Home / Romance / SEAL OF LOVE / SEAL OF LOVE CHAPTER 3

Share

SEAL OF LOVE CHAPTER 3

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-08-24 03:06:40

Ngunit hindi ito nakaligtas kay Venus, na may masamang ngiti sa labi. “Tama na, Jarred. Huwag mong gawing komplikado ito. Magsuot ka na ng suit. Pumili ng pormal na damit. Tapos na ang pag-aalinlangan.”

Mabilis na naglakad si Jarred patungo sa fitting room. Walang kuwestiyon na si Venus ay ang may hawak ng lahat ng lakas at impluwensya, at habang siya’y patuloy na nag-aalburuto sa loob, hindi niya kayang magprotesta pa.

Si Venus, sa kabilang dako, tumingin kay Veronica at nagsalita, “Apo, magpakasal na kayo. Ngayon na.”

Si Veronica ay nag-iisip, naguguluhan pero hindi kayang magsalita ng buo. Walang ibang magagawa kundi ang sumunod. Kung ito ang paraan para matulungan ang kanyang ama, hindi siya sigurado kung anong kahihinatnan, pero tinanggap na lang niya ang mga nangyayari.

Sa boutique, ang lahat ay naging tahimik habang naghahanda ang magkasunod na kasal, at hindi nila alam kung ano ang hinaharap para sa kanila, pero sigurado silang malalaman nila sa gabing iyon.

Pagkalabas ni Jarred mula sa dressing room, tumambad siya sa harap ni Venus at Veronica, ang suot niyang itim na pormal na suit na nagbigay-diin sa kanyang matikas na pangangatawan. Ang kanyang hitsura ay halos kasing-alindog ng isang model, at kahit siya mismo ay hindi makapaniwala sa bago niyang anyo.

“Oh, ready na ready na mga apo ko! Tara, diretso tayo sa munisipyo,” masayang sabi ni Venus, ang mga mata nito’y kumikislap ng kasiyahan at pagmamataas. Pinagmamasdan niya ang kanyang apo at ang magiging apo sa batas na ngayon ay handang magpakasal sa isang simpleng araw, isang mabilis na desisyon, at hindi na nila kayang baguhin pa ang agos ng mga pangyayari.

Si Jarred, na medyo naguguluhan ngunit hindi na kayang tumutol, ay tumingin kay Venus.

“Jarred, alalayan mo ang asawa mo. Hindi kita pinalaki para maging ungentleman,” mariing sabi ni Venus, na may malupit na tono sa kanyang boses. Alam ni Jarred na hindi siya pwedeng magpumiglas, kaya’t sumunod na lang siya.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nagkibit-balikat na lang si Jarred at tumingin kay Veronica. Hindi na siya nakapagsalita, ngunit ang tingin niya sa babae ay may halong hindi maipaliwanag na emosyon, isang bagay na hindi pa niya lubos na nauunawaan.

Habang sila ay naglalakad papunta sa sasakyan, si Venus ay patuloy na nag-uusap. “Ang mga bagay ay magbabago na, apo ko. Dapat lang matutunan mong pahalagahan ang pagkakataon na ito. Hindi laging ganyan ang buhay.”Ang tinig ni Venus ay puno ng determinasyon,galak, at ramdam ni Jarred ang bigat ng mga salitang iyon.

Pagdating nila sa sasakyan, si Jarred ang nagbukas ng pinto para kay Veronica. "Salamat, Jarred," nahihiyang sabi nito, habang ang kanyang mga mata ay malalim na nag-iisip tungkol sa lahat ng nangyayari. Hindi na niya kayang magsalita pa ng tuwa o kalungkutan—tahimik na lang siya, habang binabaybay nila ang daan patungong munisipyo.

Sa loob ng kotse, ang tanging tunog ay ang tunog ng makina at ang malalim na paghinga ni Jarred. Ang kanyang mga mata ay nakatuon sa daan, ngunit ang kanyang isip ay puno ng magkasalungat na mga ideya. Samantalang si Veronica, hindi na kayang pigilin ang kanyang paghanga sa mga tanawin sa paligid.

"La, ang gara ng sasakyan niyo. Siguro mahigit isang milyon ang bili ninyo dito," mangha-manghang saad ni Veronica, ang mga mata nito ay kumikislap sa excitement.

