TAHIMIK ang gabi. Ang malamig na simoy ng hangin ay tila dumarampi sa balat na parang may gustong sabihin— na may magbabago na bukas. Sa ilalim ng bilog at maliwanag na buwan, magkatabi sa lumang bangko sa veranda sina Abby at Aling Letisha. Ang veranda na iyon — ilang beses nang naging saksi sa mga gabi ng pagtawa, ng pagluha, ng dasal. Ngayon, muli itong saksi sa isa sa pinakamahahalagang gabi ng mag-ina.Sa harap nila, may dalawang tasang kape na kanina pa nagsisingaw ng init. Hindi na gaanong iniinom, tila naging bahagi na lang ng katahimikan. Sa paligid nila, maririnig ang tunog ng kuliglig at ang banayad na hampas ng hangin sa mga dahon ng mangga.Napatingin si Abby sa kalangitan, pinagmamasdan ang mga bituin na kumikislap, at sa gitna ng katahimikan, para siyang naghahanap ng sagot. Parang doon niya gustong itanong sa sarili ang salitang , “Handa na ba talaga ako?”“Abby, anak…” basag ni Aling Letisha sa katahimikan, mahina ang tinig pero may bigat na damdamin. “Hindi ko alam k
ISANG buwan na lang bago ang kasal. At sa bawat umaga, parang lalong bumibilis ang tibok ng puso ni Abby. Napangiti si Abby at napailing ng marahan. "Shocks! Isang buwan na lang," usal niya sa sarili. Hindi niya alam kung anong mas nangingibabaw sa damdamin niya — kaba, saya, o ‘yung kilig na sa wakas, matutupad na ang pinangarap nila ni Kairi.Habang iniikot ng hangin ang ilang hibla ng buhok niya, tumayo siya at tumingin sa malayo. Sa bawat araw na lumilipas, pakiramdam niya mas lalo siyang umiibig kay Kairi. Sa bawat meeting tungkol sa kasal, sa bawat pagod na gabi, ramdam niya ‘yung pag-aalaga nito, ‘yung simpleng text na, “Are you okay? Kumain ka na ba? ‘Wag masyado magpuyat ha.” Lahat ‘yun, parang nagpapalakas lalo ng loob niya.————Kinagabihan, halos sabay silang napagod ni Kairi sa buong araw. Si Kairi galing sa office, may hinarap na urgent na meeting. Si Abby naman, sa dami ng tinawagan at kinumpirma para sa kasal, halos bumagsak na sa pagod. Pero bago matulog, nag-video c
MAKALIPAS ang isang buwan matapos ang proposal, nagsimula nang gumulong ang matamis na kaguluhan ng wedding preparations nina Kairi at Abby. The excitement between them was no longer just secret thrills or stolen glances. This was the beginning of a day that would mark the start of their forever. Isang maaliwalas na hapon sa isang café sa Taguig ang unang tambayan nila para magplano. Kasama nila sina Keiko at Veronica—ang dalawa na parehong excited at masigasig sa pagbuo ng kasal ng kanilang pinakamamahal na kaibigan. Si Kairi at tahimik lang na nakikinig, habang si Abby ay nakatingin sa isang wedding magazine na nakalatag sa lamesa."Bruh, dapat dream wedding mo talaga 'to. Walang tipid sa happiness!" ani Keiko, habang may hinahagod na sketch ng mga gown idea sa kanyang notebook, parang artistang nagmamadaling magtala ng inspirasyon. Siya na sana ang gagawa ng wedding gown ng kanyang bestfriend pero dahil maraming naka-line up na projects para sa K-Fashion kaya mahihirapan siyang as
MAKALIPAS ANG ISANG TAON...Isang gabi, sa isang high-end na bar sa Taguig, tahimik na nakaupo si Kairi sa isang sulok. Nakasuot siya ng simpleng white polo at slacks, pero kahit ganoon, hindi pa rin maitatago ang karisma ng lalaki. In front of him sat a glass of whiskey, barely touched. For a while now, he had been staring blankly at the city lights outside the bar’s glass wall, lost in thought.Maya-maya, dumating na sina Knives at Eros, parehong casual ang suot. Sumunod si Seiichi, na matagal na ngang niyang hindi nakikita. Nang makita siya ni Kairi, napangiti ito at agad na tumayo para yakapin ang kaibigan.“Grabe, bro! Buhay ka pa pala!” biro ni Kairi saka nakipag-bro hug sa kaibigan.“Of course! 'Di lang ako makaalis sa Japan. Sobrang toxic ng trabaho sa kompanya n‘yo!” tumatawang saad ni Seiichi, sabay umupo. He was responsible for handling the legal matters of the Inoue family’s company in Japan after it was placed in jeopardy due to the actions of Mr. Zhou and Elijah Montene
KINABUKASAN, maagang nagising ang barkada para mag-empake. Mainit na ang araw pero presko pa rin ang hangin sa Batangas. Habang isinasakay ang mga gamit sa van, di maiwasang magtawanan at magbiruan pa rin ang grupo.“Grabe, ang bilis ng weekend na ‘to,” ani Keiko habang pinagmamasdan ang resort. “Parang kahapon lang, nagpo-pool tayo at nag-aasaran.”“Next time, mas mahaba. Promise yan,” tugon ni Eros, nag-aayos ng shades habang sumulyap kay Veronica na nagngingiti lang.Tahimik na nakaupo si Abby sa van katabi ang nobyo at nakatanaw sa malalawak na taniman at asul na langit. Sa puso niya, ramdam niya ang gaan na matagal niyang inasam. Sa kanyang isipan, malinaw na ang isang bagay — handa na siyang lumagay sa tahimik...———Pagbalik sa Maynila, muling bumalik si Abby sa trabaho. Sa unang hakbang pa lang niya sa bangko, dama niya ang pagkakaiba. Wala na ang bigat na dati ay pasan-pasan niya sa bawat pagpasok. Mas maayos na ang kanyang paghinga, at mas buo na ang kanyang loob. Sa bawat p
SA TERRACE...Bago pa makasagot si Abby sa sinabi ni Kairi, biglang bumungad sina Eros at Veronica, bitbit ang mga bote ng in-can carbonated drinks at chips.“What the! Romantic ng setup n’yo huh? Baka naman iniisip n’yong ‘di na kami babalik, ano?” nakangising panunukso ni Eros sa dalawa. Naging kapalagayan na niya ng loob ang mga ito dahil na rin kay Keiko kaya ganoon na lang siya kung magbiro.“Sorry. Nakaistorbo ba kami? Ito kasing si Doc, hindi pa raw inaantok at puno pa ang energy,” iiling-iling namang dagdag ni Veronica.Natawa naman si Abby, at medyo nakaramdam ng pagkailang dahil naabutan sila ng dalawa sa ganoong ayos.“Okay lang, ano ba kayo? Nag-uusap lang naman kami tungkol sa mga bagay-bagay. Right, babe?” ani Abby saka binalingan ang nobyo.Tumango naman si Kairi saka yumapos sa balingkinitang baywang ng girlfriend. “Yeah. Nagpapaantok lang.”“Really?” tanong ni Eros saka ngumiti kay Veronica at pasimple itong ipinaghila ng upuan. Kaagad naman tumalima ang dalaga at nau