorry sadya ko." tumawa pa ito nang malakas na malakas na parang wala sila sa hallway.
Napapangiwi na lamang siya habang pailing-iling pa sa mga taong napapatingin sa kanila.
Kung hindi lamang talaga siya kilala ng mga tao rito, iisipin na nilang mga baliw sila.
Alas dose pa naman ng tanghali, kaya posible na ang labasan ng mga empleyado sa journalist department.
Ibig sabihin ng alas dose, kainan na sa canteen nila.
At ang iba naman ay lalabas kapag maganda ang panahon.
Maganda ang panahon ngayon, mainit at ang hangin ay tama lamang. Masarap magpahangin kung nasa isang parke ka.
Magagawa lamang niyang magrelax kapag natatapos na niya ang kaniyang trabaho sa opisina at pagiging journalist sa isang sikat na kompanya.
"Hey!" Suway niya sa kaibigan nang hindi pa ito tumitigil sa pagtawa.
Sinipa niya pa ang tuhod nito at hindi sinasadyang mapatumba sa sahig.
"Ahhh—sh*t!" malakas na ngawa nito sa matinding natamo na pagkakabagsak sa sahig.
Dali-dali naman na tinulungan ni Rei Zax ang kaibigan. Ilang ulit na rin siyang nagsosorry rito dahil sa ginawa.
Kahit sa pagtayo nito ay wala pa ring katigilan ang kaniyang pagsosorry.
"I'm sorry Daxon.Hindi ko-"
"Okay na ako...I'm just kidding lang naman, hindi mo pa ata ako kilala ahahaha!" Tumawa na naman ito nang malakas.
Inis naman na tiningnan niya ang kaibigan at hinampas sa mukha nito ang kaniyang dala na suit case.
"Not funny."
Nagsimula na siyang maglakad muli palayo rito at sa mga tao rin na kanina pa sila pinipictyuran.
Hindi naman siya nagagalit o naiinis sa ginagawa ng mga ito.
May dapat lamang talaga silang gawin upang matapos na ito bago pa man sumapit ang petsa ng pagpapasahan.
Kahit na napapagod na siya dahil sa matinding trabaho sa kompanya nila at sa kompanya niya na lumalaki na nang lumalaki habang dumadaan ang taon.
Hindi niya magawang iwanan ang pagiging journalist niya, dahil ito ang kaniyang pangarap noon at ngayon.
Ayaw niyang isawalang-bahala ang pangarap para sa isang kompanya na hindi talaga niya gusto.
At hindi rin naman niya magawang iwan ang kompanya kung sa mga magulang naman niya ito.
Gusto niya itong palaguin at tulungan ang mga nagtatrabaho roon. Sayang kung ipapasarado lamang niya ito at kawawa naman ang iba kung gagawin niya.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip tungkol sa kompanya nang may umakbay na naman sa kaniyang balikat.
Hindi na siya lumingon pa sa kaliwang direksyon. Kilala na rin naman niya kung sino ito, at walang iba kundi si Daxon lang naman.
Si Daxon lamang ang nakatagal sa kaniya noong mga panahon na hindi siya mahilig makipagkaibigan sa iba.
Para sa kaniya, si Laishia lamang ang nag-iisa na kaibigan niya at hindi na iyon dadagdag pa.
Kaso masyadong glue ang taong ito. Hindi siya nito nilalayuan kahit na pinapalayo na niya.
"Anong iniisip mo?"
"Iniisip ko kung kailan ka ba titigil sa kakakuda sa akin. Lalake ka bang talaga?" may inis na sambit niya rito.
Ngiti lamang ang iginawad ni Daxon. Ngiti na nagsasabing may masamang lalabas sa bibig nito.
"Ikaw lalake ka ba, bakit ang drama mo?"
"Fuck you ka sagad." walang habas na sagot niya.
Wala na rin siyang pakialam kung marinig man ito nang iba.
"Grabe ka talaga. Sagad talaga huwag ganon pre, parehas tayong
lalake. Hindi tayo talo!"
Tinaas niya ang kaniyang kamao at tinutok ito sa direksyon ni Daxon.
Aambahan na niya sana ito ng kamao nang bigla itong lumayo sa harapan niya.
Matalim niya naman itong tiningnan at naglakad na wala na naman pakialam sa iba.
Palabas na sila sa mismong kompanya. At dumiretso sa kaniyang kotse na nakaparada lamang sa labas nitong gusali.
Kapansin-pansin ang namamangha na mukha ng kaibigan.
Kahit na ilang beses pa man ito na sumakay, hindi pa rin mawawala roon ang saya kapag nakakaupo na.
"Ang astig mo talaga! Sino ba iyang babae na inspirasyon mo? Grabe ikaw na ang mayaman at matalino. Dagdagan mo pa na may talento. Sh*t!"
