"NINONG MARIUS!" iyon ang pamilyar subalit maliit na tinig na narinig ni Marius habang naglalakad siya sa isang mall. Pagkagaling kasi niya sa trabaho ay dito siya nagtungo para bumili ng mga kailangan sa isang bookstore.
"Ninong! Ninong Marius!" noon na nga sinimulang hanapin ng binata ang tinig na talagang nagdala ng kakaibang haplos sa damdamin niya.
"Andrea?" nang mamataan ang isang batang ngayon ay tumatakbo palapit sa kanya at nagmula sa loob ng isang toy shop ay maluwang na napangiti ang binata. "Andrea, baby!" aniyang tumalungko at mahigpit na ikinulong sa mga bisig niya ang batang babae na sa loob ng buwan ay pinananabikan niyang makita pero pinipigilan niya.
"Sinong kasama mo?" ang agad niyang naitanong nang bumitiw mula sa pagkakayakap sa kaniya ang bata.
"My Tita Sam!" ang masiglang sagot ng bata saka nilingon ang likuran napinanggalingan nito kanina.
Noon mabilis na parang huminto ang mundo ni Marius nang mamataan ang aminin man niya o hindi ay siyang pinakamagandang mukha na nasilayan niya. Hindi niya alam kung bakit pero iyon ang totoo at ayaw niyang magsinungaling sa sarili niya, o mas tamang sabihing hindi niya kayang magsinungaling sa sarili niya.
Napakaganda nito sa suot na simpleng tan na t-shirt at kulay lumot na walking shorts na ang haba ay parang binigyan lang siya ng pagkakataon mamalas ang pinakamagaganda at makikinis na hita at mahahabang binti na nakita niya sa buong buhay niya.
Maganda, napakaganda. At lalong naging kaakit-akit ito sa paningin niya dahil sa brown at kulot nitong buhok. Matangos ang ilong, makipot na labi na pinahiran ng manipis na lipstick at makinis at maputing kutis. Napansin niyang malaki ang pagkakahawig nito kay Andrea kaya agad na nagkaroon ng paghihinala ang binata.
"Hello" ang dalaga nang makalapit ito sa kanya.
Sa simpleng outfit nito ay talagang parang nawawala na siya sa sarili niya. Napakaganda ng katawan nitong balingkinitan at bumagay sa taas nito na marahil ay nasa pagitan ng five-six to five-eight. Naka-doll shoes lang ito pero matangkad itong tingnan dahil sa mahahaba nitong binti na perpekto ang hugis.
Mabilis na gumana ang isipan ni Marius. Ngumiti siya sa babae saka inilahad ang kamay rito. "Hi, Marius, Ninong ako sa binyag ni Andrea" pagbibigay alam niya saka hindi napigilang bigyan ng isang marahang pisil ang maliit at malambot na kamay ng babae.
Tumawa ito ng mahina saka sa matalinong paraan ay binawi ang sariling palad mula sa kaniya. "Sam, Samantha Scott. Kapatid ako ni Andrew, nabanggit na nga ni Lana sa akin ang tungkol sa'yo at masaya akong makilala ka" naramdaman niya ang sinseridad sa tono ng magandang babae at lihim na ikinatuwa iyon ng binata.
"Di ba Ninong Marius my Tita Sam is beautiful?" si Andrea na kinabakasan ng pagmamalaki sa tono.
Narinig niya ang pino ang mahinang tawa na pinakawalan ni Sam at nagustuhan niya iyon. Pagkatapos ay nakangiti niyang hinarap muling si Andrea saka sinagot ang tanong nito. "Yes, very beautiful baby, magkamukha kayo kaya pareho kayong maganda" pagsasabi niya ng totoo.
Sa sinabing iyon ay agad niyang binigyan ng isang malagkit na titig si Sam na nakita niyang naging dahilan ng mabilis na pag-ilap ng mga mata nito kasabay ng mabilis na pamumula ng mga pisngi. Noon agad na sinamantala ni Marius ang pagkakataon.
"Pauwi na ba kayo?" aniyang nanatiling kay Sam nakatingin.
Nakita niyang kumibot ang makikipot at mapupulang labi ni Sam. "A-Actually kakain kami ni Andrea, nagugutom na raw siya eh."