Hindi nakaligtas kay Jarred ang mga salitang iyon. Tinutok niya ang kanyang mga mata kay Veronica, at isang smirk ang lumabas sa kanyang mga labi. "Mahal talaga ito. Mas mahal pa sa buhay mo," pabulong na saad niya sa sarili, habang ang mga mata niya ay malalim na nagmamasid kay Veronica.

"Gusto mo ba ito, iha? Kung gusto mo, sayo na ito , tutal apo na kita," masayang saad ni Venus, ang mukha nito ay puno ng tuwa, ang mga mata’y kumikislap sa kasiyahan sa nakikita niyang kasalukuyang kalagayan.

Napakamot na lang sa ulo si Jarred, hindi alam kung tatawa o magagalit.

"Hindi po, La. Nakakahiya naman. Natutuwa lang ho ako kasi first time ko sumakay sa kotse, at napakagara pa," inosenteng sagot ni Veronica, ang mukha nito ay nag-aalangan ngunit ang mga mata ay nagliliwanag pa rin sa simpleng kaligayahan.

"Magsabi ka lang, apo. Anong hilingin mo, ibibigay ko sa'yo." Mariin na sinabi ni Venus, ang boses ay puno ng sinseridad at pagmamahal, pati na rin ang isang uri ng pagka-makapangyarihan.

Si Veronica, sa kabilang dako, ay hindi alam kung paano haharapin ang lahat ng ito. Ang mga tanong sa kanyang isipan ay mas tumindi, ngunit hindi niya kayang magtanong kay Venus o kay Jarred. Ang mga mata niya ay dumako sa harap ng kotse, at para bang ito na ang pinakamabilis na araw ng kanyang buhay, lahat ay nangyari ng hindi niya inaasahan. Lahat ng ito ay parang isang panaginip na bigla na lang naging realidad.

Isang malalim na hininga lang ang nasabi ni Jarred bago muling magtanong sa sarili: "Ano na ba ang mangyayari pagkatapos ng lahat ng ito?"

Nakarating sila sa munisipyo, at agad silang sinalubong ng mayor sa harap ng gusali. Matapos magbukas ang pinto ng sasakyan, naglakad si Venus at ang kanyang mga apo patungo sa mayor, na nakatayo sa harap ng munisipyo, ang mukha ay puno ng saya at pagbati.

"Madam Venus, long time no see!" masayang bati ng mayor habang tumatango-tango at naghahanda para sa kasal. "Lahat settled na, buti na lang tumawag kayo agad. Naka-paghanda kami, at naka-decorate na rin. Pasok ho kayo sa opisina namin at masimulan na ang kasal."

"Yaan ang gusto ko sa'yo, Mayor, handa parati," masayang sagot ni Venus, at saka pumasok na sila sa private room kung saan nakatanggap sila ng mga ngiti at pagbati mula sa mga naroroon.

Ang loob ng private room ay puno ng mga eleganteng dekorasyon—mga puting bulaklak, gintong ilaw, at mga drapery na nagbigay ng eleganteng atmospera. Ang mga upuan ay pinalamutian ng mga banig na may puti at ginto, at sa gitna ay isang maliit na altar na may mga kandila na naglalabas ng malambot na liwanag. Kitang-kita ang effort na inilaan ng mayor para maging magaan at eleganteng ang kasal na iyon.

Naglakad si Venus kasama sina Jarred at Veronica patungo sa harap, at sinimulan ng mayor ang seremonya. Hinawakan ng mayor ang kamay ni Jarred at Veronica, ang matamis na ngiti sa kanilang mga labi.

"Nice meeting you, couples." Bati ng mayor sa kanila at sabay na iniabot ang kamay, tanda ng formal na pagsisimula ng kanilang kasal.

Habang ang mga huling hakbang ng seremonya ay isinasagawa, ang buong silid ay puno ng tahimik na tensyon, at ang bawat mata ay nakatuon kay Veronica at Jarred. Ang mayor, na nakatayo sa harap ng altar, ay may hawak na isang malaking libro—ang aklat na magtatali sa kanila sa mata ng batas at ng Diyos.