Papadyak-padyak pa ang paa nito sa sahig at ang kamay naman ay hinahampas-hampas pa ang headboard sa unahan.
"Nakikisakay ka na nga lamang. Maninira ka pa ng kotse na hindi sa iyo."
Sambit niya nang nagsimula na siyang magpaandar palayo sa kompanya na ito.
"Hah! Grabe ka talaga sa akin Rei, hindi ako ganon ano. Nakakamangha lamang talaga—ah wait..." Tiningnan naman niya sa front mirror ang kaibigan. "...naalala ko na may bago raw tayo na iinterview'hin. Kilala mo ba siya?"
"Nakikinig ka ba kanina?"
"Ahhhh...hehehe hindi."
Naiiling na lamang siya sa sagot nitong si Daxon.
Bakit niya pa tatanungin ito kung kilala na niya ang ugali ng lalake.
Masyado itong antukin kapag may nagsasalita sa harapan nila.
"Pupunta tayo ngayon sa Squatter Area. May isang tao tayo na bibisitahin para gawing main character sa story na gagawin natin. Nalaman ko rin sa mga tao roon na mahilig din daw ito sa pagsusulat."
"Ah astig, pero tinatanong ko lamang naman ang pangalan niya at hindi ang dahilan natin sa kaniya" may pakapilosopo nitong sagot.
Matalim niyang tiningnan si Daxon sa front mirror. Mabilis naman itong napacross gesture gamit ang dalawang kamay.
"Joke lang naman Rei, pero sino nga ba siya?" Napakibit-balikat na lamang siya.
"Walang nakakaalam kung ano ba talaga ang totoong pangalan ng tao na 'yon. Maski ang picture wala silang ibinigay, kilala lamang siya sa tawag na 'Asul'. Hindi ko nga rin nakuha sa Supervisor kung babae ba siya o lalake"
"Huh? Asul? Ano iyon asul na balat o asong ulol?"
Natawa naman siya sa sinabi nito sa huli.
Kapag talaga sa mga katangahan at mga walang kwentang bagay, masyadong high itong si Daxon.
"Ewan ko sa iyo. Natatanga ka na, malalaman na lamang natin kapag nakarating na tayo roon."
"Tsk! Ayos lang na maging tanga kaysa maging hopeless na babalik pa siya. Uyyy...joke lang baka magalit ka."
Naiiling na lamang siya sa dinagdag nito.
"Bahala ka sa buhay mo. Kung anu-ano na iniisip mo."
Iyon na lamang ang nasabi niya. Kahit sa loob-loob niya tama naman si Daxon.
Hanggang ngayon umaasa pa rin siya, hanggang ngayon tinitingnan niya ang kwarto ni Laishia kung bumalik na ba ito sa bahay nila.
Kaso sa patuloy na kakaasa niya, mas lalo siyang nahihirapan na magmove on at nasasaktan siya sa naiisip na hindi talaga siya mahalaga sa buhay nito.
Kung nakita niya lamang sa una ang kamalian, sana naging maganda ang buhay nilang dalawa sa isa't isa.
Sana...
Sana magkasama pa sila na walang iniisip na iba.
"FUCK PRE! MAMATAY NA TAYO!"
Dahil sa malakas na sigaw ni Daxon sa mismong tenga niya ay napapreno agad siya.
Nauntog naman sa headboard sa mismong kinalalagyan niya ang ulo nito. Dahil na rin sa malakas na impact nang pagkakapreno niya.
"A-awww...grabe ka talaga sa akin, ang sakit noon. Gusto mo ba talagang mamatay na?" Nanggagalaiti nitong tanong sa kaniya.
Taka naman siyang lumingon sa harapan nila at gulat na gulat na malapit na sila sa bangin.
Kung hindi sana siya nito sinigawan, baka patay na sila na wala pa siya sa kaniyang katinuan.
Napasapo na lamang siya sa kaniyang noo.
"Sa susunod kapag nagbabyahe tayo, dapat sa daan ka lang nakatutok. Huwag mong isipin ang ibang tao, isipin mo naman ang sarili mo, Rei. Ilang taon na kitang nakikita na wala sa sarili, oo nga at masaya ka sa harap ng mga tao. Pero totoo ba ito? Hayssss...Ano bang meron ang babaeng iyon para magkaganito ka? Alam kong kapatid ang turing mo rito kaya nasasaktan ka sa pagkawala. Ngunit..."
Hinawakan siya nito sa balikat at seryoso siyang tinitigan sa mismong front mirror.
"...iwasan mo muna na hanapin ang presensiya niya. Darating ang panahon na siya mismo ang kusang babalik, mag-enjoy ka muna sa sarili mo sa ngayon. Bago ka bumalik sa naturang problema mo. Suhestiyon ko lamang iyon bro ah. Huwag mong mamasamain."
Napatango na lamang siya at tinuon ang sarili sa harapan, sa mismong bangin na ilang hakbang na lamang ay mahuhulog na ang kanilang kotse.
