Chapter Four – "The Orphan’s Struggle."Mainit pa ang hangin kahit madaling-araw. Sa maliit na kwarto na inuupahan sa Sampaloc, Manila, nakaupo si Arielle “Elle” Santos sa gilid ng kama, nakatingin sa lumang orasan na halos mabasag na sa paulit-ulit na alarm. Malapit nang mag-alas singko ng umaga, at hindi na siya makatulog. Hindi dahil sa ingay ng jeep sa kalsada, kundi dahil sa dami ng kailangang gawin bago matapos ang araw.“Last year. Last push. Kaya pa ‘to,” bulong niya sa sarili, pinipilit gawing magaan ang bigat na matagal na niyang pasan.Tumayo siya, kinuha ang maliit na electric kettle, at pinakuluan ang tubig. Habang naghihintay, binuksan niya ang lumang ref na halos walang laman—isang carton ng gatas, ilang itlog, at tinapay. Kumuha siya ng dalawang hiwa, nilubog sa instant coffee ang isa, at kumagat kahit medyo malambot na.Umupo siya sa lamesa at kinuha ang planner na puno ng sticky notes. Doon nakasulat ang buong buhay niya—class 7AM, work at library shift 10AM, hospita
Chapter 3 – "The Heir CEO"Nakatulog si Knox nang hindi niya namalayan kung anong oras na. Ang huling naalala niya ay ang mapait na init ng whiskey at ang mga alaala ng tatlong “no” na paulit-ulit na dumudurog sa kanya. Kaya nang magising siya sa malakas na tunog ng cellphone, pakiramdam niya ay parang binabarena ang ulo niya ng isang construction drill.Napangiwi siya, pumikit, at halos ibagsak ang kamay sa nightstand para hanapin ang phone. Naramdaman niyang lumapat ito sa malamig na salamin ng side table bago niya nakuha.“Hello,” garalgal at paos ang boses niya.“Sir, good morning.” Kalmado ngunit bahagyang may kaba ang boses ni Mona, ang secretary niya. “I’m sorry to wake you up this early pero may emergency board meeting po tayo. Nine in the morning, sharp.”Napailing si Knox at napahawak sa sentido. Board meeting? At nine? Sino bang sadista ang naisipan ‘to?“What’s the emergency?” halos pabulong niyang tanong, sabay hawak sa ulo.“Sir… it’s about the Evans Seraph X.” Huminto s
Chapter 2— "The Obsessive Lover."Nakatitig si Knox Evans sa malamlam na baso ng whiskey, hawak ito na parang iyon na lang ang natitirang bagay na hindi pa bumibitaw sa kanya. Sa paligid, rinig ang ingay ng bar sa BGC—tawa ng mga taong masaya, kalansing ng baso, at bass ng musika. Pero para sa kanya, lahat iyon ay tunog hungkag. Ang tanging malakas na naririnig niya ay ang tibok ng sariling puso, mabigat at mabagal, parang pilit na humahabol sa bawat “no” na narinig niya sa mga babaeng minahal niya.Tatlong beses. Tatlong singsing. Tatlong pagtanggi.At habang gumuguhit ang alak sa lalamunan niya, isa-isa ring bumabalik ang mga mukha ng nakaraan sa kanyang alaala...Si Cassandra ang una niyang minahal nang sobra. College sweetheart, ang babaeng nakakita sa kanya hindi lang bilang “the heir to Evans Motors,” kundi bilang si Knox lang—isang batang lalaki na may ambisyon at pangarap. Noong una, siya ang balanse ng lahat sa buhay niya. Kapag sobrang stressful ang mundo ng negosyo, si Cass
CHAPTER 1– "The Third “No”Tatlong beses. Tatlong beses na siyang lumuhod, pero tatlong beses ding itinapon ang singsing niya na parang walang halaga.Nakatitig si Knox Evans sa mamahaling diamond ring na nakapatong sa mesa. Tahimik ang paligid ng restaurant kahit punô ito ng mga tao. Ang private dining area na inarkila niya ay eksklusibo para sa proposal na hindi natuloy. Ang dami pa namang bulaklak at kandila sa paligid. Pero ang lahat ng iyon ay naging dekorasyon sa burol ng sariling dignidad.Kanina lang, nakaayos lahat. Perfect timing, perfect speech. Pero ilang minuto lang ang lumipas, iniwan siya ng babaeng akala niya ay magiging asawa niya.“Knox, I can’t…” iyon lang ang sinabi nito bago tuluyang tumalikod.Humugot siya ng malalim na hininga, sabay tawa. Hindi ‘yung masayang tawa, kundi ‘yung pilit at mapait. “Three strikes. Damn. Kung baseball ‘to, talo na ako sa first inning pa lang.”Itinapon niya ang linen napkin sa mesa, kinuha ang baso ng wine, at tinungga hanggang sa m
Book 5: "UNTIL THE VOW'S TURN REAL" — Story of Knox Evans and Arielle “Elle” Santos—---SYNOPSIS:“Fake vows. Real kisses. A love neither of them expected...”For Knox Evans, marriage is nothing but a business deal.Tatlong beses na siyang lumuhod, tatlong beses na siyang iniwan. At mula noon, isinumpa niyang hinding-hindi na muling maniniwala sa salitang forever.Kaya nang dumating ang ultimatum mula sa kanyang lolo—get married or lose the inheritance—he chose the safest option, si Arielle Santos, his efficient and obedient secretary. Walang drama. Walang emotions. Just a contract.But for Elle, who grew up believing in fairy tales, the proposal felt like destiny. She said yes, thinking this was the start of her happy ending.Until she discovered the truth—she was nothing more than a clause in his will.Trapped between paper vows and her own fragile heart, Elle begins to realize that not all Prince Charmings wear crowns… and not all marriages begin with love.But what happens when t
EPILOGUE –Isang taon matapos ang kasal, nagising si Cesca sa pamilyar na amoy ng kape at sa mahinang tugtog ng playlist nilang “Sunday Slow.” Maaga pa, pero maliwanag na ang sala dahil sa floor‑to‑ceiling windows. Sa counter, nakasandal si Seiichi, naka-gray shirt at pajama bottoms, hawak ang pour‑over kettle na parang ritual.“Good morning, Mrs. Kawashima,” sambit niya, malumanay.“Good morning, love,” sagot ni Cesca, papalapit, nakayakap mula sa likod. “Anong flavor today?”“Ethiopian. Citrus, light, mellow. Para sa mabait kong asawa na nag-overtime kagabi.”“Overtime? Ako ba o ikaw?” natatawa niyang tugon.“Both. Pero mas ikaw. Halika na rito. Sip first, then kisses.”“Clause pa rin?” tukso ni Cesca, napapikit sa unang lagok.“Tradition na ‘yon,” aniya at kinindatan siya. “Kahit walang trial, meron tayong clause.”Umupo sila sa bay window. Sa baba, gumigising ang lungsod, sa mesa, may croissant, butter, at mangga na hiniwa ni Seiichi nang pantay-pantay.“Schedule natin today?” tan