Parang musika sa pandinig ni Marius ang narinig niyang panginginig sa boses ng magandang babae kaya muli sinamantala na naman niya iyon. "Good, nagugutom rin ako. Okay lang ba kung sasama ako sa inyo?"
Si Andrea ang mabilis na sumagot sa tanong niyang iyon nang may excitement sa tinig. "Yes Ninong!" anito.
Tumawa ng mahina si Marius saka tinitigan muli ng malagkit si Sam. "Well?" aniya sa tono na alam niyang mababalisa ng husto ang babaeng kaharap at hindi nga siya nagkamali.
"O-Okay" anitong tipid siyang nginitian pagkatapos.
Sa isip ni Marius habang sinisundan niya sa paglakad ang magtiyahin ay unti-unti naring nabubuo sa isipan niya ang isang plano na alam niyang magtatagumpay siya.
"Gaganti ako Andrew. At titiyakin ko na masasaktan ka sa gagawin ko" ang likurang bahagi ng isipan niya.
"MABUTI naman at pumayag ka nang makipagkita sa akin ngayon" si Lana na maganda ang pagkakangiting iniabot ang wedding invitation kay Marius.
Ngumiti ang matalik na kaibigan niya saka iyon tinanggap. "Mahalaga sa akin ang pinagsamahan natin Lana. Mahal ko din si Andrea, enough na ang lahat ng iyon para isantabi ko ang kung anumang nararamdaman ko para sa iyo" sagot ni Marius.
Nagkibit ng balikat niya si Lana saka tumawa ng mahina. "May makikita kang mas higit sa akin, alam ko iyon. Mabait ka at gwapo, matalino, ang lahat nalang nasa iyon, siguro hindi lang talaga natuturuan ang puso kaya hanggang doon lang ang kaya kong ibigay para sa'yo" sagot ng dalaga.
"Partner ko pala ang kapatid ni Andrew?" amusement ang naramdaman ni Lana sa sinabing iyon ng matalik niyang kaibigan.
"Oo," aniyang dinampot ang tasa niya ng kape saka humigop. "nasabi nga niya sa akin na aksidenteng nagkita pala kayo noong isang buwan?"
Tumango-tango si Marius. "Oo, napakaganda niya. Kamukhang-kamukha ni Andrea" hindi nakaligtas sa pandinig ni Lana ang matinding paghanga sa tono ng pananalita ni Marius.
"Crush mo?" tukso ni Lana nang hindi makatiis.
Noon siya tinitigan ng tuwid sa mga mata ni Marius. "Okay lang ba kung pormahan ko siya kung sakali? What do you think? Bilang hipag niya, gusto mo ba ako para sa kanya?"
Pumalatak si Lana. "Huwag kang sa akin magpaalam, kay Sam mo sabihin iyan," aniyang hindi napigilan ang mapahagikhik.
Mahinang tawa ang naglandas sa lalamunan ni Marius saka inubos ang lamang kape ng tasa nito. "I have to go, may tinatapos pa kasi akong trabaho" anitong tumayo na pagkatapos.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho," paalala pa niya na tumayo saka hinalikan sa pisngi ang binata.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Marius.
Umiling siya. "Mamayang kaunti, susunduin ako ni Andrew" sagot niya.
Tumango lang si Marius saka na siya iniwan.
