Share

CHAPTER 259: “The end?”

Author: GennWrites
last update Last Updated: 2025-02-20 17:16:24

“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”

Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.

Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.

“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.

Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.

Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (38)
goodnovel comment avatar
Sungit❤️Mo
bkt Papa parin twag nya eh diba sinabi na nga na daddy ang itawag nya
goodnovel comment avatar
cen
sofer ganda netong story natu!!! ...️...️
goodnovel comment avatar
𝙰𝚒𝚡𝚊𝚗𝚗𝚎
𝚢𝚊𝚗 𝚕𝚊𝚕𝚊𝚒𝚗𝚎 𝚙𝚊𝚔𝚊𝚕𝚊𝚢𝚘 𝚕𝚊𝚢𝚘 𝚔𝚊 𝚊𝚝 𝚙𝚊𝚑𝚊𝚋𝚞𝚕𝚒𝚗 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚑𝚊𝚋𝚞𝚕𝚒𝚗 𝚖𝚘 𝚌 𝚔𝚗𝚒𝚟𝚎𝚜. 𝚖𝚊𝚔𝚒𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚢𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚔𝚊 𝚗𝚊.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   BOOK 3: SCARS OF THE HEART— “Prologue.”

    BOOK 3: “SCARS OF THE HEART”PROLOGUE:MADILIM ang kalangitan, parang walang bituin habang bumubulusok ang van sa isang kalsadang halos walang dumaraan sa border ng China. Sa loob nito, nakasandal sa upuan ng sasakyan si Veronica Alcantara—isang junior doctor na ilang linggo lang ang nakararaan, ay masigla pang naglilingkod sa isang humanitarian mission. Ngunit ngayon, ang kanyang mga kamay ay namamanhid sa higpit ng pagkakatali, at ang kanyang katawan ay pagod na pagod mula sa paulit-ulit na pananakit.Dinala siya sa isang lugar na walang pangalan. Isang underground research institute na ang tanging laman ay mga duguang mga bihag, mga sugatang miyembro ng sindikato, at mga scientific equipment na tila galing sa impyerno. At sa gitna ng lahat ng iyon, si Veronica—ang doktor na sapilitang pinaggagamot sa mga kriminal na halos wala nang kaluluwa.Araw-araw, pinipilit siyang gamutin ang mga sugatan gamit ang kulang-kulang na kagamitan. Walang anesthesia. Walang tamang gamot. Tanging tako

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   AUTHOR'S NOTE!

    Hi guys! Gusto ko lang pong magpasalamat sa inyong lahat na sumuporta at nagbasa ng kwento nina Abby at Kairi. Sobrang saya ko na may mga taong na-touch at na-in love din sa journey nila. Sa bawat like, comment, at oras na ginugol n’yo para basahin ang story na ’to — grabe, thank you talaga!Hindi madali magsulat pero dahil sa inyo, mas naging worth it lahat. Sana samahan n’yo pa rin ako sa mga next stories na ilalabas ko. Abangan n’yo pa ang kwento ng pag-ibig ni Eros at Veronica na siguradong mas kikiligin kayo.Mula sa puso, maraming salamat sa suporta! 💕— Genn

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 57: “Hanggang Sa Dulo Ng Walang Hanggan.”

    MALAMIG ang simoy ng hangin sa Switzerland, ngunit ang init ng yakap ni Kairi ang siyang bumabalot kay Abby habang magkahawak silang naglalakad sa kahabaan ng Lake Geneva. Sa likuran nila, ang mga bundok ng Alps ay tila nagmamalaki sa ganda, at ang sinag ng araw ay marahang humahalik sa ibabaw ng malinaw na tubig ng lawa. Tahimik silang naglakad, para bang ayaw nilang basagin ang perpektong sandali ng katahimikan na sila lamang ang nagkakaintindihan.“Hindi ko akalaing ganito kaganda ang Switzerland,” bulong ni Abby habang pinagmamasdan ang mga lumilipad na ibon at ang mga bulaklak na sumisibol kahit taglamig. Doon sa bansang iyon nila napili na mag-honeymoon sapagkat pangarap ni Abby na mapuntahan ang bansang iyon noon pa.Ngumiti si Kairi at bahagyang hinalikan ang sentido ng asawa. “Mas maganda ka pa rin kaysa sa lahat ng ‘to.”Natawa si Abby, napapailing sa kilig at tuwa. “Ang cheesy mo talaga, Mr. Inoue.”“Lahat gagawin ko para lang kiligin ka araw-araw, Mrs. Inoue.”Magkahawak a

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 56: “Wedding Day: THE END.”

