“GUSTO ko pong makita ang mukha ni...M-Mama...”Iyon ang unang salita na lumabas sa bibig ni Lalaine matapos nang mahabang sandali na magkayakap silang mag-ama at humahagulhol. Ngayon, mas kalmado na ang dalawa at kapwa nagpapahid na kanilang mga pisngi na nabasa ng luha.Marahang tumango si Kenji saka tumayo at tinungo ang cabinet at kinuha ang isang picture frame. Inabot nito iyon kay Lalaine at tila ilog na walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha nang makita ang larawan ng namayapang ina.“Kamukhang-kamukha mo ang mommy mo, hija. "That's exactly what Amelia looked like when she was your age,” nakangiti pero malungkot na saad ni Kenji.Marahas hinaplos-haplos ni Lalaine gamit ng daliri ang larawan ng kanyang ina. Kay tagal siyang naniwala na si Nanay Ursula ang kanyang ina kahit na maraming nagsasabi na hindi sila magkamukha nito.Pero ngayon, habang tinititigan n'ya ang picture na iyon, walang duda na iyon nga ang kanyang ina. Kamukhang-kamukha n'ya ito lalong-lalo na sa mga
“HOW'S the patient, doc?”Nag-aalalang tanong ni Kennedy sa doktor na sumusuri sa kanyang anak. Isang linggo na itong walang malay simula noong matagpuan ito ni Gwyneth sa kalsada at duguan.“He's okay now. Wala na sa panganib ang buhay ng anak mo, Mr. Dawson. Natahi na namin ang mga internal organ niyang natamaan ng saksak. For now, he just needs to rest and we'll wait for him to wake up,” anang doktor.“Thank you so much, doc,” ani Kennedy na bahagyang nakahinga nang maluwang nang malamang wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang anak.“Thank you, doc,” sagot naman ni Gwyneth na naroon din sa kwarto at hindi umaalis sa tabi ni Knives. Although she feels guilty about what she did, she feels no remorse for what happened. Dahil alam niyang this time, tuluyan nang makikipaghiwalay ang hitad na si Lalaine Aragon at siya na ang magmamay-ari kay Knives.Ito na ang chance n'ya para maisakatuparan ang plano nila ng kanyang daddy. Tutal, botong-boto naman ang matandang hukluban na si Kenne
“IMŌTO-CHAN! (Little sister!) Is that really you?!” Hindi kaagad nakakibo si Keiko nang salubungin siya ng kanyang Kuya Keiji. Literal na umiiyak ito nang yakapin siya nang mahigpit. “I miss you so much!” “Baby girl... I'm so glad that you're finally here,” saad naman ng Kuya Kairi niya na bagaman hindi kasinglakas umiyak ng Kuya Keiji n'ya, bakas naman sa namumula nitong mga mata ang pagpipigil ng luha. Kararating lang ni Keiko sa Tokyo matapos maasikaso ang lahat sa Pilipinas. Apat na oras din ang kanilang byahe at wala siyang gaanong tulog. Pero nang makita ang kanyang mga kuya ay para bang naglaho ang pagod at antok na nararamdaman niya. Nagyakap silang magkakapatid na kapwa may mga luha sa mga mata, samantalang si Kenji naman ay hindi na rin natiis at nakisama na sa mga anak. They were overjoyed because they were finally with Keiko, whom they had been waiting to see for so long. Matapos ang mahabang sandali na magkakayakap ay bumitiw rin ang mga ito. Marahang hinila ni
NASA isang fine dining restaurant si Gwyneth at ang kanyang daddy, kasama si Kennedy Dawson na ngayon ay father-in-law na niya. Naroon sila para i-celebrate ang kanilang pagiging isang pamilya.Gwyneth's joy knows no bounds because her long-time dream of becoming Knives Dawson's wife has finally come true. And even if he rejects her, there's nothing he can do because they're already married. “I hope you can change my stupid son, Gwyneth. Teach him to obey and listen to whatever I say,” pakli ni Kennedy sa kanyang daughter-in-law.“Of course, dad. I've known Knives since childhood so I know exactly what he's like. Don't worry, dad. I'll make sure to discipline that son of yours,” puno ng confidence na sagot naman ni Gwyneth.“'Glad to hear that,” anang Kennedy saka bumaling sa balaeng si Eric Chua. “Pasensya na Eric, pero maiwan ko na kayo. I'm a little tired. I need to rest,” paalam niya.“It's okay, Mr. Dawson. Masaya akong sa wakas ay naging isang pamilya na tayo,” anang Eric saka