"OH please, Marius, slow down," nang pakawalan ni Marius ang mga labi ko mula sa mapupusok at nakakapaso nitong mga halik ay iyon lang ang nasabi ko."Sam, I want you right now," ang sa halip ay isinagot niya sa sinabi ko saka ako itinulak sa dingding ng hotel suite nito.Narinig ko pa ang pagtunog ng lock ng pinto at hindi ko maintindihan kung bakit lalong nagtumindi ang init na nararamdaman ko dahil doon."Please, ano ka ba," ang muli ay pakiusap ko kay Marius nang maramdaman ko na unti-unti na niya akong hinuhubaran.Hindi siya nagsalita at sa halip ay ipinagpatuloy ang ginagawa nitong paghalik sa akin.Masyadong malakas ang boltahe ng kuryenteng nililikha ang mga haplos at halik nito sa akin at kahit hindi ko aminin, nararamdaman ko ang unti-unting pagkatunaw ng lahat ng tatag na inipon ko simula nang una kaming magkita.Tama. Hindi ako magsisinungaling sa parteng iyon.Hindi ko malilimutan kung kailan ko unang nakita si Marius dahil nang araw na iyon ay sinimulan na niya akong bi
ANG sumunod na mga nangyari ay hindi ko na lubusang napansin. Nawala ako sa sarili ko dahil sa paraan ng pagsuyo ng mga labi ni Marius sa mga labi ko. Dahil gaya ng sinabi ko, napakasarap niyang humalik. Napakahusay humaplos ng mga labi nitong parang wala yatang balak na pakawalan ang sa akin. Noon ko literal na naranasan ang pangapusan ng paghinga. Dahil sa pusok ng mga halik niya, hindi ko alam kung ilang beses ako humangi ng malalim sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataon na sumagap ng hangin kapag nagkakaroon ng kahit maliit lamang na espasyo ang mga labi naming dalawa.Lalong nag-init ang nararamdaman ko nang hawakan ni Marius ang dalawang kamay ko saka niya iyon inilagay sa ibabaw ng ulo ko. Ganoon pala iyon, may mga ayos o posisyon na sa nakapag-iinit ng pakiramdam. At lalong nagtumindi iyon nang ang isang kamay naman niya ang naramdaman kong pumiga sa hiyas na nasa pagitan ng aking mga hita.Umungol ako dahil sa naramdaman kong malakas na boltahe ng sensasyon na gumuhit sa k
NANGINGINIG ang buong katawan ko dahil sa matinding sarap. O hindi ko alam kung sapat ba ang salitang iyon para ipaliwanag kung gaano katindi ang epekto sa akin ng ginagawa ng daliri ni Marius.Hindi ako naive sa ganoon mga bagay. Dahil kailangan kong aminin na may mga pagkakataon na nakapanood ako ng mga pornographic videos. At ngayon ko lubusang naunawaan kung bakit ganoon nalang ang epekto ng mga babaeng porn stars na nakikita ko noon. Talaga nga palang napakasarap ng ganito at ako santa para sabihing hindi ko na ito uulitin.Aware ako na maraming beses pa itong mangyayari. At open ako sa possibilities dahil ang totoo may bahagi ng pagkatao ko ang ginising ni Marius na alam kong sa kaniya ko lamang kayang ibigay. Oo, iyon ang totoo. At alam ko rin na sa kanya lamang ako magiging tuluyang mahina. Sa kaniya lamang ako paulit-ulit na bibigay.Naputol ang pag-iisip ko nang maramdaman kong binigla ni Marius ang sumunod na pagpasok ng daliri nito sa aking pagkababae. Umungol ako at hindi
KATULAD ng sinabi ni Marius sa akin, sinubukan niyang maging marahan. Totoo naman iyon, naging marahan ang paggalaw nito pero naroroon parin ang panunukso. Lalo nang maramdaman ko ang ari niya na nasa unahan na ng aking pagkababae.Hindi pa man iyon tuluyang nakakapasok ay ramdam ko na ang hindi maipaliwanag na sensasyon at masarap sa buong katawan ko. Hanggang sa unti-unti, nararamdaman ko na ang tila ba humihiwang sakit sa ibabang bahagi ng aking katawan. Masyadong malaki at makisig ang pagkalalaki ni Marius at iyon ang isa sa mga dahilan kaya naging mas masakit ang nararamdaman ko. Nanginginig ang mga kamay na kumapit ako sa kaniyang mga braso habang patuloy ito sa tila ba panliligaw sa pagkababae ko upang tuluyan iyong makatuloy doon."M-Marius," ang nasambit ko kasunod ang isang mahinang paghikbi. Hindi ko narin napigilan ang pag-agos ng aking mga luha dahil sa habang tumatagal ay lalong nagtutumindi ang sakit na nararamdaman ko.Noon ako niyuko ni Marius saka hinalikan sa akin
