CHAPTER 45 – “Civil Vows”Maaga pa lang ay gising na si Elle. Sa maliit niyang apartment, nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang simpleng pearl earrings na iniwan sa kanya ni Tita Marry. Ito ang una niyang beses na isusuot iyon muli, ngayong araw na ikakasal siya, hindi sa simbahan, hindi sa harap ng bulaklak at musika, kundi sa isang tahimik na civil ceremony.Habang isinusuot niya ang earrings, tinitigan niya ang sarili sa salamin. White blouse, beige skirt, at simpleng makeup para takpan ang bakas ng puyat. Hindi siya mukhang bride. Mas mukha siyang secretary na may importanteng meeting. Pero iyon nga ang realidad.Humigpit ang kapit niya sa clutch bag bago lumabas. Sa labas, naghihintay na si Rodel, nakasandal sa itim na SUV.“Good morning, Ma’am,” bati nito, sabay bukas ng pinto.“Good morning, Kuya Rodel,” mahinang ngiti ni Elle.Tahimik ang biyahe papunta sa Makati City Hall. Sa tabi niya, wala si Knox. Susunduin na lang daw ito mula sa mansyon. Kaya mag-isa niyang kinakalma
CHAPTER 44 – Silent PreparationsTahimik ang executive floor nang sumunod na araw. Walang ibang bakas ng gabing kasama ni Elle ang pamilya Evans, maliban sa bigat na bitbit pa rin ng kanyang dibdib. Sa labas ay normal ang takbo ng opisina, mga empleyadong abala, mga tunog ng keyboard, at ang kaluskos ng mga papel. Pero sa loob ng pribadong mundo nina Knox at Elle, may lihim na usapan at tahimik na mga hakbang papunta sa isang kasal na magaganap sa susunod na linggo.---“Good morning, Sir,” bati ni Elle habang inilapag sa mesa ni Knox ang mga folder. Nakaayos ang kanyang buhok, naka-light blue blouse at itim na slacks. Sa unang tingin, isa lang siyang secretary na nag-aasikaso ng daily tasks.“Morning,” malamig pero steady ang tugon ni Knox, abala sa laptop habang binubuksan ang calendar invites. “Confirm the call with Singapore, then set a 2 p.m. with Legal.”“Yes, Sir.”Walang emosyon, walang lambing, walang bahid ng kung ano ang pinag-usapan nila kagabi. Sa harap ng lahat, boss at
CHAPTER 43: "Dinner With The Evan's Family.”Pagdating ng hapon, tahimik na nakaupo si Elle sa likod ng sasakyan habang binabagtas nila ang daan papuntang Forbes Park. Sa tabi niya, nakaupo si Knox, nakasuot ng itim na suit, walang bakas ng emosyon sa mukha. Si Rodel ang nagmamaneho, gaya ng dati—alerto at hindi nagtatanong.Papunta sila sa dinner para sa pormal na pagpapakilala sa kanya ni Knox sa buong pamilya ni ito. Humigpit ang kapit ni Elle sa kanyang clutch bag. Ramdam niya ang kaba na parang tumitibok hanggang sa lalamunan. Ito ang unang beses na ipakikilala siya ni Knox sa pamilya nito. Sa isip niya, paulit-ulit niyang pinapaalala ang sarili na kalma lang. Professional. Smile when needed. Huwag magpahalata ng nerbiyos.Pagdating nila sa mansion, bumungad ang malawak na driveway at ang grandeng harapan ng Evans residence—malalaki ang bintana, puti ang pader, at may mga mamahaling sasakyan na nakaparada. Sa loob, sinalubong sila ng ilaw ng mga chandelier at ang amoy ng bagong l
CHAPTER 42 – ”The Answer She Chose.”Maaga nang nakabalik sa mesa si Elle, tahimik na nagre-reply sa mga email mula Singapore at Tokyo. Nasa tabi ang planner niya, bukas sa isang pahina na may naka-highlight na “4:00 PM — internal sync.” Walang nakasulat tungkol sa desisyon niya, pero iyon ang pinakamalaking appointment ng araw—hindi sa calendar, kundi sa puso niya.Humigop siya ng kape. Ramdam niya ang panginginig ng daliri, kaya marahan niyang ibinaba ang tasa at nag-deep breath nang tahimik. Kaya ko ‘to. Mula sa glass door, tanaw niya si Knox. Nakaupo ito, naka-lean sa upuan, hawak ang isang fountain pen habang nakatingin sa screen. Walang anumang emosyon sa mukha, business as usual pero sa bawat segundo na lumilipas, lalong bumibigat ang desisyong dinadala ni Elle.“Good morning, Ms. Santos.” Si Mona iyon, head secretary, bitbit ang dalawang folder.“Good morning, Ma’am,” magalang na tugon ni Elle, agad na tinanggap ang folders. “For signature po?”“Yes. And the client from Cebu m
CHAPTER 41 – Elle’s DecisionPagkababa ni Elle mula sa bus, ramdam niya agad ang bigat ng gabi. Madilim na ang kalangitan, at ang mga poste sa gilid ng kalsada lang ang nagbibigay ng liwanag. Mabagal ang bawat hakbang niya papasok sa apartment, dala ang bigat ng mga salitang iniwan sa kanya ni Knox.Pagkapasok niya, sinalubong siya ng pamilyar na katahimikan. Wala siyang narinig kundi ang mahinang ugong ng aircon at ang sariling hininga. Inilapag niya ang bag sa sofa, hinubad ang sapatos, at naupo roon. Niyakap niya ang unan, parang iyon na lang ang kayang humawak sa kanya.“Convenient.”“Safest choice.”“No feelings, no drama.”Paulit-ulit, parang martilyo na tumatama sa dibdib niya ang mga salitang iyon mula kay Knox. Habang nakaupo, tumulo ang luha niya nang hindi niya namamalayan. Ang salitang orphan na binanggit ni Knox kanina ay dumiretso sa puso niya. Totoo naman, ulila na siya. Pero ang sakit pa rin marinig, lalo na mula sa taong minahal niya.Naisip niya ang mga pagkakataong
CHAPTER 40 – The Calculated ProposalMaaga pa lang ay abala na ang buong executive floor. Tahimik ang paligid maliban sa tunog ng mga keyboard at pag-ring ng telepono. Sa labas ng glass office ni Knox, si Elle ay nakaupo, naka-blouse na kulay ivory at black skirt. Abala siya sa pagre-review ng contracts at pagtanggap ng tawag mula sa Singapore office. Kahit pagod, kalmado pa rin ang kanyang kilos, gaya ng nakasanayan.Nasa loob naman ng opisina si Knox. Nakaupo siya sa swivel chair, hawak ang ballpen, pero ilang minuto na niyang hindi nabubuksan ang papeles sa harap. Ang mga mata niya ay nakatutok sa table, pero sa isip niya’y mabigat ang iniisip. Ang ultimatum ng kanyang lolo ay parang nakaukit pa rin sa utak niya. One month. One month at kailangan na niyang magpakasal kundi mawawala ang lahat ng pinaghirapan niya.Humugot siya ng malalim na hininga, tumayo, at lumapit sa glass wall. Doon niya nasilayan si Elle, nakayuko, abala sa pagtatype, ang buhok nakalugay at bahagyang natatakpa