ISANG linggo... Dalawang linggo... Isang buwan... Anim na buwan... Siyam na buwan... Siyam na buwan na simula noong huling magkita si Knives si Lalaine. Siyam na buwan na rin siyang naghahanap sa asawa pero ni anino nito ay hindi niya makita. He searched almost the entire Philippines to find his wife but could not find a single trace that could point to her whereabouts. Para bang bigla na lang naglaho si Lalaine sa mundo. Na para bang hindi ito nag-exist sa kanyang buhay... Araw-araw siyang nagpupunta sa apartment nito para alamin kung bumalik na ito, pero katulad ng dati, isang abandonadong kwarto lang ang sumasalubong sa kan'ya. Halos maglumuhod na rin si Knives sa kaibigan nitong si Abby pero maski ito ay hindi alam kung nasaan ang kaibigan. Sobra na ring nag-aalala si Abby para sa kaibigan dahil ito ang unang beses na umalis si Lalaine ng ganoon katagal na hindi man lang siya kino-contact. Knives also always visits Mrs. Tupaz's office to ask if she has any news a
AFTER eight years... “Sir Knives, nai-close na natin ang deal with Thompson Group. Our next client is from K Fashion Company. They want to build a branch here in the Philippines and they chose Grayson Construction to handle the project,” ani Liam habang panay ang pagpindot sa ipad na hawak. “K Fashion? The famous fashion company in Japan and America?" paniniguro ni Knives habang nakatutok ang mga mata sa laptop. “Yes, Sir,” ani Liam. “May schedule na ba ang appointment?” “Yes, Sir. The luncheon meeting is at Victoria's Restaurant, at exactly 12 PM.” “Okay, ikaw na ang um-attend, Liam. Mommy's death anniversary is tomorrow so I have to visit the cemetery,” ani Knives habang panay ang tipa. Tinatapos kasi niya ang output my blueprint para sa isang project. “Okay, Sir.” “By the way, mag-post ka ng job opening sa website natin. We need engineers, architects, and other skilled workers in the company. We need more people for incoming projects.” “Alright, Sir Knives,” sago
“OKAY, ladies and gentlemen. Let's give a round of applause to our guest speaker tonight. None other than our foundation's major sponsor, Ms. Keiko Inoue!”Nagpalakpakan ang lahat ng naroon habang ang paningin ay napako sa babaeng papaakyat sa entablado. Keiko looked so beautiful and elegant in her black halter dress and silver stilettos. Ang mga mata ng lahat ng naroon ay napuno ng paghanga mapalalaki man o mapababawi.Ngunit mayroon ding ilan na hindi maipinta ang mukha dahil sa labis na pagkagulat nang makilala kung sino ang babaeng nasa stage at nagpakilala bilang Keiko Inoue.Isa na roon si Gwyneth na imbitado rin sa nasabing event. Halos lumuwa ang mga mata nito habang nakatingin kay Lalaine. Ibang-iba na ang itsura at aura nito sa kanyang paningin, malayong-malayo sa Lalaine na kilala niya.“What the hell? Who the hell is she?” gigil na usal ni Gwyneth sa sarili habang nakakuyom ang mga kamao dahil sa matinding inis at pagkairita.“What's wrong, hija? Kilala mo ba ang babaeng '