    WEDDING DAY...Sa kwarto ni Abby, nakaupo siya sa harap ng salamin. Suot pa rin niya ang puting robe na may burda ng pangalan niya sa dibdib. Tahimik lang siyang nakatitig sa repleksyon niya, pinagmamasdan ang mga mata niyang parang naiiyak pero hindi. Hindi dahil malungkot siya, kundi dahil sa sobrang ligaya at kaba na magkahalong bumabalot sa puso niya. The hairstylists and makeup artists were diligently attending to her, yet she scarcely felt their hands upon her shoulders and hair. All that echoed in her ears was the sound of her own heartbeat — rapid, expectant, and filled with love.Pumasok si Nanay Letisha, dala ang isang maliit na kahon. Lumapit ito sa kanya at marahang hinawakan ang balikat niya. “Anak, ito…” sabay bukas ng kahon na naglalaman ng isang lumang rosaryo. “Ito ang rosaryo na hawak ko noong ikinasal kami ng tatay mo. Sana, bitbitin mo rin sa araw na ‘to. Para alam mong kasama namin kayo ng Tatay mo sa bawat hakbang mo ngayon.”Hindi na napigilan ni Abby ang luhang

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 55: FINAL CHAPTER: “Guidance.”

    TAHIMIK ang gabi. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila dumarampi sa balat na parang may gustong sabihin— na may magbabago na bukas. Sa ilalim ng bilog at maliwanag na buwan, magkatabi sa lumang bangko sa veranda sina Abby at Aling Letisha. Ang veranda na iyon — ilang beses nang naging saksi sa mga gabi ng pagtawa, ng pagluha, ng dasal. Ngayon, muli itong saksi sa isa sa pinakamahahalagang gabi ng mag-ina.Sa harap nila, may dalawang tasang kape na kanina pa nagsisingaw ng init. Hindi na gaanong iniinom, tila naging bahagi na lang ng katahimikan. Sa paligid nila, maririnig ang tunog ng kuliglig at ang banayad na hampas ng hangin sa mga dahon ng mangga.Napatingin si Abby sa kalangitan, pinagmamasdan ang mga bituin na kumikislap, at sa gitna ng katahimikan, para siyang naghahanap ng sagot. Parang doon niya gustong itanong sa sarili ang salitang , “Handa na ba talaga ako?”“Abby, anak…” basag ni Aling Letisha sa katahimikan, mahina ang tinig pero may bigat na damdamin. “Hindi ko alam k

  • Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire   CHAPTER 54: “Month Before The Wedding.”

    ISANG buwan na lang bago ang kasal. At sa bawat umaga, parang lalong bumibilis ang tibok ng puso ni Abby. Napangiti si Abby at napailing ng marahan. "Shocks! Isang buwan na lang," usal niya sa sarili. Hindi niya alam kung anong mas nangingibabaw sa damdamin niya — kaba, saya, o ‘yung kilig na sa wakas, matutupad na ang pinangarap nila ni Kairi.Habang iniikot ng hangin ang ilang hibla ng buhok niya, tumayo siya at tumingin sa malayo. Sa bawat araw na lumilipas, pakiramdam niya mas lalo siyang umiibig kay Kairi. Sa bawat meeting tungkol sa kasal, sa bawat pagod na gabi, ramdam niya ‘yung pag-aalaga nito, ‘yung simpleng text na, “Are you okay? Kumain ka na ba? ‘Wag masyado magpuyat ha.” Lahat ‘yun, parang nagpapalakas lalo ng loob niya.————Kinagabihan, halos sabay silang napagod ni Kairi sa buong araw. Si Kairi galing sa office, may hinarap na urgent na meeting. Si Abby naman, sa dami ng tinawagan at kinumpirma para sa kasal, halos bumagsak na sa pagod. Pero bago matulog, nag-video c

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status