Share

"INTENSE HOTEL ENCOUNTER"

"OH please, Marius, slow down," nang pakawalan ni Marius ang mga labi ko mula sa mapupusok at nakakapaso nitong mga halik ay iyon lang ang nasabi ko.

"Sam, I want you right now," ang sa halip ay isinagot niya sa sinabi ko saka ako itinulak sa dingding ng hotel suite nito.

Narinig ko pa ang pagtunog ng lock ng pinto at hindi ko maintindihan kung bakit lalong nagtumindi ang init na nararamdaman ko dahil doon.

"Please, ano ka ba," ang muli ay pakiusap ko kay Marius nang maramdaman ko na unti-unti na niya akong hinuhubaran.

Hindi siya nagsalita at sa halip ay ipinagpatuloy ang ginagawa nitong paghalik sa akin.

Masyadong malakas ang boltahe ng kuryenteng nililikha ang mga haplos at halik nito sa akin at kahit hindi ko aminin, nararamdaman ko ang unti-unting pagkatunaw ng lahat ng tatag na inipon ko simula nang una kaming magkita.

Tama. 

Hindi ako magsisinungaling sa parteng iyon.

Hindi ko malilimutan kung kailan ko unang nakita si Marius dahil nang araw na iyon ay sinimulan na niya akong bigyan ng kakatwang klase ng pakiramdam na hindi ko naramdaman sa kahit sinong lalaking nagpakita ng interes sa akin noon.

Gwapo si Marius, bulag lang ang kokontra sa katotohanang iyon. Pero hindi siya ang unang gwapo na nakilala ko. Pero iba ang epekto sa akin ng mga titig niya. Kaya siguro ganito nalang ang nangyayari sa akin ngayon. Ngayong tuluyan na nga akong nasayaran ng maiinit nitong mga labi.

Napakasarap niyang humalik.

Nakakawala sa sarili. Idagdag mo pa ang lasa ng alak ng naiwan sa bibig nito kaninang magkasama kaming dalawa sa bar ng hotel na iyon.

"Samantha," anas niya sa pangalan ko habang nakatitig ang magaganda nitong mga mata sa mukha ko. 

Ang maliit  na ilaw sa dingding lamang ang nagsilbing tanglaw naming dalawa. Pero sapat na iyon upang makita ko ng husto ang pagguhit ng matinding paghahangad sa kaniyang mga mata. At sinungaling ako kung hindi ko aaminin na natuwa ako sa nakita kong iyon.

Gusto ko ang ginagawa ni Marius. Iyon ang totoo. Pero kahit sabihin mo pa na sa United Kingdom ako ipinanganak at nagkaisip, hindi ako liberated na babae. At ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng lakas ng loob na sumama sa isang lalaki sa loob ng isang pribadong silid.

Kung nadarang ako sa mga titig niya sa akin, hindi ko alam.

Kung nadala ako ng matatamis niyang mga salita, hindi ko rin alam.

Dahil ang bagay na sigurado ako, parang wala akong kakayahan na tanggihan siya? At ngayon, ngayon sa unang pagkakataon na natikman ko kung gaano kasarap ang pakiramdam na mahalikan niya. May palagay ako na manghihinayang ako kung itataboy ko siya palayo sa akin. O mas tamang sabihin na wala lang talaga akong lakas para gawin iyon, dahil ang totoo, hindi ko gusto na tumigil ito. Dahil ang totoo, gusto kong maranasan at tanggapin ang lahat ng alam kong masasarap na pakiramdam na gusto niyang ibigay sa akin at gusto niyang maranasan ng katawan ko.

Hindi ko alam kung may idea siya na ito ang first time ko. 

Siguro iniisip niya na hindi, dahil nga hindi naman ako dito sa Pilipinas lumaki. Pero hindi na mahalaga iyon, dahil sa nakikita at nararanasan ko ngayon. Nakatitiyak ako na maging si Marius ay hindi papayag na mabitin sa kung ano mang gusto nitong mangyari.

"Napakaganda mo, alam mo ba iyon, ha?" ang tanong na iyon ni Marius ang tila nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Hindi ko namalayan na nagawa na pala nitong ihulog sa paanan ko ang suot kong yellow dress. 

Hindi ko rin inasahan ang sumunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako, mariin, malalim at mapusok. Pagkatapos noon ay naramdaman ko na lamang ang sarili ko nang iangat niya ako at ihiga sa gitna ng malambot na kama.

Napasinghap ako kasabay ng napakasarap na kilabot na gumuhit sa katawan ko dahil sa ginawang iyon ni Marius. Ilang sandali bumitiw siya at iniwan ang paghalik sa akin dahil inabala naman nito ang sarili sa paghuhubad sa mismong harapan ko.

Noon ako nakaramdam ng hiya.

Iyon ang unang pagkakataon na nakakita ako ng hubad na katawan ng isang lalaki. 

At si Marius ay hindi lang basta lalaki.

Para itong Greek God dahil sa perpektong pagkakahubog ng matipuno nitong pangangatawan. Hindi na ako magtataka kung bakit halos mabaliw ako kanina habang nakakulong ako sa malalaki at matitigas nitong mga braso.

Sinuyod ko ng humahangang tingin ang kabuuan niya habang patuloy ito sa pagtatanggal ng saplot sa katawan. At nahuli niya ako sa ginagawa kong iyon kaya mabilis akong umiwas ng tingin kasabay ng matinding pamumula ng aking magkabilang pisngi.

Pero huli na ang lahat, nakita ko pang umangat ang sulok ng kaniyang labi dahil marahil sa nararamdaman niyang amusement para sa akin.

"First time?" ang agad na naitanong niya nang daluhan niya ako sa kama. Pumatong siya sa akin at noon na nga lubusang naglapat ang aming mga balat.

Nakakapaso ang init ng balat ni Marius. 

Pero sa kabila noon ay gusto ko ang pakiramdam. Tumango lang ako bilang tugon sa tanong niyang iyon saka nag-ipon ng sapat ng lakas ng loob. Noon ako nagkaroon ng tapang na haplusin ang napaka-gwapo niyang mukha gamit ang mismong mga daliri ko. 

Nakita kong humugot nang malalim na hininga si Marius sa ginawa kong iyon. Senyales na nagustuhan niya ang ginawa ako at lihim ko iyong ikinatuwa. Kaya naman ibinaba ko pa iyon saka nang-aakit na hinaplos ang mapupula at makipot nitong labi.

"Hindi iyon ang first kiss ko, pero paano mo nagawang iparamdam sa akin na iyon ang una ko?" ang naitanong ko sa kaniya sa halos pabulong na tono.

Lalong nagtumindi ang maliliit na apoy ng paghahangad sa mga mata ni Marius dahil sa ginawa kong iyon. Kaya naman hindi na ako nagtaka nang sa huli ay niyuko niya ako saka siniil ng maiinit na halik sa mga labi.

Sa pagkakataong iyon malakas ang pakiramdam na para akong nalulunod. Lalo na nang magsimula nang maglikot ang mga kamay niya na tila ba naghahanap kung anong kayamanan o hiyas sa kabuuan ko.

Napapaungol ako at hindi ko mapigilan.

Sa lahat ng mainit.

Sa lahat ng nakakapaso.

Ang mga haplos at halik ni Marius sa balat ko ang pinakapaborito ko. Kaya siguro nagkaroon narin ako ng ideya kung paano at ano ang dapat kong gawin para bigyan rin siya ng mainit at nakaliligayang pakiramdam, katulad ng ibinigay niya sa akin nang mga sandaling iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status