“Okāsan, kare wa dare? (Mom, who is he?” inosenteng tanong ng kanyang 7 years old na anak ni Kaiser habang nakatingin kay Knives at nakasimangot. Samantalang si Kaori naman ay tahimik lang habang nakikinig sa mga ito. Kumabog nang husto ang dibdib ni Keiko ng mga sandaling iyon—ang makita ng kambal ang kanilang daddy. Hindi pa siya handa na mangyari iyon at hindi pa n'ya alam kung paano ipapaliwanag ang totoo sa mga anak. Kaiser and Kaori are fraternal twins and are 7 years old. Kaiser looks exactly like Knives and Kaori is a little version of her. Alam niyang may karapatan si Knives na malaman ang totoo lalo pa't alam niyang magtataka ito dahil kamukha nito si Kaiser. Pero sa t'wing naaalala n'ya kung paano siya niloko at sinaktan nito noon, ay mas nananaig ang kanyang galit sa lalaki. Pinagdudahan siya ni Knives at inisip na sa ibang lalaki ang batang ipinagbubuntis n'ya. And then what? Bigla itong magpapaka-ama matapos nitong makita na kamukha nito ang anak n'ya? No way! “Sā
“BRUHA... Grabe! Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko kanina. Kung p'wede lang akong magpalamon sa lupa, ginawa ko na.”Kasalukuyan nasa pool area si Abby at ang best friend niya dahil nagyaya itong mag-night swimming habang umiinom ng wine. Pinaunlakan naman niya ito pero hati pa rin ang isip niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyaring eksena kanina.Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa at Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos ng kagagahang ginawa niya? Paano niya ito haharapin pagkatapos ng lahat? “Don't mind him. Masungit lang talaga si Kuya Kairi pero mabait naman ang isang 'yun,” nakangiting sagot naman ng kaibigan niya habang tumitipa sa kaharap na laptop.Mangiyak-ngiyak naman si Abby sa narinig. “Paanong 'wag intindihin? Galit na galit s'ya sa'kin, bruh! Sinabihan ko siyang magnanakaw at maniac!” bulalas pa ni Abby napahawak sa kanyang noo na parang stress na stress.“Well kahit ako naman magagalit,” pagbibiro nam
“WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala
“BRUH!”Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Abby papalapit sa kanyang best friend na si Keiko. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kakampi.“Bruh, how are you? Bakit gan'yan ang itsura mo?” nag-aalala namang tanong ng kanyang kaibigan habang kumot nakatingin sa kan'ya.Alam naman ni Abby kung ano ang tinutukoy nito. Malaki na kasi ang ipinagbago niya simula noong naghiwalay sila nito. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at nanlalalim at kanyang mga mata dahil may mga gabing nahihirapan siyang makatulog kapag naiisip niya ang kahayupan ni Henry.Nagbitiw sa pagkakayakap ang dalawa matapos ang ilang sandali. Matagal silang hindi nagkita kaya sobrang na-miss nila ang isa't-isa.Nang hindi sumagot si Abby sa tanong ng best friend niyang si Lalaine ay inakay siya nito paupo sa mahabang sofa at puno ng pag-aalalang pinagmasdan siya. Pero ang isip ni Abby ay kasalukuyang lumilipad sa kabuohan ng opisina ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na magigi
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be
——— Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire Book 2: “SAVE ME, LOVE ME, ATTORNEY.” (Kairi Inoue and Abby del Rosario Story) SYNOPSIS: Bitbit ang pangarap na makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho, mula probinsya ng Capiz ay lumuwas si Abby sa magulong siyudad ng Maynila. Subalit hindi niya akalain na sa halip na pag-asa, bangungot pala ang naghihintay sa kan'ya. Nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mayamang negosyante na sinamantala ang kanyang murang edad at pagiging walang muwang mundo. Wala siyang mapagsabihan ng kahayupang iyon na ginagawa sa kan'ya, kahit sa best friend niyang si Keiko. Ilang taon ang lumipas, naging maalawan ang buhay ng kanyang kaibigan nang makilala nito ang tunay na ama at mangibang-bansa. Naiwan siyang nag-iisa at patuloy na dumaranas ng kalupitan. Ni wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanyang pamilya dahil ayaw niyang mabigo ang mga ito sa kan'ya. Hanggang sa muling magbalik ang kaibigan niyang si Keiko sa Pilip