Andrew and Lana's Wedding..."LET'S go sweetie, hayaan muna natin si Mommy mauuna na tayo sa church para hintayin doon si Mommy," ang malambing kong paliwanag sa pamangkin kong si Andrea na nang mga sandaling iyon ay ayaw talagang iwan ang ina nitong si Lana na hindi pa tapos ayusan ng stylist na kinuha ng kuya kong si Andrew."Pero Tita Sam gusto kong samahan si Mommy," giit ni Andrea na sa kabila ng pagtanggi nito ay nagawa paring iabot sa akin ang maliit niyang kamay.Natawa ako ng mahina saka nakangiting sinulyapan si Lana na tahimik na nakikinig lang sa usapan namin ng kaniyang anak. "Si Daddy nalang muna ang samahan mo tapos si Mommy sasamahan ni Lola," ang tinutukoy ko ay ang tiyahin ni Lana na si Mama Cecille.Noon ko nakitang lumabi ang maganda kong pamangkin. Kahit hindi naman sabihin obvious na photocopy ko ang batang ito. At kapag tinitingnan ko siya parang tinitingnan ko ang batang version ng sarili ko."Mauna na kami," paalam ko kay Lana kasabay ng isang simpleng senyas
"WHAT do you think you are doing?" ang naiinis kong bungad kay Marius nang makalapit ako sa kaniya. Sinadya ko talagang ipakita sa kaniya ang inis na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko kasi isa akong daga na na-corner ng isang pusa at si Marius ang pusa na iyon. Pero sa halip na maapektuhan sa pagtataray na ginawa ko ay matamis pa niya akong nginitian, pagkatapos ay niyuko at saka dinampian ng simpleng halik sa pisngi bilang pagbati. "Pauwiin mo na ang driver mo, ihahatid nalang kita kung saan mo man gustong umuwi ngayong gabi," ang sa halip ay isinagot niya sa akin saka na nagpatiuna sa pagbubukas ng pintuan ng passenger side ng kotse nito. Noon lalong nagtumindi ang iritasyon na nararamdaman ko para sa kanya. Pero kahit naiinis ako sa kanya, bakit ba para akong wala sa sarili ko na humakbang at sumakay sa kotse nito. Pagkatapos noon ay tinawagan ko pa si Mang Poldo para sabihan itong mauna nang umuwi dahil sumama akong mag-dinner sa isang kaibigan. "So, saan mo g
TUNOG ng cell phone ko ang gumising sa akin kinabukasan. Agad ko iyong dinampot upang tingnan kung sino ang nag-text. Para lang matigilan nang makita kong si Marius iyon. “Ang aga naman,” ang reklamong kumawala sa mga labi ko saka nagbuntong hininga at bumangon. Alas-singko na rin naman ng umaga kung tutuusin. Pero inunahan pa ni Marius ang alarm clock ko kaya medyo nainis ako. At dahil nga inis ako ay hindi ko siya ni-reply-an sa pagbati niya sa akin ng “good morning”. Although deep in my heart, alam kong napakilig niya ako kahit na papaano. Pero mas nangingibabaw lang talaga sa akin ang inis na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Dahil una sa lahat pagod na pagod pa rin ako at gusto ko pang matulog. May thirty minutes pa ako kung tutuusin. Pero dahil nga sa si Marius na ang nagmistulang alarm clock ko. Wala ng sense kung babalik pa ako sa tulog ko. Nagtuloy na ako sa banyo para maligo. Alam kong busy na sa kusina ang mga kasambahay na naghahanda ng almusal. Well, mainam na r
“WALA ka bang pinagkakaabalahan sa buhay at ako ang palagi mong napagti-tripan ng ganito?” Nang makabawi ako sa sinabi niya ay iyon ang nasambit ko. Hindi pa rin nagbabago ang tono ko. At dahil nga hindi sa akin nakatingin si Marius, kahit pa naiinis ako sa kanya ay nagkaroon ako ng chance na pagmasdan siya kahit na papaano. Well, at least maitatago ko iyon o mas madali kong maide-deny dahil sa pagsaalubong ng mga kilay ko. “Sa totoo lang sobrang busy kong tao, Sam,” ang maikling salitang isinagot sa akin ni Marius. “Ganoon naman pala eh. Bakit parang ang dami mong time?” tanong ko ulit sa kanya. Pilit na iniignora ang posibleng ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi. “Alam kong alam mo kung bakit ako nagkakaganito, Sam,” aniyang sandali akong sinulyapan kasabay ng pag-angat ng makakapal nitong mga kilay. Sa totoo lang, bulag lang ang hindi hahanga sa angking karisma at kagwapuhan ng lalaking ito. Aminado naman ako doon kahit kung tutuusin ay sanay ang mga mata ko sa mga gwapo