Sa tabi ng altar, nakatayo ang abogado ni Madam Luisa at ang secretary/bodyguard ni Jarred, ang mga pormal na mukha ng mga saksi ay nagsisilbing silent observers sa lahat ng nangyayari. Ang kanilang presensya ay nagbibigay ng bigat at importansya sa buong seremonya. Si Venus ay nakatayo sa tabi ng altar, ang mukha ay puno ng kasiyahan at pananabik, masayang nakamasid sa bawat kaganapan. Para kay Venus, ang araw na ito ay hindi lamang ang pag-iisang-dibdib ng dalawa, kundi pati na rin ang isang hakbang tungo sa pagpapalawak ng kanilang pamilya at posisyon sa lipunan.

"Ang seremonya ng kasal ay magsisimula na," sabi ng mayor, at ang lahat ng tao sa paligid ay tahimik na nag-obserba.Si Jarred ay tahimik na nakatayo sa harap ng altar, suot ang kanyang pormal na suit, na tumaas ang kanyang itsura. Kahit na tila abala siya sa mga kaisipan, may isang bahagi sa kanya na nahulog sa ganda ni Veronica, na nakatayo sa tabi niya. Ang suot nitong puting wedding dress ay tila nagbigay ng kakaibang aura sa kanya, ang tela ay bumabalot sa kanyang katawan nang maayos, at ang kanyang mukha ay nabigyan ng natural na ganda ng makeup na parang nakalaan lang sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Trish
grabe naman si lola di na pinakawalan si veronica ......
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 152

    Ang amoy ng kalawang at mga nabubulok na makina ang pumuno sa hangin ng abandonadong pabrika. Maliit na liwanag ang kumikislap mula sa mga ilaw sa kisame, na nag-iwan ng mga anino sa pader ng sira-sirang kongkretong sahig. Tanging ang mga tunog ng kalokohan at tawanan ng mga kidnappers, pati ang tunog ng mga baso ng alak, ang naririnig. Nakatambad sila sa isang mesa, nakayuko sa isang laro ng baraha, habang ang mga tingin nila ay naglalabanan sa kasayahan at kalupitan. Si Veronica ay nakahiga sa malamig na sahig, ang katawan ay nakasandal sa isang luma at kalawanging gulong. Ang kanyang mga kamay ay mahigpit na nakatali gamit ang magaspang na lubid, na parang bawat paghinga ay may kasamang sakit. Ang mga gilid ng kanyang paningin ay malabo na, at ramdam na ramdam niya ang kabog ng puso sa bawat pintig nito. Kailangan niyang mag-isip—hindi siya pwedeng mag-panic. Hindi niya alam kung ilang oras na siya rito. Ang oras ay parang naging isang blur. Ang kanyang isipan ay bumalik sa mga h

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 151

    Nang matapos ang business meeting na pinangunahan ni Jarred, ang buong katawan nito ay napagod sa mga talakayan at desisyon. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, isang bagay ang patuloy na bumabagabag sa kanyang isipan: si Veronica. “Babe, nakauwi ka na ba?”Walang sagot. Isang minuto, dalawa, tatlo… Ang bawat segundo ay tumagal, ang oras ay tila nagbabalik sa kanya na puno ng pag-aalala. Nagpadala siya ng isa pang mensahe. Pero wala pa ring sagot.Nervous. Napatingin siya sa kanyang cellphone. Walang signal. Kaya nagdesisyon siyang tawagan si Veronica."Out of coverage area."Hindi na kayang itago ni Jarred ang nararamdamang pagkabahala. Ang mga oras ng wala si Veronica ay parang mga taon sa kanyang mga mata. Tumayo siya mula sa kanyang desk at nagsimulang maglakad mula sa opisina. Mabilis ang kanyang mga hakbang, ang kanyang isip ay naglalakbay, nag-iisip kung ano ang nangyari kay Veronica. Hindi na siya makapaghintay pa. Hindi pa niya siya matatawag na asawa, ngunit sa kanyang puso, s

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 150

    Bumagsak ang gabi nang mabigat parang may masamang balak ang katahimikan.Tahimik ang parking area ng kompanya. Isa-isang namamatay ang ilaw sa mga palapag, hudyat na tapos na ang araw. Lumabas si Veronica, hawak ang bag sa balikat, pagod ngunit payapa ang mukha. Nasa isip niya si Jarred ang huling mensahe nito, ang pangakong uuwi siyang ligtas.Mag-iingat ka, iyon ang huli nitong sinabi.Huminga siya nang malalim habang naglalakad papunta sa sasakyan.Ngunit bago pa man niya marating ang pinto ng kotse, may kakaibang pakiramdam na gumapang sa kanyang dibdib isang instinct na matagal nang natutulog, biglang nagising.Parang… may nakatingin.Huminto siya.Lumingon siya sa kaliwa. Wala. Sa kanan mga anino lamang ng poste at mga sasakyang nakaparada. Tumawa siya nang mahina, pilit pinapakalma ang sarili.“Pagod lang ako,” mahina niyang bulong sa sarili.Huminga si Veronica nang malalim at muling humakbang. Ramdam niya ang bigat ng buong araw—ang trabaho, ang mga nangyari, ang pangungulila