"Sorry, dahil sa katangahan ko muntik na tayong mamatay. Salamat din dahil napigilan mo ako."
"So, sino na ang tanga ngayon? Ahahaha ano ka ba wala iyon, ayaw ko pang mamatay ano. Saka sayang naman kung mamatay ka na hindi mo pa siya nakikita. Kaya dali na! Pupunta pa tayo sa S.A. remember?"
Natauhan naman siya sa sinabi nito at saka pinagana na ang engine ng kaniyang kotse.
Pinaandar niya paatras ang kaniyang sasakyan habang nakatingin sa side mirror kung may dumadaan ba na ibang sasakyan.
Nang makasiguro na wala na ay nagpatuloy siya sa pag-atras ng kotse at noong makalayo na ito sa mismong bangin ay pinaandar na niya ang kotse palayo rito.
Tahimik na lamang nilang tinahak ang patag na highway papunta sa destinasyon nila.
'WORRYING will never change to outcomes.'-unknown
‘Surround yourself with people who are good for your mental health.’-unknown***HOW FRIENDS WORKS FOR..."H-how..." Iyon ang lumabas sa bunganga ni Laishia matapos ang pagsabi niya nitong mga kataga.Ngumiti naman siya sa mismong harapan nito."Don't ask how...trust yourself and love yourself." Tinuro niya ang bahagi kung saan nakapwesto ang puso nito."
‘Beauty is Power; a smile is its sword.’-UNKNOWN***YOUR SMILE, MY HAPPINESS.REI ZAX' POV:"Oh paano ba iyan dito na lang ako, sana maging okay na kayong dalawa. Ayaw ko nang nakikita itong si Bespar na malungkot kapag iniisip ka. Kung ano man ang problema mo, sana mapag-usapan ninyo iyang dalawa. Kayo na lamang ang magtutulungan, kaya bakit pa kayo magkakalabuan. Sige babay na!" Nagpaalam na ito sa amin noong ihatid ko siya sa kaniyang mismong bahay.Katulad ko, ulilang lubos na rin si Daxon. Siya na lang ang na
'Will it be easy? Nope. Worth it? Absolutely.'-UNKNOWN***LIFE IS NOT EASY.REI ZAX' POV:Nakauwi na kami sa aming bahay. Dumiretso agad si Laishia sa kaniyang kwarto, samantalang ako naman ay pumunta muna sa may rooftop.Magpapahangin na muna habang nag-iisip ng mga bagay na dapat kong gawin o mga dapat kong alalahanin.Buhay ko, o buhay ng ibang tao iniisip ko. Baka sakali na may solusyon ako na biglang sumagi sa
'Darkness can Kill, but Light can Heal.'-UNKNOWN***I'M WITH YOU.Natapos ang aming pagkain na wala pa rin ang nagsasalita. Ngunit nang matapos ay nagsimula na naman kami sa aming pagkwekwentuhan..Pero sa loob na ng aming bahay. Nakaupo sa mahabang couch at ninanamnam ang bawat sandali na magkasama kaming dalawa.Iniba na namin ang usapan, tungkol naman sa gagawin kong akda ang naisipan naming pag-ukulan ng pansin.Para hindi na kami ma
'There is no elevator to success. You have to take the stairs.'-UNKNOWN***TIME TO HELP, BELIEVE ON HEAL.REI ZAX' POV:Kinabukasan, maaga ko talagang ginising si Laishia para makapag-asikaso siya ng lalabitin niya.Siguro naalimpungatan siya sa kaniyang pagkakatulog noong mag-alas kwatro na ng umaga.Labit-labit ko ang dala kong bag na puno ng pagkain na ts
'No matter how long it takes, always trust on your faith. Someday you'll fully succeed it.'-Rei Zax Codron****Lumabas na kaming pareho ni Daxon sa loob ng kotse matapos sabihin ang mga katagang iyon. Naglakad kami palapit sa may bricks na kinatatapakan lamang ni Laishia at masuyong pinagmamasdan ang buong kapaligiran.'What a worth it of traveling to go here. Napakapresko at maganda ang nakikita kong view. Sarap picture'an at ilagay sa album.'"Ang ganda ng view, hindi ba? Noon sa picture ko lamang ito nakikita. Pero
'Let go of who you were. Love who you are. Look forward to who you'll become.'-UNKNOWN***REALIZED.REI ZAX' POV:Sa aming paglalakad narating namin ang pwesto kanina ng mga kabataan. May bricks din tulad ng sinampahan namin bago kami pumunta sa mismong dagat.Nakahawak ang aking kamay sa kamay din ni Laishia habang nakadako ang aming paningin sa bundok at dagat.Mainit na rin ang panahon dahil sa mag-aalas dyes na ng umaga. Hindi namin ininda ang init dahil sa simoy rin ng hangin na humahaplos sa aming