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 149

    Sa madilim na sulok ng isipan ni Honey, ang galit at inggit ay nagsanib upang magbunga ng isang mabagsik na plano. Walang pagkakataon na hindi siya nag-iisip tungkol sa paraan kung paano niya babawiin si Jarred mula kay Veronica. Hindi niya matanggap na ang lalaking pinangarap niyang makasama ay pinili ang ibang babae. At hindi lang basta-basta; si Veronica—ang babaeng para kay Honey ay tanging sagabal sa mga plano niyang magtagumpay. Ang pagmamahal ni Jarred ay hindi lang basta pakiramdam, ito ay isang bagay na tinatanggap niya bilang kanyang karapatan."Hindi ko kayang hayaang maging masaya siya," ang mga salitang iyon ay paulit-ulit sa isipan ni Honey, na parang isang saliw ng isang sirang plaka. "Si Jarred ay sa akin lamang, at kung hindi siya makakabalik sa aking mga kamay, wala nang makakapagpigil sa akin."Mabilis ang kanyang desisyon, at sa kabila ng lahat ng pagsubok at mga pagkatalo, si Honey ay nagpasiya na gawin ang pinakamadilim na hakbang na maaaring magtulak sa kanya sa

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 148

    Samantala Si Honey, na noon ay puno ng ambisyon at tiwala sa sarili, ay ngayon ay nararamdaman ang bigat ng mga saloobin ng kanyang mga magulang, pati na rin ang kasalanan na dulot ng kanyang mga desisyon.“Nang dahil sayo, nawala na ang kompanya natin!” ang galit na sigaw ng ama ni Honey, ang mga mata nito ay naglalabas ng galit at kabiguan. "Alam mo naman na mahirap kalabanin ang mga Hearts ngayon!" Ang mga salitang iyon ay tumagos sa kanyang kaluluwa, parang isang malupit na patalim na gumuhit sa kanyang puso. Hindi na siya kayang pigilan ng sariling pagkatalo.Ang ama ni Honey ay hindi nakapagsalita ng maayos—ang sakit ng kabiguan at pagkatalo ay nagbunsod ng kanyang matinding galit. Ang mga mata nito ay naglalabas ng tinig na puno ng pagnanasa para sa katarungan, ngunit hindi rin nakayanan ng ama ni Honey ang bigat ng pagkatalo. Kaya, sa kanyang galit at pagkadismaya, isang malupit na sampal ang iniwan niya kay Honey.Ang pisikal na sakit ay hindi kasing tindi ng emosyonal na su

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 147

    Habang nagpatuloy ang araw sa loob ng kompanya, isang maligaya at kontento na kapaligiran ang bumalot sa opisina. Lantad na sa lahat ang relasyon nina Jarred at Veronica, at sa bawat sulok ng silid, ramdam ang matamis na ngiti nila at ang mga sulyap ng mga kasamahan sa trabaho. Magkahawak ang kanilang mga kamay sa ilalim ng mesa sa mga pagpupulong, at tuwing titingin si Jarred kay Veronica, makikita sa kanyang mga mata ang walang katapusang pagmamahal.Ngunit sa kabila ng lahat ng kasweetan, hindi rin nila maiiwasang maramdaman ang mga matang nagmamasid sa kanila. Marami ang nag-iinggit, at may mga hindi rin maitatangging mga bulung-bulungan na nagsasabing "Mas maganda kung hindi sila magkasama," o kaya’y "Masyado nang personal ang pag-handle nila sa negosyo." Ang mga usapang iyon ay hindi nakaligtas sa tainga ng iba, at sa bawat pagkakataon na may makakita ng magkasama silang dalawa, ang mga ito ay nagiging usap-usapan sa opisina.Si Jarred ay abala sa mga business meetings, hindi na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status